watch now

Author Topic: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2  (Read 81933 times)

GMGravity

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #120 on: February 17, 2014, 09:33:57 pm »
Bedrest ako for 3 days mga sis nadulas ako sa hagdan sa office kaninang morning. Isoxilan 3x a day ulit for 3 days. Kapag pala may nangyayaring ganito pwedeng humiwalay ang inunan sabi ni OB and kapag nangyari iyon hindi masusuplayan ng mga needs niya si baby and pwede ikamatay. Sa Saturday balik namin kay OB for follow up check up. Ang sakit ng likod at gulugod bang tawag dito maga pa rin.

katrinac

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #121 on: February 18, 2014, 12:57:11 am »
GMGravity  - naku sis, ako talaga ayaw ko yung Vanilla mango nila, super natatapangan ako sa amoy pati. though yung unang tikim ko, feel na feel ko talaga sya, pero there was a time na naumay ako dun nung first trimester ko. Regarding insert photo, need mo ata ng parang photobucket, then upload mo dun, tapos bigay mo nalagn yung link samin. Tama mag sharean tayo ng mga baby bump pics natin.
How are you na sis? Take extra care. Sundin si ob ha. dapat bed rest talaga

chocoholic88 - parang gusto kong itry yung hazelnut sis. sigh, ako sis super excitd na ako ma feel yung kick nya. 20 weeks na ako today, pero until now wala padin ako mafeel. huhu! Pero sabi ni ob, malikot daw si baby (nakita as per last ultrasound)

marsh_candy - sis, yung ob ko pinapagfasting ako for 8 hours for OGTT. pero next month pa sched ko.

EJ2526 - sis, yes kasuya talaga yung vanilla nila. nag comment nga ako sa fb page nila na di ko gusto yung lasa. ahaha! kasi todo promote sila dun sa flavor na yun. Ako yung chocolate, malamig ko sya iniinom, sarap na sarap ako.

annie19 - yan din ang sabi ng iba sis, kasi super nakakalaki daw ng baby yung anmum. at the same time, pati tayo tataba. Regarding CS sis, yung pinsan ko nakausap ko last week. CS din kasi sya. Sabi nya, di daw nasaktan sya talaga. yung iba daw parang ineexaggerate nalagn daw. pero sya kasi, the next day, nakakapaglakad na sya.

wife2be - hi sis, congrats sa results ng OGTT mo. medyo worried ako sa results ng ogtt ko (though next month pa naman), kasi diabetic ang mom ko and insulin dependent sya. tapos medyo love ko ang sweets ngayon. hehe!

Mga sis, 20 weeks na ako today, wala parin akong sipa talaga na nararamdaman. last saturday, may nafeel ako parang isda sa loob, pero super sandali lang. tapos di ko na ulit nafeel. hehe!
last sat, na ultrasound ako, kasi nag pa check ako at nasakit ang likod ko. (yun pala na strain lang) so yun nga, ang likot likot daw ni baby. and nakita na Baby Girl si baby!!!! Pero uulitin pa ulit next month, para 100% sure daw.

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #122 on: February 18, 2014, 09:02:40 am »
GMGravity Nako sis ingat kayo ni baby palagi. Rest ka lang muna.

katrinac Pareho tayo sis sumasakit ang likod. Pero normal naman daw sa preggy. Congrats ha baby girl! :)

Onga pala mga sis ako rin regarding sa  CD disposablemuna gagamitin ko for my newborn kapag mga 1 or 2 months na sya tsaka ko gagamit ng CD. May nakita akong baby leaf sa SM mas mura sya kesa sa official site ng baby leaf.  330 lang sa SM s50 sa website. Tska nga pala sa cheeky bebe shop sa FB ko nakita yung cheapest price ng Alva. Dun ko balak bumili.

eihsy11

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #123 on: February 18, 2014, 09:40:09 am »
katrinac sis dito sa chipper online shop sa fb medyo mura din ang cds.

