based sa ultrasound and LMP counting ko, i'm on my 13W5D today. 2nd baby. 1st baby is going to be 9 years old na! so parang bago uli ang feeling.

feeling ko nasa 1st trimester parin ako. hindi na siya ganun ka worst pero meron parin akong morning sickness. my 7 - 10 weeks yata were my worst days of my life. super hirap. before I found out I was pregnant, napansin ko na sobrang taas ng acidity ng tiyan ko. super kabagin pako nun. nung nalaman ko ng buntis nako that explains why, then nagstart na ang kalbaryo ko!

nausea, dizziness, vomiting, metallic tongue taste, panghihina ng katawan,, lahat yata yun nadaanan ko. until now, meron parin akong morning sickness pero nabawasan na ng almost 70%. OFW mom ako so imagine ang feeling na bawal mag inarte sa trabaho lalo na at nasa ibang ako. pagdating ko ng bahay galling opis,, sobrang hilo at pagod ako. worsts talaga yung pakiramdam na naglalaway at mapait ang panlasa. bago ako mabuntis, masarap kaming kumain mag asawa,, as in walang diet at panay workout kami nuon. nung preggy nako, lantang gulay ang peg!

kahit tubig ang pait ng panlasa at pakiramdam ko nahihilo ako pagkatapos.
advise ng SIL ko dati, kumain ako skyflakes bago ako bumangon sa umaga. tapos crackers ulit pag nakakaramdam ng sikmura throughout the day. ginawa ko naman yun, pero naman skyflakes araw araw? kasawa kaya!

lahat din pagkain sinubukan ko para hanapin kung saan ako hiyang.
weekend di ka makalabas ng bahay kasi gusto ko lang nun humiga. nakakapagod mamasyal kahit sandali lang kasi nahihilo nako pag matagal nakatayo.
sa sobrang hirap ng paglilihi ko may time nun nadedepress nako nun tapos may panahon I wish hindi nalang ako nabuntis.

not that i don't want the baby kaya medyo nakaka guilty pero darating ang panahon nakakapagod yung feeling na may sakit ka araw araw! crappy talaga yun. kung trangkaso kaya pa eh, kasi iisipin mo after 4-5 days okay ka na ulit. pero etong morning sickness 3 months mong titiisin at minsan nag eextend pa yan hanggang 5 months. may ibang buntis minamalas, buong 9 months nila ay may morning sickness.. saklap!
ngayon medyo bawas na yung pait ng dila ko. I still have the nausea and dizziness pero hindi kasing worst nung 2 months preggy ako. may panahon parin na sobrang dasal ako kapag humihiga ako sa kama kasi ang hirap magdalangtao. mas mamahalin mo talaga ang nanay mo!

napapansin ko lang ngayon na tuwing medaling araw ay nagigising ako. iihi muna tapos matagal bago ako makatulog ulit. dati rati kahit pagkatapos kong mag CR tulog agad ako. ngayon hindi na. magpapaikot ikot muna ako sa kama ng mga 30 minutes. may mga cravings parin ako. pag natikman ko na, ayaw na ulit.