watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 3  (Read 53125 times)

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #280 on: May 06, 2014, 04:54:58 pm »
Sissies question idk kung OT to hehe

Sa mga married na dito pano ang set up nyo kung saan kayo magstay na bahay pag umuuwi kayo ng pinas? Wala naman kame sarili pang bahay ni dh so nung last nameng uwi dun ako sa bahay nila, sa 30days namen sa pinas siguro 5days lang ako nakapag stay sa bahay namen which is nakakaguilty kasi mama ko as in harap harapan sinasabe nya ke dh na " pwede ba dun ka muna sa bahay kasi namimis na kita" tas pag kame na lang 2 ni dh sasabihin nya saken " si mama naman iba na ngayon kasi may asawa ka na" ang aken lang, syempre nakabakasyon lang naman kame eh ano ba naman yung magstay muna tayo sa mga magulang naten db? tama ba ko? tska kasi yung feeling na hindi ako komportable sa bahay nila, nahihiya pa din ako.Kayo ba?

I feel for you Sis.

Nung uwi ko last year, ganyan din ang set up ko.  Although medyo iba ng kaunti kase ako lang ang nagbabakasyon. Hubby is working sa manila at that time.  I wanted to spend more time with my parents kaso I also need to spend time with Hubby.  Malayo ang probinsya namin, tawid dagat... so hindi kadali yung pagbyahe.

My mama was actually very understanding (surprisingly) kase sya pa ang nagsasabi sa akin na I need to go back and spend more time with my hubby.  I was even crying one time kase I feel bad na kaunting days lang yung ispend ko with them.  Sabi ni Mama sa akin, na iba na nga ngayon kase may asawa na ako.  She totally understands if I need to spend more time daw with hubby and the in laws. 

Pero siguro kase late na ako nag-asawa (33yrs old) kaya I can't shake off the feeling na I need to be with them all the time during my vacation. 

About Hubby naman, 3x pa lang sya nakapunta sa amin.  Nung namanhikan, after ng kasal, tapos nung last kong uwi.  I think if given enough time gusto niya rin mag-stay sa amin, coz when we were talking about retiring plans, or kung if ever mag stay na kami pinas in the next 5yrs... gusto niya sa amin mag-stay.

I think tama si Sis Bhey, baka hindi nga comfortable si hubby mo sa inyo kaya ganyan.  Sa amin din bawal ang yosi at yung inom pwede pero strict si mama haha! But my papa actually ang nagyaya kay hubby na mag-inuman haha! I think it was his way of making my hubby feel comfy.  Pero may hirit nanay ko na first and last inuman daw yun (goodluck) and hirit naman ng mga kapatid ni papa na sa kanila na lang si hubby makipag inuman. 

And also Sis Gracita, you have to show din na comfortable ka sa kanila. Kase in my case, comfy din ako sa side nila, kaya I think he also make an effort na ganun din sa side ko.

Ayy ang haba na ng post ko!
« Last Edit: May 06, 2014, 04:58:16 pm by Myealexis21 »

kireinachean

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #281 on: May 06, 2014, 08:54:34 pm »
Sissies question idk kung OT to hehe

Sa mga married na dito pano ang set up nyo kung saan kayo magstay na bahay pag umuuwi kayo ng pinas? Wala naman kame sarili pang bahay ni dh so nung last nameng uwi dun ako sa bahay nila, sa 30days namen sa pinas siguro 5days lang ako nakapag stay sa bahay namen which is nakakaguilty kasi mama ko as in harap harapan sinasabe nya ke dh na " pwede ba dun ka muna sa bahay kasi namimis na kita" tas pag kame na lang 2 ni dh sasabihin nya saken " si mama naman iba na ngayon kasi may asawa ka na" ang aken lang, syempre nakabakasyon lang naman kame eh ano ba naman yung magstay muna tayo sa mga magulang naten db? tama ba ko? tska kasi yung feeling na hindi ako komportable sa bahay nila, nahihiya pa din ako.Kayo ba?

Sis last na uwi namin nagrent naman kame ng pagstayan namin para patas,  tapos if may gustong pumunta sa mga kanya kanyang pamilya e di go at kung ayaw sumama e di maiwan nlang tho sympre kelangan mo magpakita din sa mga in laws mo, ang hirap din kase limitado lang oras mo sa bakasyon tapos e hindi mo pa masusulit.

