watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 36)  (Read 56713 times)

tough_chic

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #460 on: June 05, 2014, 05:42:55 pm »
@sosychill, hindi ka na bababa pa ng station yun lilipatan mo kabilang side lang ng bababaan mo. parang pag sa Taft MRT tapatan lang yun train. :)

Have a blast sis, mageenjoy ka for sure. balik bata. Be sure na magpapicture ka agad kay Mickey and Minnie kasi hanggang 5pm lang yata sila nandun. di ako nakapagpa-picture kasi wala na off na sila. and be sure to wait til closing for the fireworks. :)


prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #461 on: June 05, 2014, 07:19:33 pm »
After 5 pm andon na sa Fantasy Gardens makikita yung mga characters, halos lahat andon sila

sosychill

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #462 on: June 05, 2014, 07:37:24 pm »
Sis tough and sis pretty thanks!!

question:  sa MTR app nakita ko yung lower peak tram terminus, ito na ba mismo yung The Peak? yung my cable car? hehe. What would you recommend mga sis kasi 10am dating namin sa hk.. gusto kasi nila yung the peak eh, is this sulit? or we should go somewhere pa? 2nd day na namin yung DL.

seven82

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #463 on: June 05, 2014, 07:38:15 pm »
may nagtry na ba maguwi ng Yakult from HK hehe hindi naman nasira and ok naman yun sa hand carry nalang?

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #464 on: June 05, 2014, 08:11:56 pm »
^^ walang cable car sa peak, peak tram lang meron, sa ocean park at Ngong Ping may cable car... May Madam Tussauds (wax musuem) sa peak, maganda din ang view you'll see the skyline of hk, mas maganda magpunta pag pagabi na para makita mo yung mga lights

^ same lang yakult dito and sa pinas, mas malaki lang yung container dito pero ganon din, bawal ang liquid pag hand carry  ;)
« Last Edit: June 05, 2014, 08:16:00 pm by prettybarbie »

seven82

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #465 on: June 05, 2014, 10:10:59 pm »
^hahaha oo nga pala bawal liquid sa hand carry. Yes same lang lasa sabi pa ng daughter ko taba Yakult. May pagbibigyan sana ako kaya ako maguuwi hehe  :)

sosychill

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #466 on: June 05, 2014, 10:24:05 pm »
^^ Ayy peak tram pala, tiningnan ko mukang ok yung package nila yung 3 entrances. Sa airport may bilihan na ba ng disney tickets? thanks ulit :)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #467 on: June 05, 2014, 11:40:10 pm »
Meron sa china travel service sa arrival area

sosychill

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #468 on: June 07, 2014, 09:32:17 am »
Hi sissses, I need your opinion again! sorry. Hehe
Okay lang ba to go to DL, 1pm onwards.. monday naman ito, or need talaga whole day para masulit namin?

Meron sa china travel service sa arrival area
Thanks sis dito na lang kami buy para diretso na :)

bratty

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #469 on: June 07, 2014, 10:02:21 am »
^Kulang yan sis, actually kulang ang 1 whole day for DL. Sa pagpila pa lang sa mga Disney characters for photos kakain na ng time yun. Sa nabasa ko, kahit anong day of the week pa yan, lagi madami tao sa DL. Iba sis pag andun ka na, parang mawawala ka sa sarili mo. hehe! Overwhelming talaga. Enjoy DL :)

I don't remember kung na-share ko na ito, nung nagvisit kami sa DL last Sept, sa mismong ticket booth kami ng DL bumili ng tickets, CC kasi ng mom ko ginamit namin. So nakabalik na ang family ko ng Pinas, kami naman ng husband ko balik Sg, dumating na din lahat ng bills namin sa CC, at nabayaran na namin. After almost two months (reminiscing, lol!), tinignan ko ulit yung SOA ng CC tapos nagtaka ako sa charge ng DL tickets, sobra ng 1 adult. Sumulat ako sa DL customer service, and sinabi ko na ganun ang nangyari, that it was an honest mistake on our part kasi we got too excited, and if I can still file for dispute. They were very helpful naman, medyo matagal lang sumagot, they need to verify alot of details pa, yung receipt (nawala na), kailan nagvisit (date and time), etc. Since nawala na yung receipt, SOA ng CC ang sinend ko. To make the long story short, na-reverse naman yung extra charge sa CC ng mother ko. Kaya super thumbs up ako sa service ng DL. :)

