watch now

Author Topic: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?  (Read 13191 times)

enelym

  • Guest
May pagkapilyo ang anak ko… sa away bata mas malaki ang chance na sya ang nagsimula… ang gusto ko lang naman pag pinapagalitan ko na, ako na lang yung magagalit, ayoko yung mas malakas pa yung boses ng hipag ko o ng mommy ko sa akin kase pinapagalitan ko na nga eh… mali ba ako? :-(

evilwoman

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #1 on: March 13, 2014, 12:56:06 pm »
^nope.especially if pati hipag mo nakikisali sa sermon.baka mastroke ako sa inis nya.may i know kung nakikipisan kayo sa parents nyo (same with hipag).i have a feeling kasi na ganoon nga kaya feeling entitled sila na sumali sa pagdidisiplina ng bata.

enelym

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #2 on: March 13, 2014, 02:17:39 pm »
Actually yung kids namin ang madalas mag away… pare pareho kase kaming may pwesto sa palengke… kanya kanya kami ng biz… pag ang anak nya may kasalanan pinagsasabihan ko lang ng mahinahon… di galit at malakas ang boses ko na tulad nya if it's the other way around naman… pag nakaharap sya di na ko kumikibo kase nandun naman na sya para bumawal… ni hindi ko pinagtataasan ng boses anak nya kahit gigil na rin ako… pag kase may kasalanan ang anak ko gusto ko pagalitan sya ng walang ibang tao para di mapahiya kase baka lalo magrebelde kalooban, may pagkamakulet na nga kas e… sobrang nainis lang ako kahapon kase yung isa naman nyang pamangkin niloloko ng anak ko… kunwari papaluin ng anak ko yung ate nung bata… iiyak yung bata… so binawal ko… ang anak ko di pala huminto… nainis yung bata, sinipa sipa yung anak ko… ang anak ko naman hinuli paa nung bata saka hinawakdn nya nakataas… umiyak yung bata kaya napatakbo agad ako at pinagalitan ko na kahit maraming tao… pinagagalitan ko na nga umentra pa ang hipag ko na mas malakas pa ang boses saken… so huminto na ako kagagalit kase may mas galit na eh… lunch time yun… dumating ang 3pm, heto naman tatay nung bata… bat daw sinipa sipa ng anak ko yung anak nya… yung anak ko tinatanong… naiba na kwento… di na lang ako kumikibo… so tinakot na lang nya anak ko na pag pinaiyak pa ulet anak nya isasako daw nya anak ko… di na ako kumibo kase nauna anak ko eh… around 5-6pm heto naman nanay ng hipag ko… sabi sa anak ko, "wag mo pinapaiyak si ano ha! Pag natyempuhan kita sasakalin na lang kita eh"… ako naririndi, kulang na lang kuyugin ang bata… kelangan ba halos lahat sila… baka pag may minsan pa ako marinig sumabog na ako sa inis o_O

evilwoman

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #3 on: March 13, 2014, 02:26:18 pm »
^oh well..ibig lang sabihin di sila nahihiya sa iyo at wala din silang tamang asal.tama ba namang pumatol sa bata.. :( baka pwede sis na iwasan mo na isama sa palengke ang bata.re hipag mo,mukha mas ok kung asawa mo kakausap sa kapatid nya.kung akin lang yan e pangit na bitaw ng salita sa bata (like isasako) magkakabaranggayan na yan.pero ako lang yan.sensitive kasi ako sa ganyang bagay.

Priceless

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #4 on: March 13, 2014, 02:39:45 pm »
^^Baka naman hindi nila naintindihan yung silence mo and they thought na hindi mo pinagalitan/sinuway/pinagsabihan ang anak mo. You could say next time "tama na, pinagalitan ko na at pinagsabihan ko nang wag uulitin. Nag sorry na nga" instead of staying silent. Kasi they might think na kinukunsinti mo yung pagiging pilyo ng anak mo and hindi mo kayang i-control sarili mong anak so since anak nila ang nasaktan they think na sila ang dapat mag tanggol sa sarili nilang anak (which I think normal reaction for any parent) - kahit na may kasalanan ding ginawa yung kabilang bata.