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #124 on: February 18, 2014, 10:40:03 am »
^Naughty baby kasi yung brand sis kaya mura tska wala pang inserts na kasama. Yung sa Cheeky bebe sis Alva na sya with inserts nadin.

eihsy11

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #125 on: February 18, 2014, 11:16:42 am »
^Naughty baby kasi yung brand sis kaya mura tska wala pang inserts na kasama. Yung sa Cheeky bebe sis Alva na sya with inserts nadin.

minsan parang meron silang alva sis, member ka na ba sis ng modern cloth nappying pinays? minsan may mga for sale din doon eh.

nikki

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #126 on: February 18, 2014, 03:41:21 pm »
Hello sisses! I guess it's not too late to join.  I'm due April 23 and I'm 30/31 weeks. I had my checkup yesterday and because I told my OB I'm feeling a lot of pressure down there whenever I turn sa bed or whenever I get up from sitting down or lying, she did an an IE on me. This was unusual Sakin since I felt this pressure during my first pregnancy towards full term na 35 weeks up.

OB found out I'm 1cm dilated already kaya eto extra careful. Self-imposed bed rest na muna ako.  I have a 15-mo old baby boy din so iwas muna sa karga.

Anyone else with a similar case this early?  So I guess it's important to tell your OB what u feel or any unusual symptoms during your routine checkup.

Crazylabel

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #127 on: February 18, 2014, 10:31:46 pm »
Sis simplydgesy grabe ngayon ko lang napanood yung video, nakakiyak! Thanks for sharing.

Sis nikki, nararamdaman ko din yang pressure pag nakatayo ako pero nawawala pag naka maternity belt ako. Been wearing maternity belt since 19 wks. My OB performed IE din pero close naman cervix ko nun. Ngayon 24 wks ako naramdaman ko mas malala yung pressure just two days ago pero nung nag belt ako nawala naman. Sasabihin ko nga ulit sa ob ko this wk sa check up ko. Nakaka kaba nga din eh. Ano daw sabi ng ob mo, di ba magtutuloy tuloy yung pag dilate mo?

Sis GMGravity ingat ka, mas madalas na tayo ma out of balance nagyon kasi lumalaki na si baby.
« Last Edit: February 18, 2014, 10:37:34 pm by Crazylabel »

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #128 on: February 18, 2014, 10:59:40 pm »
minsan parang meron silang alva sis, member ka na ba sis ng modern cloth nappying pinays? minsan may mga for sale din doon eh.

Yes sis kaso nabibili agad ng ibang mommies eh.

annie19

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #129 on: February 19, 2014, 02:20:56 am »
sis katrinac - yup mostly ng CS nakakalakad na agad kinabukasan pero ramdam padin dila yung kikirot minsan yung stitches. I hate pa yung part na bawal magsalita after delivery at minsan kahit ilang months ka na nanganak tapos malamig panahon kumikirot daw yung stitches. yung SIL ko kasi CS. Kay eldest kasi normal delivery ako wihout epid/anesthesia, pag dating ko sa room namin nakakatayo na agad ako, dahan dahan nga lang kasi medyo hilo dahil sa force nung pagpush hehe. nagjoke pa nga OB ko na papauwiin na nya ko haha. 1 day lang kami ni eldest sa hospital nun. Kaya I am really praying na sana ganun din kahit pano with my twins :)

eihsy11

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #130 on: February 19, 2014, 01:45:03 pm »
hi mga sis, im 32 weeks now. and di ko pa din alam gender ni baby. sana by friday magpakita na si baby and claiming na hindi na siya naka breech. grabe ang galaw galaw na nya. super.. parang may sawa na sa tummy ko, at parang naninigas na. lalo na pag gagalaw na siya . heheh. akaktuwa lang kasi nakikita ko na moves ng tummy ko. sana di ako magkaroon ng stretch marks, kasi sobrang kati na ng tummy ko eh wala naman akong pinapahid kaya iwas ako minsan sa pagkamot kaya lang minsan di ko talaga mapigilang magkamot. hehe. kamusta na kayo mga mommies? ready na ba mga baby stuffs nyo?