To the rest, always check your receipts, nakaka-excite lang talaga.:)

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #470 on: June 07, 2014, 10:35:28 am »
^buti naman nahabol pa sis, sayang din yon ha ;)

i suggest 10am pa lang dapat nasa DL na kasi sa labas pa lang ang dami ng magandang view. maganda pag kabubukas pa lang para konti pa lang tao. tapos kuha ng map & schedule ng show para pila kagad, pic sa characters, parade, fireworks & syempre pahinga & kain :)

sosychill

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #471 on: June 07, 2014, 10:45:57 am »
^^ oo sis buti na refund pa, at buti na lang chineck mo ulit ha, sayang din yun. :)

Omg baka di ako makatulog nakakexcite mag DL, so di pala to pwede ng halfday.. Any recommendation on where to eat? lunch and dinner or lahat pricey talaga dito? hehe

Ocean Park kaya is ok kung 1pm onwards.. or hindi din  :(

kittycat228

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #472 on: June 08, 2014, 02:45:05 pm »
^hahaha oo nga pala bawal liquid sa hand carry. Yes same lang lasa sabi pa ng daughter ko taba Yakult. May pagbibigyan sana ako kaya ako maguuwi hehe  :)
nagdala din kami ng yakult pero sa check in luggage, nakakatuwa kasi ang laki. nag hoard din kami ng hello kitty noodles from international grocery

ms.G

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #473 on: June 08, 2014, 05:06:32 pm »
how far is ladie's night market (kowloon) from golden crown?

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #474 on: June 08, 2014, 06:36:59 pm »
7 mins by MTR... 3 stops

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #475 on: June 09, 2014, 08:29:19 am »
^^ oo sis buti na refund pa, at buti na lang chineck mo ulit ha, sayang din yun. :)

Omg baka di ako makatulog nakakexcite mag DL, so di pala to pwede ng halfday.. Any recommendation on where to eat? lunch and dinner or lahat pricey talaga dito? hehe

Ocean Park kaya is ok kung 1pm onwards.. or hindi din  :(
sa royal banquet kami kumain malapit sa mickey's philharmagic show. hindi naman ganon kamahal :)

mas malaki OP sis, kung summer punta nyo super init ng 1pm. kaya di ako masyadong nag-enjoy sa OP kasi mas napagod ako kakalakad, yong cable car lang na-enjoy ko kasi takot ako sa mga rides :-[

travelling_daisy

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #476 on: June 09, 2014, 09:29:35 am »
may nagtry na ba maguwi ng Yakult from HK hehe hindi naman nasira and ok naman yun sa hand carry nalang?

Sis, we tried bringing home Yakult from SG but not from HK. YUng sa SG kase iba ibang flavor and mas malaki din ang size. Favorite ng anak ko so nag-uwi kami, di naman nasira. We placed in our our check-in luggage lang. We bought the night before our departure (morning the following day). Yung sa HK na Yakult, size lang ang naiba sa what's available here in 'Pinas. :)

cutiepie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #477 on: June 09, 2014, 10:24:49 am »
Anyone been to hongkong park? Malayo bang lakarin from mtr? Is it worth checking out too?  :)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #478 on: June 09, 2014, 11:02:48 am »
sino pupunta ng Disney on July 12 or 13? please message me for discounted tickets on the said dates :) hurry, limited tickets only :)


princess lorraine

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #479 on: June 09, 2014, 12:06:55 pm »
^^ oo sis buti na refund pa, at buti na lang chineck mo ulit ha, sayang din yun. :)

Omg baka di ako makatulog nakakexcite mag DL, so di pala to pwede ng halfday.. Any recommendation on where to eat? lunch and dinner or lahat pricey talaga dito? hehe

Ocean Park kaya is ok kung 1pm onwards.. or hindi din  :(
fave kong kainan sa disneyland is yung starliner diner. Winner ang fried chicken nila.  :) ok rin sa royal banquet hall.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close