watch now

Author Topic: Pwede bang gamitin ng baby yung surname ng father niya kahit hindi pa kasal?  (Read 34760 times)

EJ2526

  • Guest
Ask ko lang po kasi im giving birth this April and mauuna akong manganak bago ang 18th birthday ko. Pwede ko po ba ipagamit sa baby ko yung surname ng father nya? Or kailngan na ikasal muna kami? Gusto kasi ng parents ko na apelyido ko muna ang gamitin kaso iniisip ko na baka marami pang dapat asikasuhin kapag dumating sa time na magpapakasal na kami at ipapapalit ko na sa surname ng father nya. TIA po sa mga sasagot.

angeleigh

  • Guest
As far as i know, for as long as inacknowledge ng father ang baby sa birth certificate, pwede...

katrinac

  • Guest
EJ2526 - sis, ito ay POV ko lang ha. KUng ako tatanungin, if hindi pa kami kasal ng father ng magiging anak ko, gamitin ko muna yung last name ko na surname ni baby. Pero when nyo ba balak ikasal? May definite plans na ba kayo, or wala pa? If you have plans naman na, let's say, right after you turn 18, okay nadin na isunod mo na sa surname ni BF. If you're on a relationship na sure na sure na talaga kayo na kayo ang magpapakasal then go. But if isususnod mo kay BF because he is the daddy, eh tingin mas gugustuhin ko nalang na surname ko nalang papagamit ko kay baby. (For me lang naman sis ha)  :)
« Last Edit: February 20, 2014, 02:41:26 am by katrinac »

EJ2526

  • Guest
^Naisip ko nga din sis kasi after ko manganak hindi naman kami magpapakasal pa kasi balak namin na magtapos muna ako mga 2-3 yrs pa. Sya kasi graduating na. Kaya napag-usapan namin na pag pati ako may work na dun namin isesettle lahat. Naisip ko nga din na surname ko rin muna gamitin para may kasal talagang magaganap yung iba kasing maaga nanganganak porke't surname na ng father yung gamit ng anak hindi na iniintindi yung kasal.

twinkle belle

  • Guest
sis EJ2526, yes puwede niya gamitin as long as nakapirma (in-acknowledge) si Daddy sa birth certificate.

ganyan nangyari sa kapatid ko. ang surname ng pamangkin ko sa birth certificate na registered sa NSO iyong sa Papa niya.

IMHO, gamitin ninyo na iyong surname ni Daddy ni baby. Kung after kasal kasi ia-adopt pa niya si baby para magamit iyong surname niya. Sa pagkakaalam ko, ganyan mangyayari. Puwede ka mag-browse sis ng Family Code para mas malinaw.
« Last Edit: February 20, 2014, 06:24:40 pm by twinkle belle »

EJ2526

  • Guest
^Yun nga rin naisip ko sis yung mga aasikasuhin pag dumating yung time na ikakasal na kami. Dagdag hassle pa kasi ipapa lagay pa namin apelyido nya kay baby. Atleast ngayon malinaw na sakin na pwede pala kaso parents ko kasi may gusto kaya kahit ayaw ko diko alam ano mangyayare. :(

angeleigh

  • Guest
kung ikakasal din naman kayo, ipagamit mo na surname ng guy. malaking abala at gagastos ka pa kung surname mo pa ang ipapagamit.

EJ2526

  • Guest
^Oo nga eh kaso mga 3-4 yrs pa kasi magtatapos muna ko bago kami magpakasal eh. Hirap tuloy kung kami lang talaga masusunod surname na nya ipapagamit namin eh.

DianeShishio

  • Guest
My parents had the same situation, so they decided that I take my mother's surname. They eventually parted ways and since my father's family were fully providing for my needs, they decided to let an uncle legally adopt me (so I could have THEIR FAMILY'S surname :D)
 
If I were in your place, unmarried, jobless and living under your parents roof, I would opt for my child to use my surname. What lies ahead you is a sea of uncertainty - given the reality that you are too young to be making babies - despite the fact that YOU are the mother of the child, I believe this is a decision that is best made by people around you who are wise beyond their years... after all, they seem to be supportive and caring toward you and your unborn child.

