i have been reading posts here about married life esp yun topic ng womanizing,, alam ko marami taung mga babae na nag sa suffer dahil sa other woman,, nun una nagkakasya lang ako makabasa ng mga stories, insights about the situation,,pero today sobrang bigat ng kalooban ko,, pakiramdam ko laruan ako,, sobrang pinaglalaruan ng mga taong ito ang pakiramdam ko,, walang awa, walang konsensya,,
ok naman ang samahan namin mag asawa,, been married for almost 9 yrs na with 2 kids (7,1 yo both boys) and they are promising... hanggang sa dumating ang isang araw na naramdman ko na lang may iba sa kilos ugali ni hubby,, he started to act like hindi sya,, ramdam na ramdam ko may tinatago sya,, till nahuli ko nga, thru text,, when i first caught them thru text it was april 2013,, mag iisang taon na nila ko gnagawang laruan,,
1st caught - nagsorry si hubby,, wala lang daw yun,, wrong send lang daw,, i communicated to the girl, sobrang tapang nya,, pathetic miserable wife daw ako,, kinalimutan ko yan,, naniwala ako na wrong send nga kahit sa isip ko hindi namn totoo yun,,
ang lakas ng pakiramdam ko,, tuloy tuloy pa din sila,, at confirm ko na alam ng babae na may asawa ang 2 anak na si hubby pero tuloy pa din ang pagpatol nya,, since i got the number of the girl, i kept texting her, una nakikiusap ako na tigilan na nya sana pagpatol k hubby,, hanggang sa deadma sya,, at naging palaban sa mga text messages ko,, in short, di ko sya napakiusapan,, at si hubby super deny pa din na wala, pero tuloy tuloy pa din sila,,
there's this one instance na nakita ko sa facebook ang street ng hauz ng babae,, i went there one time nun sobrang pakiramdam ko na andun si hubby,,to my surprise andun nga sya,,sinugod ko sila at pinagsasampal ko si hubby,, pero ang girl di ko sinaktan kasi baka ako pa ang kasuhan nya,, nakipagusap naman sakin ang girl - nagusap kami ng maayos at nangako sya na lulubayan na nya si hubby (that was sept 2013),,
dumaan ang oct, nov, dec, jan, feb at ngaun march,, ganun pa rin,, ang dami ko instances na nahuli ko sila sa messages sa cp,, ayaw nila ko tigilan,, marami na time na di ko na pinapatuloy si hubby sa house, sabi ko magsama na sila,, during those days, nagmamakaawa sakin si hubby, nag so sorry,, pero alam ko na kahit mag sorry sya tuloy tuloy pa din sila,, lahat ng occasions namin malungkot, pasko, new year, bdays namin, lahat yun mga araw na yun matindi ang kinikimkim kong sama ng loob,, but hubby kept on coming back to me,, pero tuwing mangyayari yun may mga instances na mahuhuli ko pa din sila,,
ngaun month na ito ang pinakamalala,, nakipag communicate sakin si girl na tapos na daw sila ni hubby na nag swear pa sya na di na daw sya ang girl ni hubby,, nag sorry sya sakin and all,, naniwala din ako,, na maaring ibang babae na nga ang kinalolokohan ni hubby,, hindi na sya,,pero one day, nahuli ko na naman sa cp messages na sila pa din pala,, sobrang sama at sinungaling nla pareho,, masaya sila na niloloko nila ko,, nagalit ako ng todo sa girl dahil pinaikot nya ko pinaglaruan,, at lumabas na ulit ang tunay na kulay ng girl, matapang na matapang sya,,resemblance ng isang tunay na kabit,, ang dami namin naging palitan ng maanghang na sila,, katapusan nagmakaawa pa din ako sa kanya na layuan na si hubby,, ang sabi nya sakin,, hindi sya Diyos para pagmakaawaan ko,,,
alam ko na si hubby din ang may malaking problema dahil kung paulit ulit nila to nagagawa,, syempre gusto nya ang babaeng ito,,nung week na to,, pinaalis ko ulit si hubby,, pero this time,, di na sya katulad ng mga una naming ayaw na todo hingi sya ng sorry,, this time naramdaman ko na tanggap na nya na ganito kami,, na prang nag enjoy na sya na di sya umuuwi,, (ang alam ko dun sya tumutuloy sa bahay ng lola nya) pero di ko lam kung san sya tumutuloy all the time,,,
