watch now

Author Topic: Kiss cream collagen mask and snail white ???  (Read 46462 times)

Barbie_01

  • Guest
Re: Kiss Collagen Cream
« Reply #80 on: June 02, 2014, 11:46:29 pm »
Update: ayos naman itong kiss sa akin. Bale parang 3 months ko na sa gamit at twice a week lang. Minsan once a week lang kasi nakakalimutan ko gumamit. Hehe

But very disheartining news. May sister used kiss din. Naka one month siya then nagkapimple break out siya. As in break out. Para siyang allergy na maliliit sa mukha. At first, di namin naisip na yung kiss yung salarin but I advised her after the break out to stop everything she's using muna. But after the check up with a dermatologist, confirm na yung kiss nga salarin.

Unang tingin ng doctor sa face ng sis ko ang unang tanong niya is if may asthma ito. Which is meron nga. The doctor suspected it kasi yung pimples dw sa face ay parepareho sizes and maliliit. Then she commented that may pinahid daw siguro siyang nagtrigger sa breakout. Nagsabi yung kapatid ko nung sabon na pinagdududahan nito. But the doctor said No. Di daw sabon lang yun. Inapply daw mismo sa face at may collagen content siguro. Isa lang naman may collagen sa ginamit ng kapatid ko at yung kiss yun.

So di pala pwede ang may collagen na ipahid sa face pag may asthma yung person. Nakakatrigger ng break out.

Grabe buti nabasa ko to :(( Sabi na nga ba KISS reason kung bakit ang dami kong maliliit na pimples :(( Nakakaparanoid. Naka ubos na ko ng 30 ml tapos bumili ulit ako ng another 30 ml, nung mauubos na grabe sobrang daming maliliit na pimples sa forehead and chin ko tapos parang kumakalat na sa cheek area :(( I don't know what to do na. At first sobrang okay effect niya sa skin na nakakabrighten kaya bumili ulit ako ng isa, na-amaze din at first mom ko kaya binilhan ko siya. Tapos napansin naman na ang daming tumubong maliliit na pimples sa face namin :(( Pwede ko i-ask kung may pinapahid or tinatake na gamot sis mo para mawala? :( Sobrang sayang sa pera huhuhu

tinapay

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #81 on: June 17, 2014, 04:47:23 pm »
ano naman yung snail white, ano effect nun? :D  is TLS=tokyo love soap?

marichel

  • Guest
Re: Kiss Collagen Cream
« Reply #82 on: June 17, 2014, 10:32:36 pm »
^sis, hindi ko alam yung mga gamot eh. Sa derma kasi yun at parang set naman binigay sa kanya. Then once a month punta sya derma for facial treatment.

gladz14

  • Guest
Re: Kiss Collagen Cream
« Reply #83 on: August 02, 2014, 02:31:42 pm »
Hi guys,

Binigyan ako ng free sample ng KISS Collagen Cream 30ml ng kakilala ko so I tried it. Hindi talaga ako mahilig maglagay ng kung [textspeak!]-anong cream sa mukha ko, more on dove soap lang ako or cetaphil para panghilamos tapos yung mga make up na ginagamit ko like bb cream and foundation.

Ang problem ko kasi sa face ko is dry, yung may area talaga na parang nagbabalat yung mukha ko tapos nagiging red na, and di tumatalab yung Myra E na moisturizing cream. Pero at the same time medyo oily rin yung face ko. So since bigay lang naman tong KISS, ginamit ko na rin. Unang application ko, nagustuhan ko agad kasi nakita ko agad yung pag glow ng skin ko, iba yung aura ng face mo after mo gamitin yung product, and nawala agad yung dryness! Nawala yung pagbabalat ng skin ko and yung redness agad-agad! Gustong gusto ko talaga yung cream.

Kaso nagkaron ako ng small pimples sa left jaw area ng mukha ko. Marami sya na maliit, parang bungang araw pero hindi pa naman umaabot sa cheeks and sa left side lang talaga sya ng jaw ko. First time ko magkaroon ng ganun. Usually kasi, isang malaking pimple lagi yung problem ko sa face. Pero one day nagising na lang ako na meron akong ganito. Dunno if dahil sya sa cream kasi wala naman akong asthma like nung mga previous comments dito sa thread. And ngayon medyo kumakati sya pero pinipilit kong wag kamutin kasi baka lumala. Nagstop ako ngayon sa cream kasi yun lang naman yung nilagay ko sa mukha ko na bago. Inoobserve ko pa anong mangyayari pero pag tumagal to sa mukha ko baka ipacheck ko na sa derma, natatakot kasi ako baka kumalat.

