watch now

Author Topic: My dog is sick 2 (support group, etc.)  (Read 42193 times)

rinapie

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #40 on: June 21, 2016, 12:21:01 pm »
For parvo, distemper, mga virus-virus, ang alam ko keep environment clean and boost the dog's immunity kasi walang gamot sa virus e. kusang lalabanan ng katawan. nung nagka-distemper yung aso ko, palaging naglilinis sa bahay, nag spray kami ng mga antibac sa paligid, mga air freshener na may antibac and nagbibigay ko ng malunggay kasi healthy daw ang malunggay. nakatulong naman yata kasi buhay pa yung aso ko hanggang ngayon.

kabes

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #41 on: June 21, 2016, 05:46:42 pm »
1 day na di kumakain yung dog ko. bigla na lang syang di kumain. now nagpatest sya, may parvo daw. may 3dogs pa ako. nakakatakot baka mahawa.

Di pa ko nakaka backread. but if you have advice. pleease.

aspin, no vaccine, 4months pa lang. huhuhu... im sad and scared

gleek

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #42 on: June 23, 2016, 12:06:31 am »
sis kabes, nadala mo na sa vet dog mo? Yung lab namin naka confine pa, day 3 na. Nagstop na magvomit kaso yung dumi niya may blood pa 😔 I'm thinking of giving him  vco orally, since may healing benefits daw vco

kabes

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #43 on: June 23, 2016, 02:16:40 pm »
hi sis gleek. so somehow improving na sya? wala pang solid food intake sya no? sabi kasi kung kaya nya na magsolid food, soft diet muna sya, kasi daw yung lining ng intestine nya di pa healed.


nadala ko na sya sa vet, 1 day pa lang syang di kumain, the next day dinala ko na. ayaw ko kasi maulit yung nangyari sa shih ko na pinatagal ko pa tapos may erlichia pala (but thank God, ok na shih ko)

anyway, ang option ko kasi is confine and dextrose nila then sila din painom gamot or sa bahay sya, pero ako ang maghydrate sa kanya and give medicine. halos 1500 per night kung confine ko so we decide na iuwi. downside is baka nga isuka nya yung mga binigay orally, so wala din kwenta. pero less stress din daw kasi sa dogs kung sa bahay sila. :-)

So pagdating sa bahay, super tender love and care. we isolate her sa ibang dogs and we syringe vfeed the water with dextrose powder. then yung gamot nya mismo. true enough, nagsuka nga, so we repeat. we gave more than sa sinabing dosage ni doc, kasi nga isinusuka. This is day 2.

Day 3, 4am, crying sya sa crate nya. when i checked, wala na sya water and walang suka! hay salamat! meaning naubos nya yung water with dextrose powder. pero ayaw nya pa din eat. need ko na pumasok sa office so iniwan ko na sya ng 2 bowls of water with powder. paguwi ko ng 8pm, ineexpect ko talaga ililibing ko na lang sya. pero, ayun, super kulit na ulit sya. we tried feeding him pork and kinain naman. pero di pa din sya patay gutom. tee hee! dati kasi patay gutom sya.

Day 4 today. di pa din sya magana kumain but she's eating na. hopefully magtuloy tuloy.

kabes

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #44 on: June 23, 2016, 02:42:06 pm »
hi sises. do you have any suggestions on how to help a puppy fight Parvo?

our 2 month Lab puppy named Barney was diagnosed by the vet on sunday. we had him tested for Parvo, and as per the Vet, the result was positive but the disease is not yet full blown. Barney is now confined, he's given anti-biotics and supplements. before we took him to the vet, Barney was vomiting white foamy liquid,he's lethargic, had fever and had traces of blood on his stool.  :(

Vet said we need to wait until Barney is stronger, before she can give her an anti -parvo shot that has instant effect (not the vaccine)..

2 days difference lang pala tayo. di pa din naman full blown yung sakit ng tuchie ko. tingin ko kaya mas maaga sya nakarecover kasi breast fed talaga sya until 3months old, kasi yung dog mommy nya pet ko din. tsaka siguro dahil aspin sya, may malakas ang immune system nya.

rinapie

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #45 on: June 23, 2016, 04:20:06 pm »
^^magandang sign na kumakain siya. try mo liver, chicken or baboy. durugin at ihalo sa food. baka mas gumana sa pagkain.

gleek

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #46 on: June 23, 2016, 10:46:22 pm »
sobrang nakakaawa nila pag may sakit noh.. huhuhu

day5 ni Barney today, nag start na sya kumain uli, pero konti pa lang. at least may appetite na. tapos nung dinalaw ko sa vet, makulit na din, nakikipag laro na s akin. eh nung day1 niya sa vet, dedma kami sa kanya kahit anong tawag naming. hopefully bukas pwede na siya iuwi. nabigyan na din sya ng serum for parvo (yung immediate na effect,forgot the name though)

si Barney din breast fed pero mga until 6 weeks lang. ayaw na kasi nung mommy nia (alaga din namin) kasi nasasaktan na sa ngipin ni Barney.

ngayon, need pala naming mag disinfect sa bahay. to rid of bacteria/virus. and siguro hindi na muna naming hahayaan sa labas. nung umuulan kasi few weeks ago, hinahayaan lang naming sya mag lakad2 sa likod-bahay, tapos natutulog pa sya sa may basa.  :(

sushisundance

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #47 on: June 26, 2016, 12:24:50 am »
kabes and gleek have you tried giving your dogs Royal Canin Recovery or Hills Prescription Diet a/d? Yung maliit na canned food, ang ginagawa dun, you take a scoop tapos lalagyan mo sya ng konting water para medyo malabnaw yung consistency nya parang magiging mousse. Yun usually binibigay sa mga pets na may sakit eh. hopefully gumaling agad fur babies nyo  :)

gleek

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #48 on: June 26, 2016, 03:59:19 am »
nakalabas na si Barney last Friday (6/24). 6/24, may gana na sya kumain at masigla, kaso nung hapon, naisuka niya lang kinain niya. naisip ko baka naninibago lang stomach niya since ilang araw siya walang kain, dextrose lang source of food/hydration niya.