kagabi ang last na eksena na ise share ko dito,, minadaling araw ako umuwi dahil nag unwind ako,, syempre hindi naman kami ok,, so natural na di ko sasabihin sa kanya,, pero dumaan sya kagabi sa hauz, nalaman nya na wala pa ko ng hauz ng 12mn,,galit na galit sya sakin,, hinanap nya ko sa mom ko at sa mga ofcemates ko,, galit na galit sya at sinabi pa sakin na ako daw lumandi daw ako,, inintay nya ko sa hauz till makauwi ako,,,
nun nakauwi ako,, mahinahon na sya,, nagsorry sya ulit,, pero ramdam na ramdam ko na hindi sya buo,, sinabi nya sakin na may phobia na sya baka palayasin ko ulit sya, so sabi nya na di muna sya mag stay sa hauz,, gusto daw nya bumawi sakin pero di nya lam kung pano,, he felt so down daw at lost daw sya,, ano ibig sabihin nun? di ko na sya maintindihan dahil kung gusto nya maayos ang pamilya namin,, napaka daming paraan para bumawi at ayusin ang isang pamilya,, pakiramdam ko iba na un path na gusto nya,, ibang iba na sya,,,
gusto ko din pala i kwento un instances na parang ayaw na nya magpa picture ng sweet with me,, at i po post sa fb,, nagagalit un kabit nya,, nun ash wednesday, may mga pictures kami na dinelete nya sa cp ko,, sobrang galit ko at dun ako sumabog ulit at pinaalis ko sya ng house,, pakiramdam ko ako ang ginagawa nyang kabit na di din ako pwede mag post ng sweet nothing natin sa fb dahil makikita ng kabit nya at mag aaway sila,,, sobrang naawa ako sa sarili ko,, sobra na mga gnagawa nya sa pamilya namin,,
sorry napahaba,, sana ma enlighten nyo ko mpayuhan dahil sobrang gloomy na ng pakiramdam ko,, sobra na kong nasasaktan,, nasaktan ako dahil sa mga binibitawan nyang salita, wala syang plano to completely heal our family,, di nya kaya talikuran ang kabit nya,, at si kabit kahit alam nya na nakakasira sya ng pamilya tuloy tuloy pa din sya,,,,,
sobrang down ako,,,
______________________________________________________________________________
RESPONSE:
hello sa mga sisses na nag reply na sa thread na ito,, i really appreciate your responses,,, dito na lang ako sumagot kasi i tried to click on reply error has occured, sana po payagan ng moderator at sana po mapansin nyo ang response ko..
Alam nyo kagabi while i was driving home,, sobrang di ko napigil, napahagulgol ako sa sobrang meltdown, i felt so alone and sad sa lahat ng mga nangyayari sa buhay namin,, di ko kasi ma imagine na hahayaan ito ni hubby na maging ganito kalala,, i felt that he is gone,, i felt that what he only cares about is his girl,,, i dont know what's going on with them,,,the girl never tried to communicate na din sakin,,,
to be honest, in my heart right now, i'm longing for the old him that i know, yung dating hubby that i used to have, sweet thoughtful and mabait sa pamilya lalo sa mga anak nya,, hurt na hurt ako kasi nawala na yun,,
kahapon, nagpaparamdam sya sakin through text, wala ako gana mag reply, wala syang ka effort effort na bumawi sakin,, self serving sya, madamot, kung ano gusto nya un lang ang importante,, last night, midnight, he went home, sabi nya kung pwede daw ba sya sleep sa house, ewan ko ba why bigla akong naging malambot na naman, i promised myself na maging matigas kahit papano,, kaso sa puso ko, na feel ko na kelangan ko sya papasukin,, so i let him in,, wala lang, tumabi lang sya sakin, umakap at natulog, hanggang makapasok ako ng ofce wala tulog lang sya,,
today, wala sya masyado text kundi ingat pagpasok at mag lunch na daw ako,, he usually fetch panganay namin sa school ng 3pm,, and now after he fetched james, ayun umalis na ng bahay, may gagawin daw sya,, may sisingilin, of course, kasinungalingan yun di bah,, magkikita na naman sila ng kabit nya,, at ito durog na durog na naman ako,, the situation just says in front of me na wala akong kwenta, mas priority nya yun kaya dun sya pupunta,, di ko matanggap yung sitwasyon at ito mega melt down na naman ako,,di ko ma control,, its pouring at now parang kong pinagbagsakan ulit ng langit at lupa... sobrang pahirap na sa kalooban,,,
