watch now

Author Topic: Skinpotions  (Read 39684 times)

sassy_gal18

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #20 on: November 01, 2014, 05:55:08 pm »
Bet ko din rin sis yung blue paradise soap pero sabi nila phase out na yun, yung watermelon soap na sis yung pumalit.

Yes i love their magic cream too. Ang ganda sa muka medyo oily lang talaga kahit manipis lang lagay ko.

Magic balm been using it on my chicken skin religiously pero no effect. Mas namamaga pa nga pag nilalagyan ko. So sa ua at groin part ko na lang nilalagay. No whitening effect pa.

I can't say kung hype lang ba si skinpotions. But im about to try their lip scrub, lip and cheek tint, organic toner,tomato serum and natural deo.hindi pa nagrereply yung seller mula kahapon kaya hindi pa naffinalize order ko. Sign na ba ito? Hahaha

yijiheon

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #21 on: November 03, 2014, 01:09:18 am »
hindi ko pa nasusubukan si blue paradise. haha. ang dami ko pa naka line up. pero masarap talaga amoy ng watermelon soap. ang yummy. yung glutamilk kasi parang candy naman.

ay sis gusto ko din itry yang tomato serum. madami ba okay na feedback? ewan ko nga ba kung hype lang or talagang sa balat ko walang tumatalab e. parang sa iba naman effective. daming bumili nung bazaar nila e.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #22 on: November 03, 2014, 10:50:03 am »
Nagplace na ko ng order ngayon lang haha sana ok. If hindi hanap na ko new op seller next ko yung instaglow nagbabye na ko sa nylydal.

So here's what i ordered:
Love potion soap
Tomato serum
Organic toner
Natural deo
Lip scrub
Fruit pigment
Milk and oat scrub

yijiheon

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #23 on: November 04, 2014, 01:05:52 am »
sis pafeedback sa tomato serum ha :)

sassy_gal18

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #24 on: November 04, 2014, 03:48:52 pm »
Kahapon lang ako nagbayad nareceive ko na agad items ko haha hooray!

Try ko agad agad later. Happy kid here.

imyerdamsel

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #25 on: November 06, 2014, 10:29:50 am »
paubos ko na yung glutamilk soap nila. mabilis matunaw tulad ng ibang non-commercial soaps. mabango sya kaya sarap maligo. nagkaron naman ako micropeel effect pero on/off. nakacombo kasi ito sa dreamwhite/kojic. since nabasa ko na din dito na parang nagcause sya ng paglabas ng kung ano ano, feeling ko baka sya din culprit nung butlig ko sa inner arm na ngayon e dumadami na at nagsugat sugat na. iniisip ko kasi baka kojic ang salarin pero mas may tingling effect sa balat (at dun sa sugat-butlig) kapag gamit ko glutamilk compared sa kojic.

Happened also to me :-\ Di naman sensitive balat ko pero yung manipis na skin sa gitna ng braso ko talagang namumula at mahapdi pag naliligo, parang rash.. kaya pag gamit ko sya dati, iniiwasan ko yung red part ng braso ko na mahapdi. Sa ibang parts ok naman kaya naubos ko parin yung one bar. Ginawa ko combo na lang with safeguard dermasense for sensitive skin para mild lang.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #26 on: November 06, 2014, 01:16:00 pm »
So feedback lang ako sa mga orders ko sa kanila.

Fruit pigment - i didn't like it. Parang sayang lang effort sa paglagay kasi nabubura agad. Kahit lagay ako ng lagay nabubura agad. Amoy lips na candy. Gel yung consistency nya. Nag sstay lang yung tint sa loob na part ng labi pero sa mga dapat na magstay sya,walang effect. Will not buy again.

Lip sorbet scrub - asukal at shea butter. Yun ang feeling ko meron sya. Normal na asukal sya. Amoy strawberry or lips candy. Pag napasobra ka ng lagay or lumagpas ka sa lips mo ng lagay, ang lagkit ng paligid. Parang buttery na hindi ko maintindihan. Normal lang na scrub sya for me. Since nagsscrub naman talaga ko ng lips using asukal alone. Will not buy again.

