watch now

Author Topic: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III  (Read 72786 times)

minatay91

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #100 on: June 12, 2015, 01:02:05 am »
^ hope your kitty gets better sis :(


HUHUHU MY CAT WENT OUT AND HE HASNT COME BACK IN 5 DAYS :'( I ALSO SAW BLOOD OUTSIDE OUR HOUSE :'(

Is there a way I could call him? Usually kase he returns within 24-48 hours.. kahit 12 hours uwi na yun.


huhuhu /stressed

blackgreen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #101 on: June 12, 2015, 06:31:06 am »
^^hope bunso get better soon.

^sis last year yun isang alaga ko naglayas din. Inaantay ko hindi bumalik. Hinanap ko pa yun sa neighborhood namin. Sabi nila babalik din daw yun pero nawalan na ako pag-asa kasi mag 1 year na rin.

dramaqueen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #102 on: June 12, 2015, 10:36:13 am »
^ Thanks sis. Bunso passed away this morning. Super sad :( Naiyak nalang ako sa station ko. Hindi nadin ako pinagattend ng morning meeting namin. Nandon pa sya sa vet will get him later nalang. Pero at least hindi na sya nahirapan pa ng matagal. Sigh

omneecka

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #103 on: June 12, 2015, 10:43:57 am »
^sorry to hear that sis. *hugs*

May pantawag na sound sa pusa sis para ma-call attention nila like yung sound pag help na mag-wiwi ang bata. Hope makabalik na pusa nyo sis.

blackgreen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #104 on: June 13, 2015, 06:41:06 am »
^^oh my! Sorry to hear that sis. Pati tuloy ako naiyak. I can understand how you feel. Yun na lang isipin natin hindi na mahihirapan si bunso.

^ah yun sound na yun. Ginagawa ko yun pantawag dun sa alaga ko pag napapansin kong nasa may nga halaman at baka sirain na naman niya.

Ang pusa ba nakakalimot? Yun pusa ko kasi magmula nung nag asawa ako hindi ko pa sinama kasi para may kasama kapatid ko at nalilibang siya kahit papaano. Worry ko kasi baka pag yun time na nagsawa na kapatid ko (hindi kasi mahilig yun sa pets) hindi na ako kilala ng pusa ko.

minatay91

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #105 on: June 13, 2015, 03:42:10 pm »
^ yes sis..they forget po. The original owners of my cat, miming doesnt recognize and feels threatened by the people who took care of them first. Pero one thing is for sure, whew they keep grudges and bitter sila! LOL

I kicked my cat by accident when I was running, he never made lambing for days!!! OMG! LoL

@dramaqueen
sorry to hear that sis.. i hope you'll better soon.
 I'm somewhat in your situation now, but at least you still saw your pet. in the case of blackgreen and I, paasa nalang kami and we dont know if our pet died or not. I'm just so worried kase yung cat namin may guilty feelings rin. If he's dirty, he doesnt make lambing to us or touch anything. If he's been a bad cat, repentant at parang nahihiya siya sa amin (but we never punish him ha) Raising my voice is enough na makaintindi siya na nagalit ako. I just miss my cat so :'( He was a smartass (like the owner lol)


blackgreen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #106 on: June 13, 2015, 06:19:15 pm »
Kanina binisita namin kapatid ko tsaka yun pet ko. Awang awa ako kasi ang dugyot niya. Naglaro dun sa puro alikabok eh puti kaya siya. Hindi ko masabi kung nakalimutan na niya ba ako pero napansin ko hindi na siya ganun kalambing. Mas malambing na siya sa kapatid ko. Kahit sa hubby ko noon sweet siya kanina deadma. Dapat ata every week papasyalan ko at para hindi ako makalimutan.

Update: Hindi na umuuwi si puti sa bahay :( 5 days na siyang nawawala. :( Kagabi pumunta ako sa amin para tumulong maghanap pero wala pa rin.
« Last Edit: June 19, 2015, 01:51:35 pm by blackgreen »

px17

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #107 on: June 19, 2015, 03:14:06 pm »
^feel ko sis hindi nakakalimot ang cats. Depende nalang kung anong edad mo sila iniwan.  Yung 7 years old naming cat 2 years na silang hindi nagkikita ng dad ko then umuwi dad ko last christmas grabe same bonding parin sila. Sila kasi ang close. Everytime papasok sa work dad ko, sa morning aantayin niya lumabas ng cr, mgkasama sila mag bfast (kahit di kumakain ng human food yung cat namin), tas tabi matulog.

