watch now

Author Topic: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2  (Read 81850 times)

katrinac

  • Guest
Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« on: January 29, 2014, 05:02:13 am »
Mga mommies, dito natin ituloy ang kwentuhan. Page 31 na kasi yung isang thread.

Dito tayo nanggaling.  ;D

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,279121.0.html

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #1 on: January 29, 2014, 07:06:04 am »
Joining the new thread. :)

Currently at 21weeks. Minsan nafi-feel ko na yung parang pitik. Tapos ginagawa ko, hinahawakan ko tiyan ko, hintay ko na may pitik ulit. Minsan halos nagkakasunod, minsan naman ang tagal before yung next pitik na ma-feel ko.. sana normal lang to, at sana ok si baby..

Medyo plus-size kasi ako to begin with, then first baby. e nababasa ko na pag medyo chubby at FTM e medyo matagal bago ma-feel talaga yung kicks ni baby? This week din ang CAS ko, sana ok ang results and sana malaman na din ang gender..

Good luck sa atin, mga moms-to-be! *mwah*

GMGravity

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #2 on: January 29, 2014, 07:22:29 am »
^19 weeks pa lang, nalaman na namin gender ni baby. Sabi ni OB sure na daw iyon. Hirap din ako ma-feel si baby, until now (20 weeks) bubbles palang nafeel ko paminsan-minsan.

Ano ba talaga ang mayroon sa eggplant at ayaw ako bentahan sa canteen namin kanina? Sabi ko iyon uulamin ko kasi puro hotdogs, maling, at canned goods tinda nila. Then paglapag ko ng tray ko, lahat sila sinasabi bawal daw sa akin eggplant. Sabi ko anong explanation ba? Sabi daw ng matatanda.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #3 on: January 29, 2014, 07:35:57 am »
^ 2nd ultrasound ko pa lang to sis. First was nung roughly 6-7weeks, for baby's heartbeat.. sabi kasi ni OB isabay na lang sa CAS yung gender para minsanan na lang. Usually doppler lang kami during regular check-ups..

Bawal ang eggplant? Di ko alam yan ah.. as in, kumakain ako ng eggplant - tortang talong, sa sinigang, etc.. oh no.. wala din kasi pinagbawal sa akin na food, except lang daw mga hilaw like sashimi, etc (although minsan tumitikim ako ilang piraso, basta reputable resto) and raw/malasado egg. Then yung steak ko, lagi na well-done ngayon. 

GMGravity

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #4 on: January 29, 2014, 07:48:46 am »
^Di ko din talaga alam sis, tortang talong eh favorite sa house so lagi ako nagluto niyan eh. Sa akin sis, doppler lang gamit ni OB last Wednesday. Sabi niya boy nga daw and dinugtungan ng SURE NA, and tinuro sa akin putotoy ni baby hehe na hindi ko naman nabigyan ng attention kasi nakafocus attention ko sa legs niya, may buto na kasi ako nakikita parang sa xray. Parang wala kasi iyon dati so nacurious ako. Wala pa request sa akin for CAS sis. Last ultrasound ko kay OB 8 weeks 3 days pa lang si baby. Gusto ko nga sana para may print out naman. Plan ko magpa 3d/4d between 26-28 weeks.

kariseyow

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #5 on: January 29, 2014, 08:21:36 am »
^ ako 19 weeks nalaman gender ni baby. Boy agad. Buti nakicooperate si baby nung ultrasound. Sunod ko CAS. Pinagppray ko talaga na maayos lahat.

Regarding sa talong, pinagbabawalan din ako kumain nyan kasi paglabas daw ng baby magkakabatik batik yung parang may itim itim sa balat. Sabi din ng iba pag iiyak yung baby mangingitim and maninigas. Sabi sabi nila yun pero bihira lang ako kumain ng talong now.

GMGravity

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #6 on: January 29, 2014, 09:43:55 am »
^same tayo sis 19 weeks nalaman gender ni baby.. about naman sa talong, parang scary naman mangingitim at maninigas si baby? bakit daw sis anong reason?