asheeyhana

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #131 on: February 19, 2014, 03:21:10 pm »
Hi eishy11,pareho tayo 32 weeks now.. ang likot likot na rin ng baby ko, minsan nga pag sumisipa siya nahahawakan ko yung paa nya, sarap sana kung mawitness yun ng papa nya, kaya lang naasign kasi siya sa lucena kaya hindi kami magkasama, baka sa april pa uwi nya and due ko na yun e. About sa baby staff, wala pa ako nabibli kahit isa, sa march pa, ayaw pa kasi ng mama ko, kasabihan daw ng mga matatanda,hehe.. gabi gabi na nga pala ako nakakapanaginip ng mga babies, dahil siguro lapit na ako manganak.. super excited and may kasamang kaba  :P6

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #132 on: February 19, 2014, 07:44:23 pm »
^Parehas tayo sis madalas ko rin mapanaginapan na nanganak na daw ako at inaalagaan ko daw si baby hehe katuwa. Kaka excite lalo eh. 34 weeks nako at bukas pa lang kami mamimili. Goodluck sakin sana hindi mapagod sa pag iikot. :D

katrinac

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #133 on: February 20, 2014, 05:43:33 am »
EJ2526 - sis, sa position ko pala yun dito sa office, kasi wala ako matinong unan dito, kaya napabili tuloy ako ng unan sa Dakki. hihi!

simplydgesy  - grabe sis, unang pagkakita ko palang ng vid, iyak ako ng iyak. napanood ko to dati, pero yung shortened version lang. parang 3 mins lang ata, yung highlights lang. di ko na matandaan kung san ko to nakita. Pero itong link mo, grabe ang tindi. kada naalala ko. naiiyak ako. grabe ang miracle.  :'( ang galing galing. iba din talaga kapag kalinga ng nanay ano.

EJ2526 - sis, san ka na mamimili ng damit ni baby? Baka ako on my 6th month pa siguro. Pero yung pang newborn, sa bacalaran ako kukuha. Pero sabi ng pinsan ko wag na daw ako bumili ng pang new born, dami nya hand me down. Kakapanganak lang din nya kasi last October. sayang lang daw if buy pa ako. Ewan ko ba, pero syempre gusto ko parin magshopping para kay baby. sarap kaya mamili. nakakaexcite. :D

eihsy - wow sis, malapit mo nadin pala makita si baby. Sana next scan nyo ma kita na gender. Tip lang, kain ka ng chocolate before your scan para malikot si baby and makita na sya. Yan nung tip ng ibang mommies pati. As per baby stuff, ni isa wala pa ako nabibili. tutal kaka 5th month ko palang naman. hehe! Wala padin ako nararamdaman na intense kicks. Can't wait na talaga. sigh. Bakit kaya ang tagal. haha

annie19 - hala, bakit bawal mag salita sis after the operation? And true ba naman kapag after CS dapat mag fart muna si mommy bago ma discharge ng hospital to check if okay ang internal organs? Bilib ako sayo sis, nakaya mo without anes. Pag naiisip ko palang na ma normal ako (which is sana nga) tapos yung labor pains (though di ko pa naman alam kung ano feeling nun), na ci cringe na ako. hehe!

Mga sis, 20 weeks na kami ni baby, share ko nadin sa inyo bilog na bilog na ang bump ko. :D http://4.bp.blogspot.com/-orEFnyL62LY/UwUeBZ74vfI/AAAAAAAADtE/C_UlU8ZplRY/s1600/baby+preggy.jpg   

Kwento ko nadin mommies, kanina nagising ako, kasi nag leg cramps ako. grabe, halos mapasigaw ako talaga sa sakit. may way ba paano i prevent to?

tummy rub sating lahat!
« Last Edit: February 20, 2014, 05:49:39 am by katrinac »

kariseyow

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #134 on: February 20, 2014, 02:48:40 pm »
^ wow sis! Ang laki ng tyan mo.  ;D saken ang liit. Takot din ako magpalaki baka ma cs ako. Pero inggit din ako sa super laki na mga tyan. :(