Kaya sobrang nakaka-awa nung nagwork dad ko sa dubai kasi parang aso yung pusa namin twing bubukas pinto at dadating yung car namin nagtatakbo sa pinto kasi akala niya yung dad ko na, yung brother ko lang naman pala. haha

Siguro kaya hindi na malambing sayo yung pusa na iniwan mo kasi yung kapatid mo na ang amo niya. Paano mo ba tinatawag si puti? meron kasi kaming isang pusa na sobrang kulit lumalabas ng bahay. Para umuwi siya kinakalog namin yung lagayan ng food.

blackgreen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #108 on: June 19, 2015, 03:28:33 pm »
^mag 2 years old pa lang si puti sa september. Tinry ko tawagin using yun alog alog ng catfood, yun sound na parang nagwiwiwi tsaka tinatawag ko din name niya. Dati kasi name lang niya isigaw ko umuuwi na yan. Sa umaga pag napansin kong hindi ko na katabi si puti, sisigaw na ako ng name niya tapos maririnig mo may umaakyat na dun sa bintana, dun kasi siya dumadaan pag lumalabas siya sa labas ng bahay (dun sa mga halaman namin). Tapos kanina inikutan ko na lahat nung tambayan ng mga pusa sa neighborhood wala pa rin :( Pati yun mga pusang tambay na palagi pumupunta sa bahay at nakikikain ng food niya wala rin. Di ko alam saan sila nagpunta.

px17

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #109 on: June 19, 2015, 04:27:19 pm »
^hala sana umuwi siya. :( Wala bang nanghuhuli dyan na animal pound?

blackgreen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #110 on: June 19, 2015, 04:34:19 pm »
^sana nga sis. Wala naman nanghuhuli. Dami pa rin pakalat kalat na mga pusa dun sa area.

px17

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #111 on: June 19, 2015, 05:50:01 pm »
^sana natuwa lang siya maglakwatsya. Pero hirap din isipin kung pano siya kumakain.

blackgreen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #112 on: June 19, 2015, 06:12:39 pm »
^diyan ako nagwoworry. House cat kasi yun. Takot nga yun lumabas labas tapos ngayun nakipagbarkada na. Mapili pa naman sa pagkain yun. Hayy.. Sana umuwi na siya sa amin.

Update: umuwi si puti sa bahay nung friday. Super dumi niya tapos ang daming sugat. Tapos pag titingnan yun eyes niya ang lungkot na parang may takot. Inuwi na namin siya ni hubby dito sa bahay. Kawawa naman. 1st time kong nakita si puti na takot na takot. Super nastress siya nung magbago yun environment niya. Ngayun lang din ako nakakita ng pusang hingal na hingal.

Pinaliguan namin siya kahapon pero safeguard ginamit namin. Pwede kayang paliguan siya monthly? Pero ang gagamitin ko cat soap or shampoo na.
« Last Edit: June 21, 2015, 10:58:04 am by blackgreen »

dramaqueen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #113 on: June 22, 2015, 09:20:10 am »
^ sis andami nang naganap since naglukso ako kay bunso. really happy umuwi na si Puti grabe yung pain na mawalan ng pet  :'( alalay nalang kau Puti baka nagkatrauma sya sa outside world  :( Lots of food, play and love talaga para maging okay na sya ulit.

Btw, ano catfood na binibigay nyo sa pet nyo? Okay ba yung Me O? last food kasi nila RC hirap hanapin paminsan. Nabilib lang ako gumanda talaga fur nila sa RC kahit mej costly. Me O nabili ko small pack for now... isip ko bigyan ko nalang vitamins kasi parang naubo yung isang cat ko since nagstart mag rainshowers. TIA mga sis.

px17

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #114 on: June 22, 2015, 10:49:56 am »
sis blackgreen I'm so happy for you! Good at safe na nakauwi si puti. Feeling ko triny niyang lumayo sa usual niyang tinatambayan hanggang naligaw na siya. Dalhin niyo siya sa vet sis para malinis ang sugat. Baka kasi mamaya maipeksyon. Yung cat kasi namin na labas ng labas nagkasugat din tas hinayaan lang namin kala kasi namin mababaw lang na scratch). Nilagyan lang namin ng betadine tapos ayon nagkaron ng nana. Kaya dinala namin siya sa paws. Hiniwa yung part na may abscess tapos binigyan siya ng antibiotic tsaka dakin's solution.

safe naman paliguan ang pusa, basta warm water  :)

sis dramaqueen ang binibigay namin sa cats namin frieskies and whiskas. Before princess kami kasi mura pero nagkakaUTI sila. Kaya suggest ng vet never ng pakainin ng princess. Tsaka pansin ko din nun ang papayat ng cats namin tsaka ang bilis magutom. Hangin ata yung princess.

