Author Topic: QUESTION sa mga Lawyers.  (Read 28920 times)

littlekinselle

  • ambidextrous
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1143
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #160 on: March 07, 2019, 07:08:49 pm »
^pwede naman sis pero may cons yan. Li

amethyst028

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 717
  • here comes the sun
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #161 on: March 08, 2019, 07:50:57 am »
Hello po, question lang po.

Pwede po ba akong magpagawa ng kasulatan na pag dumating ang time na wala na kami ng partner ko, ang bahay na ipinapagawa ko ngayon sa lote ng partner ko ay mapupunta solely sa anak ko.  Widow po ako at ng nakilala ko ang partner ko, ngkaroon kami ng anak.  Wala akong naging anak ng late husband ko.  Pero ang partner ko ay may 2 anak, yung una ay anak sa tunay na asawa at ang pangalawa ay anak sa iba pero separated na rin sila.  Girl ang anak ko at ayaw ko sana syang maagawan ng property ng 2 nakakatandang lalaking anak ng partner ko.  Salamat po sa makakasagot.

Bale kasi ang nangyari diyan sis parang nag joint venture kayo, sa partner mo yung lot sayo yung bahay. Pwede ipa transfer mo na lang sa name ng mga bata pag legal age na sila. Co ownership ang tawag dun. Sabihin mo sa partner mo na equal share dapat ang mga heirs.

Actually ang lote ng partner mo nag a-appreciate ang value ang bahay na pinapatayo mo nag de-depreciate over time. So better do it fast or once all parties reach the legal age para naman hindi masayang ang pagod mo at may manahin ang daughter mo. Kasi kung hintayin mo na matanda na kayo or wala na kayo sa earth ng partner mo baka luma na yung bahay at kung greedy yung mga anak ng partner mo pwede nila sabihin gibain yung bahay kasi sa tatay naman nila yung lote. Wala talaga makukuha daughter mo. 

Crystalpenelope

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 127
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #162 on: March 08, 2019, 01:30:33 pm »
Thanks so much @littlekinselle at @amethyst028...  Me tanong lang ako sana ulit mga sis...Right now kasi, inaayos na ng partner ko ang annulment nila.  Paano ba ang hatian ng mga bata kapag naikasal na kami?  Although yung lote kasi, dalawa sila ng kapatid ng partner ko ang may-ari.  Ang 2 baba na floor sa sister nya at ang sa amin ay ang 3rd at 4th floor.  Although as early as now sinabi na ng daddy nila na ang bahay na pinapagawa ko ay mapupunta para sa anak ko.  Salamat po ulit sa sagot in advance.

purple_tips

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 460
  • full time beauty junkie
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #163 on: March 08, 2019, 09:58:42 pm »
^Hi sis, pero yun lot sa partner mo? Bahay lang ang sayo? Magulo yan kasi hindi ka owner ng lot, how can you decide na yun bahay eh sa anak mo lang kung yun lot naman pala hindi sayo. Ang mangyayari nyan paghahatian din nila kasi parang co-owners kayo ni partner mo. Sa kanya ang lot, sayo ang bahay.

amethyst028

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 717
  • here comes the sun
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #164 on: March 09, 2019, 12:05:13 am »
Thanks so much @littlekinselle at @amethyst028...  Me tanong lang ako sana ulit mga sis...Right now kasi, inaayos na ng partner ko ang annulment nila.  Paano ba ang hatian ng mga bata kapag naikasal na kami?  Although yung lote kasi, dalawa sila ng kapatid ng partner ko ang may-ari.  Ang 2 baba na floor sa sister nya at ang sa amin ay ang 3rd at 4th floor.  Although as early as now sinabi na ng daddy nila na ang bahay na pinapagawa ko ay mapupunta para sa anak ko.  Salamat po ulit sa sagot in advance.

