hmm... bumalik sa resort ang mga ahas. tinutulungan ni adrian si nicole na magbenta nung membership sa resort. tapos sina monica at jasper naman, nagkausap, nag-aalala si jasper sa magiging reaction ng papa nila. sabi ni monica, nagmamahalan sila, wala daw silang ginagawang mali at walang tinatapakang tao. sabi ni jasper yun daw ang mahalaga, walang tinatapakang tao. sabi ni monica, pag mahal mo daw ang tao, ipagsigawan mo sa buong mundo. taliwas naman sa mga ahas na patago-tago. gusto ni nicole na pumunta sila somewhere, sa lugar na malayo at walang nakakakilala sa kanila. alanganin si adrian. di pa daw sya nagsasawa don. gusto daw ni nicole magpunta sa malayo na sila lang, hindi nila kailangang magtago at walang iniintindi. sa sagada daw. aasikasuhin na daw nya.
then magkausap sa telepono sina adrian at monica, tamang-tama namang kinukwento ni monica ang tungkol kay kuya jasper nya. wala daw kwenta ang relasyong patago-tago. at maswerte daw sila dahil pinaglaban nila ang relasyon nila.
may bagong kliyente sina monica sa idea factory, supplement yata. gustong magpa-pageant bilang promotion. sa isang magandang resort daw sana. sabi ni monica, tamang-tama daw, may alam syang magandang resort. at nandun nga daw ang asawa nya ngayon. so nagkasundo sila.
gusto ni nicole, the next day na ang punta sa sagada. eh sabi ni adrian, hindi pa daw ba sya nagpapaalam. aba, nag-maktol lang ng konti ang kabit, go-sago na ang adrian! grrrrrrrr!!!!!
inabangan ni monica si max dun sa raket nya. nag-offer sya ng raket. gusto daw bang maging event photographer sa isang bikini pageant. sabi ni max, graduate na daw sya sa ganon, pero sige daw. so bukas daw sama daw sya sa kanila, dun sa resort ni nicole. sinabi nya rin na tinutulungan ni adrian si nicole, so nandun na sila. sya naman, isu-surprise nya ang asawa nya, with the client.
sa resort, ang mga malalandi, paalis na, kilig na kilig sa excitement na dala ng kataksilan nila. tamang-tama naman na pinapakita ni monica ang resort sa mag-asawa, ayon, nagkaharap. titigan.