Author Topic: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware  (Read 18787 times)

sistah!

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #20 on: January 24, 2014, 09:18:03 am »
I don't even know where to begin. this is such a crazy story.

I suggest coming clean. piling on one lie on top of another to hide your secrets, prevent girl 1 from knowing about girl 2, trying to manage the possibly 2 impending births, etc. masisira ang ulo mo. just come clean. be forthright and be sincere in your apology. if girl 1 accepts you, well and good. if not, you have to accept it.

I think it's never too late to start over, to live your life and try and try and try to be a better person. take heart and be strong.

imalittleteapot

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #21 on: January 24, 2014, 03:26:16 pm »
kuya wrongmistake, ano ba mauuna: kasal sa simbahan o manganganak? kase andami mong dahilan na iniisip para hindi magsabi sa kanya ng totoo. may magsusuggest kung ano gagawin mo pero kokontrahin mo, di mo ba gets? wala kang kawala, you have to tell the truth! walang perfect time than NOW kesa malaman pa nya sa kabit mo mismo.

sarah29

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #22 on: January 24, 2014, 04:25:28 pm »
Tell your wife. Kung mahal mo talaga sya, sabihin mo. Wag mong antayin na lumabas pa yung baby, I'm sure pag andun kana sa time na yun, hinde mo pa din masasabi. Wag mo nang patagalin. Pag pinatagal mo to lalo, maniwala ka lalong lalake yung problema mo. Baka kahit papano maisalba mo pa. Yung fact lang na na-take mong panuorin wife mo magbuntis, mamili ng mga damit, etc.. tumagal ng 9 months na nagsisinungaling ka sa kanya, sa tingin mo pag umamin ka may matitira pang kahit unting trust sa wife mo? Sa tingin mo may chance pa para maibalik yun?

At paano nga kung buntis yung babae? At uma-attend sa wedding? Grabe yung hiya na ibibigay mo sa asawa mo. Please isipin mo sya, for once. Kase for the past months (I think?) puro sarili mo iniisip mo. Yung fact na ni-wi-withhold mo yung mga nangyari hanggan ngayon, sarili mo pa din iniisip mo. Nagpakasarap ka na nga, eh. Deserve nya ng respesto galing sayo.

Tandaan mo ngayon, yung other girl ang may hawak ng alas. Binigay mo sa kanya wedding details.. 99% na may kasiguraduhan andun yung babae. Wag mong hayaan na sya magsabi sa asawa mo. At wag mong hayaan na malaman ng lahat ng tao sa church yung mga nangyari.. kase hinde ikaw ang talo pag dumating yun araw na yun, kundi yung asawa mo.

Kung "mahal na mahal" mo nga sya tulad ng sinabi mo, prove it. Sa totoo lang sa lahat ng mga sinabi mo, ang mahal na mahal mo ay sarili mo. Nagpakasarap kana, may kapalit yan. Kahit awa at respeto lang sana maibgay mo sa kanya.

Btw. Sorry kung mejo harsh. Naawa talaga ako sa wife mo. I'm getting married soon and I can't imagine going through this. Sana gawin mo yung tama this time.
« Last Edit: January 24, 2014, 04:28:01 pm by sarah29 »

melmedrano

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #23 on: January 24, 2014, 04:59:59 pm »
reaction lang:

Parang teleseye lang to ah... may babaeng buntis (may dark colored scarf para itago ang mukha) na umiiyak sa gilid ng malaking pinto ng simbahan habang nagsusumpaan ang dalawang bida, tapos aalis pagkatapos ng "I now pronounce you husband and wife" portion at pupunta sa isang bakanteng lugar (most likely hill or bundok), then sisgaw/susumpa habang takip-silim then biglang uulan at kikidlat ng malakas...

may ganito pala talaga sa tunay na buhay? well, para sa iyo bro, goodluck... remember, what goes around comes around... but then, ever positive naman ako sa buhay na lahat ng bagay will be OK, if it's not yet OK, then it's not yet the end. :-)

gen211

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #24 on: January 24, 2014, 08:53:51 pm »
The truth....will set you free.........


ladyisabella

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #25 on: January 25, 2014, 03:18:36 am »
nakakaloka ka kuya! ang dami ng nag aadvise sayo dito pero confused ka paren at di po paren alam gagawin mo.. kahit ano pala sabihin namin dito tapos di pabor sayo ang gusto mo mangyare sa mga advise e naglolokohan lang tayo dito nyan!