Feeling ko, kanya kanyang hiyang din yung sa KISS product, meron din kasing ganto yung ate ko pero as far as I know, wala pa namang negative effects sa kanya yung KISS, and gusto nya rin daw yung product kasi kahit hindi na sya magpulbo, okay daw yung glow ng mukha nya. Nung pinakita ko sa kanya yung small pimples ko, nagkaron na rin daw sya nun a long time ago (hindi pa sya gumagamit ng KISS), hinayaan nya lang daw and nawala naman..

So ayun po, I personally like KISS Skincare pero baka hindi kasi hiyang yung balat ko dito sa product na to or baka may ibang nagtrigger ng small pimples ko (kasi nga nagkaroon din ng ganon yung sister ko before). So ngayon, hindi ko talaga alam if KISS yung dahilan. Pero yung kine-claim ng KISS na may glow effect sya, YES, meron. Makikita mo agad after your first or second use. :)

Sensya mga sis kung mahaba, just want to include all details. :D

gladz14

  • Guest
Re: Kiss Collagen Cream
« Reply #84 on: August 10, 2014, 06:50:11 pm »
UPDATE ^^

Regarding my pimples sa bandang jaw line, I'm happy to say na nawawala na sila! I'm STILL USING KISS, although nagstop ako ng mga 1 week kasi natakot nga ako pero binalik ko ulit yung gamit. Wala rin akong ibang ginamit na products sa face ko. Normal na hilamos and sabon na dove lang ginagamit ko pero eto nawala rin agad yung pimples na tumubo.

So to conclude it all, hindi po KISS COLLAGEN CREAM yung culprit kung bakit ako nagkapimples. Kaya itutuloy tuloy ko pa rin yung pag gamit nito.. :D

saltandpepper001

  • Guest
Re: Kiss Collagen Cream
« Reply #85 on: September 11, 2014, 10:50:54 am »
Ganda nitong kiss collagen. Para akong balat koreana pag gising sa umaga. Ang kintab ng mukha ko tas walang pores. Pramis. Ang sarap tumingin sa salamin. Ayoko na nga maghilamos baka mawala yung glow. Lol.

saltandpepper001

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #86 on: September 19, 2014, 04:00:00 pm »
Kiss collagen ganda ng mukha ko paggising sa umaga. Ang puti sobra tas less ang pores. Tas ang kintab. Parang balat ng koreana.Nagulat mama ko saka kapatid ko nung araw na naglagay ako, kasi ang puti daw ng mukha ko. Mukha akong naka foundation eh wala naman akong makeup nun. Naglipstick lang ako ng red naenhance lalo  yung pagkaputi. Tho sa tuwing maglalagay ka lang sya pumuputi, after a few days balik uli sa dati kulay ng face. Temporary nga lang talaga.

chinitang_makulet

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #87 on: September 29, 2014, 10:45:05 pm »
Here's my story with Snail White..
During my 1st & 2nd week of using it, maganda talaga effect nya.. I usually applied it on my face, neck, & down through my chest & shoulders every night. But eventually once na nag stop ka kahit few days lang & ginamit mo ulet magkaka small bumps ka or butlig na parang pimple. Buti nlng di ko na ginamit ulet sa face ko. Hays sayang lang ang pera!

yijiheon

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #88 on: October 14, 2014, 01:53:18 am »
i have a trial pack of kiss e. balak ko na sana bumili ng 30ml. so yung whitening talagang temporary lang? hindi ka talaga puputi overtime? nagustuhan ko kasi effect ng kiss. kasi kahit cream sya hindi oily after a few hours. sa gabi ko sya inaapply tapos siguro after a few hours (insomniac ako e so madaling araw minsan titingnan ko pa mukha ko) and ayun nakikita ko na parang lumiit pores at kuminis dahil nabawasan ng oiliness.

nanghihinayang naman ako kung temporary lang na parang make up. na hindi ba sya makakaimprove man lang ng skin with continuous usage? pero agree ako na brightens the face talaga pero one day lang. after that balik na ulit sa dati. e di naman pwede everyday gamitin. dapat twice lang sabi sa instructions.

