thanks too sis solepurplelife

@sis june, just backtracking again the transcript of vhong sa the buzzngbayan:
"BA: So pagdating mo doon, sinalubong ka sa lobby, umakyat kayo.
VN: Opo. Sinamahan niya ako hanggang pagpasok. Nag-inuman kami. Kasi ako Tito Boy hindi ako gagawa ng move kung hindi siya nagpakita ng motibo na may gustong mangyari.
BA: Anong naganap?
VN: May nangyari po pero walang sexual intercourse.
BA: After that, nag-usap? Paano kayo naghiwalay? Paano natapos ang gabi?
VN: Maayos po ang paghihiwalay namin. Kasi kung ayaw niya, sana sumigaw siya ng rape, sana may kalmot ako pag-uwi, may galos ako, meron siyang galos or sakal pero wala po. Maliwanag po na gusto niya yung nangyari. Umalis ako, sinabi ko pa sa kanya na, ‘O isarado mo ang pinto kasi baka mamaya may pumasok pa sayo diyan.’ So sinara niya, ni-lock niya. Pumasok ako sa kotse.
Pauwi ako nag-text siya. Sabi niya, ‘Bad boy ka.’ Sa akin, ano ang ibig sabihin ng bad boy ka? Dahil ba hindi ko tinuloy na may mangyari? Hindi ko alam. Kaya ang sagot ko po, ‘I’m sorry bawi ako.’ Ibig sabihin, hindi pa rin natapos ang pagkikita namin doon dahil pwede pa akong bumalik at magpakita sa kanya. Tinatawagan ko siya, hindi niya sinasagot. Hanggang sa nakauwi na ako sa bahay, siya na 'yung tumatawag, hindi ko na nasagot.
Nag-text siya kinabukasan. Sabi niya pwede daw ba pag-usapan 'yung nangyari. Sabi ko, ‘Oo naman.’ Sabi niya ‘Puwede ka ba tonight?’ January 18 na ito, Saturday. Gusto daw niya mag-dinner kami sa bahay niya, magluluto daw siya. Sabi ko huwag na kasi hindi rin ako puwede. Set na lang next time. Nagbigay siya ng Monday, nagbigay siya ng ibang araw, ang binigay ko Wednesday.
Ang weird lang kasi nung time na 'yun, sweet na siya. Tinatawag niya akong sweetie, sinasabihan akong kumain ka na. From bad boy, biglang sweet na."
================
why invite a guy if you think you've been violated? ipagluluto mo pa..
/le confused soul here/