watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal Wife  (Read 73879 times)

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #380 on: April 02, 2014, 05:50:57 pm »
argh! hindi ko nanaman napanood ito!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #381 on: April 02, 2014, 06:25:46 pm »
nung dumating si javy sa bahay, sabi ni eloisa, something like, sana kung maintindihan ni javy kung bakit ginawa iyon ng asawa nya, maiintindihan din nya (javy) sya (eloisa). tapos banat ang javy na, hindin daw lahat ng bagay eh tungkol sa nanay nya, blah blah. hindi na nakaimik si eloisa. ngek, eh di ba, laging isinisisi ni javy kay eloisa lahat ng mga nangyayayari sa kanya, tapos ngayon sasabihin nya hindi tungkol sa nanay nya  >:(

chedz.03

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #382 on: April 03, 2014, 02:36:09 am »
iba talaga kapag ang mga babae ang nakakutob, hindi man saktong sakto yung hinala sa totoong ngyayari pero almost 90% tama ang hinala...

At grabe nakakainis na si Adrian...  sya na talaga yung lumalapit kay Nicole. Sabi ko kay hubby while we are watching kanina, "karamihan talaga ng mga lalaki marurupok. Parang mga made in China lang!"hahaha natawa sakin, may nalalaman pa daw akong ganun. LOL

snowflakes

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #383 on: April 03, 2014, 03:18:46 am »
Matatapos na daw agad ito? Kase naman napaka predictable ng story. Palage na lang kabit. Other woman ang theme ng soap.

chinkywinky

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #384 on: April 03, 2014, 10:04:36 am »
Itong si Nicole ang engot. Nagsunog ba sa loob ng room. Haleerrr.
Adrian naman lumalande ah.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #385 on: April 03, 2014, 10:09:01 am »
ba't kelangan laging knight in shining armor ni nicole si adrian. at anong oras na yata yon, gabi na, bakit kelangan pa nyang puntahan sa bahay  >:( >:(   at ang pagtatago ng celfon ha, sakto talaga ang ginagawa ni adrian sa binabasa ni monica.

chinita_san2007

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #386 on: April 03, 2014, 03:02:25 pm »
kainis ..bakla pala si kuya jasper!! awwwwww!!!!!!!! lalake pala ang type ng bruha  ;D ;D

chedz.03

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #387 on: April 03, 2014, 03:06:19 pm »
^Nafeel ko na yan nung nag date sila ni Nicole hehe... kahit si Nicole nahalata din based sa mga sinabi nya kay Monica after that date. Hehe kalerkeiii!!!

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #388 on: April 03, 2014, 03:15:24 pm »
kainis ..bakla pala si kuya jasper!! awwwwww!!!!!!!! lalake pala ang type ng bruha  ;D ;D

OMG. so tama pala yung kutob ko all along... they are going to make his character gay. sayang naman! he's pogi and very mabait.

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #389 on: April 03, 2014, 05:37:07 pm »
sabi ko na tama ang gaydar ko kay kuya Jasper.... :D

lovemeagain30

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #390 on: April 03, 2014, 05:52:43 pm »
yung acting ni Maja as Monica's bestfriend eh parang hindi naman sila magbestfriend!  :D

naintindihan ko nagalit siya kay Monica nung una pero yung mga sumunod na scenes na okay na sila eh parang super cold pa din ang acting. parang hindi ako makapaniwala na magkaibigan parin kayo at magbestfriends sa lagay na yan ah. kahit nung hindi pa gumagawa ng milagro si Nicole at Adrian parang mapapaisip ka kung magkaibgan ang turingan ni Nicole at Monica. I mean sa pag arte ah. parang kulang. wala naman yata akong bestfriend na ganyna katamlay ang pakikitungo sakin kahit wala naming problema.