Question pala mga sisses, two days na kasi ako parang may leak, noong una parang nararamdaman ko parang kumikibot kibot down there na nafeel ko din this morning, then itong nagdaang 2 days, uncomfortable talaga kasi lagi basa underwear ko, need ko talaga magbaon kasi ayoko naman magpantiliner. Nabanggit ko na kay hubby pero nagstart na naman siya i-deadma ako lately puro 'normal lang iyan' sinasabi so hindi pa ako nagpacheck up ulit. Pero normal ba talaga ito?
« Last Edit: January 29, 2014, 10:27:31 am by GMGravity »

Crazylabel

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #7 on: January 29, 2014, 10:27:33 am »
Sis katrinac salamat sa new thread! Ang ginagawa ko before pag pitik lang or bubbles ang nararamdaman ko eh piapadinig ko tyan ko kay hubby and sa panganay ko, nadidistinguish ni hubby if gutom lang or si baby yung nadidinig nya sa tyan ko, iba daw kasi talaga yung sound he he.

Mga sis, di naman true mga pamahiin. Yung parang batik na itim itim natural lang yun sa newborn, para syang balat na pasa pero nawawala din yun habang lumalaki si baby. Pati pag iyak ni baby natural din na mangingitim lalo na kung matagal na sya umiiyak, i remember dati sa panganay ko nangyari yun, matagal ko kasi nililinis yung poop nya tapos iyak sya ng iyak hanggang mangitim na yung mga paa nya, ayun sinugod namin agad sa hosp. turns out normal lang pala yun dahil sa kaiiyak di nagflow ng maayos yung dugo nya, pansin ko din pag nakalaylay yung paa nya pag buhat ko mabilis din mangitim kasi naiipit yung dugo nya. Di naman ako mahilig kumain ng eggplant sa first ko. Dito sa second mahilig ako sa eggplant and okra nung first trim. Ang alam ko lang na bawal eh yung mga raw talaga because of salmonella.

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #8 on: January 29, 2014, 10:39:53 am »
Congrats sa mga sisses na alam na gender ng baby at sa mga nakakaramdam na ng movements. Ako 18 weeks pa lang nasimula ko ng maramdaman yung pag pitik pitik ni baby. :) Anyway ingat mga sisses!

cagegurl

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #9 on: January 29, 2014, 11:41:03 am »
mga sis, pwede na kaya magpa 4d kung 24weeks palang kami ni baby?

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #10 on: January 29, 2014, 11:54:28 am »
^Oo sis pwede na yan ako 25 weeks first 4D ultrasound ko.

kariseyow

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #11 on: January 29, 2014, 12:09:39 pm »
^ nakita mo na agad? Nasasayangan kasi ako mahal magpa 3d/4d mamaya hindi magpakita si baby. Pero so far sa lahat naman ng US ni baby nakaharap naman siya.


Ako nga din hindi naniniwala sa pamahiin pero sinusunod ko na lang sabi sabi nila bawi na lang ako sa fruits. Ayaw kasi talaga ni baby yung mga gulay. Sinusuka ko talaga. Hindi ko alam kung bakit pero before ako mapreggy super healthy kinakain ko. Ngayon lang talaga ako nahilig sa meat.

cagegurl

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #12 on: January 29, 2014, 12:18:05 pm »
thanks sis EJ2526! may laman na ba si baby mo nun? sabi kasi sa nababasa ko payat pa daw si baby ng ganung week. gusto na kasi sana namin isabay sa CAS next week. 24w2d palang kami nun.

GMGravity

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #13 on: January 29, 2014, 12:25:49 pm »
Between 26-28 weeks daw best viewing based sa nabasa ko sis.

EJ2526

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #14 on: January 29, 2014, 01:20:03 pm »
kariseyow yes sis. Mahal nga eh kaya nung nagdiscount ang the baby ultrasound company ayun inavail ko. Sulit naman kasi makikita mo si baby tapos lalo na pag nag smile tska humikab nakakatuwa hehe.

cagegurl Oo sis malaman nadin sya nun. Pinabalik din kami nun kasi mejo suplado baby ko di masyado humaharap haha buti na lang mabait yung sono pinabalik kami wala ng extra charges. Bali 27 weeks ako nung bumalik wala naman masyadong pinagkaiba malaman na talaga si baby nung 25 weeks pa lang. Ok na yan sis.

annie19

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #15 on: January 29, 2014, 04:32:23 pm »
^same tayo sis 19 weeks nalaman gender ni baby.. about naman sa talong, parang scary naman mangingitim at maninigas si baby? bakit daw sis anong reason?

