watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 3  (Read 52737 times)

simplykristine08

  • Guest
Girltalkers from UAE 3
« on: February 16, 2014, 07:06:08 pm »
Puno na ang second thread, dito na tayo sa bagong bahay natin.

Post away, sisses!

Link to the previous thread:
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,276549.msg7769819.html#new
« Last Edit: February 16, 2014, 07:09:22 pm by simplykristine08 »

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #1 on: February 16, 2014, 07:27:20 pm »
uyyy thread 3 na :)

tin, si R din minsan hindi nakikinig. lalo na pag naghaharot, nakupo! tapos pagsuot nga lang ng slippers nya ngayon, paulit ulit pa. pero pag nagalit kami, sunod naman na hehe.. visit kami sa tuesday sa isang phils school, itanong ko yang assessment na yan :)

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #2 on: February 16, 2014, 08:06:26 pm »
Makiki-attendance para hindi mahuli sa tsika :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #3 on: February 16, 2014, 08:12:36 pm »
^^ natanong mo ba sis yung regarding sa age? kaning nga tumawag ako sa UIPS, sabi sakin pang kg2 na daw si K. sabi ko, ala di pa marunong magsulat yun. pag kg2 dapat marunong na magsulat atleast ng pangalan nya. tapos sabi nya, sige daw pwede pa pang kg1. eh hello, 4.4yo palang si K sa september. kaloka!

chockulit

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #4 on: February 17, 2014, 09:57:57 am »
subscribing!

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #5 on: February 17, 2014, 12:27:25 pm »
^^naku mukhang strict sila sa age dito kasi even kay hubby, sabi sa PEPS, kg1 pa lang si R kahit 4.8 yrs old na siya by sept. i will reconfirm it tomorrow pero sabi rin ng officemates ni hubs, ganun ata talaga. dapat during the school year, the kids will turn 5 yrs old. feeling ko naman, he's too old na for kg1 pero anong nagagawa ko kung yun ang policy nila.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #6 on: February 17, 2014, 01:09:26 pm »
^ sabagay sis, wala naman magagawa kundi sumunod. thanks pala ulit sa email! ang ganda ng mga nakukuha mo :) Print ko na now. hahaha

paydayramos

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #7 on: February 17, 2014, 01:55:40 pm »
...joining :)

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #8 on: February 17, 2014, 01:59:30 pm »
tin, welcome naman! natuwa nga rin ako kaya pinadala ko sayo, baka magustuhan ni K. natuwa si R sa number recognition eh. 2 lang ang ni-print ko kahapon, kaninang umaga bago ako umalis ginawa na nya tapos hinanapan pa ko, more daw hehe. unti untiin mo lang si K, younger pala siya kay R. masasanay din yan eventually :)

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #9 on: February 17, 2014, 02:02:44 pm »
hay nakasilip din. hehe.

tin,
kung 4.4y palang si K sa september, kg1 pa rin dapat yun. ay, mahihirapan sila pag nag kg2 agad sa ganyan age. nakita ko kasi sa mga classmate ni jade, yung iba hirap pa din daw sa mga lesson. yung iba tamad pa magsulat. e sila jade pinagsusulat na sa notebook, pinapakopya ng teacher yung nakasulat sa board.

sila jade pinagbabasa na din ngayon. nag umpisa sa 2letters, kinabukasan nasa 3letters na sila, consonant-vowel-consonant.

meron pa yung sasabihin mo kung ano yung nasa picture. kunwari dog yun. sa ilalim ng picture, ang nakasulat lang "do_". write the missing letter. hahaha! minsan may choices kung anong letter, minsan wala.

last time nga nag review kami ni jade para sa second quarter exams, ako napanganga sa Filipino e. alpabetong filipino ang subject, alam niya kung alin dun ang patinig, katinig, at hiram na titik.  ;D

kaya pilitin niyo makapag kg1 muna sila. para hindi mabigla.

