watch now

Author Topic: Pwede bang gamitin ng baby yung surname ng father niya kahit hindi pa kasal?  (Read 34735 times)

fionnah325

  • Guest
ITO yong malaking pagkakamali sa ginawa ko eh..ginamit ko surname ko kahit ina acknowledge ng dad niya si baby..naghialay kasi kami nong nagbuntis ako eh ang iniisip ko lang pangit naman kasi kung surname ng dad niya ang dinala ni baby kaya surname ko nalang pero hindi ko akalain na magkabalikan pala kami ng dad niya kaya ayon inasikaso ng dad ni baby surname ni baby hanggang ngayon hindi pa tapos..hindi pa din kasi sure kung magpakasal ba kami

reezlemazzle

  • Guest
As long as andyan ang daddy para i-acknowledge si baby, pwede siya isunod sa apilido ng daddy. I gave birth hindi pa kami kasal, pero dala ni baby ang apilido, after 2 years nagpakasal na kami.

IMO though, its better to use the father's surname. Kasi yung bata ang mahihirapan pagtagal, ganyan nangyari sa ate ko, ngayon hirap na hirap sya magayos ng mga documents at di makakuha ng passport dahil sa ganyan.

Kasal or hindi, as long acknowledged ni daddy, mas okay apilido nya ang dalhin. Karapatan ng daddy yan, dahil anak din nya yan. Tell your parents, in a very calm and polite way, na you have to do what's best for your child cos he/she is YOUR child, not THEIRS. Kung hindi man kayo magkatuluyan in the future, fine, but that's not a reason para ipagdamot ang baby kay daddy.

TS, hindi ka pa nag-gigive birth, hiwalayan agad isip mo. Preggy hormones... All you can do is hope for the best and do what's best for your child and your own little family.
« Last Edit: May 28, 2015, 08:44:54 pm by reezlemazzle »

Girltalker2

  • Guest

^ sis, di mo din masabi.

Biruin mo, sabi ng friend ko exact lines - kaso sya - pinakamalaking pagkakamali daw nya is ginamit surname ng Fiancé nya. Malay ba nya na magloloko yung guy right before sila ikasal. Now namomoblema sya sa papers ngbaby nya at di sya maka migrate sa Australia with her baby because of the baby's surname. Di rin nya ma apply-an ng residency yung anak nya (she is already a resident abroad din).

prettygretchen

  • Guest
For my case, nun nanganak ako. Un baby ko naka pangalan sakin. The father is UNKNOWN hahaha! Pero known naman t**** lang at wise nanay ko hindi pinapirma un biological dad ng anak ko. So ayun, to make the story short pinag mukha akong na rape na hindi kilala ang ama ng anak ko ng nanay ko. Wahaha!

Nun una badtrip ako, pero tumagal na nang babae na nag hiwalay na kami. Tapos nag ka jowa ako bago palang mag 2 years old anak ko na siya na ang kinilalang ama niya.. Ayun siya nakatuluyan ko. Kasal na kami ngayon. After kasal, pinapalitan ko  surname anak ko walang two weeks naka apelyido na sa asawa ko legitimate by subsequent marriage ata yun tawag dun. Hindi ako sure sa tawag haha! Paki google na lang.

Moral story: kung nabuntis ka ng hindi pa kasal wag mo na muna ipangalan. Kasi kung hindi kayo mag katuluyan ang daming hassle nyan. Eh kung sigurado na kayo sa isa't isa kasal at ayun napakadali lang magpa apelyido by legitimation by marriage ata un

lovemeagain30

  • Guest
Sis ^ if you don't mind I would like to know anong hiningi na papers from your hubby now para magamit ni baby mo ang surname niya? Nung nag file ka sinabi mo bang hindi siya true na tatay? if not, Kailangan pa ba ng DNA test result? I have same case like yours and would like to have my child use my hubby surname kaso we don't want to go through adoption sana. enlighten me please with other options. kung anong pano niyo nagawa i process ang transfer ng surname. Many thanks! :)

prettygretchen

  • Guest
Hi sis lovemeagain30, same case ba tayo na Unknown ang father's name? If that's the case, mas mapapadali ka. Hindi ka na dadaanan sa adoption process. Kasi kung naka indicate ang biological dad with signature hindi ako sure sa process pero need mo pa siguro ng kung ano anong papeles at pirma ng real dad.

Sa akin ang hiningi is Marriage Cert NSO copy, birt certificate, documents na naka indicate siya ang dad. School papers enrollment form, medical cert. Pina notaryo ko pa yan mga yan. NO DNA needed. Pina labas ko lang na siya ang dad talaga tapos madaming against kaya nun time na ready n kami pakasal ayun na. Basta never ko disclose real name ng dad in any document ever. Kinagisnan na ng anak ko na ama hetong asawa kong pogi ngayon.

2 weeks tapos yun akin. Punta ka QC city hall. Shocks nakalimutan ko kumg what part of it. May procedure nakalista at pwede ka mag tanong. Tanong ko nanay ko bukas yun office. Nakalimutan ko na e

fionnah325

  • Guest
^ pwede pala yan sis hindi na e adopt yong baby pag once kasal na kayo ng partner mo?sa akin din kasi unknown din ang nalakalagy sa birth certificate ng baby ko eh kaya yon nong pinaayos ng dad ni baby yong surnMe niya parang madami pang proseso so mas okay pala talaga magpaksal muna para hindi masyadong mahihirapan

lovemeagain30

  • Guest
Hi sis prettygretchen. Yes pareho tayo ng status ng baby natin. Unknown din ang father at walang signature dun sa birth cert. Anong year mo pinaayos ang surname ni baby mo? Based on your story even before pa kayo magpakasal, nilalagay mo na ang name ni hubby mo as Father's Name tama ba?

