Hi ladies! 4 days akong wala, naka sick leave ako ng 2 days, Mye sinunod kita na sulitin na ang long weekend ko. LOL.
Reserved na kame sa UIPS!! funny kwento pa, last week, sabi meron pang slots sa UIPS. so, expected ko di pa sya mauubos agad. eto na, thursday pupunta na ako to pay the reservation fee, hala, pagtawag ko, ubos na daw!!! grabe lungkot ko neto. eh eto ang isa pang choice ko apart from TPS eh. buti nalang, kinagabihan, nagtext sakin si Rosette, registrar ng UIPS, may nag back out daw, ayun, kaning pinabayaran ko na kay hubs! buti meron na kameng slot, panghapon kinuha ko, 11-2pm. pero may assessment pa daw, sa june or july ata. for kg1, dapat marunong na humawak ng pencil, color, shapes recognition. marerecite ang numbers and alphabet. mura lang ang tuition fee dito pala tapos ang service mura lang kasi malapit lang saamin, nasa 9500 lang all in na, i think

Mye, i have a friend na nagwowork sa DMC. ang position nya is Accounts Asst/PRO ha. ang ganda ng benefits nya. may housing allowance, 2x na roundtrip ticket (kasali din ang dependents pag may family ka dito or kahit nasa Pinas), kahit abutin 7k ang ticket gora lang, may optical, may dental, libre pagaaral ng kids, may gas and salik allowance, etc. lahat na ng pwedeng isama, nasakanila na. ninong to ni K, sabi ko ampunin muna si K para makapagaral sa top schools! LOL. ang swerte ano, i mean di pa mataas position nya ha, parang sya na ang aliping sagigilid sa company nila dito pero lahat ng benepisyo meron sya. sabi ko nga, sana matyambahan ko din ang ganyang work. this friend, he used to worked in Citibank, 3.5k aed sahod nya, 8yrs ago, etong company nya ngayon, client nya, pinirata sya, they offered him 9k agad, ayun, 11 months palang sya sa Citi, lipat na sya dito sa company nya ngayon. sarao ano!
si hubs, nakakuha ng bonus. pero di namin naramdaman, nilagay namin lahat sa cards!! okay na din, kesa hirap kame sa monthly na bayaran. hahaha.
grabe pala ang Open Day ng Alshaya. nagpunta kame, almost 1k na tao ang pumila! naloka ako!