May pre nup ba ang partner mo, ano ba yung property minana nila before siya ikasal or after? kung wala siyang pre nup kelan sila kinasal before or after 1989 may balak ba ang partner mo na adopt ang daughter mo? syempre sis sasabihin ng partner mo sa anak mo yung bahay ikaw ang nagpapagawa e.

Kung gusto mo maka siguro gawa kayo ng kasulatan ng partner mo na mapupunta sa anak mo ang bahay. But take note may mga heirs ang lupa, kids ng partner mo at kids ng sister niya. In the event na gusto ng mga heirs ibenta ang lupa ang habol ng anak mo is bigyan siya ng share sa sale ng property but if by that time bulok na yung bahay at halos wala nang value wala rin makukuha anak mo. Baka singilin pa siya pang demolish ng bahay kasi sa kanya yun.

Ang best chance mo lang is pag kinasal kayo at maging conjugal ang property at adopt niya daughter mo para maging legal heir niya. Kaso may wife pwede mag habol ang asawa niya sa property.

Best is consult a lawyer para alam mo what is your best action. Mura lang naman yun compared sa headache na aabutin mo balang araw if things go south.


Crystalpenelope

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 127
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #165 on: March 09, 2019, 02:28:37 am »
Thanks mga sis.  Akala ko noong una ay pwedeng sa daughter ko lang ang bahay since malaki ang gastos ko sa bahay compared sa tingin ko ay value ng lot nila ng sister nya.  Maliit lang naman ang lote.  Hindi ko na realize na nag aappreciate ang value niyon compared sa bahay.  Actually ang lote na yun ay sa father nila, pero pinatayuan na nga namin ng bahay.  Buhay pa rin ang father nila na kasama ng sister ng partner ko sa bahay.  Binigay na rin naman niya sa 2 anak nya ang lote.

With regards sa kasal ng partner ko, after1989 sila kinasal.  Almost 10 years na silang hiwalay at may ibang family na rin ang wife nya.  Ang tanong ko lang is may habol pa rin kaya ang wife nya sa lote?

Also, I dont understand yung pag-adopt sa daughter ko kasi anak naman namin sya talaga ng partner ko.  Kung maghahati hati ang tatlong anak ng mister ko, equal share ba dapat?  Gusto ko sana maintindihan kahit papaano bago kami magkita ng sister ko na lawyer.  Matagal na kaming di nagkikita dahil busy ko sa alaga sa baby ko at pagpagawa ng bahay.  Medyo busy sister ko rin ngayon dahil may sinalihan na international speech competition kaya di ko pa matanong about it. 

« Last Edit: March 09, 2019, 02:36:33 am by Crystalpenelope »

amethyst028

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 717
  • here comes the sun
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #166 on: March 09, 2019, 10:46:17 pm »
^ best is to talk to yourr sister na lawyer mas maintindihan mo. Hirap kasi explain lahat yan dito napaka haba sis. And lalo na wala kang clue ano ang connection ng mga iyon. Need mag back track to the very beginning yung nakuha ng partner mo yung lote. Pati kung ano nauna kasal or naitransfer sa name niya.

Regarding sa habol ng wife pag kinasal sila syempre may habol ang wife half ng pag aari ng partner mo is hers. Your daughter is illegitimate kasi hindi naman kayo kasal kaya hindi pantay ang mana na makukuha niya.

Best talaga ipa explain mo sa lawyer para mas maintindihan mong mabuti. Hihimay himayin kasi yan and ano yung law na applicable.