But still... to each his own ika nga.  :)

EJ2526

  • Guest
^I agree with your opinion. Reality naman kasi talaga para sa pov ng mother ko baka daw magkahiwalay kami tapos makapag asawa ako ng iba atleast daw apelyido ko ang gamit ng baby ko. Though shempre para sakin naman ayokong mangyare yun at hindi namin hahayaang mangyare kasi shempre gusto naming dalawa na buo ang family ng baby ko with his biological father, of course. Pero shempre hindi nga natin masasabi and tama ka kasi nasa kanila parin ako. Pero honeslty hindi ko alam 50/50 para sakin. too much confusion. Eh kahit naman maconfuse ako wala rin naman akong magagawa kung anong gusto ng parents ko. Though kaya ko naman mapakiusapan father ko kaya pinag-iisipan ko parin maigi.

DianeShishio

  • Guest
^ Ako kasi kung maghihiwalay kami ng hypothetical baby-daddy ko under harsh circumstances, hindi ko siguro masisikmura na dalhin ng anak ko yung surname niya. Hahaha... ma-pride lang ano?  ;D

May kaklase nga ako dati na nagpa annul ang parents, tapos pinapalitan din legally yung buong name niya, instead of Mark Jacob A. Cruz  (not his real name hahaha :D) naging Marvin Jacob Aquino.

Just weigh in the pros and cons closely and try to factor in opportunities like petitions to go abroad and such.

mynameisxtine

  • Guest
Yes. Pwede na. Binalik na last 2003 ang batas na ito. Pwede mo ipagamit ang last name ng father ng baby mo ang last name  nya, however, he needs to acknowledge and sign sa birth certificate.

EJ2526

  • Guest
Thanks for the infos mga sisses. Hopefully kung ano man ang mangyare yun ang mas makakabuti para sa baby ko.

BDJ

  • Guest
As far as i know, for as long as inacknowledge ng father ang baby sa birth certificate, pwede...

I agree on this one. Kasi ang hubby ko is hindi naman kasal ang parents niya and yet separated pa pero dala niya ang surname ng Tatay niya in which I think this is with the acknowledgment of his father nung baby pa siya pero mukhang hindi na talaga niya nakilala ang father niya.

Pwede naman dalhin ang surname ng Tatay kahit hindi pa kayo kasal.

lovemeagain30

  • Guest
Para sa TS, if I were you don't do it.  :D

masyado pang maaaga para malaman niyo pareho ni current bf kung kayo ang magkakatuluyan s huli at kung siya ba ay magiging mabuting ama at partner sainyo ng anak mo. lahat ng bagay nagbabago pag may anak na my dear!  ;D

think of the legal implications as well, pag naka apelyido na yan sakanya whatever happened in the future or wherever you will go (malay mo mapunta ka pa sa abroad) you will always.. always.. I'll repeat, always ask for the father's consent with regards to your child.

mabuti kung may limpak limpak na kayamanan ang pamilya ng bf mo (mala conjuanco at ayala lang) at sige hala, ihabol mo sakanya ang apelyido pero kung eto ay kapareho lang natin na ordinary. for me, no need. kung mahal ka niya at pati magiging anak mo, promise, maiintindihan niya ang desisyon mo.
magsisikap pa nga yan to prove himself.

mas madali magpa acknowledge ng paternity pagdating ng araw kesa magpalit ng apelyido.

nga pala, I based this all from my experience. dati din akong single mother. nung buntis palang ako, sinabihan ako ng parents ko about sa magiging last name ng kid ko. yung advise ko sayo ngayon, ganyan din ang payo ng mga magulang ko sakin at sinunod ko sila. sa totoo lang, it was the best advised ever!  ;D yung anak ko ngayon ay 9 years old na. hiwalay na kami ng tatay niya. saan mang bansa ako mapunta, naisasama ko siya kasi ako lang naman ang legal parent niya sa mga documents niya. hindi kailangan pirma ng ama. I could imagine yung hirap kung hindi sakin naka apelyido baka asong ulol ako susunod sunod dun everytime para magpapirma ng papeles ng anak namin.  ::) believe me when things get sour, kahit anino ng dating partner mo eh ayaw mo ng makita pa.
« Last Edit: March 31, 2014, 04:49:09 pm by lovemeagain30 »

JINJIN:*

  • Guest
na sayo.