gustong gusto ko na makipaghiwalay, kasi kaya ko naman, financially independent naman ako,, kaso di ko alam if i am emotionally ready,, alam na alam ko sa sarili na hindi ako ready.. HINDI KO PA KAYA MAG MOVE,, at galit na ko sa sarili bakit hindi ko kaya!! bakit may puwang pa sa puso ko na naiisip ko na pwede pa magbago ang lahat,, umaasa pa ko na maayos pa din kami,,,
sabi nga ni sis aqua, i have to set a deadline, hindi ko alam how to set this,, how? i am trying to look best in front of ofcemates and friends na di alam ang situation ko,, but for all i know baka nahahalata na din nila na may napakabigat akong dinadala,,, sobra sobra na itong pasakit na ito,, gusto kong ipagtanggol mga anak ko,, paano? gusto kong i restore sa dating sya si hubby,,, paano? gusto ko maibalik yung dating saya ng pamilya namin, paano? sa ngaun lugmok na lugmok ako, at ang gusto ko lang gawin ay humagolgol lang ulit,,,
___________________________________________________________________________________
ANOTHER RESPONSE:
weekend has passed,, nun friday,, sobrang melt down ako at naisip ko puntahan yung place ng babae at dadalhin ko ang 2 kids ko para ipamukha man lang sa partido ng babaeng yun na ito ang mga anak ng lalaking inagaw nya/ninakaw nya,,, sobrang gusto gusto ko gawin ko,, pero nahimasmasan ako, may isang kaibigan akong tinawagan para magpa advise kung tama ba yung gagawin kong step,, sabi nya, ayaw nya daw na gawin ko yun, ang mas mabuti pa ay spend ko na lang time ko with my kids at mag enjoy,,
so that friday night, umuwi ako at sinundo ko kids ko, we went out for a dinner at nag coffee shop din kami.. naramdaman ko na kahit papano may relieving yung ginawa ko kesa pumunta sa lugar ng masamang babaeng yun,, almost 10pm na ng magparamdam sa kasambahay namin si hubby, syempre sa ganito ganyan daw sya galing,, alam ko naman na puro kasinungalingan yun,, then sumunod sya sa coffee shop,, nakita ko sa kanya na ibang ibang iba na sya,,, pero nagtataka ko sa sarili ko kasi less hurt na,, manhid na kaya ako? sobrang pagod na ko...
nag saturday, nag sunday, he spent his time with us,, ganun naman talaga sya, pag weekend he make sure samin pa din talaga ang oras nya,, but i know for a fact na tuloy tuloy pa din sila ng kabit nya...nakita ko sa mga anak ko ang enjoyment lalo na sa panganay ko na complete ang family nya,,,,sunday nagsimba kami, habang nag pe pray ako binulungan ako ni hubby sabi nya,, "mahal na mahal kita" hinawakan ko lang face nya,, di ako nagsalita...
yung kaibigan na tinawagan ko, nag advise sya sakin,, na maghintay hintay ako,, nakinig ako sa kanya,, and now IM SETTING A DEADLINE,, 9 MONTHS,,, yung ang number na binitawan sakin ng friend na tinawagan ko,, 9,,, so meaning, this year,, eto ang deadline ko,,
alam na alam ko na sila pa din ng kabit nya,, instinct, at ramdam na ramdam ko pa din,, 9 mos ang ibibigay ko para sa pamilya namin,, ni re ready ko din sarili ko sa lahat ng mga mangyayari,,,
today, monday, syempre di ko alam ulit ano mangyayari sa araw nya,, di ko na muna sya pakikialaman,, naka focus ako sa 9 mos,,, alam nyo sisses, ang prayer ko dati ay sana maglaho na sa buhay namin yung kabit nya,, ngayon,, hinihiling ko sana na si hubby ang makakita sa mga kasalanan at pagkakamali nya,,,actually di ko alam kung tama itong mga ginagawa ko,, pero sa puso ko,, parang tama na bigyan kami ng 9 mos,, 9 mos na sana makayanan ko, magtiis magpasensya,,
minsan tinatanong ko,, may mga kabit ba na nagbago? totoong humingi ng tawad? kasi itong kabit ng asawa ko,, sa lahat ng alam kong story ng pangangabit,, itong kabit nya ang pinakamasama,, kaya di ko na pinagdarasal na sya ang lumayo,,,, sana si hubby,,, ewan kung katangahan nga talaga,, pero 9 mos,,, aasa ako,, sana magbago,, pero kung hindi,, ihahanda ko na ang sarili ko,,
sa ngayon mas lighter ang mood ko,, iniiwasan ko isipin kung nasan sya at ano ginagawa nya,, umaasa ako na makunsensya pa sana sya,,, hayyy ang hirap,, pero pino focus ko sarili sa 9 mos......may pag asa pa kaya kami? may mga story ba tayo dito na ang hubby nagbago pa din? hayyyy....
i made toydoll my username, kasi i felt like the same,, laruan...