watch now

Author Topic: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema  (Read 4509 times)

SnowBall

  • Guest
Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« on: January 21, 2014, 09:13:59 pm »
Bride for Rent of Star Cinema starring Xian Lim and Kim Chiu.

I think the movie deserves a thread.

Nahila ako, so napanood ko siya kanina lang, and maganda yung movie, hindi ko inexpect na maganda siya, for it's story line and funny moments, it's 9/10 for me.


1. Xian Lim - this is the first time na napanood ko siya on big screen, hindi talaga ako napopogian sa kanya, tapos parang may gay moves siya minsan, pero in fairness naman to him, may mga kuha siya sa movie, na napa wow din naman ako, na may poging anggulo siya.

2. Kim Chiu - hindi ko man siya gusto, eto nga ang first movie niya na naappreciate ko si Kim, kasi dati walang movie siya na natuwa ako LOL, nahihila lang kasi ako talaga, pero yung movie na to, I think bagay kay Kim Chiu yung mga ganung roles, na pa comedy, she's so cute on this movie, kikay na kikay.

3. Story - eto talaga, it reminded me of Full house (koreanovela) and Got to Believe, it's about love and marriage, about forever, swak sa akin yun, ang dami kong napulot na aral, regarding family and marriage.

4. Funny scenes - nung una, parang feeling ko ang boring, pero nung lumaon na, tawa na ako ng tawa hahaha, pero huwag na lang kayo mag expect na nakakatawa siya, baka sumobra expectation eh hindi kayo matawa hahaha, basta kunwari hindi nakakatawa  ;D ;D

5. Kilig scenes - magaling yung director, gusto ko kung paano niya inatake yung mga kilig scenes.


actually, nung una, sabi ko sana ibang artista na lang, feeling ko mas magiging maganda siya, pero in fairness to the loveteam, na carry naman nila lalo na yung kalagitnaan na until huli.


very light, very inspirational, feel good movie  :)

oolong

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #1 on: January 22, 2014, 10:13:30 am »
Watched it last Sunday and I am planning to watch again this week with cousin na preggy at medyo depress ngayon.  Natawa ako dito sobra, may isang scene pa na napaluha ako sa katatawa, ang galing ni Dennis Padilla at mga hirit ni empoy ;D ;D ;D

SnowBall

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #2 on: January 22, 2014, 12:09:01 pm »
^ diyan din ako tawang tawa sis hahahaha.

ang lakas ng tawa ko sa sinehan, nakakahiya LOL.


oolong

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #3 on: January 22, 2014, 03:16:45 pm »
grabe! d ako mka get over sa hospital scene lol

junepets

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #4 on: January 23, 2014, 08:06:01 pm »
Watched this 2x na rin...

I agree sa TS..mga ganitong roles ang bagay kay Kim...

I love her lipstick here.. ;)

tomatostellar

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #5 on: January 23, 2014, 09:24:04 pm »
andami kong nababasa tweet/review na they were pleasantly surprised.. na-curious tuloy ako and crush ko si Xian haha

babypink0224

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #6 on: January 24, 2014, 06:10:04 am »
wow! maganda ang review ng movie nila kim at xian ah.. gusto ko din ma panood ito.. kaya lang i dont know how to convince my boyfie.. ayaw nya kasi ng mga tagalog movies...

SnowBall

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #7 on: January 24, 2014, 08:23:13 am »
@tomatostellar:

for me lang ha, kasing ganda niya ang got to believe ni rico yan at claudine, paborito ko kasi yung movie nilang yun, and kahit hindi ko gusto ang love team nina kim at xian, hindi ko maitatanggi na ka level nung movie sa ganda yung paborito ko.

Kung ayaw ninyo si Kim at Xian, kunwari hindi sila yun, mag focus lang kayo sa story, and talagang magagandahan kayo, hehe.


@babypink

naku sis, nood na with girlfriends :) o kung si boyfie talaga, makipag x deal ka, like manood siya with you, and may kiss siya mamaya hahahaha.

oolong

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #8 on: January 24, 2014, 08:45:25 am »
i'm gonna watch again later. :)

I agree, you can compare it with Got to Believe, na pinanood ko din no-on sa moviehouse ng 3 times.  I can't remember kung gaano ako ka kilig sa Got to Believe noon, pero sa Bride for Rent grabe ang kilig and tawa ko  :D  Good job sa writer, director and cast and thank you Star Cinema  ;D