Di lahat ng bagay o pangyayare e papabor sayo kuya, nagpakasaya ka sa dalawa tapos ngayon natatakot ka pag nawala asawa mo, ano ka swerte? masaya ka sa panloloko at pagpapakasasa sa kabit mo tapos gusto mo result pag umamin ka e yung pabor sayo? LOko! :P

Kung ako ang asawa mo, malamang magagalit ako! tapos ang pwede ko pang gawin e lumayo kame ng anak ko sayo! Kung ako asawa mo madidiri ako sayo! baka ikuskos ko balat ko sa pinakamabilis makatangal ng dumi na batong buhay!.. Yun talaga initial reaction ng babae kuya e, nasaktan kase! kaya maliit ang pursyento na di ka iwan, Tapos matatakot ka??? e bakit di mo naisip yan nung nambababae ka??

Kawawa naman asawa mo, inagaw mo na nga, niloko mo pa tapos nag sisinungaling ka pa hangang ngayon. Loko loko ka kuya! sarap mo upakan!

Ginawa mo yan kuya, too late na para magsisi ka e, Aminin mo ang totoo! kung mag stay sya sayo, Good for you! pero pag hinde, yan ang parusa sa kasalan mo, wala kang choice kundi tangapin kuya! Sa susunod wag papasok sa bagay na alam mong mali, alam mo na nga mali e!! kaya nga mali!! hay josko kuya!

Alam ko alam mo naman talaga sagot at solusyon sa problema mo, di mo lang maharap kase di pabor sayo ang posibleng resulta ng kalokohan mo. Ayusin mo nga muna yang sarili mo pwede ba???!! Magulo ka kase kaya magulong buhay nangyayare sayo!

Matuto ka na kuya! kung tropa kita nabatukan na kita! Wag ka duwag! harapin mo problema mo!

mamaneng

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #26 on: January 25, 2014, 05:22:57 am »
Hindi ko maintindihan pano mo nasasabing mahal mo wife mo pero ganito ang ginagawa mo sa kanya. Mula simula dun sa kwento mo hanggang sa dulo selfish ka. Sarili mo iniisip mo kung bakit di mo maamin ang totoo. Natural lang ang possibility na mawala magina mo. Yan ang consequence ng mga ginawa mo na dapat mong harapin.

Nakarelate ako sa kwento mo. Siguro ganyan pinagdaanan ng husband ko. Katulad mo natakot sya umamin. Alam kong may tinatago sya, di naman ako manhid para di manotice yun. I found out about his affair on my own. Nagtingin sa phone nya at FB. I confronted him at saka lang umamin. Akala ko yun na yun pero after a month nakausap ko yung girl nagkaanak pala sila. Hindi pa nagawNg aminin lahat lahat ng husband ko.

For once, patunayan mong mahal mo talaga wife mo. Tell her the truth!




« Last Edit: January 25, 2014, 05:29:46 am by mamaneng »

Janelc

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #27 on: January 25, 2014, 06:46:33 am »
Coming from a wife who's been betrayed. Hubby had an affair while on holiday back home then got the kabitch pregnant. I suggest umamin ka na brod mas mabuting sa iyo malaman ng wife mo ang nagawa mong kasalanan kesa sa iba bago kayo magpakasal sa church. Come clean ngayon kung hindi ka nya patatawarin at least nasabi mo sa kanya naging honest ka bago kayo humarap sa diyos na dalawa at kung tatangapin ka niya muli change the wedding details baka mamaya biglang dumating si kabitch at pag nagtanong ang priest kung may tumututol sa kasalan bigla yang tatayo with matching big belly (parang movie lang). Seriously sabi mo nakokonsensiya ka at least despite of what you did may konsensiya ka pa rin kaya  aminin mo ang lahat show her how sorry you are. It's not too late to change for the better. Learn from your mistakes.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #28 on: January 26, 2014, 03:04:26 pm »
I think I know what you're going to do: You won't tell your wife, and titiisin mo nalang lahat ng pinagdadaanan mo.  And then hihintayin mo nalang sumabog ang lahat.

So my advice would be: get yourself a damn good lawyer.


sugardrop

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #29 on: January 26, 2014, 04:01:41 pm »
I wonder what happened na to the TS. Had too much bitter pills to swallow?  ::)

hornboy

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #30 on: January 27, 2014, 10:38:29 am »
Dipa ata talaga Confirmed na si Girl #2 is pregnant.  Kase according to TS, just a text message was recieved from an unknown number saying na di pa siya nagkakaron (Period).  So nag assume siya na si Girl#2 nga yun kase nagka affair siya dun.

Pero, pwedeng posible na Bluff?  Girl #1 sent the message, to test?  hmmmm.  ???