Gusto mu ba? Kung ayaw mu..wag na kase ibig sabihin may doubt ka sa relasyon nyo ng lalake. Chaka pagdating ng panahon na hindi kayo nagkatuluyan, at least mas madali para sayo na ilipat siya sa apelyido ng magiging asawa mu if ever magasawa ka ampunin ng magiging asawa mu. Kaya lang pano pag nag school na siya, baka naman mapag usapan sa school bakit maiden naman ang dala niyang apelyido.

Sa isang banda, karapatan din ng Ama na ipalagay ang surname niya at anak din naman niya yan. Pagdating ng panahon na kahit hindi kayo magkatuluyan, puputulin mu ba or ipagpatuloy ang relasyon nilang mag ama? Pano kung mayaman ang angkan ng lalake at siya ay illegitimate, tapos apelyido mu pa, ehdi lalo nang kawawa ang anak mu sa mata ng tao. I mean yun eh kung mayaman ang angkan ng lalake. Yun ang realidad. (although pagdating sa mana, pantay naman ang legitimate at illegitimate diba) Pagdating ng panahon, ano ba ang mas matimbang sayo? alin ba ang mas acceptable na sitwasyon para sayo. Hindi eto kapakanan mu kundi kapakanan ng anak mu.

mommylyn

  • Guest
Dear EJ2526, yes the baby can use the surname of the father basta mag sign si BF mo sa acknowledgement part ng Birth Certificate ni baby.

IMO, kung hindi naman dine deny ni BF na sya ang ama at kung yun family nya ay willing naman to support both of you hanggang sa maipanganak mo si baby, then I don't see any reason why the baby should not take the surname of the father. just in case naman na hindi kayo magkatuluyan, it is still the right of your child to use the surname of the father. karapatan nya makilala kung sino ang magulang nya at kilalanin sya bilang anak ng magulang nya... and like what I said, kung hindi nya dine deny at kung susuportahan nya kayo ng maging anak nyo, then talagang may karapatan sy 

my hubs and I are not married and we have 3 children all of them using his surname. our first baby was born when I was only 20 years old. My parents wanted to do the same thing pero I did not allow them, inisip ko my baby, it's her right to be acknowledged and it's her right to know her father. in the event magkahiwalay kami, hindi sya mahirapan hanapin tatay nya. plus, yun hubs ko ang gumastos ng lahat so I thought, it would be unfair for him na sa amin lang i-apelyido ang bata when he owned up to his responsibilities sa amin.

so sis EJ2526, pag isipan mo mabuti. it should not be just about you or your family, it should be about the child too. It's her right.  :) and pray... pray for wisdom and guidance from God. TC!
« Last Edit: March 31, 2014, 09:19:46 pm by mommylyn »

EJ2526

  • Guest
Thank you sa mga opinyon niyo. Surname na ng daddy niya pinagamit ko. Tama kayo, kung iisipin ko sarili ko i'll choose to use my maiden for my son kaso tulad ng sinabi niyo isipin ko din yung child ko which is true. Yun yung dahilan kung bakit gusto ko din ipagamit sakanya surname ng daddy nya. Though hindi man namin masasabi yung pwedeng mangyari between us karapatan ng anak ko na gamitin apelyido ng tatay nya and tulad ng sinabi mo sis JINJIN ayoko rin dumating yung time na kapag pumapasok na sya eh questyunin ng mga tao yung surname nya. Maghiwalay man kami o hindi ng father nya ok na sakin na apelyido nya gamit which is yun naman talaga dapat. Fortunately responsible naman sya lalo ngayong may anak na kami. :)

aquacharly

  • Guest
Yes, puede. You should do so -- kahit hindi kayo ok na.   IMO, he owes it to the child. 

dropdeaad

  • Guest
I wanna use his father's surname kasi he came from a political clan kaya maganda din benefits. Hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close