SnowBall

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #9 on: January 24, 2014, 09:50:46 am »
^ganun na ganun kasi diba sis, light lang yung story, kilig kilig, tapos may funny scenes. hehe


kahit sa ibang forums, ang daming hindi naman fans ni Kim at Xian, pero nagandahan sila sa movie :)

miclen20

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #10 on: January 26, 2014, 05:59:12 pm »
ako naman, i never wanted to watch it.... im not a kim chui fan ever...

my hubby and i went to watch Jack Ryan, and nagulat kami sa line sa cinema kasi super haba sa ticket line then there was a cinema na super haba ng pila....

i asked the guard.. "bakit ang haba ng pila? para san to?"

then she answered "bride for rent mam"

nagulat ako kasi as ive said di talaga ako fan ni kim.....and di ko inexpectna super lakas niya sa tao as in....

so lumipat kami ng sinehan...sa other mall....and guess what? grabe din pila, which is unusual for that mall kasi wala masyado nanood doon...

so no choice pila kami ng mahaba para manood ng Jack Ryan......

kaya na-curious ako so the next day, niyaya ko sister in law ko to watch ?Bride for Rent"

and i was amazed.....maganda pala siya.....

wala akong masabi.....very nice movie.....

worth the money...

ms_teryosa

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #11 on: January 29, 2014, 07:42:40 am »
kim chiu is siuperb in this movie. sya talaga ang nagdala ng movie na to..plus factor pa si empoy.. third na lang sakin si xian.. ang cute ni kim dito. though hindi ko masyadong gusto si kim pero sa movie na to nagustuhan ko talaga sya. and tama kayo, ganitong type ng movie ang bagay kay kim..
laugh trip talaga kami sa sinehan lalo na nung audition scene ni kim.

shegothim

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #12 on: January 29, 2014, 10:01:55 am »
super bad trip ang mood ko bago ako manood nito pagtapos kong mapanood nawala ang pagkabad mood ko.

ang kulit ni kim sa movie na ito. nakakatawa talaga sya iyon nga lang naoo-oan din ako sa ilang eksena.

si empoy ang paborito ko sa movie na ito kasi itsura palang nya at wala pang sinasabi natatawa na ako.

maganda ang kwento kaya kahit na mahal na ang manood ng sine ngayon worth it naman ang perang nagastos ko.

nenmaroon

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #13 on: January 29, 2014, 11:41:56 am »
watched it with my barkadas nung first week, haba galore ng pila may mga monoblock chairs pa sa loob. though at first parang di ko siya type pero nung paglabas ko grabe gusto ko ulit ulitin, haha,

isn't amazing,isn't surprising, isn't mga sis?, hehe

oolong

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #14 on: January 30, 2014, 09:56:08 am »
hahaha.. maganda talaga like got to believe no-on dahil wlang maraming echos.

second time namin npanood, natawa ako sa katabi namin na estudyante.  kita talaga na sobrang kilig nya sa KimXi, nagtatakip pa cya ng school bag nya pag kilig scenes, acting like she can't contain it. lol
and sobra pa rin ang tawa ko scenes doon sa hospital, mahaba habang tawanan talaga iyon ;D

veruca_salt

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #15 on: January 31, 2014, 07:12:27 am »
Palabas pa kaya to sa SM Malls? Di ko pa rin kasi napapanood hanggang ngayon dahil ayoko sumabay sa kasagsagan last 2 wks dahil sobra nga daw pila

SnowBall

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #16 on: January 31, 2014, 10:03:05 am »
I'm glad mga sis natuwa at napatawa din kayo ng movie. Ang ikli lang kasi nitong thread, kaya parang iisipin mo, flop yung movie, pero hindi naman, ang laki nga daw ng kinita hehe.

siguro dahil sa nega ang vibes ni Kim, dahil doon sa reporter issue.


Ang anak ko nga, gusto pa ulit panoorin, sabi ko antayin na lang namin sa DVD, naku inip na inip na gusto mapanood ulit.


junepets

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #17 on: January 31, 2014, 10:06:07 am »
^ di naman sis sukatan ng nag flop ang movie..
or for that matter..
kung sikat pa ang artista sa haba ng thread.. ;)

nasa figures yan.
sa kinikita..
sa rating.. :D

mitcha15

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #18 on: January 31, 2014, 01:07:04 pm »
San po ba pwede mapanood itong online? ang Tagal ko na nagaabang... pa-share naman. Thank u!

SnowBall

  • Guest
Re: Movie: BRIDE FOR RENT - star cinema
« Reply #19 on: January 31, 2014, 04:35:51 pm »
^ sis June, oo nga tama :) sana lang madami pa ang magbigay ng feedback, so far lahat ng kakilala ko, nagustuhan nila ang movie, even my parents hehe



 

Latest Stories

Load More Stories
Close