Crystalpenelope

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 127
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #167 on: March 09, 2019, 11:06:37 pm »
^Medyo complicated pero thanks sis ha.  Kapag nakausap ko ang sister ko one of these days i-share ko rin.  Salamat muli...

bwiset12

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 95
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #168 on: June 07, 2019, 08:35:46 pm »
Hello! Ask ko lang, both parents nasa abroad, yung bata nasa pamilya ng babae. Yung babae may asawa na din dun sa abroad. Yung lalaki may unang pamilya na prior pa dun sa anak nila ni girl. Though dipa  sila kasal nung partner nya meron sila 2 anak na mas matanda dun sa anak nila ni girl?
Paminsan minsan naman nagbibigay yung lalaki di nga lang ganon kadalas dahil may pamilya na sya na sinusustentuhan sa pinas. Ngayon tinatakot ni girl si lalaki na kesyo ipapapulis nya dahil lately hindi nakakapagbigay para sa anak nila. Ang gusto nya pa mag effort si lalaki para madala sa ibang bansa yung bata which is nasa middle east.
Hindi naman ganun kalaki ang sweldo ng lalaki.
Posible ba na makasuhan nya dun yung lalaki sa ibang bansa?

baby_chichay

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 548
  • I think, therefore I am.
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #169 on: June 12, 2019, 07:16:48 am »
^The guy can be sued here in the Philippines not in another country. Even if the acts that caused the economic or psychological anguish were committed outside the Philippines, the woman may still file a complaint for violation of RA 9262 here in the Philippines. It bears stressing that acts of violence against women and their children may manifest as transitory crimes and that the essential requisites of the crime occur in the Philippines while some occur in another country. As long as the woman or the child experienced the abuse and suffering or some essential parts of it within the territorial jurisdiction of the Philippines, yes, the man can be sued in our courts here and is not beyond the reach of our laws.
« Last Edit: June 12, 2019, 07:18:38 am by baby_chichay »

symphonyann

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 59
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #170 on: June 14, 2019, 12:53:28 pm »
Hello. May question lang po. I am planning to resign and work for another company (from the same industry). i signed an NDA before and hindi daw pwedeng magtransfer sa new company na gusto ko (actually they want to hire me na, for job offer na). mataas po ba ang risk ng transfer or can i just accept yung offer ng new company to keep me a secret employee for a while para safer? hmm..

bwiset12

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 95
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #171 on: June 16, 2019, 12:17:32 am »
^The guy can be sued here in the Philippines not in another country. Even if the acts that caused the economic or psychological anguish were committed outside the Philippines, the woman may still file a complaint for violation of RA 9262 here in the Philippines. It bears stressing that acts of violence against women and their children may manifest as transitory crimes and that the essential requisites of the crime occur in the Philippines while some occur in another country. As long as the woman or the child experienced the abuse and suffering or some essential parts of it within the territorial jurisdiction of the Philippines, yes, the man can be sued in our courts here and is not beyond the reach of our laws.
TYSM for your reply sis. Really appreciate it. If i may add pa pala. What if si lalaki eh hindi naman naka pirma sa birth certificate nung bata, posible ba na magamit pa rin ang surname ni lalaki? May habol pa ba sila na pasustentuhan ang bata dun sa lalaki?

p3ntium4

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 304
    • My Gallery
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #172 on: June 17, 2019, 03:42:43 pm »
Hi.
tanong ko lang po if meron tyong law for same sex adultery?
may nakuhang email si hubby ng mga receipts na pinadalang delivery ni wife kay suspected GF nya sa pinas (walang permission ang pag capture ng emails na to) .. both overseas ang mag asawa .. yung suspected gf ay nasa pinas. 

Nag hiwalay ang mag asawa dahil dito... umuwi ng pinas si hubby and hindi nag support sa child nila. naiwan ang anak sa wife overseas.. ni block ni wife si hubby sa lahat ng communication dahil tinatakot nya si wife na ikakalat na tomboy daw sya at sasabihin family...
--------------------

megansmomma

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 889
  • i'm no beauty queen, am just beautiful me ;)
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #173 on: June 18, 2019, 12:27:45 pm »
Hello po!

LABOR LAWS

Question po, nag file yung ka officemate ko ng VL yesterday for July16-17 and received rejection on her vl application this morning from her TL.

Ano daw ba dapat gawin nia? can she summoned her concerns directly to the HR? Thanks sa sasagot :)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close