That said, I think responsibilidad ng mga magulang na disiplinahin ang sarili nilang anak.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #5 on: March 13, 2014, 03:06:15 pm »
naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?


ofcourse YES, like sis evilwoman very sensitive din ako pag dating sa mga anak ko.  Para sa akin wala silang karapatang pagalitan ang mga anak ko kundi ako lang at si hubby ang pwede :)  lalo na ang hiyain sa ibang tao o kapwa pinsan pa kasi traumatic yun sa mga bata... katwiran ko hindi sila naghirap ng 9mos at nagluwal sa mga kids ko :) sa amin nila sabihin kung may mali kids namin at kami ang susuheto.... ganun din ako pag may mali sa mga anak nila never kong pinagalitan anak nila pero pinaaalam namin sa parents nila... kasi iisang compound kami halos ng mga inlaws ko... onetime pinagalitan ng pamangkin ni hubby yung mga anak ko as in sinita at very loud tone dahil dami raw basura kung pwede daw itapon sa basurahan ng ayos e andun lang ako and in the first place hindi naman anak ko may gawa kundi yung pusa kinalkal ang basurahan... hindi ako kumibo i texted may hubby, sa kanya ako nagsumbong si hubby na kumausap sa pamangkin niya (cousin na matanda ng mga anak ko) then kinahapunan nag sorry naman sa ginawa niya sa mga anak ko... sakit kaya sa feelings ng makarinig ka na pinagagalitan ang anak mo ng iba :(  hindi ko kasi ugali ng makipagsabayan ng sigawan mas mainam mag usap ng ayos agad... para wala din samaan ng loob  ;)

enelym

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #6 on: March 13, 2014, 03:46:20 pm »
^^sis yung kapatid ko ang asawa nya… i'm a single mom kaya baka nga kako i'm just being sensitive at nagiging overprotective sa anak ko.

^Sis kahit naggagagalit na nga ako sa anak ko sumasapaw pa hipag ko… nananahimik lang ako na di na pinapangatwiranan pa sa kanila anak ko kase parang sarado na sila dun… ayoko ng gulo lalo na away bata pa pagsisimulan… normal reaction sa magulang na magalit pero yung maghapon na pagsabihan ang anak ko,  oa naman na yata yun

evilwoman

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #7 on: March 13, 2014, 03:56:30 pm »
^ a so isa din pala sa salarin ang kapatid mo..kasama sa sumugod e..sino matanda sa inyo?kung ako mas matanda e baka nakutusan ko na kapatid ko.alam mo di rin maganda epekto sa bata na susugurin ng ibang tao na wala ka lang kibo.masakit sa loob sa totoo lang.baka naman pwede kahit walk out kayo pag sumugod e magawa nyo?ask mo din parents mo kung matutulungan ka nila.kung makaasta naman kasi mga yun kala mo palamunin kayo. :(

BDJ

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #8 on: March 13, 2014, 03:58:47 pm »
Preggy pa lang ako and first time magkakaroon ng anak. Ang masasabi ko lang case to case basis at kung paano siya pinagagalitan, kung sinong tao, at kung bakit siya pinagagalitan, yan ang pagbabasihan ko. Pero isang bagay ang mang gagalaiti ako sa galit kapag sinaktan ng sino man ang anak ko, sila mismo masasaktan ko rin. Pag ayaw ko dun sa tao at siya yung nagalit sa anak ko of course magpapantig rin ang tenga ko at masasaktan ko siya kahit mali ang anak ko. It maybe bias though that is me.

Ito lang pinaghahandaan ko ngayon, basta may sasabihan na akong iba sa kamag anak na ngayon pa lang layuan nila ang anak ko pati sarili kong pamilya. Ayokong pati advises ay magsalita sila kasi hindi naman parating tama ang sinasabi nila. May iba talaga akong sasabihan niyan kasi ayoko siyang magsalita ng kung ano ano sa anak ko at wala siyang credibilidad.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #9 on: March 13, 2014, 04:01:05 pm »
hipag mo lang pala yan sis sa kapatid e madaling awayin kesa hipag mo sa asawa hahaha... kausapin mo yung brother mo sis na kung pwede pagsabihan yung asawa niya or better sila parents mo magsabi sa kapatid mo :)

take note sis, please explain sa anak mo bakit mo siya pinagalitan ha :) dahil mahal natin sila (drama heheh)
« Last Edit: March 13, 2014, 04:06:51 pm by SOFIEMAE »

chiqmom

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #10 on: March 13, 2014, 04:14:13 pm »
Yes, of course. Sa household namin, there's a rule na when my kids did something bad, someone will report it to me asap so I can reprimand them. Of course there's an exception specially if what the kids did was really wrong. I remember a couple of times when my mother reprimanded my brother kasi he got pissed sa daughter ko when he saw na inaaway yung bunso ko. I remember my mother telling him na its none of his business na pagalitan yung mga anak ko. Kapag andito daw ako sa bahay, isumbong sa akin. Of course, papatigilin kung ano man ginagawa na masama pero never sisigawan or papaluin because its my job to do those things.

I love that my parents were able to set this boundary as early as day 1 after I gave birth. So even though we live in one house, I dont feel like someone's competing over me when it comes to raising my children.

