Author Topic: On inviting guests...  (Read 40253 times)

angelzero

  • Guest
On inviting guests...
« on: March 03, 2014, 03:56:12 pm »
How should we estimate the actual number of guests coming to our wedding if we invite 110? Do RSVPs really work? Uubra ba ang pagka kulit ko to ask people if they're coming or not? We only plan to invite people who want to see us get married. So is it ok to HOPE that they will only bring themselves and not bring a plus one? Kinakabahan kasi ako about uninvited guests. Share tips on how to be firm on "no plus ones."

Another dilemma.. I have a college barkada. I am now only close to a few of them. Yung mga ka-close ko I will definitely invite. Yung iba, I haven't spoken to in more than a year na. May konting friction din kasing nangyari kaya we fell apart. Do I invite them pa ba? Should I worry about them na baka magtampo once they hear na I got married and they weren't invited? At some point I was really really close to some of them, but that was several years ago na.

Please share your experiences on inviting wedding guests. Thanks!

clueless_bride

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #1 on: March 03, 2014, 04:10:34 pm »
sis ako tinatanong ko kung may bitbit ba sila... i mean sa mga friends ko na may jowa, asawa, i ask them kung dadalin ba nila mga jowa nila. pag single naman edi siya lang iinvite ko. sa relatives, sinabi ko lang tlaga sino invited. i have a uncle na marami anak, pero sabi ko yung 2 lang pwede isama kasi di naman pwede lahat sila dahil sobrang dami na nila. i dont think RSVP really works, lalo na sa pinas... ang guests ko 100 lang (110 max na dapat yun).

as for your other friends, i have the same situation. hindi ko na ganon kaclose yung ibang HS & College friends ko so i am not planning to invite them. i dont think magtatampo pa sila kasi hndi na nga kami close so hndi naman siguro kawalan sa knila kung di ko sila imbitahin hehe,.

castledoll

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #2 on: March 03, 2014, 10:13:18 pm »
sis angelzero, in asian culture, hinde daw talaga uso ang pag RSVP. nung una, we decided na hinde lahat padadalhan ng RSVP card. pero, hinde naman kasi lahat sa isang family, is invited. like you said, yung mga tao lang na who would LOVE to see us and be with us on our wedding day ayun lang. kaya para maiwasan ang miscommunication, lahat may rsvp card tapos "we have reserved __ seat(s) for you." and then mga one month before our wedding, magtatawag na lang kame dun sa mga hinde nagbigay ng reply card.

My friend sent me a chart tungkol sa pag invite. I will find it and I will post it here.

eto na: GUEST LISTED truthfully, kahit may ganito, medyo mahirap pa din mag decide lalo na if you're thinking of other people's feelings. baka may magtampo at kung anong ek-ek pa.

ang iniisip ko na lang kapag matagal ko na hinde nakakausap ang isang friend, NOT INVITED. kino convince ko na lang sarili ko na hinde ako obligated invite pati yung mga hinde ko na naman nakakausap.

another sister from here gave me an advice at sabi nya since matagal na walang solid communication ako and other friends, baka naman hinde din nila gusto pumunta sa wedding namen.

maliit ata masyado yung picture. malinaw and mas malaki siya sa email kaya if someone wants it, I can email it na lang.
« Last Edit: March 03, 2014, 10:32:25 pm by castledoll »

anirtak127

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #3 on: March 04, 2014, 07:44:24 am »
Iniisip ko pa lang ang guest list nase-stress na ako! Target namin is 100 pax. Sabi ko sa mommy ko wag isagad sa 50 ang invited sa side namin kasi aside from relatives eh may mga friends at officemates din kami ni fiance, pero parang may mga gusto pa sya i-invite. One reason mejo hesitant ako ikasal sa church namin kasi napipilitan ang nanay ko na i-invite ang mga ka-close nya kasi nung kinasal yung mga anak nila eh invited din sya. Ang sakin naman, hindi kami close. I'd rather give the slots sa mga relatives and friends talaga namin. At may isa pang nagpi-prisinta mag ninang. Aye caramba!

