watch now

Author Topic: depressed and down na ko :(  (Read 9873 times)

sunako16

  • Guest
depressed and down na ko :(
« on: March 02, 2014, 10:32:58 am »
 :-[ mga sis di ko alam kung bakit panay ang apply ko tapos hindi ako matanggap tanggap sa trabaho.. palaging final interview ang eksena tapos ang ending wala na kong matatanggap na feedback..

last na inapplyan ko management trainee sa jollibee tapos inendorse ako sa red ribbon.. ganun din umabot ako hanggang final interview tapos ang ganda ganda ng mga sinabi niya sakin na ang kagaya ko daw ang hinahanap nila maging manager.. tapos ang tagal pa ng usapan namin inabot ng 30 mins tapos hindi na din siya nag text or tumawag sakin..

kaya nga kung mapapansin niyo po may thread ako about sa red ribbon management trainee.. :(
mga sis isip kasi ako ng isip na sstress na po talaga ko kasi kailangang kailangan ko ng trabaho tapos ganito po nangyayari sakin..

nakaka depress kasi nung final interview ang ganda talaga ng flow ng usapan namin nung interviewer tapos nagtatawanan pa kami.. masaya yung naging interview nung wednesday sabi niya hintayin ko daw ang result ng interview ko this week..

e sunday na po mga sis ngayon bukas monday na.. hanggang ngayon wala pa din siyang text or update sakin if bagsak ba ako o pasado..

minsan nga di na ko makatulog kakaisip ko dun tapos napapaiyak na lang ako sa sobrang lungkot at pagka frustrate ko  :-\

hayy.. hindi ko na po alam ang gagawin ko mga sis...  :'( :'( :'( :'(

missy.elle

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #1 on: March 02, 2014, 01:59:41 pm »
hi sis!
Jus think on the positive side!
Maybe God has a big plan for you. You don't have to be sad or depressed it's just God has been preparing you for a better opportunity.
Just trust on him and all the great blessings will follow :)
Keep the faith sis  ;)

Noylabmay

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #2 on: March 02, 2014, 02:06:40 pm »
Sis ok lang naman mag follow after ng Interview an email or call...
kase two companies na yung hinintay ko ng one week
at first sinabi na hindi nila nakuha yung project kung saan ako iaassign
yung pang dalawa naman ngaion hinihintantay lang pala yung senior manager mag decide
ganun din sayo maka me mga dahilan
mas madali kase mag move on or kumilos ulit ng applay kung alam mo reason bakit di ka na nakakuha ng feedback...

sunako16

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #3 on: March 02, 2014, 03:20:01 pm »
sis missy opo alam ko naman po na may magandang plan sakin si Lord di ko lang talaga maiwasang ma depress kasi nag effort po talaga ko para magkatrabaho lang.. salamat po sa encouragement sis  :)


sunako16

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #4 on: March 02, 2014, 03:22:06 pm »
Sis ok lang naman mag follow after ng Interview an email or call...
kase two companies na yung hinintay ko ng one week
at first sinabi na hindi nila nakuha yung project kung saan ako iaassign
yung pang dalawa naman ngaion hinihintantay lang pala yung senior manager mag decide
ganun din sayo maka me mga dahilan
mas madali kase mag move on or kumilos ulit ng applay kung alam mo reason bakit di ka na nakakuha ng feedback...

yup sis yun nga din naisip ko na ifollow up ko yung application ko kasi ang hirap nga po talagang maka move on kapag di mo talaga alam yung totoong reason ng di nila pag feedback sakin.. itetext ko nalang sigurp yung interviewer.. paanong deliveration po ba ang appropriate? thanks po sis ha  :)

Noylabmay

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #5 on: March 02, 2014, 05:12:53 pm »
Sis check the link and I tailor mo n lang according to your application

http://jobsearch.about.com/od/thankyouletters/a/thankinterview.htm

sunako16

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #6 on: March 02, 2014, 06:50:19 pm »
Mga sis! Salamat po sa mga nag respond sa thread po na ito..
Kanina lang po nagfollow up ako through text po dun sa nag interview sakin..
Pinasa na daw niya yung result sa main office ng jollibee yung result.. Nakapasa daw po ako sa final interview mag wait nalang daw po ako nh instruction..  ;D

Thank God talaga.. Nawa makapag start na po ako.. salamat ulit mga sisses!!!

kikay4ever

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #7 on: March 03, 2014, 06:45:21 am »
ganyan din ako. actually still waiting for Job offer naman. it's been 2 weeks after ng final interview ko and final presentation for a coach position. tapos na ko sa medical and one of my character references said na natawagan na sya. hopefully today makakuha na ko ng offer..