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #282 on: May 06, 2014, 09:05:45 pm »
^ Pwede din yang idea mu sis ha kasi ganun din naman eh kame nagbabayad ng kuryente nung nakabakasyon kame pano umabot ng 10k dahil lage nakabukas AC hehe

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #283 on: May 06, 2014, 09:39:11 pm »
^agree sa laging nakabukas ang AC. kung pwede lang 24/7 naka-on ang AC eh hehe. last year, summer kami umuwi. konting kibot ko lang, pawis na ko haha. pero infairness, pumayat ako ng onti non ;)

sis gracie, i hope sa susunod na uwi nyo, magkasundo na kayo ng hubs mo kung san mag-stay. dapat kamo, lahat happy so pagbigyan ka na nya ;D

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #284 on: May 06, 2014, 09:43:46 pm »
^ Naku sis agree! sa payat kong to may pinayat pa ako nung nagbakasyon kame grabe lang paglabas na paglabas ko ng cr pawis na ko  >:(

Onga sis kausapin ko talaga sya ng masinsinan pag hindi pumayag hindi na lang ako uuwi! LOL!

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #285 on: May 06, 2014, 11:19:51 pm »
wow swerti naman ng mga pumapayat pagka-uwi, ako naman kain lang ng kain kaya dagdag kilo talaga pagbalik dito...

Iba naman yung case namin ni hubby kasi ulilang lubos na siya so bahay nalang talaga ng Mama ko ang mauwian namin sana..Sana kasi ayaw nya dun kasi in the middle of nowhere walang internet. So most of the time sa Manila lang kami and si Mama nalang pinapapunta namin, gustong-gusto naman nya kasi she's able to roam around. :D

si Gracie sabihin mo kay hubby na dapat 50-50 kayo para fair. Pd din na yayain mong magbakasyon mom mo, go to a resort o kaya go to spa para bonding kayong dalawa. Explain mo kay hubby na as a woman even though we're grown-ups, may mga sariling anak na but we still need our mom.
« Last Edit: May 07, 2014, 10:57:44 pm by yena^_^ »

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #286 on: May 08, 2014, 05:38:36 pm »
^aba aba aba! nalihis ang pag zuzumba natin, hanggang sa napunta sa pag renew ng passport...

reyna,
nakasulat kasi sa website nila na kailangan magdala ng ganito ganyan upon making an appointment... so prepare ko nalang din kesa magbalik balik kami auh to ajman.
thanks again sa informations.

holly,
awa ng diyos, nung panahon na tumatawag ako dun e may sumasagot naman. ewan ko lang ngayon. hahaha!

sana e wag makatyempo ng nagmemenopause at ng hindi masungitan. haha.

kala mo naman yung mga yan noh, dapat nga hindi sila magbubusit sa kalahi nila. kaya sila kinaiinisan e, oo madami sila ginagawa, e pero tama bang sungitan pa yung mga tao? edi imbis na maganda pakitungo sa kanila ng mga tao e pagbubusitan nalang din sila, hanggang sa lahat na ng andun e mainit na ulo. diba?

gracie,
ay nako, ganyan din kami nung unang bakasyon namin sa pinas. siyempre excited ako makasama family ko, family kasi ni hubby e andito din kaya hindi naman nakakamiss hehe.

so ang nangyare, dun kami stay sa house namin sa angeles. tapos ang pinapasyalan namin, yung ate ni hubby sa baguio or sa lolo nila sa la union, at yung family ko sa cabanatuan.

nakaka unfair lang kasi pag nasa baguio kami, tentative palagi kung kelan kami uuwi sa angeles or sa cabanatuan.

pero pag andun naman kami sa amin, palagi siya nagmamadali umuwi sa angeles. gusto ko na nga mag paiwan samin. pero hindi ko naman magawa. haha.

so next uwi namin niyan, malamang e ganyan nanaman. e pag ganyan ulit nangyari, magpapaiwan muna kami ng mga bata sa cabanatuan. bahala siya kung san niya gusto mag stay, kung sa bahay sa angeles o sa ate niya sa baguio. sayang ang time. haha.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #287 on: May 08, 2014, 06:33:59 pm »
sis gracie, lagot tayo kasi sis yena! hindi natin nakuha mobile number nya  :-X