Tomato serum - i must say. Of all eto pinaka bet ko. Gel type sya. Color less. Wala masyadong amoy. Im expecting kasi na amoy tomato talaga haha pag nilagay sya sa face nacocontrol nya yun pagiging oily. Supple afterwards. Makinis effect. Pero hindi mattish yung effect. Ok na for me. Maybe bumili pa ko ulit pero baka magtry na lang ulit ako ng iba.

Organic toner - amoy toner ng mga rejuv set. I've used rejuv toner ng labelle st zaine skin. Hawig yung amoy nya dun. Im expecting something fruity candy na amoy but no amoy chemical sya. Im doubting kung organic nga talaga. Medyo mahapdi sa face. Not oily yuny face ko after ko magpahid nito. Nakakaclean talaga ng face. 2 nights na kong hindi nakakapag hilamos after umuwi galing office eto lang nilalagay ko pag uwi ko then pag gising ko sa umaga, smooth and matte yung texture ng face ko. Im suspecting talaga na may something fishy sa toner na to. Not gonna buy again.

Garden pick deo - so so na deo lang. Nasa todo airconditioned room na ko pero may mga times na may amoy yung ua ko. Dami ko pa magspray ha.Mabango sya sa unang spray pero hindi pang heavy duty deo. Not gonna buy again.

Love potion soap - di ko pa nagagamit.
Bleaching soap - di ko pa nagagamit.

Milk oat scrub - amoy gatas na matamis. May gatas talaga sya at salt na pino. Smooth yung skin afterwards and ang bango. Im glad pwede gamitin sa face.

yijiheon

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #27 on: November 06, 2014, 02:39:06 pm »
aww type ko pa naman sana yung tomato serum dahil sa feedback. nagrosy cheeks ka sis? hahaha di nga pala ko pwede sa rosy kasi lalo ako mangingitim.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #28 on: November 07, 2014, 10:20:31 am »
No rosy effect saken sis. Tls premium lang talaga nakapag bigay ng rosy cheeks saken.

triuneprincess06

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #29 on: November 19, 2014, 03:16:19 pm »
Hi po, i am also a user of skinpotions products since july 2014. :) and almost tried their products lalo na yung mga bagong launched, mostly soaps and cream. naging gradual yung paglight ng skin ko, both sa face and body. :)

First order ko were honey oatmeal soap and ultimate whitening soap, I swear, 3rd day ko pa lang nag'used nung ultimate white, kitang kita na agad effect saken, especially sa arms and legs. dami nakapansin nun, kasi nga ambilis ng effect.

Honey oatmeal is my life saver, especially sa mga paisa isa kong pimples, tyagaan lang talaga sa paggamit kasi organic eh. :)

2nd bottle na ako sa tomato serum, super love ko yung effect, glowing and pinkish yung cheeks, lalo na sa umaga. Together with the magic cream, mas clearer yung face.

Right now, I am using blue dream paradise and honey oatmeal both for the face and body. Ttry ko din yung nata de peach soap na bagong labas ngayon.  ;)

yijiheon

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #30 on: November 19, 2014, 11:41:05 pm »
sis triuneprincess, kamusta dream paradise sayo. diba phase out na yan kasi pinalitan na ng watermelon pop? meron akong dream paradise di ko pa nagagamit.

sa glutamilk nagbutlig ako. sensitive skin ako e. siguro hindi pwede sakin ang 2minutes na babad. dapat siguro 1min or less lang. may 2 bars pa ako na nakastock. im using magic cream, dito walang harsh reactions. sa face ko gamit. ok effect nya parang kiss cream, smooth skin.  pero nagooily ang face ko kaya di ko sya ginagamit pag matagal ako nasa labas. yung magic balm naman gamit ko din sa dark marks tulad nung scratch ko na nangitim. di sya mabilis magpalighten unlike yung mga claims sa ig nila pero pag longterm use mapapansin naman yung konting lightening. mas ok sya sa new/fresh marks para maprevent yung further darkening. medyo makapit lang kasi kaya sa gabi ko lang ginagamit. pero di everyday.

