watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal Wife  (Read 74009 times)

thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #300 on: March 26, 2014, 11:44:31 pm »
ang effective ng portrayal nila jericho and maja to the point na gusto ko sila sapakin.  ;D nakakastress pero watch pa rin ako. sumasakit dibdib ko pag naiisip ko yung panloloko na gagawin kay monica nila nicole and adrian.

natulala ako sa itsura ni angel nung nakasuot ng swimsuit. ang sexy!  ;D

Starliiight

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #301 on: March 27, 2014, 01:22:41 am »
ok. nagmarathon ako ng tlw. pinanood ko yung episodes simula last month until kagabi, nakakaloka!!!! ang bigat sa dibdib and nakastress!!! lol bad trip pa kasi ang gagaling ng mga artista so affected talaga ko. nahihirapan ako i-separate si nicole kay maja.. feeling ko talaga mang-aagaw siya. lol tapos awang awa naman ako kay monica kas. :(

infairness ang ganda ng chemistry ng 4 na cast. bagay sina angel/jericho & angel/jc pati maja/jc & maja/jericho. pero gustong gusto ko yung scenes nina max and monica lalo na nitong past 2 episodes.

^sexy nga niya. tyaka bet ko yung blue jumpsuit niya nung na-trap sila ni max sa elevator.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #302 on: March 27, 2014, 09:05:16 am »
^^korekness sa kasexyhan...

di skinny sexy.. pero curvaceous talaga..

in fairness naman kay Nicole.. she is trying her best para umiwas sa nararamdaman nya...
hainaku Nicole please... iba na lang..

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #303 on: March 27, 2014, 09:46:11 am »
Inasar ako ni husband kagabi. Si Monica daw kasi, pinaalagaan/ibinilin pa kay Adrian si Nicole. Ayan tuloy. Hahaha. Ako naman, patola, sabi ko e kasi malaki tiwala nya sa asawa nya at sa bestfriend nya na di sya lolokohin at sasaktan. Malay ba niya na ahas pala best friend nya at manloloko/sinungaling pala asawa nya. Tawa ng tawa sa akin kasi affected daw ako. Hahaha!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #304 on: March 27, 2014, 09:57:07 am »
hay kawawang monica talaga  :(

nung tinanong ni nicole si adrian, "gusto mo ng masahe?" tapos sabi ni adrian, "marunong ka?", sabi ni nicole, "hindi" at magpapatawag na lang daw sya ng masahista, ibig bang sabihin, kung ang isinagot ni nicole eh, "marunong", magpapamasahe nga si adrian sa kanya. kaloka!


junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #305 on: March 27, 2014, 10:06:13 am »
^lol...
wala naman kasi malisya bestfriend naman kasi ng asawa nya..

nakakainis mga ganyang lalaki..
:D

sabi naman ni hubby...
di naman daw reality yun ganun..
asawa ng bestfriend mo tapus makikipag flirt pa..
harap harapan (talking  bout the cake scene)

sabi ko kay hubby..
naku.. di mo alam.. maraming ganyang mga babae..
maybe di mo pa na experience (kasi di naman ganun bestfriend ko)..
pero may mga ganun talaga... ;)
« Last Edit: March 27, 2014, 10:07:50 am by junepets »

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #306 on: March 27, 2014, 10:10:40 am »
^sexy nga niya. tyaka bet ko yung blue jumpsuit niya nung na-trap sila ni max sa elevator.

hindi ko man napanood ito...

Starliiight

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #307 on: March 27, 2014, 04:36:34 pm »
@ysa.belle; sis, nung isang araw siya pinalabas. nahuli ni monica sina max and dante na magka-meeting tapos pagbalik nila ng office kinulit niya si max na aminin na sa kanya ano ba talaga ang pakay niya sa family niya.

after ko magmuni muni, mas naiinis na ko kay adrian kesa kay nicole. kasi si nicole kahit paano may inner conflict na gawin ang tama and wag mag-give in sa feelings niya, pero si adrian landi lang nang landi! ugh!!!