I have the same dilemma, angelzero. I have not seen most of my college friends since graduation except sa dalawa na may constant communication kami. Ayaw ko din naman na may magtatampo sakin on my special day. Hay...

angelzero

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #4 on: March 04, 2014, 10:30:59 am »
^diba? naalala ko kasi nung umattend kami ng wedding ng isang classmate namin, this friend almost didn't come kasi too much hassle daw to dress up pa etc etc. that's our friend getting married! don't you want to see her on her special day? baka naman sa wedding ko may marinig akong similar na ganun na napipilitan lang sya pumunta lalo na tagaytay pa yung wedding ko. baka masabi na naman nyang "hassle." that's why i'm not too keen on inviting her, and among others i'm not close to anymore. i find it a dilemma lang kasi we used to be really close. damay na rin yung iba kasi we're just one barkada. sabi ni fiance invite ko na lang sila kahit alam kong di naman lahat makakapunta. pag di sila pwede we can give their slots to others na lang. we plan to have like a Set B of guests. Yung mga di makakapunta sa Set A we will have people in Set B to replace them. Ayaw din naman namin langawin yung wedding. Kaso ang disadvantage nun what if someone in Set A changes her mind? You cannot uninvite the Set B guest to replace her. So bahala na if we'll push through with this system :)

sis castledoll, pls email me that chart at catlovesfox2015@gmail.com. looks promising lalo na dilemma talaga ang mag invite ng guests.

anirtak127

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #5 on: March 04, 2014, 11:15:33 am »
May mga nababasa din ako na yung iba nagco-confirm na pupunta tapos hindi naman dumadating or yung iba naman hindi nag-confirm pero biglang susulpot. My gosh! Ayaw ko ng added stress sa wedding, worse eh magkaron pa ng added unexpected expense.

angelzero, we haven't really sat down para sa guest list at mukhang mauubos ang oras namin kaka-trim down ng guests. Haha. Kelangan ko muna i-sit down ang mommy ko bago kami ni fiance. Buti na lang yung tatay ko konti lang ang close na relatives sa side nya kaya di masyado problema. Magandang idea din yang Set A at Set B na yan ah.

Hindi na nga ako gagawa ng seat plan kasi dagdag sakit pa ng ulo yun. Saka maganda na din yung halo halo ang guests sa tables para magkakilanlan din ang mga families namin.
« Last Edit: March 04, 2014, 11:19:05 am by anirtak127 »

whatswithjuly

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #6 on: March 04, 2014, 11:19:18 am »
this is my dilemma too. our budget if for 120 pax only and so far, over 60 na ang guests ko.. kinda worried baka sumobra kami. i have a friend na close ko naman talaga. i'm planning to invite her daughter. but i don't have plans to invite her mom and pamangkin who lives with her. i used to sleep sa bahay nila years ago.. ngayon bihira na din ako makapunta sa kanila so i rarely see them except yun friend ko na constant communication kami. baka magtampo pag di ko invite.

sarah29

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #7 on: March 04, 2014, 11:32:06 am »
Ako, nifacebook message ko isa isa at sinabi ko na kung ilan lang yung naka-indicate, yun lang talaga. But of course, in a nice way. Tapos inindicate ko din sa invitation kung ilan lang yung nakareserve na seats para sa kanila. Madali lang para saken kase intimate wedding lang naman kame.. 30 pax lang :)

castledoll

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #8 on: March 04, 2014, 12:47:07 pm »
we also have sets A & B, pero ang downside nun, since hinde masipag mag RSVP ang tao, hassle pa din. kung push nyo ang sets A & B, make sure yung invites for set A is sent at least a month ahead of set B invites.

sis angelzero, email sent.

yung friend ko nagkaroon ng ganyan problema before, hinde nag confirm tapos binawi din. sabi nya nilakasan na lang nya loob nya at sinabi nya na yung slot nya, binigay na lang ni friend sa iba so bawal na bawiin and wala na extra upuan pa para sa kanya.

anirtak127

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #9 on: March 04, 2014, 01:08:35 pm »
Ako, nifacebook message ko isa isa at sinabi ko na kung ilan lang yung naka-indicate, yun lang talaga. But of course, in a nice way. Tapos inindicate ko din sa invitation kung ilan lang yung nakareserve na seats para sa kanila. Madali lang para saken kase intimate wedding lang naman kame.. 30 pax lang :)

sarah29, panong "in a nice way"? Hindi ko talaga alam kung pano ko sasabihin sa kanila na hindi sila mao-offend. Yung iba kasi, lalo na pag galing sa province, hindi alam ang concept ng RSVP kasi hindi naman uso ang ganun sa province. Ang hirap naman i-explain sa kanila na dito kasi satin per head and bayad, hindi yung basta maghahanda ka lang tapos pwede magsama lahat ng invited.


yung friend ko nagkaroon ng ganyan problema before, hinde nag confirm tapos binawi din. sabi nya nilakasan na lang nya loob nya at sinabi nya na yung slot nya, binigay na lang ni friend sa iba so bawal na bawiin and wala na extra upuan pa para sa kanya.

castledoll, I like it, "bawal na bawiin". LOL

castledoll

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #10 on: March 04, 2014, 01:30:42 pm »
sis anirtak127, maski ako natawa nung pinabasa nya saken yung usapan nila sa fb e.