Muffin28

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #31 on: November 20, 2014, 06:07:21 am »
Anyone tried yung secret potion oil? 3 days consecutive using kita na raw effect. I purchased 3 bottles and consumed 1 already. I use it daily, morning pero ewan lang kung pumuti ako. Haha btw, my lower body is whiter than my upper aside lang sa may boobs banda same tone with my legs.

rmcruz01

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #32 on: November 21, 2014, 10:08:14 pm »
hi yijiheon.  :) effective ba yung glutamilk sa whitening? saka nangati ka ba dun sa soap?
« Last Edit: November 22, 2014, 07:45:26 am by mama squeak! »

yijiheon

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #33 on: November 22, 2014, 11:43:06 am »
naka 1 bar lang akonsa glutamilk. di ko nasabi na it whitened pero may micropeel sya. nagbutlig ako after a week of using it. basta mga after several days. tapos mahapdi at makati kapag nalalagyan ng soap yung butlig. siguro dapat di ko sya binabad sa skin.

triuneprincess06

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #34 on: November 22, 2014, 12:20:32 pm »
hi yijiheon :)

yes, i am currently using honey oatmeal and blue dream paradise sa face and body ko. May micropeeling yung blue dream pero di talaga siya halata unless titigan mo ng mabuti. Tsaka mas okei siya para sa akin kesa sa glutamilk soap. Since organic yung blue dream mas mild sa skin.
Hindi talaga advisable yung glutamilk sa acne prone na skin, ganyan din nangyare sa akin eh, nagfiesta pimples ko. :'( :'( :'(
Kaya sa body ko na lang siya ginamit, and glowing yung result. :)

No, no po ang pagbabad nun, sabi nung reseller sa akin, 10secs lang sa face, tapos 2minutes maximum sa katawan kasi mangangati ka talaga.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #35 on: November 22, 2014, 07:27:16 pm »
I want to be loyal sana sa skin potions products kasi organic and super cute ng packaging pero bakit hindi hiyang saken mga soaps nila?  hindi naman ako sensitive sa kahit anong product pero tuwing ginagamit ko soap nila nag aalsahan mga chicken skin ko sa braso caused by some peeling soap from another seller.

Before nun may chicken skin pa ko tapos gamit ko blue dream at glutamilk namamaga sila kada after ko maligo.
Nag stop ako gumamit ng soap nila tapos nawala. Gumamit muna ko ng glutamax ni gretchen. I thought dahil lang nawala sya ng kusa. Then gumamit ako ulit ng soap nila yung love potion soap na may heart kasi naubos ko na yung dalawa. binanlawan ko naman agad ayan dami ko na namang chicken skin. 

Blue dream paradise, glutamilk at love potion soap nagamit ko na soap nila.

But i love their magic cream at tomato serum. Parang may ganito rin ibang seller ha. Like sws.

rmcruz01

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #36 on: November 23, 2014, 12:47:43 am »
hi sis <b> triuneprincess06. </b> effective ba talaga yung skinpotions sayo?

right now im using their magic balm, oatmealsoap, saka glutamilk. yung magic balm sabi sa IG less than a week makikita na yung effect. pero sakin lagpas one week na wala pading effect.  :'( saka feeling ko nagcacause sya ng break outs sakin. siguro kasi yung content e may oil. hiyang kasi face ko sa water-based lang  :'(

pang 3rd time ko palang ginagamit yung both soap pero nagkakaron ako ng maliliit na pimple, di ko alam kung dahil sa oatmeal or sa gluta milk :'(

yijiheon

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #37 on: November 23, 2014, 11:51:38 pm »
oo nga sis triune dapat di ko na ibabad. sa body ko lang naman gamit si glutamilk. next in line ko si dream paradise siguro 1min na lang. pag 2mins kasi dun ko na nararamdaman kadalasan e. may effect pa din kaya kahit 1min ang babad?

yung seller naman sabi sakin 3mins ang babad.

rmcruz01

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #38 on: November 24, 2014, 10:49:42 am »
sis yijiheon. may blue paradise pa ba? sabi kasi sa IG pinalitan na daw yun ng watermelon pop.

yijiheon

  • Guest
Re: Skinpotions
« Reply #39 on: November 24, 2014, 07:10:48 pm »
yun nga sabi nila na watermelon pop na. di ko alam if nagsell pa sila. yung blue paradise ko kasi binili ko kasabay ng glutamilk ko. di ko pa nasisimulan gamitin kasi dami ko sinusubukan na soaps e. after ko ng sws or ng fnf, itry ko na yung blue paradise.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close