papa check ulit namin siya sa vet to make sure magaling na talaga.   :(

@sushisundance hindi ko pa na try yan, pero mukhang yan ang pinakain kay Barney nung nasa vet sya (based on your description)

mysterioza_me

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #49 on: June 26, 2016, 06:02:49 pm »
I'm not sure kung nagkakataon lang pero everytime na bakunahan ng 5-in-1 mga pups ko dun lumalabas symptoms ng parvo. Ganyan din nangyari sa pitbull ng officemate ko, mas maswerte lang sya since her pup survived and I loss mine since maliit na breed yung mga alaga ko.

sushisundance

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #50 on: June 26, 2016, 07:36:18 pm »
nakalabas na si Barney last Friday (6/24). 6/24, may gana na sya kumain at masigla, kaso nung hapon, naisuka niya lang kinain niya. naisip ko baka naninibago lang stomach niya since ilang araw siya walang kain, dextrose lang source of food/hydration niya.

papa check ulit namin siya sa vet to make sure magaling na talaga.   :(

@sushisundance hindi ko pa na try yan, pero mukhang yan ang pinakain kay Barney nung nasa vet sya (based on your description)

try mo muna na ganun ang food na ibigay hanggang sa fully makarecover sya para hindi mabigla yung tummy nya sa regular food :)

kabes

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #51 on: June 27, 2016, 11:09:53 am »
since raw feeding ako, yung ground pork and liver, blender ko pa with water para pwede syringe feed. ginagawa ko yan everytime sick sila. until they eat on their own.

I'm not sure kung nagkakataon lang pero everytime na bakunahan ng 5-in-1 mga pups ko dun lumalabas symptoms ng parvo. Ganyan din nangyari sa pitbull ng officemate ko, mas maswerte lang sya since her pup survived and I loss mine since maliit na breed yung mga alaga ko.

yung sa nanay ko, may parvo symptoms pag nagpapabakuna.

mysterioza_me

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #52 on: June 28, 2016, 02:54:56 am »
^nagsisi ako talaga na pinabakunahan ko pa sila

kabes

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #53 on: June 28, 2016, 09:26:52 am »
naku, wag ka na magsisi. kasi di mo naman talaga alam ang mangyayari. nung nagkaparvo naman yung aspin ko, naisip ko, sana nag pa-vaccine ako for her. kasi sana di na sya nagkaparvo.

rinapie

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #54 on: June 28, 2016, 09:45:46 am »
yung akin naman, may bakuna pero nagka distemper pa rin. hindi magagarantiya ng mga bakuna na hindi matatamaan ng sakit pero sa palagay ko, better pa rin na merong bakuna, parang kahit papaano, may proteksyon sila kaysa walang kahit ano at mas tingnan siguro yung mga kinakain, parang sa tao lang. dapat healthy-healthy-han.

minabey

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #55 on: July 13, 2016, 11:00:26 am »
Nung nagkadistemper yung jack russell mix namin, inadvise ng vet na walang contact dapat sa shih tzu namin. Sabi nya although fully vaccinated, 97% lang daw yun. May 3% chance pa den na mahawa in case yung distemper na yun ay "wild type" which I understand is not the type na ginamit sa vaccines. Parang ganon.  In any case, pinaglayo na lang namin sila. Buti na lang outdoor dog talaga si jack russell and purely indoor si shih tzu.

Mas cautious na tuloy ako ngayon lalo na sa waiting area ng vet kasi di mo alam if healthy or may sakit yung ibang nandoon, baka may masinghot na kung ano yung aso. One time kasi yung isang dog na kasama naming waiting, may tremors sya na feeling ko baka sign ng distemper. OA na sa OA pero di ko na pinalapag yung aso ko. buti 6kg lang sya hahaha.

akihilala

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #56 on: July 27, 2016, 01:22:06 am »
Our dog, juanito, is currently confined at regalado vet. Pang third day na nya bukas. Parvo rin :'( Sunday morning nung biglang ayaw na nya kumain kaya kinabukasan, dinala ko na agad sa vet. Ayun, nagpositive sa parvo. Nung dinalaw ko sya kanina, ang payat na nya tas nagpoop pa rin sya ng blood tas vomit rin. Ang mahal magkasakit ng mga pets natin.

sushisundance

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #57 on: July 28, 2016, 01:16:41 am »
^^mom ko rin paranoid na mahawa sa ibang dogs yung dog namin pag dinadala sa vet hehe, what we do is ako lang ang naghihintay muna sa waiting area ng vet tapos pag turn na namin, tsaka ko lang tatawagin mom ko with the dog sa car. tapos pag iwweigh, hindi ko pinapatapak sa weighing scale, nakashoes or lalagyan ko ng tissue yung weighing scale tapos pinapadisinfect ulit ng mom ko yung table na pagchechekupan : :)

better be safe than sorry :)

peachlipstick

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #58 on: September 01, 2016, 04:54:31 pm »
Mga sis pa-help naman, where can I buy Cefalexin for our dog? Our Vet friend told us to give him oral meds na kasi may skin disease :(

sushisundance

  • Guest
Re: My dog is sick 2 (support group, etc.)
« Reply #59 on: September 01, 2016, 05:50:51 pm »
^drugstores, just ask for the right dosage from the vet. Most of the medicine they give naman are available in drugstores kung for human consumption rin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close