hello sis, sana by this time eh nagkausap na kayo ng husband mo.
Since newlyweds palang kayo, dapat at this stage eh nasa "honeymoon" stage pa kayo. Like enjoy each others company. But wait, naalala kita sa situation dati. Yung first few months ng wedding namin, as in wala kami gadgets, even Internet connection sa bahay wala. kaya ending, kami lagi magkausap.
Until dumating yung mga gadgets sa buhay namin.

Andyan yung iPad, andyan yung gaming console nya. So most of the time, eh yun ang kaharap nya. Dumating sa point na nag freak out ako, kasi since nga tayong mga girls, eh gusto quality time together with our husband. But instead of talking to him in a calmly manner, ang ginawa ko, nag silent treatment ako sa kanya (feeling ko mapapansin nya ako na there's something wrong). hanggang sa dumating yung point na ganun at ganun nalang ang ginagawa nya. And then i realized, hindi naman nya malalaman yung mga gusto kong manyari, kapag hindi ko sinabi.
Kinausap mo na ba sya ng maayos, regarding yung excessive use of his iPad? Ganun kasi ginawa ko. Pero syempre, napaiyak ako. Emotional tayo eh. And nag compromise kami.

Ganun dapat, mag compromise. Makipagusap ka ng maayos. tell him yung mga bagay na gusto mong manyari. Dapat may time kayo para sa isa't isa. Wag ka umiyak lang or mag mukmok, kasi hanggat di mo sasabihin sa kanya kung ano ang mali, hindi gagalaw yan.
After ng usapan namin, nagbago naman sya. Saka lang sya gagamit ng iPad kapag wala ako or may ginagawa na household chores. And everytime makikita ko sya nagamit ng iPad, or yung mga gadgets nya, ilalapag nya, lalambingin ako agad. Or minsan naman, if kating kati na sya mag gadgets, mag papaalam sya sakin, sandali lang daw. etc. Which is fine for me.
Or if di naman effective sa husband mo yung compromise nyo, or malumanay na paguusap, maki join ka sa kanya (watch movies with him). Ginawa ko din pala yan dati. Kaya ngayon, kami na ni hubby ang magkalaban sa mga games nya. Naging bonding time narin namin yun. Yayayain pa nya ako palagi kapag restday namin maglaban ng tekken or basketball. and tinuturuan nya ako ng "moves" and techniques nya. He would even show me yung mga tinitignan nya na NBA news every now and then sa iPad para lang mafeel ko na di nya ako tine take for granted. hehe
Just talk to him, don't nag. Don't hate him for playing and don't think that your marriage is falling apart nang dahil lang sa gadgets nya. Communication is the key. Ask him to put down his gadgets and magusap kayo. Once you talk to him in a very calmly manner, for sure he would understand you.Asawa ka nya eh. Baka naman kasi kapag kinakausap mo sya sis, eh pasigaw. Ang mga lalake, hindi sila mind reader, kaya dapat kausapin mo sila ng maayos and tell him kung ano ang gusto mo manyari talaga.

And also, bakit magkahiwalay kayo ng kwarto? Kasi ba gusto mo suyuin ka nya, and sabihan na dapat magkatabi kayo? Or ayaw mo lang talaga tumabi sa kanya? Baka naman kaya nanonood nalang sya ng movies sa iPad is because di mo man lang sya tinatabihan?