I think you are referring to LCR (Local Civil Registry) ng Quezon City Hall. Yes dun din kasi naka register yung anak ko. Magkano nagastos mo? Anong taon ulit eto? Salamat ah. :)

prettygretchen

  • Guest
Sis ^ oo yan nga ata yan yan office na yun. Ang fee less than 5k ang tanda ko ah. Oo tama ka, hindi pa kami kasal pero nilalagay ko na sa medical at school form ng anak ko un name ng asawa ko ngayon. Eh mas naging ama naman siya sa lahat ng aspekto kesa sa tunay ng dad niya at yun feeling na in the end kami pa rin.

I think 8 years old na anak ko year 2012. Kasi 2011 kami nag pa civil eh ber months so after few months, after lumabas sa NSO un papers namin. inuna ko asikasuhin ang surname ng anak ko. Thankful din ako talaga sa nanay ko kasi siya nag isip na Unknown lagay birth cert at ang nag push sakin na asikasuhin un papeles ng anak ko ng maaga. Ewan ko na lang sa rules ngayon ah.

So ang steps siguro.
1. Kung sure ka na sa jowa mo, ayun lagay mo na sa mga papeles ng anak mo. Or pwede mo ipa doctor kung gusto mo.
2. Pakasal kayo. Wait sa NSO copy.
3. Punta ka sa Local Civil Registry ata yun. Haha ask for steps and other requirements kung may update.
4. Wag kayo mag suot ng bongga para hindi kayo i charge ng masakit sa mukha alam mo naman.
5. Ready kayo photocopy ng lahat ng papers niyo na naka notaryo.


Godbless satin mga dakilang ina :)

lovemeagain30

  • Guest
^^Salamat sa pagsagot ng mga tanong ko sissy! :) Great help. God Bless din sayo at naayos mo na legalities ng baby niyo. Same tayo ng nanay. Ganyan din siya mag isip nuon. Mabuti nalang din nakinig ako sakanya nuon. happily married narin ako with second baby narin. gusto ko rin ma settle na sa panganay ko. tama ka sissy, kung hindi pa sigurado sa bf na nakabuntis sayo -- better hold the surname . hindi mo rin kasi masisigurado ang future niyo mag ina. malay mo sa iba pala ang forever natin di ba.

lilsaintsm0m

  • Guest
My son carries his dads surname kahit di pa kami kasal. He just signed parang [textspeak!] affidavit of paternalship ba yun , attached yung sa birth cert nya. This was  year 2007 na di rin ako sure sa future namin noon we were young pa, parang nabangit sa akin ng mom ko before not to do it but I still did hehe. Kung di ka sure sa guy better not do it na lang. Naisip ko din kasi before di ko naman kapatid yun anak ko for him to have the same surname as mine. My decisions were right naman we are still together and going strong:)

lovely_carrot

  • Guest
As long as i-acknowledge ng father yung baby, pwede. May second page na pipirmahan yung guy sa birth certificate nung baby. Kaya pag kukuha ka sa NSO, laging 2 pages yun.

I didn't mind nung pinagamit ko surname nung tatay nya.That time kasi in good terms naman kami e.  Although hiwalay na kami, we're still co-parenting so okay lang sa akin kasi nagagamit ko for her allotment, plus my daughter feels na she is loved/acknowledged kasi same sila ng surname nung tatay nya. She doesn't feel alienated pag magkasama sila or with her father's side.

As for the consent naman to travel, I don't think magkakaproblema ako sa tatay nya. Sabi naman,  as long as may isang parent naman travelling with the child okay lang kahit wala ng consent.

fionnah325

  • Guest
^ sa akin till now di pa namin naayos surname ni baby sana hindi aabot ng ilang years or month bago maayos yon

iamshiela

  • Guest
Sis if ginamit mo yung surname mo sa baby mo..walang middle name yung anak mo..kasi di mo pwedeng gamitin middle name mo because lalabas na kapatid mo yung anak mo. Kaya better to use the father's surname.

mimiku

  • Guest
Question: my fiance is based in abroad and I am due to give birth on September. Not sure kung nakakabakasyon siya within the said month. He really wants to have our kid named after his last name and I wouldn't mind doing so. Ang problema wala siya sa Pinas by the time na manganganak ako. Anong pwedeng gawin para maging apelyido niya yung baby ko. Kailangan ba ng authorization letter coming from him? Salamat sa sasagot.

fionnah325

  • Guest
^ ipa late registration mo nalang si baby mo

lilsaintsm0m

  • Guest
tama sis. late regisration nalang. Meaning you'll get the birth cert issued by the hospital pero you won't submit it to them ikaw na mismo magprocess when you have it signed by the father. Ganun kasi ginawa sa nephew ko.

fionnah325

  • Guest
^ oo kasi mas okay ang late registration unlike sa baby ko wala ang dad ni baby nong nanganak ako kasi nasa barko siya not in good terms din kami non ang ginawa ko surname ko nalang ginamit ko hindi pa din anamn kami kasal eh..kaya ngayon nahihirapan siya papalitan yong surname ni baby...

mimiku

  • Guest
Ok sige, I'll keep that in mind. Salamat sa replies.!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close