Siguro sis you can speak to these people. Sabihin mo na you will appreciate it if isumbong na lang muna sayo. Kasi I personally think may epekto din sa bata yung kahit sino napapagsabihan siya.

enelym

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #11 on: March 13, 2014, 04:44:32 pm »
Sis evilwoman yung tatay nung batang pinaiyak ng anak ko seh bayaw ng hipag ko sa kapatid naman nya… di kami related… nasa abroad ang kapatid ko… wag ko na lang daw patulan sabi ng mommy ko at baka kung ano pa maging kwento… pinagpapaliwanagan ko na lang yung anak ko… mahirap naman kase ipagtanggol ko sya eh kung di nya inasar yung bata di naman sya sisipain… salamat sa mga opinions nyo… medyo lumamig na ulo ko :-)

enelym

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #12 on: March 13, 2014, 04:50:02 pm »
Lucky you chiqmom at ganyan ang mother mo… lagi ko pinagsasabihan mommy ko pag papagalitan ko anak ko,  "o ako lang magagalit ha"

evilwoman

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #13 on: March 13, 2014, 05:11:41 pm »
^mas lalo wala syang k na pagalitan ang anak mo.sis wag ka papayag na ginaganun ganun ka ng maganak na yan.mamimihasa.minsan daanin mo din sa talas ng dila.ako naginit ang ulo.hahaha..

enelym

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #14 on: March 13, 2014, 07:30:31 pm »
Isa na lang talaga! Pag umepal pa sya,  supalpal sya saken… ayoko lang din kase maapektuhan parents ko… baka ma stress eh medyo may mga edad na

amour

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #15 on: March 14, 2014, 01:59:00 pm »
Depende. Kung medyo harsh yung pagpapagalit and may bad words na kasama, oo nakakainis yun. Pero kung maayos naman and may point, I take it positively.  ;)

izabelle

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #16 on: March 15, 2014, 05:48:04 am »
My number 1 rule is walang may right pagalitan ang anak ko kundi kami lang ng hubby ko, lalo na walang may right na saktan sya (paluin, etc)

If may mali ang daughter ko, mas gusto ko sabihin sa amin at kami kakausap sa bata hindi yung papagalitan ng ibang tao kahit kamag anak ko pa tapos papaluin.. big No for me.. masasabunutan ko talaga gagawa non :D


ghye

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #17 on: March 19, 2014, 04:11:52 pm »
YES!  I get hurt.  It's normal for a mom na maiinis, masaktan pag pinapagalitan ng iba anak nila even if it's the child's fault.  Asawa ko nga, bigla nasigawan si baby kasi nabigla din siya nung may isinubo si baby sa mouth niya, kinuha ko baby namin, nagkulong kami sa room and I cried.  What more pag ibang tao.

snowflakes

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #18 on: March 24, 2014, 12:51:11 am »
ako nga kahit hubby ko nagagalit ako pag pinapagalitan anak ko ibang tao pa kaya. kaya ako kahit naiines ako sa kalaro ng anak ko di ko pinapagalitan inaalis ko anak ko kase alam ko feeling pag sinita ko yung bata eh. magagalit sakin yung nanay. so yung anak ko na lang ilalayo ko.

dainejen

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #19 on: April 04, 2014, 06:17:07 pm »
so huminto na ako kagagalit kase may mas galit na eh… lunch time yun… dumating ang 3pm, heto naman tatay nung bata… bat daw sinipa sipa ng anak ko yung anak nya… yung anak ko tinatanong… naiba na kwento… di na lang ako kumikibo… so tinakot na lang nya anak ko na pag pinaiyak pa ulet anak nya isasako daw nya anak ko… di na ako kumibo kase nauna anak ko eh… around 5-6pm heto naman nanay ng hipag ko… sabi sa anak ko, "wag mo pinapaiyak si ano ha! Pag natyempuhan kita sasakalin na lang kita eh"… ako naririndi, kulang na lang kuyugin ang bata… kelangan ba halos lahat sila… baka pag may minsan pa ako marinig sumabog na ako sa inis o_O

sorry sa sasabihin ko ha pero kinuyog na anak mo sa lagay na yan at di mo pinagtanggol.. tatlong tao yun tapos ikaw tahimik lang. ano nalang iisipin ng anak mo, na kahit sino magalit sa kanya pwede syang isako, sigaw-sigawan  o sakalin.. kahit biro lang yun tatatak sa isip ng bata yun..

baby palang anak ko pero kung mangyayari sa kanya yan di ako maiinis, MAGAGALIT ako. si husband nga ayaw ng papagalitan baby namin eh..

di naman kailangan kunsintihin pero dapat alam ng IBANG TAO kung hanggang saan lang sila


 

Latest Stories

Load More Stories
Close