simplepink

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #8 on: March 03, 2014, 08:47:40 am »
yehey! pa-burger ka naman sis! :)

sunako16

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #9 on: March 03, 2014, 03:08:31 pm »
san ka po nag apply sis kikay? naku ganyan din po naranasan ko nung nag apply ako sa ibm technohub.. nakapag job offer ako then pinagpasa ng requirements but until now wala pa din nangyari kasi wala pa daw akong kontrata.. ang sarap nga mag demanda e.. nasayang lahat effort ko po hayss sana sis makapagstart kana din..  ;)

sis simplepink haha wala pa po ko pera pa burger wala pang start date e saka wala pa din pong sahod hehe!  :)

sunako16

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #10 on: March 03, 2014, 03:10:15 pm »
wala pa ding nagtetext sakin until now from main office ng jollibee e.. wait nalang daw ako sabi nung nag interview sakin kasi na forward naman na daw niya po.. sana makapag start na ko sobrang kailangan ko na kasi ng trabaho mga sis.. salamat po sa pag encourage niyo sakin  ;D :D

switblububbles

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #11 on: March 04, 2014, 04:06:33 pm »
^congrats sis and goodluck with your new job :)

sunako16

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #12 on: March 04, 2014, 11:27:42 pm »
salamat sis :)

ultimate_style

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #13 on: March 18, 2014, 09:40:01 pm »
Like you sis, ang daming kong dinadaanan na butas... I always said to myself na wala nakong pag asa magkaroon ng work.. As in lagi kong sinasabi to. I always said the word "Heartstrong" Siguro sa kakanuod ko ng UAAP volleyball, naririnig ko to lagi sa coach ng ateneo ang word na to. I want to share this to you mga sisses, Kanina, I got an interview for a coffee shop inside the hospital pa ah? at good thing malapit lang samin tong hospital na to. The owner of the coffee shop seems to be nice kasi ang daming sinabing rules and regulations sa coffee shop na yun. Then nalaman nia na magaling raw ako mag bake ng pastries (Advantage sa kanya kasi yun) then yun, wait daw ako ng text sa kanila kung okay na. then ngayong gabi, the husband of the owner texted me kung pwede ba daw ako mag start this Thursday sa coffee shop nila? Actually, nun mabasa ko yung text niyang yung, parang napa "This is it Pancit." nako nun. Then, yun nag thank you sakin at welcome to the club daw hahaha!

For those people who are depressed for finding a job, Always pray to God... Kasi aminin ko, di ako pala dasal siguro nakakalimutan ko yan lagi pero I believe in the power of prayer. Yun ang sandata mo when the storm comes eh. Kaya I'm excited for my trainings this coming Thursday. Kaya mga sisses, Heart strong lagi ang always pray to God. Sorry haba ng kwento ko e. :)

sunako16

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #14 on: March 19, 2014, 06:02:02 pm »
you are definitely right sis! salamat po sa advice ako din bukas na ang training ko sa store namin.. goodluck satin and Godbless

mc21

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #15 on: March 26, 2014, 09:49:43 am »
goodluck sa training.
Fastfood job is very stressful, kung 1st time nyo lang mag-work jan
excited ka pa. pero after mga 6mos
mararamdaman mu, your salary is not worth it.
anyway, happy ka jan kaya, Go for it!!!

snix

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #16 on: March 27, 2014, 02:13:34 pm »
Eto nararamdaman ko ngayon.. Buti ka pa nga nakahanap ka na ng work, ako eto pa rin naghahanap.. In fact 1year nako nagaapply.. Nakakapagod din..

Althoug pumapasa ko puro mababa alok sakin.. Nawawalan nako pagasa jusko.. Sakit ng ulo ko.. Nagtitiis na lang ako sa walang kwentang kumpanya ko ngayon dahil kailangan ko ng pera..

Ang hirap magapply at maghanap ng trabaho sa totoo lang nawawalan nako pagasa..

Haaay anyway goodluck sis :)

sunako16

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #17 on: April 01, 2014, 02:52:56 pm »
sis mc totoo lahat ng mga sinabi mo, in fact 2 weeks palang ako pero parang nawawalan na ko ng gana.. ang hirap nga kapag wala kang experience sa fast food at ang nakadagdag pa dito e yung masasamang ugali ng mga katrabaho mo,

nakakainis yung Restaurant manager namin, himbis na siya yung maging guide and makapag encourage, nang didiscourage pa siya kapag hindi ko magawa ng tama yung trabaho ko! malamang sis bago lang ako.. :(
kaso ang prb ko hindi ako pwede mag resign within 1 year and 6 months or else magbabayad ako ng 25k sa red ribbon :(

sunako16

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #18 on: April 01, 2014, 02:55:12 pm »
sis snix san ka po ba nag wowork ngayon?
tama ka jan napakahirap makahanap ng work ngayon kahit pa nakagraduate ka sa college minsan mas natatanggap pa yung hindi nakatapos..

wag ka mawalan ng pagasa, ganyan din po ako dati nawalan ng pagasa pero pinilit kong bumangon at i encourage ang sarili ko, tayo lang naman kasi ang makakatulong sa mga sarili natin e..

sis kaya mo yan wag lang tayong papalya sa prayers at syempre FULL TRUST kay Lord

ritznmore

  • Guest
Re: depressed and down na ko :(
« Reply #19 on: April 21, 2014, 11:44:06 am »
Sunaku, sis, don't think that way.  You have to be thankful you have a job, regardless how stressful it is.  A lot of other people would love to have what you have now, I hear it's hard to find work these days.  Same goes with us employers, it is hard to find people we think would be loyal, hardworking and productive.  I hear that most new employees feel a sense of entitlement so at first may stage talaga na nawawalan ng gana, don't ever show that to your superiors.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close