Thank you sis!

Nako sis, from QC din ako, yun nga lang sa Cavite nag-party yung daughter ko kasi taga-dun ang mga lolo at mga lola hehe. Ang dress sis sa
Kamuning Market ko pinagawa. Sa shop ni Centeno. Kaso bad experience ako with them, pero looking at the pictures nung party happy nadin ako somehow.
Here's my exp with them:
Pinatahi ko yung dress 4 weeks before the party, biglaan kasi yung decision na magparty. My friends referred me to Kamuning Market, so may dala-dala akong peg at naghanap ng shop na gagawa dun. Ang peg ko sis ay hindi si Elsa mismo, totoong gown yung peg ko, may peg for upper part, may peg for skirt, may peg for the cape/trail. Yung una kong napasukan na shop ang quote sakin ay 2k labor palang, ang budget ko 1500 lang. Ang next kong napasukan yung kay Centeno, ang quote nila sakin 2200 plus ang tela ay sa kanila na. So happy na happy ako. Nung nakita nila yung peg, alam agad nung mananahi (siya yata yung owner) na kay Elsa yung gown! Yung peg ko kasi di mo malalaman na kay Elsa kung di ka talaga familiar sa Frozen kasi modified na siya, ginawa ko kasing ball gown eh fitting yung kay Elsa di ba. Ang hula pa nga nung isang girl sa likod niya, Cinderella daw nung nakita yung peg. Ang sabi sakin nung mananahi kabisado na daw nila si Elsa dahil panglimang Elsa dress na yung akin. Eh di lalo akong natuwa. I felt that I was in the right shop. 1 week lang daw, kaya yun. So ginawa kong in 2 weeks time ang DUE DATE. Tinanong nila yung kelan yung party, so sinabi ko -
wrong decision. Dumaan ang 2 weeks, walang paramdam from them for fitting (ang mali ko hindi ako tumawag). I was so trusting, I felt na sobrang kabisado na nila, no need for fitting. Pagdating namin ng due date, dun palang nagfitting. The color of the gown was darker. Di nila sinunod yung peg nung skirt without informing me. Tutu gown dapat yun. So ok lang naman, pwede nadin. 2 weeks pa before the party. In one week, maaayos nila yung adjustments. Pagbalik namin after 1 week, di nila ginalaw yung gown.

They made us wait for a long time. While waiting for the gown to be brought to the shop parang dun palang kinabit sa tube gown yung transparent part sa itaas. Dumating yung helper with the gown ng may karayom at sinulid pa in hand. Nagfitting ulit, dun palang pinasadahan yung sides ng gown sa harap namin. Maluwag kasi sa daughter ko yung gown. Dun palang kinabit yung button na pangsara sa itaas. Walang petticoat na tulle na napagusapan the week before, kasi nga di fluffy enough yung skirt, nabigay daw sa ibang client.

And besides, ibang bayad daw yung petticoat. Huh?? Tutu gown nga yung binigyan nila ng quotation in the first place eh. Tapos di pa nakakabit yung cape/trail. Tapos yung tela lukot lukot na at parang pinagtabasan lang ng ibang gown. Buti nalang I was with my mom that time, I was super stressed out na. Sinabi ng mom ko na kukunin na namin yung gown as is pero at 1700 lang. Mom ko nalang gagawa ng tulle na petticoat at maglalagay ng cape/trail. We went to Farmers Plaza after to buy fabric. This is my first time experience sa pagpapatahi and notes are taken.
As for the lootbags, we used an ecobag, tied a ribbon with a thank you card

May milky knots (kasi white siya at blue ang packaging hehe), tapos may assorted candies and chocolates. May heart stickers for the girls (for sisterly love at the ending <3) and headband na crown ang design (got this at about 10 pesos each sa Divisoria). For boys dinosaur stickers nalang hehe, kamuka nung ice monster (mairelate lang haha).
Here's a collage to give you an idea:
http://i69.photobucket.com/albums/i77/mallow04/Mobile%20Uploads/PhotoGrid_1397796499481_zps170c5f60.jpgAnd for the giveaways, dual purpose yung cupcake tower namin na birthday cake.

The cupcakes were the giveaways. Nilagay namin sa plastic dome na cupcake canister, tied a ribbon with a thank you tag.

Here's a collage to give you an idea:
http://i69.photobucket.com/albums/i77/mallow04/Mobile%20Uploads/PhotoGrid_1397797807800_zpsf36ba584.jpg