For leg cramps, try mo dagdagan water intake mo sis. Tska stretching exercises.  :)

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #135 on: February 20, 2014, 02:58:13 pm »
katrinac Ang laki nga ng tummy mo sis hehe halos magkasing laki tayo pero 34 weeks na ko.

bebeocho

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #136 on: February 20, 2014, 04:49:47 pm »
wow sunod sunod pala tayo mga sisses. im on my 31st week. by april 1 sunod sunod na rin siguro ang postings natin ng deliveries. hopefully all of us would have a very safe and smooth delivery and healthy babies.  :)

in 3 weeks i'll be flying back home. sana smooth ang flight para hindi kami mahirapan ni baby. almost complete na kami sa gamit ni baby. pending na lang yung crib ni baby and stroller which we'll be buying this weekend. nag-aarrange na rin ng baby shower yung friends namin dito kaya excited na rin kami. can't wait to see our baby. pag uwi rin pala namin sabi ko kay hubby DIY maternity shoot na lang kami sa bahay. sabi ko magaral cya ng basic shots tapos photoshop ko na lang. haha

kwento ko lang.. medyo nagworry ako nung nabasa ko sa news na start ng skyway construction. paranoid lang baka kasi maipit ako sa traffic during labor. haha pero thankfully sabi ng pinsan ko wala pa daw sa QC area ang construction. sana nga!

twinkle belle

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #137 on: February 20, 2014, 06:09:34 pm »
sis bebeocho, saang hospital ka manganganak? Iyan din concern ko kasi sa St. Lukes QC ako manganganak eh from Pasig kami. Sabi ko sa hubby ko lahat ng side streets from Pasig to E.Rodriguez, kabisaduhin na niya. hehe.

Share ko lang na ang karate kid na nasa tummy ko ay GIRL. All the while akala namin boy dahil nangitim na lahat ng puwedeng mangitim at tinubuan na ng pimples lahat ng puwedeng tubuan ng pimples.  ;D

sis annie19 and sis simplydgesy, kelan na-detect polyhydramnios ninyo? Mine nitong Monday lang, 22W5D. Ang weird lang kasi noong nagpa-CAS ako ng same day, as in mga 10 minutes lang ang pagitan (dahil nga nakita na medyo marami amniotic fluid ko, agad agad nag-order si OB ng CAS) nabawasan na daw. Noong unang ultrasound for gender determination, 3 quadrants ang >8cm. Noong CAS na, isang quadrant na lang ang >8cm ang fluid. Bale 8.21cm iyong deepest vertical pocket.

Ok naman si karate kid sa CAS, lahat ng vital organs niya ok. May urine din siya sa bladder so ok ang swallowing and pagwiwi. Nag-order ng OGCT and FBS si OB, normal naman lahat ng results ko.

Worried at medyo napra-praning ako kasi nag-google ako!  :o

twinkle belle

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #138 on: February 20, 2014, 06:10:08 pm »
Sale nga pala sa carters.com mga mommies! 50% off.  ;)

nikki

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #139 on: February 20, 2014, 06:29:42 pm »
^sis don't worry too much about the polyhydramnios result of your last u/s. Since nagpa-cas ka na and all appears normal. Note lang sis na high amniotic fluid can also be an indication of high blood sugar level and I'm guessing that's why your OB ordered ogct and fbs. I also know this because I have GDM and my a/f index is always at a high normal.  Nag Polyhy din ako once during my first pregnancy.. Hopefully, ok naman blood sugar level mo :)

@crazylabel, sis extra ingat lang talaga and we can't say Kung magtutuloy sya. Kaya iwas Lang on anything that may induce labor or cause contractions. I'm taking isoxillan now and worst case, mag steroids shot to hasten development ni baby in case mag preterm delivery. Pero syempre I'm praying hard na umabot ng 37 weeks. I remember din in my first pregnancy, I was at 3cm since 34/35 weeks pero it stayed at 3cm until I started to labor and gave birth at 37w4d. Basta ingat Palagi :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close