sa acting nayan ni Maja, kung real life yan, mahahalata na siya ng kaibigan niya. saka yung eksena sa kwarto na nahimatay siya sa usok dahil sinunog niya yung papel. sa aking opinion, ang korni na eksena yun. una walang matinong tao magsusunog ng papel sabay tapon sa trash can lang.  ano yun pugon? ;D pati yung usok na manggaling dun, hindi naman in a few minutes eh hihimatayin ka na.  :o 

sana writers will come up with more realistic situations para mas kaabang abang panuorin siya. hindi yun pinilit lang para magka moment lang at hindi yung napipredict na agad viewers next na mangyayari. sana rin huwag na nila pahabain pa bago mabuko si Adrian.   
« Last Edit: April 03, 2014, 05:55:42 pm by lovemeagain30 »

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #391 on: April 03, 2014, 10:03:09 pm »
Ayan.. Pagdududahan na ni Monica sila Adrian and Nicole...

I don't think naman patatagalin pa nila toh...
Baka atakihin na ng HB ang mga tao..

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #392 on: April 03, 2014, 10:39:11 pm »
Im not sure if malapit na matapos pero mas ok na huwag talaga patagalin kasi wala na din iikutan ang kwento. :) mas ok na din yung hindi mahabang teleserye, minsan kasi yun ang kinakapangit e kapag pinipilit pahabain.

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #393 on: April 04, 2014, 12:17:34 am »
Ako naman ayoko pa matapos kahit napakapredictable ng story. Inaabangan ko pa rin yung mga eksena everyday. May kaba kasi lagi kapag nanonood ako lalo na misis at nanay din ako.


junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #394 on: April 04, 2014, 06:27:50 am »
Korek.. Mas may substance ang story pag di pinahaba...
Hindi yun kung ano ano isisingit para lang mabahaba...

In this case... Sa teaser.. Magduda na si Monica kay Adrian at Nicole.....

Lalo lang ako nabubuset kay Adrian... Atleast si Nicole aminado man syang mahal na nya si adrian... Umeeffort pa rin para umiwas..

Etong si Adrian kung makatingin kay Nicole may pagnanasa talaga eh... Tsk...

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #395 on: April 04, 2014, 11:33:06 am »
^korek, kaya i hate adrian, siya talaga yung malandi dito...

si max na lang talaga inaabangan ko dito. siya nga kahit nagpapacute kay monica di i-ne-entertain ni monica...yan adrian ang tinatawag na fidelity... ;D

sana huwag patagalin yung paglalandi ni adrian na 'to hindi siya good example sa mga husbands.  ;) ;D :D

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #396 on: April 04, 2014, 12:08:55 pm »
kutuban ka na sa so-called bff mo, monica! ni hindi nga makatingin sa yo ng diretso pag kausap mo  >:( >:( 

alala ko lang nung isang araw, nag-video call sina javy at gwen. nung una nagmamakaawa pa si javy, tapos nagalit na, eh di lalo syang hindi babalikan nina gwen, nakakatakot sya no.

natutunugan na kaya ni eloisa na bading si jasper.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #397 on: April 04, 2014, 01:37:23 pm »
^tomoh....
ang maganda dito..
di lang sa mga kabit umiikot ang story..
sa family rin talaga..

like how to deal with an alcoholic/violent husband, how to deal with gay brother/son..
relationship between father and children.. at  relationship bet husband and wife..
(eloisa and javier)..

yun story pa ni Dante... yun kay Max (grabe.. bakit ganun kinilig ako kagabi.. ang bad ko..)
:D

madami angle pang pwedeng tingnan yun teleserye...

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #398 on: April 04, 2014, 03:19:45 pm »
^haha di ba ang yummy ni max...nag iba talaga si JC de Vera mula ng maging kapamilya...

OT at dahil yummy siya pinanonood ko din ang moon of desire sa hapon...meryenda ko sya at late dinner...sarap hahaha ;D

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #399 on: April 04, 2014, 03:54:14 pm »
^lol..
natawa naman ako dun..
meryenda at dinner talaga.. :-)

naangasan ako kay Max nun una..
pero kagabi may something na nakakatuwa sa kanya..
lol

 

Latest Stories

Load More Stories
Close