^ hi travelchic! Yup, successful naman ang Macau trip namin. It was tiring but fun

May mga di lang kami napuntahan like si Guia Fort, Grand Prix Museum and Wine Museum kasi super napagod na kami and gusto na lang namin magchill. :p
Sa Giant Panda Pavillion, i recommend na punta kayo around feeding time para gising si panda. I forgot anong sched, 10 am ata and 1pm? Pacheck na lang sa tripadvisor. When we went there, nagkamali kami ng baba ng bus kaya super lakad kami. Tapos tulog ang panda kaya sayang din hehe. Gumagalaw lang onti, naalimpungatan ata :p Mas sulit pa rin sa Ocean Park sa HK, imho. After Giant Panda Pavillion, nagpunta kami ng Taipa village. Dito nag ikot lang and nag food trip. Sinubukan din namin kumain sa isang Portuguese restaurant dun (O Santos Comida) for experience. Masarap naman ang food, medyo pricey lang.
House of Dancing Water is a must

Kahit yung pinakamura na ticket okay na, kasi pabilog naman yung area so kita lahat. Gandang ganda kami sa show na ito.
What else.. ah! Nag-enjoy din kami ng partner ko sa Sands Cotai - Dreamworks experience. Nagpapic lang with Shrek and other dreamworks characters. Alam ko may parade din dun, 3pm ata. Di lang namin naabutan
Sa gabi, chill lang kami around Venetian area kasi nung time namin may event sa bandang labas. May kumakanta, tapos may shows sa gilid gilid.. Meron din food bazaar. Tapos picture picture sa mga nagiikot na kakaiba costume hehe. Naenjoy din namin to

May option din ng Gondola ride sa labas ng Venetian during gabi. Mas mahal lang ata ng onti versus dun sa Gondola ride sa loob. Kami, we opted sa loob na lang hehe. Enjoy pa rin naman kasi another first for us

Fisherman's Wharf is okay. Late gabi na kami nakapunta so wala ng tao.. Maganda sana yung place, sayang lang kasi parang di na ata nadevelop ng husto. Maganda din magpicture picture dito, pero for me, di siya yung place na pagtatambayan mo ng matagal.
Puro bus rides lang ginawa namin dito. Okay naman haha, kaso nung isang beses nagkamali kami. Pabalik pala yung way namin tapos napadpad kami sa border na pa-China. Kaloka. Haha.

Masaya din mag hotel/casino hopping. Natetempt nga kami maglaro sa casino kaso lang naisip namin sayang pera hehe. Ipinangkain/shopping na lang namin :p Okay din pala sa Macau tower, naenjoy rin namin picture picture and manood sa nagsskywalk at bungee jumping. Ang tatapang nila
All in all, we enjoyed the trip naman.