hi holly!
tyaga tyaga din pag may time. hehe.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #10 on: February 17, 2014, 02:07:06 pm »
hayy di ito good news for parents na nagpapa-aral dito sa UAE

http://gulfnews.com/business/general/executive-decision-caps-school-fees-5-7-per-cent-1.1291782

buti sana kung may significant taas sa sahod natin to cover these expenses (housing and education). eh wala naman! swerte na kung may yearly increment ka hayyy

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #11 on: February 17, 2014, 02:19:04 pm »
joyce, ganun na nga tyaga tyaga lang talaga. infairness kay R, nag-improve naman. next target ko masulat nya complete name nya. good luck sa kanya lol. buy ko rin siya ng notebook soon pag medyo kabisado na nyang isulat ang letters para ma-practice sa lines :)

sabi nga rin sakin sa PEPS, by KG2, tinuturuan na silang magbasa. kaloka! naku kelan yang katinig at patinig na yan! hahaha baka dumugo utak ko sa pilipino ah! lol

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #12 on: February 17, 2014, 02:31:42 pm »
holly,
kg2 yan, hahaha.

sa kg1 puro basic ang tinuturo, pero may writing na din sila sa kg1 at konting reading.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #13 on: February 17, 2014, 02:44:05 pm »
^good luck sakin kung ganon! hahaha

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #14 on: February 17, 2014, 02:55:04 pm »
joyce, sa school ba nila jade meron pang assessment ang kg1?

waiting lang ako within this week talaga, then come Sunday or Monday, bayad na kame reservation sa UIPS pag wala na talagang slot sa TPS. until now wala pa kameng nakukuhang feedback from Gems kasi eh.

holly, maraming maraming salamat. nakakaloka may increase kaagad. pero ayos na din kasi hindi gaanong malaki talaga. kumbaga, medyo kaya kaya pa.

may bulutong ang isang bata na kasama namin sa house. worried ako baka mahawa si K. pero may varicella vaccine naman sya, kaya lang pwede pa rin mahawaan kahit ganoon eh :(

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #15 on: February 17, 2014, 03:05:12 pm »
holly,
hahaha! second quarter pa naman ang patinig/katinig, tapos third quarter ang pagbabasa kaya keri pa.

tin,
si jade hindi na na-asses nung pumasok sa kg1, basta nung tinawagan kami, nag enroll, tapos kinabukasan diretso na sa room ang berat at pinalayas na ako. haha. pero alam naman sa office na may alam na siya mga basics.

si jing nun sa pinas, kinder, inasses pa sa office, may parang exam na binigay. parang IQ test lang naman ata yun. colors, letters and shapes...

oh, no! i-double dose mo na agad ang vitc niya para kahit paano malakas ang resistensiya niya. wag mo masayado palabasin ng room niyo. sa hangin yun, madali makahawa.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #16 on: February 17, 2014, 04:14:26 pm »
^ kaya lang sis, kasama namin sa house. eh kame naka hall lang, tapos parang sliding door lang ang pinto. hehe. pero eto yung mga times na happy ako na halos kompleto ang vaccines ni K. nakakatakot kung walang bakuna ang bata. jusko.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #17 on: February 17, 2014, 04:34:47 pm »
^naku sana naman hindi na mahawa si K. 1 year old binibigay ang varicella vaccine diba? may booster ba yun? sinusunod kasi namin dito yung schedules ng vaccines nila eh. though si Rhys, pina-vaccine ko ng hepa A and menactra last year.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #18 on: February 17, 2014, 05:19:16 pm »
^ oo sis, 12-15 months ang first dose. 4-6yo ang second dose. buti nalang nga pa 2 yo na si K nung pumunta kame dito. atleast, patapos na halos ang vaccines namin. boosters nalang and konting tira. Hepa A wala pa kame eh. thyroid din wala pa. pag uwi namin ng Pinas nalang ulit. hehe

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 3
« Reply #19 on: February 17, 2014, 06:04:30 pm »
^ahh dapat pala 2nd dose na si Rhys. i'll check his vaccination card again. ito lang ang maganda sa abu dhabi, if you reside here, free ang vaccination ng babies sa government clinics nila. though hindi lahat, like yung hepa a and menactra ni Rhys, sa private hospital kami nagpa-vaccine.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close