Question pala mga sisses, two days na kasi ako parang may leak, noong una parang nararamdaman ko parang kumikibot kibot down there na nafeel ko din this morning, then itong nagdaang 2 days, uncomfortable talaga kasi lagi basa underwear ko, need ko talaga magbaon kasi ayoko naman magpantiliner. Nabanggit ko na kay hubby pero nagstart na naman siya i-deadma ako lately puro 'normal lang iyan' sinasabi so hindi pa ako nagpacheck up ulit. Pero normal ba talaga ito?

Sis kung yung leak na sinasabi mo is tuloy tuloy kahit nakaupo, nakatayo or nakahiga...baka nagli-leak amniotic fluid mo which is not a good sign. Pero kung parang once lang ok lang yun. But it is best to inform and ask your OB about it kahit text lang. Sa 1st pregnancy ko kasi may experience ako na ganyan pero during night time pag tulog ako. Nagigising nalang ako basa undies ko parang napawiwi ako ng konti. Sinabi ko sa OB ko, yan ang sabi nya

yellow_pickles

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #16 on: January 29, 2014, 08:28:54 pm »
Hi po,
pa-join po. EDD on May 22, baby boy.  ;D

katrinac

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #17 on: January 29, 2014, 10:10:50 pm »
bagaholic_chewy - ako din sis, plus size ako. pre pregnancy weight ko is 60kls, kaya ang hirap wag masyado lumaki. ngayon ang laki laki ko na. and yes, sabi nga nila, pag medyo malaki mag buntis medyo matatagalan ma feel ang kick ni baby. ako may panaka naka, 17 weeks kami. Ako sis, i CAS ako sa March, ika 6th month ko na by that time. si hubby nga nakikiusap sakin, baka daw pwede next check up i check na yung gender ni baby. sabi ko baka sayang lang ibayad namin sa ultrasound.

GMGravity - actually sis, yung nagbebenta din dito sa pantry samin, ayaw daw nya bigyan ng talong yung daughter in law nya. pamahiin lang ata yun, though ang alam ko ang eggplant can induce daw. (not 100% sure ha) parang may nabasa ako eh. pero ako nakain padin ako ng talong. lalo na sa pinakbet and torta. regarding leak sis, minsan ganyan ako pagka gising ko. parang basa undies ko. pero not naman super dami. pa check mo narin siguro sis, to be sure. and kapag madami and napapalabas, it's not normal.

crazylabel - kaya pala parang may nararamdaman din ako na gas like pero hindi sya yung nararamdaman ko kapag gutom talaga. pag gutom kasi ako tapos natunog tyan ko may halong onting sakit. pero kapag yung parang si baby, parang plain na kalam lang ng tyan. Ang weird lang, kasi feeling ko, basta kahit ano manyari sa tummy ko, pakiramdam ko si baby agad yun.

Crazylabel

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #18 on: January 29, 2014, 10:30:53 pm »
@katrinac, sis oo si baby na yan! :) ako nga nung una mahilig sumipa sa V ko kaya parang lagi akong naiihi, buti ngayon tumaas na sya kaya di na gaanong masakit sa V ko pag sumisipa kahit breech pa din sya.

@GMGravity, sis grabe din watery discharge ko nung first trim and if napagod ako or kakalakad, nung pina check ko kay OB and nag IE sya sabi nya close naman cervix ko so normal lang daw yun. As in minsan kasi soaked talaga undies ko kaya natakot ako kala ko amniotic fluid na. Pa check mo na din sa OB mo sa next check up mo sis, basta wala namang pain ok lang yan.

GMGravity

  • Guest
Re: Babies Due 2nd Q 2014 (April, May, June) THREAD 2
« Reply #19 on: January 30, 2014, 09:26:42 am »
Thanks mga sisses, sana hindi naman siya AF. Visit na lang ako kay OB this Saturday ulit para sure.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close