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #308 on: March 27, 2014, 04:42:46 pm »
^yeah...
atleast ume-effort si Nicole.. na pigilan ang sarili nya..
etong si Adrian... kahit na di nya sinasadya.
lumalandi talaga..

kaya nga tulad ng sabi ko dati pa.
hindi ako naniniwala na mahal na mahal ni adrian si Monica kasi natukso sya..

but well.. di pa natin alam talaga kung ano mangyayari.
pero mukhang di pa ngayon mangyayari ang pagtataksil..
kasi mag uusap muna sila, ayon sa teaser...
papipiliin pa ni Adrian si Monica..
tapus feeling ko babalik lang sila ni Nicole sa resort.
at dun na magaganap ang lahat..

candacena

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #309 on: March 27, 2014, 04:52:26 pm »
Ang tagal ng pagtataksil!! Sobrang nakakabitin. Baka next week pa nga yun eh hehe

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #310 on: March 27, 2014, 04:54:05 pm »
^^natuwa naman ako ng konti kay nicole kase kahit paano, ayaw niyang makasira ng family. may effort pa siya na wag ientertain yung feelings niya.

as for adrian. ewan sa kanya.

sabi kase sa aking ng 1 friend, magkaiba ang language of love ng babae at lalaki.
for us ladies daw, it is time and effort while for men it is service and sex.


maybe kaya nagkaganyan si adrian kase mawawalan ng time si monica sa kanya. di na niya siya maaasikaso ni monica and wala na itong time sa kanya... hay naku.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #311 on: March 27, 2014, 04:57:20 pm »
^ai ewan...
bakit naman ako noon..
halos 24hours ako sa trabaho ko... mon-sun...
di naman nagloko asawa ko (i hope.. o di ko lang alam)?

lol,.
kaya mas naiinis ako kay Adrian.. kasi nga.. pwede namang hindi matukso...
(apektado ako masyado)

lol... :D

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #312 on: March 27, 2014, 05:06:26 pm »
^nasa lalaki parin kase yan di ba sis? baka hindi ko na rin kayang panoorin ang the legal wife kase naaawa ako kay monica... aasa nalang ako sa mga chika dito sa forum

chofontanilla

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #313 on: March 27, 2014, 05:23:45 pm »
Feeling ko naman mga sis, since tayong mga babae eh kinikilig kapag binibigyan ng atensyon at halaga na ginagawa ni adrian kaya nafafall si nicole sa kanya, pero ang mga lalake like adrian wala lang sa kanila yun, natural lang maging gentleman lalo na kaibigan ng asawa mo kaya ganun siya, i mean para saken hindi landi yun para kay adrian hehe! Pero infairness kay nicole pigil na pigil siya.:-)

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #314 on: March 27, 2014, 05:36:28 pm »
^right sis..
kaya nga kahit di sinasadya ni adrian..
di nya alam lumalandi sya... lol..

okay sige kaibigan ng asawa ko..
pero para ichallenge mo yun babae..
like yun dun sa wall climbing..
yun pagtikim ng cake ni Nicole..
anubeh..
imo.. di dapat ginagawa ng lalaki sa babae yun unless interesado sya dito.

wahahahhaa..
parang totoong tao yun kinaiinisan ko..

@ysa.belle kahit ako sis baka di ko na makayanan yun mga susunod na scene..
ngayon pa nga lang ang sakit sakit na eh... (feeling ko ako si Monica)

sana sana.. mga 1 scene lang yun pagtataksil..
tapus mahuli na agad..
tapus dun na lang sila mag concentrate sa bangayan ng magkaibigan..
:D


chofontanilla

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #315 on: March 27, 2014, 05:48:32 pm »
I agree sis, off yung pagtikim niya ng cake, tapos gamit pa niya yung fork ni nicole, eeew!

Marin

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #316 on: March 27, 2014, 06:06:03 pm »
ilang gabi na yung teaser, kailan kaya talaga ipapalabas yang mapusok at makasalanang infidelity scene..
hmm i wonder what will be the confrontation like ( kung meron man) mamaya between Monica and Tatay Dante

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #317 on: March 27, 2014, 09:59:24 pm »
Mukhang bukas na mangyayari ang pagtataksil..

Nakakainis ka Adrian... si Nicole sinusuportahan mo.. may pahimas himas ka pa...

Asawa mo iniwan mong nasasaktan!!!

Grrrrrr..

iampennylane

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #318 on: March 28, 2014, 06:23:59 am »
Marathon din ako this week hahaha ayan na mukhang mamaya na ang galawang higad hahaha

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #319 on: March 28, 2014, 08:27:16 am »
^^korek sis...kaasar si adrian yung pag emote ni nicole naintindihan niya, samantalang yung kay monica pinagbawalan niya pero di niya inalo alo, pinapili pa niya... :( >:(

hay naku......kay max ka na nga lang icay....LOL ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close