100 maximum lang din kame. pero dahil nahihirapan kame sa pag trim ng guest list, ginawa na lang namen na 136. Hinde naman din kasi pupunta yung 136 na yun na invited e. so kung meron man na 36 na hinde makakapunta, andun pa din yung 100 at masasabi ko na hinde nilangaw ang kasal namen. =))

anirtak127

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #11 on: March 04, 2014, 01:48:05 pm »
castledoll, kung hindi lang problema ang pera eh ininvite ko na lahat ng kamag-anak namin. Haha. Kaso si fiance din kasi gusto eh intimate wedding lang kaya mga close family, relatives and friends lang talaga. Ayaw din naman namin gumastos ng malaki para sa isang araw lang kasi may buhay pa naman kaming haharapin after ng wedding. Not to mention we also have to feed the crew kaya dagdag din sila sa head count.

May nabasa ako sa isang thread dito na hindi din naman 100% ng invited guests mo eh pupunta. At least mga 80-85% ata ang makakarating. Saka tama ka, mabuti na ngang hindi langawin ang wedding natin kasi mas masakit pag nagkaganun. Hehe.

Btw, when is your wedding? Kami next year pa, wala pang date.

sarah29

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #12 on: March 04, 2014, 02:10:20 pm »
sarah29, panong "in a nice way"? Hindi ko talaga alam kung pano ko sasabihin sa kanila na hindi sila mao-offend. Yung iba kasi, lalo na pag galing sa province, hindi alam ang concept ng RSVP kasi hindi naman uso ang ganun sa province. Ang hirap naman i-explain sa kanila na dito kasi satin per head and bayad, hindi yung basta maghahanda ka lang tapos pwede magsama lahat ng invited.


castledoll, I like it, "bawal na bawiin". LOL

I know sis. Mahirap talaga. Kaya ako double reminder for the seats. Ininvite ko kase muna sila thru facebook. Kiconfirm ko kung makakapunta. Bale ni-announce ko lang na I'm getting married, then sabi ko I'm inviting them tas I asked kung makakapunta ba sila. Pag oo, sasabihin ko na ang invited lang eh "Jane" and "John." Sabi ko limited lang yung seats.. Like with my uncle.. sabi ko sa kanya "Uncle, kayo lang po tita Edna. Limited lang po kase yung seats sa wedding, eh. Okay lang po ba?" Ganun lang hehe.

Tapos yung mga cousins ko na mejo close ko, nimessage ko sila personally tapos sinabi ko na hinde ko sila maiinvite kase nga small wedding lang and limited nga lang ang seats na napareserve namen. Naintindihan naman nila. No hard feelings :)

castledoll

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #13 on: March 04, 2014, 02:12:53 pm »
^^September 5, 2014. :D

ayun din advice sa amin na wag ubusin ang budget. kaya yung ibang bagay na makaka tipid kame, ginagawa namen. yung mga abay, we ask na lang not to bother with gifts, sagot na lang nila yung gowns and tuxedos nila. nakakahiya din kasi na hinde lahat malapit na travel lang. gagastos pa sila sa gas and accommodation.

AND YES! yung mga suppliers, dagdag din sila sa headcount. buti na lang konti lang yung suppliers namen na matitira hanggang reception and we don't have to feed din yung mga hotel servers.

lovemeagain30

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #14 on: March 04, 2014, 02:28:49 pm »
I had 80 guests in my wedding last December 2013. Initial target namin is 50 only hanggang sa umabot ng 80. kung may target number of guests kayo, usually magbabaloon pa yun! seldom lang nangyayari na  nasusunod ang original count nung initial planning. Habang mas madaming makakaalam ng kasal niyo, lalo na kung papalapit na to,, mas lalaki ang guestlist niyo. isama niyo pa duon ang wedding suppliers niyo sa counting. pati narin yung pari/pastor/judge na magkakasal pati na mga photographers, make up artists, DJ, emcee at wedding coordinators niyo. ;D hindi naman pede hindi sila pakainin kasi sa actual maawa ka din sakanila. lalo na yung sa photo/video, dapat busog ang mga yan para maganda ang kuha sainyo.