Ang mahirap lang nun is kung umamin na si TS na may nabuntis siya based on assumption because of the text message.  What if it's just a bluff?  What if Girl#2 is not really pregnant? 

Girls, ano mas madaling patawarin?
1. Guy na may karelasyon?
2. Guy na may karelasyon at nabuntis niya? 

Yun dalawang yan ay kasalanan, pero mas magaan ang #1, I guess.  So TS should be very careful and should verify first the information recieved para malaman kung ano ang i-confess niya.

sugardrop

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #31 on: January 27, 2014, 11:00:06 am »
Reminds me of my cousin's husband. The other girl claimed she was pregnant when she found out he was getting married to my cousin. He confronted the girl about and took her to an ob to confirm whether or not she was indeed pregnant and bluff nga lang.

engr_neechee

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #32 on: January 27, 2014, 11:22:26 am »
Nako brother! Best thing for you to do is to evaporate in air..spare your wife of a miserable life at wag ka nang magpapakita pa ulit...pampasikip sa mundo yung mga tulad mo eh...

We are responsible for our actions.  If you can't be responsible, evaporate in air and never return.  Maawa ka sa misis mo.

EJ2526

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #33 on: January 27, 2014, 11:52:34 am »
First thing to do is pray. Humingi ka ng guidance ng nasa itaas.
Second is talk to your parents/family. They'll know what's best for you. Ilabas mo lahat ng nasa loob mo. Umiyak ka, magdrama ka anything. Para matulungan ka nila bago mo ipaalam sa wife mo.

Alam mo ganyan din ang nangyari sa relative ko. Pero sya nanganak na yung other woman nya ngayon wala na syang choice kasi may bata na eh at hindi nya alam paano sasabihin sa wife nya. Ikaw, hindi pa sigurado yung sayo kaya kailngan siguraduhin mo muna kung positive si girl bago mo ipaalam sa asawa mo. Siguro enough time na yung habang di pa sya nanganganak hanapin mo na yung girl para malaman mo yung katotohanan. Kasi hindi makakabuti sa pagbubuntis nya kung malalaman nya yan.

baliwsayo

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #34 on: January 27, 2014, 12:02:50 pm »
Wala kang mahal kundi sarili mo lang. That's the harsh truth. Masaya yan kasi ang pogi mo pero next time sana learn to use condom na lang.. wag ka na mag-iiwan ng ebidensya. Dun man lang sa aspect na yun eh maging responsible ka.

imalittleteapot

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #35 on: January 29, 2014, 12:39:21 pm »
reaction lang:

Parang teleseye lang to ah... may babaeng buntis (may dark colored scarf para itago ang mukha) na umiiyak sa gilid ng malaking pinto ng simbahan habang nagsusumpaan ang dalawang bida, tapos aalis pagkatapos ng "I now pronounce you husband and wife" portion at pupunta sa isang bakanteng lugar (most likely hill or bundok), then sisgaw/susumpa habang takip-silim then biglang uulan at kikidlat ng malakas...

may ganito pala talaga sa tunay na buhay? well, para sa iyo bro, goodluck... remember, what goes around comes around... but then, ever positive naman ako sa buhay na lahat ng bagay will be OK, if it's not yet OK, then it's not yet the end. :-)

bet ko to! lalo na yung sa sumpa part hahahaha definitely may manunumpa at may isusumpa.  :-X

melmedrano

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #36 on: January 29, 2014, 01:58:40 pm »
Haha! :-)

Teleseyeng teleseye ang dating di ba? Akala ko nga si Marco ang TS dito eh (Jane-Emily-Marco ng Walang Hanggan).

katrinac

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #37 on: January 30, 2014, 04:18:41 am »
Pasensya na, pero naiinis ako sa ginawa mo. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nanyayari yan sayo. kaya you have to face it. may masasaktan at masasaktan ka. Ginawa mo yan, kaya kailangan mong harapin. You need to talk to your wife and tell her everything. Di ka pa nadala, or naawa man lang sa wife mo. iniwan nya yung ex nya para sayo, ay mali ex-fiancee then yang ang igaganti mo. Sana maliwanagan utak mo.

« Last Edit: January 30, 2014, 04:29:18 am by katrinac »

engr_neechee

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #38 on: January 30, 2014, 06:05:29 am »
Buhay pa kaya si TS o tumalon na sa building? :p

wrongmistake

  • Guest
Re: I made an unforgivable mistake (SIN) long story beware
« Reply #39 on: January 30, 2014, 10:00:18 am »
Buhay pa po  :) muntik muntik na

 

Latest Stories

Load More Stories
Close