dramaqueen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #115 on: June 22, 2015, 11:05:22 am »
^ Sakto sis kakabasa ko lang may naconstipate na puso don sa Me O. Kalerks! Friskies natry nadin namin sa mga cats okay lang ba paiba iba ng food baka malerks din ang mga cats! hehe yung naku princess cat food pa naman pinapakain namin don sa mga natambay na pusa sa labas -- hindi namin sila cats pero regulars sila nakatambay sa harap ng bahay namin parang amin nadin sila. Yung mga nasa animal shelters din sabi nagkakasakit mga pusa sa princess  :(

px17

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #116 on: June 22, 2015, 01:51:48 pm »
^hindi ko lang alam kung ok lang bang paiba iba ng food. Ang ginagawa namin alternate ang bigay nung dalawa. Okay naman sila hindi pa naman naloloka. hahaha Ang tataba tsaka hindi hingi ng hingi ng food.

Ay nako kasumpa sumpa yang princess na yan. Dahil jan Apat na pusa naman nagkaUTI (all males). tapos yung isa namatay. Naipavet naman siya, during recovery parang lumalakas na tapos biglang nalang bumagsak na parang inatake sa puso. :( Sa PAWS ako nagpapavet, mura kasi. Yung vet na yun nagsabi sakin na may content ang princess na nagtritrigger ng uti. Di ko na msyado ma-alala explanation niya sakin. Dapat hindi na ibenta princess dito.

Raserei

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #117 on: June 22, 2015, 02:21:48 pm »
^ Buti na lang nabasa ko muna ito bago ako bumili ng Princess. Eto na next sa listahan ko..inuubos ko pa lang kase yung Whiskas Jr dry food na binibigay ko kay fur baby.

Ang nabasa ko lang is kung mag-change ng food na ibibigay eh gradual yung pag-change para hindi ma-upset ang stomach ng cat. Pero sa case ko, I feed him different flavors of Whiskas wet food, one per day tapos 2 different kinds of dry food, Whiskas Jr and some generic cat food I got sa Bio Research. What I do is give him one pouch of wet food (morning) then lalagyan ko na lang nung generic cat food na he can feed on for the whole day (since I'm at work). Pag dating ko, I give him Whiskas Jr., enough to feed him throughout the night until feeding time the next morning, before I go to work. So far naman, ok ang poop nya and hindi rin sya nawalan ng gana. Ang iniisip ko nga lang is baka kinakain na lang din nya yun since wala na syang choice. lol.

Interested din ako sa mga wet food na pinapakain nyo sa babies nyo. Mukha kaseng konti lang choices natin. And as I read, hindi maganda ang Whiskas, worried lang ako. Baka kase mas may safer and healthier (hopefully cheap) option pa ng wet food para sa atin.

px17

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #118 on: June 22, 2015, 03:20:52 pm »
^bakit di daw safe ang whiskas wet food?  Sakin pansin ko ayaw ng mga cats ko whiskas wet food ang gutso nila friskies na wet. Kahit pagtabihin ko hinid nila kinakain yung whiskas.

blackgreen

  • Guest
Re: CAT: Food, Health, Care Tips, Supplies, Toys etc.. Part III
« Reply #119 on: June 22, 2015, 05:01:26 pm »
Thank you sisses dramaqueen and px17! Hanap ako vet sa may amin para hindi na mastress si Puti sa travel. Iyak siya ng iyak nung nasa taxi kami eh. Sis px17, ang PAWS ba yun sa QC lang? Ang layo kasi baka mastress si Puti.

Binilhan ko siya ng Kitkat na catfood, yun lang kasi tsaka Princess ang nandun sa pet store malapit sa amin. Hindi niya pinapansin yun Kitkat. Mas gusto niya kainin yun fish na binili ko na nilaga ko lang na may konting patis. Kagabi hindi talaga siya kumain hanggat hindi yun fish ibigay ko. Ayoko kasi sana masanay na pinagluluto ko siyang food eh sa bahay naman namin dati alternate catfood and tablefood si Puti. Hindi na ako bibili ng Princess at baka magkasakit din si Puti. Pansin ko sa 2 days niya sa bahay na kumakain siyang fish ang bigat bigat na niya. Baka ma-obese siya. Hahaha..

Warm water ginamit ko paligo sa kaniya last Saturday.

Pero natatakot ako pag minsan ke Puti kasi gustong gusto niya lumabas ng bahay tapos nandun lang siya sa terrace nakadungaw sa kalsada, eh worry ko baka malaglag siya dun sa may fire exit deads siya nun 3rd floor pa naman apartment namin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close