Twinkle28

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #89 on: October 23, 2014, 11:33:55 am »
I'm using snail white cream, maganda sya easily absorb ng skin, gusto ko yun texture, nawala yun roughness ng skin pero di ko sure yun galing snail white yun effect or sa tls pure girls kasi sabay ko sila ginamit :) binigyan din ako free sample kiss cream pero di ko pa na tatry, will ppst feedback pag nasubukan ko na :)

sunakonakahara

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #90 on: November 01, 2014, 02:38:36 pm »
acne prone yung face ko and pagumiinom ako ng collagen tabs nagkakamaliit na pimples ako, pero when I tried this hindi naman ako nagkapimples  :o and pag gising may glow talaga, even my mom and dad ginagamit nila to hanggang ngayon :)

ireneeey

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #91 on: November 01, 2014, 09:52:15 pm »
Just ordered Kiss cream! I'm so excited to try it. :D By the way, may mga nabasa akong blog reviews na nakakapag-dry siya ng pimples. Totoo ba yon? :) I mean kahit 'yung mga red bumps palang? Para sana di na magtuloy sa pagkakaroon ng pus.

MeganDa

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #92 on: November 02, 2014, 02:39:16 am »
Malapit ko na maubos yung kiss cream 30ml. Ok nman sya nakakabrighten talaga the next morning pero I agree mabilis din mawala hindi permanent ang effect.

ireneeey

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #93 on: November 02, 2014, 05:46:06 pm »
Malapit ko na maubos yung kiss cream 30ml. Ok nman sya nakakabrighten talaga the next morning pero I agree mabilis din mawala hindi permanent ang effect.

Hi Megan! What do you mean na hindi permanent ang effect? You mean sa morning lang yung effect niya tas wala na? Hindi ba parang mask siya para pang maintenance and regimen sa face? Or do you mean hindi permanent ang effect pag once na tinigil mo?

MeganDa

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #94 on: November 03, 2014, 12:19:47 am »
^para sakin yung glowing and brightening effect pansinin lang the next morning when I use it the night before. Hindi sya tumatagal lets say sa afternoon palang pag pagod na from work haggard or dull na ulit since di naman pwede gamitin everyday no use for me kung sobrang sandali lang effect. In my experience lang naman.

yijiheon

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #95 on: November 03, 2014, 01:05:13 am »
^ same experience. the next day lang tapos di sya lasting the whole day. iniisip ko nga pano magkakaron ng permanent effect if hindi everyday or not consistent ang gamit. natetempt na nga ko gamiting araw araw pero takot lang ako baka may longterm effect.

Twinkle28

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #96 on: November 03, 2014, 01:59:32 pm »
So pareparehas tayo ng experience sa KISS cream. Temporary lang talaga pero wow ang ganda ko kinabukasan hehe. Siguro pag me date lang okay gumamit nito,

Anyway paubos na yung snail white ko, meron daw mas maganda sa snail white. Yun So Snail HD nakakaporeless daw? Parang wanna try after Snail White 😍

ireneeey

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #97 on: November 03, 2014, 05:36:57 pm »
So pareparehas tayo ng experience sa KISS cream. Temporary lang talaga pero wow ang ganda ko kinabukasan hehe. Siguro pag me date lang okay gumamit nito,

Anyway paubos na yung snail white ko, meron daw mas maganda sa snail white. Yun So Snail HD nakakaporeless daw? Parang wanna try after Snail White 😍

Ilang weeks mo na ginagamit yung kiss? lahat kasi ng blog reviews na nabasa ko (not sponsored), puro good feedback yung sinasabi. Wala kang napansin na effect or change sa face mo after using kiss? I mean hindi yung effect lang the following morning, yung parang improvement. :)

Twinkle28

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #98 on: November 04, 2014, 06:09:39 pm »
^ sis ireneeey Once palang pero nagustuhan ko sya, ginamit ko un trial pack na binigay sakin, pag gising ko wow ang ganda ang smooth! Glowing face talaga. Nawala yun roughness ng skin ko. One use lang yun ha, kaso nadissapoint ako kinabukasan kasi wala na yung glow at brightness :( pero yung smoothness andun pa din :)  siguro kung gagawin ko sya 2x a week baka mas okay ang result :) so i might give it a chance din.

BTW nabasa ko sa thread na to na di sya maganda kasabay ng TLS? I use TLS puregirls sa face pero parang okay naman.
« Last Edit: November 04, 2014, 06:14:23 pm by Twinkle28 »

kwang sun

  • Guest
Re: Kiss cream collagen mask and snail white ???
« Reply #99 on: December 28, 2014, 09:51:18 am »
I have used this.. nagkapimples lang ako

 

Latest Stories

Load More Stories
Close