@joyce, naku minsan ganyan kami ni hubs pala. ayaw pa nyang bumalik ng manila pag nasa ilocos kami. ang rason nya, magastos daw pag nasa manila ahahaha.. may point naman siya kaya lang kasi may mga need din kaming asikasuhin sa manila tapos ayaw pa nyang bumalik. kaya ayun! pagbalik namin ng manila, hindi kami magkandaugaga sa sobrang busyness.. tapos sasabihin ko sa kanya, "tapos ayaw mo pang bumalik ha!" hehe.. ang mahirap pa, smaller ang kids namin so hindi basta basta rin naman makalarga na lang. kaya madalas lalo kaming nagagahol sa oras..

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #288 on: May 08, 2014, 11:54:07 pm »
^Hello mga sis..hahaha..bloopers  ::)
 Nagwait ako dun sa food court for almost an hour..Anyways I was eating the whole time so ok lang.
Sana we can find another time.  ;D

Block daw ako magcomment and magmessage sa FB.

@sis Bhey watch mo nalang yung Pesos and Sense pag may tanong ka ask mo lang ako. I'll try to help. :)

@sis Gracie may ipapahiram ako na book sayo, gusto ko sya kasi sobrang daling basahin, taglish pa! I will just give it to your hubby. :)
« Last Edit: May 09, 2014, 09:48:42 pm by yena^_^ »

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #289 on: May 10, 2014, 01:43:01 am »
holly
hahaha, speaking of aling maliit, nakakatawa talaga siya, nakatuntong pa sa mga damit. tapos may mga panty bra ka pa siguro nakatupi sa kama noh, tapos talon talon siya dun, gumuho na yung patongpatong hahaha.


gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #290 on: May 10, 2014, 12:57:58 pm »
sis yena naku sorry talaga  :( 2 pa kame ni sis bhey ang hindi nakakuha ng number mu  ::)

sige! sige sis san ka bang dept? same lang din ni dh mu? sabihin ko na lang si dh para sya na lang magpunta sayo  ;D

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #291 on: May 10, 2014, 05:50:13 pm »
^sis sa corrosion ako. I will just let hubby give it to your dh kasi wala pa akong phone so I can't call him but hubby can and alam din ng dh mo san nakaupo hubby ko. :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #292 on: May 14, 2014, 03:01:06 pm »
Sissies question idk kung OT to hehe

Sa mga married na dito pano ang set up nyo kung saan kayo magstay na bahay pag umuuwi kayo ng pinas? Wala naman kame sarili pang bahay ni dh so nung last nameng uwi dun ako sa bahay nila, sa 30days namen sa pinas siguro 5days lang ako nakapag stay sa bahay namen which is nakakaguilty kasi mama ko as in harap harapan sinasabe nya ke dh na " pwede ba dun ka muna sa bahay kasi namimis na kita" tas pag kame na lang 2 ni dh sasabihin nya saken " si mama naman iba na ngayon kasi may asawa ka na" ang aken lang, syempre nakabakasyon lang naman kame eh ano ba naman yung magstay muna tayo sa mga magulang naten db? tama ba ko? tska kasi yung feeling na hindi ako komportable sa bahay nila, nahihiya pa din ako.Kayo ba?

hi gurls! kakabalik ko lang galing bakasyon kaya bagay na bagay sakin tong tanong na to :)

Bago kame umuwi, nagusap na kame ni hubby na ako, magstay sa bahay namin kasi uuwi din sila mama from Japan. siya, dun sakanila. Si K, saamin, kasi 13 days lang sila mama sa Pinas. Madaming nagtatanong bakit ganun ang set up namin, dameng taas kilay, dameng chismis pero ang point namin ni hubby, wag tayo papaapekto kasi napagusapan namin na ganun. sa 24 days ko na bakasyon, 3 days lang kame magkasama natulog. tapos ngayon, naiwan pa sya sa Pinas, kasi sya pinayagan 5 weeks vacation. ako talaga 15 working days lang ang allowed na max kada leave. si K, dapat iwan pero last minute, pinarebook ko kaya i paid 900 aed pa para marebook sya :(

the whole time na nasa Pinas sila mama, lage kameng magkakasama, si hubs sumasama lang sa mga kain sa labas at mga galang pampamilya pero for example may mga bibilhin lang kame ni mama, hindi na sya kasama. hinayaan ko sya don sakanila din, kasi miss na miss nya na pamilya nya din.