expect mo din na may hihirit sainyo ng plus 1. nasa usapan niyo na mag asawa kung papaya kayo or hindi. bilangin niyo din kung ilang bata ang dadating kasi baka makamura kayo kung pedeng kiddie meal ang ibigay sakanila kesa sa full course meal.

yung mga magulang na gusting mag imbita ng madami, kausapin niyo nalang regarding your budget. kung may contribution sila, why not, pero kung wala, pakiusapan niyo nalang maigi na limited ang budget at may binyagan pa naman na susunod.  :D
« Last Edit: March 04, 2014, 02:30:36 pm by lovemeagain30 »

bio

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #15 on: March 04, 2014, 02:54:16 pm »
I was blessed to be able to have a big so wedding pero still, controlled parin sa pag invite. I told my mom she can only invite a certain no. of family and friends so siya na bahala to figure out who. Then a month before the wedding, I told her to call those invited so we can have a rough count of the confirmed attendees. If may nababawas, I allowed her to invite parin basta she won't go above our initial usapan. It was the same deal with my husband's family. In the end, less stress for us since we had our mothers do the confirmation for families. We were left to coordinate and confirm our friends' RSVP. Best talaga to call people para more or less you have an idea how many you'll have to confirm with the caterer. Malaki din yung difference from our initial head count.

anirtak127

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #16 on: March 04, 2014, 02:56:51 pm »
I know sis. Mahirap talaga. Kaya ako double reminder for the seats.

sarah29, sa side ng mommy ko, pumayag ako na kumpleto yung mga kapatid nya, mga asawa at mga pinsan ko pati mga asawa nila. Yung mga next degree na kamag-anak sabi ko wag na lang isama kasi hindi din naman kami close. Hehe. Sabihin ko sa mommy ko sya na lang bahala magsabi sa mga kapatid nya tutal alam naman nya ang budget namin. Yung isang kapatid nya na nasa Canada hindi naman daw makakauwi sa tina-target namin date, so sa iba na lang yung slot nila. Hehe.

kung may target number of guests kayo, usually magbabaloon pa yun! seldom lang nangyayari na  nasusunod ang original count nung initial planning. Habang mas madaming makakaalam ng kasal niyo, lalo na kung papalapit na to,, mas lalaki ang guestlist niyo.

Worried talaga ako na lumubo pa yung guests namin kasi yung venue na napupusuan ko eh masyado sisikip pag mas madaming tao. Yung quote sakin ng caterer eh minimum 120 pax. I'm reserving na sana yung 20 para sa suppliers.

^^September 5, 2014. :D

castledoll, wow malapit lapit na!

anirtak127

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #17 on: March 04, 2014, 03:00:15 pm »
In the end, less stress for us since we had our mothers do the confirmation for families.

Hi, bio! Ganito din plano ko, ia-assign ko sa mommy ko ang pag confirm sa mga kamag-anak nya pati na din sa mga kamag anak ng daddy ko. On fiance's side, sya na bahala sa confirming since mommy nya is overseas at mas lalo naman awkward pag ako pa ang tatawag sa mga kamag anak nya.

angelzero

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #18 on: March 04, 2014, 03:07:22 pm »
I'm worried about the guest list ballooning kasi maliit lang venue namin. i picked that as our venue para di na kami ma-tempt mag dagdag at may excuse para tumanggi sa mga plus one. buti na lang parents namin pareho hindi pakialamero. kami lang dalawa talaga bahala sino iimbitahin.

effective ba gumawa ng facebook event as a means for rsvp? who has tried it?

castledoll

  • Guest
Re: On inviting guests...
« Reply #19 on: March 04, 2014, 11:20:16 pm »
sis anirtak127, malapit lapit na talaga! haha I can feel the pressure na. minsan pag nakikita ko yung website namen and the countdown until our big day, umiikot yung sikmura ko. haha but we're coming along. January pa lang, booked na halos lahat ng major suppliers namen. Even the small details, ok na din. sent out na din ang save the date cards.

sis angelzero, effective naman siguro siya. asa invited guests mo na yun kung tamad/ inconsiderate talaga sila sa pag rsvp. but you have to make sure na alam nung mga bisita mo kung ilang upuan ang alloted sa kanila. on most cases, per household, hinde naman invited lahat dun diba? we have our wedding website so our guests will have the option to send the reply card back or mag rsvp through our wedsite. kung sakali na meron mag rsvp dun sa wedsite namen, meron na ako nakahandang speech to let that person know na hinde siya invited. nakakahiya pero it's our wedding. if we allow uninvited guest/s to tag along, kawawa ang budget namen.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close