ang sarap sa Pinas! pero ang gastos, buti nalang 2 weeks kameng saved sa gastos kasi si mader ang nagbabayad ng lahat, even mga gatas at dypes ni K. i told my mom na hindi ako uuwi pag di sya uuwi. hehe :)

ngayon ko naiintindihan kung bakit nasasabi ng iba na mas mainit sa Pinas kesa dito sa UAE. mas mainit dito, oo, pero lahat ng papasukan mo airconditioned. unlike sa Pinas, sa kwarto lang namin may AC, puro electric fan lang kadalasan ang mga nasa sala, kaya mainit talaga ang dating. grabe ang pawis ko dun na hindi ko ipinapawis dito. pero masaya, nakakain ako ng mga isaw, bbq, etc etc. ang saya!

It's more fun in the Philippines talaga! :)

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #293 on: May 14, 2014, 03:27:08 pm »
^ Buti pa dh mu sis malawak pag iisip sa ganyan, ngayon pa nga lang hinahanda ko na magiging litanya ko para payagan nya akong sa bahay namen ako mag stay like " Gusto mu ba ikaw lang masaya pag nakabakasyon tayo? " or " Matanda na si mama, days lang naman hinihiling ng matanda saken" ok na ba yan sis?  mga pakunsensya effect  ;D

True ka dyan sis na mas mainit dito compare sa pinas pero iba kasi ang init sa pinas, malagkit dahil sa polusyon na wala naman dito nun.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #294 on: May 14, 2014, 04:28:36 pm »
@yena, naku sorry talaga sis :( hindi ko kagad ni-save ang number mo kasi sabi ko naman available sa fb ko anytime :( sorry talaga! sige try kong watch yang mga sinabi mo.. need to invest na at wala kaming ipon :(

@joyce, hahaha wala namang panty and bra kasi puro damit nila yun ng Kuya nya. pero buti na lang wala sa bed yung clothes nya kundi ginulo na rin nya siguro hehe

@tin, welcome back! naku last year summer din kami umuwi, tagaktak ang pawis eh hahaha. mga anak ko nga sa labas na namin pinapaliguan hahaha. enjoy naman sila sa batsa eh lol.. pero understandable naman ang setup nyo ni hubby mo. i might do the same kung ako nasa place mo :)

@gracie, winner for me ang " Matanda na si mama, days lang naman hinihiling ng matanda saken".. pag hindi pa naman siya nakunsensya nyan hahaha

chicgurl

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #295 on: May 14, 2014, 06:56:15 pm »
mga sis ask ko lang saang website pwede manood ng The Legal Wife? sorry wala kaming TFC e hehe.. kinukulit ako ngn friends ko panoorin ko daw.. thank you!

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #296 on: May 14, 2014, 06:59:38 pm »
^^ sige praktisin ko na yan ahahaha!

^ pinoy ako online tambayan  ;D

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #297 on: May 14, 2014, 07:40:13 pm »
@gracie, tama, okay ang rason mo. hehe. sa Pinas talaga, masaya na dun ka din sa family mo. kasi syempre, miss natin sila :)

Girls, ask ko lang, baka may alam kayong vacancy sa Logistics or Supply Chain. May friend ako na kelangan ng work talaga. nagkaron ng problema sa current work nya, kaya sibak sya. Thanks!

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #298 on: May 15, 2014, 12:41:53 pm »
^Tin welcome back!!! Namiss kita! Hindi na rin ako updated sa mga TV shows kase wala akong ka-tsikahan LOL!


simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #299 on: May 15, 2014, 01:17:11 pm »
^ weeeh! Miss na din kita. seryoso di ka na updated? grabe, i have more than a hundred episodes na dapat kong habulin, i think. nakaka 4 palang ako kahapon, yung devious maids. maya banat na ko ng iba! unahin ko ang TGW at CM :) Nood ka na ulit, andito na ko!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close