Author Topic: Failed marriage. I need advice.  (Read 8002 times)

misswriter101

  • Guest
Failed marriage. I need advice.
« on: January 18, 2014, 09:23:57 pm »
Hi mga sis..

I am 21 years old po, turning 22 this coming May.. I am 2 years married na. June 25,2011 kami kinasal ng husband ko. at the very first few months of our wedding hindi na kmi okay. I was pregnant then. Tumira ako samin that time dahil maselan akong magbuntis. I was so disappointed nun nung sinabihan kami ng mommy ng husband ko na bariotic daw kami. They live in city kasi kmi naman sa bario. E kung tutuusin, mas safe pa dto at okay ang environment dto samin. unlike dun.

I gave birth to our first child last November 2011, she was premature. 6months 3 weeks sya nung pinanganak ko. sadly, she passed away on December the same year. she only lived for 27 days. after a month, January. I started to look for work. since I stopped sa school ko d time when I was pregnant with her para naman may magawa ako at di mainip sa house. after I gave birth pala, I stayed na din sknila. I am an only child but I prefer to stay dun sknila. I found a job and i stayed there skanila for almost 1 year din. that time na nandun ako sknila, it was fine pero alam ko naman na hndi tlaga maiiwasan ang magkaron ng problem. kaso sa dinami dami ng problem, e yung mama pa nya [textspeak!] nagiging problem namin. sobrang mapakialam kasi. lahat nalang pinapakialaman nya.. even our decisions. di nakmi mkpag decision mag asawa dahil sknya..

Oh and my husband NEVER had a job simula nung kinasal kami. nag kawork lang sya last year June. nung nandun kasi ako sknila he was supposed to go abroad pero nabalewala dahil sabi ni mama nya magkakabusiness daw sya, which happens na di natuloy. so nga nga na naman sya. after that sabi ni mama nya ppunta na sya ng abroad, pero di na naman natuloy.

Nastress ako ng sobra nung nandun ako sknila. nagwowork ako lagi, 6months graveyard shift ako. imagine mga sis kakapanganak ko palang nun taz gnun na work ko. tapos husband ko walang trabaho. pahiga higa lang sa bahay. ang arte kasi sa work. masyadong mapili. magttraining sya tapos aayaw. laging gnun na lang. taz ang dami ko pang shineshare sa bahay nila. i mean, yes it's my obligation din na mag share pero grabe. to the point na ako yung nauubusan ng pera. 9 kaming nkatira sa bahay nila. and then nung umuwi nako samin last november 2012, tumira na din sya samin. january 2013, we found out na buntis ulit ako., then someone is [textspeak!] me back then na may babae daw asawa ko. i never believed that person. pero nag away din kmi ng asawa ko nun. and then i saw the conversations of him and his mom. ang sabi nya sa nanay nya maghihiwalay na daw kmi at susustentuhan nalang daw nya anak namin. reply ng mama nya, bat daw ako nkikipag hiwalay, baka daw binabaligtad ko lang sitwasyon at ako itong may iba. ang sakit lang dahil bandang huli ako pa tong nkikipag hiwalay pala, at pano ako manlalalaki e buntis ako nun. ang kapal naman ng mukha ko kung ggwin ko un.

after that, nagplano din sila na ppunta na ng ibang bansa asawa ko para mag work, nagplano sila ng pamilya nya without asking for my opinion. as if hindi ako asawa. kaso bad thing happened again. nag paultrasound ako and we found out na walang heartbeat si baby :( so need kong maraspa ASAP. kaso di pweding iforce dahil may heart problem ako, so nag wait muna kami na mag bleed ako. e nung mlpit nkong maraspa, schedule na ng flight ng asawa ko. 1 week lang sya dun para lang sa interview tapos uuwi na din. ayaw ko syang paalisin dahil natatakot ako. pati OB ko sabi sknya ipa rebook nalang [textspeak!] flight kaso d na ata pwd. so bandang huli hndi din nakaalis asawa ko. nagalit sina mama nya sakin to the point na nung naraspa ako, hndi nila ako dinalaw sa hospital. kahit itxt or tawagan man lang para komustahin di nila gnwa. i was really disappointed back then. and take note, ni hindi man sila nag share sa mga gastusin ko even sa bills sa hospital. lahat ng check up ko and bills si mommy ko lang ang nagbayad.

after that nung kasal din namin ng asawa ko, lahat ng tinaggap naming pera sa mga ninong at ninang ko lahat ng un kinuha ng mother in law ko, kasi daw sila yung gumastos sa kasal. hello? diba understood na yun. kahit man lang sana nagamit namin yung pera na yun to start a small business or to rent an apartment.

and then everytime na umuuwi asawa ko sknila, hndi man nya ako tntxt. if hndi ko sya ittxt hindi nya ko maaalalang itxt. or kpag hndi ko sya iload hndi sya magttxt. laging gnun. after ko kasing maraspa nun lagi nalang syang nandun sknila. tapos pag andto sya samin lagi naman syang may ktxt sa phone nya. pumupunta sya ng banyo dala2 nya phone nya. d nya maiwan iwan. and then nung nagkawork na sya dun pa din sya umuuwi sknila. madalang lang nya akong uwian. dahil daw mas nakakamura sya sa pamasahe kung dun sya uuwi sknila. my gosh! e dat time i was sick. gumrabi [textspeak!] heart problem ko. lagi akong sinusumpong. no one can take care of me dahil panay madaling araw ako sumpungin, si mama ko medyo may edad na dn kasi. I ask him nun kung bkt d sya umuuwi, un nga [textspeak!] [textspeak!] nya sakin. tapos [textspeak!] ko sknya so he prefer na umuwi dun sknila kesa sa uwian nya [textspeak!] may skit nyang asawa. and then he replied.. "I'M JUST BEING PRACTICAL" dun ako napuno. i [textspeak!] him and told him na wag na wag na syang magpapakita skin. after that twice nalang kmi ulit nagkita until now. that was July then. sinusuyo nya ko pero sa [textspeak!] lang. hndi man nag effort na pumunta smin. though I'm telling him not to come, still kung gusto nyang magkaayos kami gagawa sya ng way para makita ako dba mga sis?

And so, after that eto nalaman ko lang kanina.. na yung girlfriend nya e buntis na. last december ko dn nalaman na may gf na sya. I really want to separate na [textspeak!] sknya. gusto ko ng mag file ng annulment. I dnt want to have his surname na sa pangalan ko.

Mga sis, ano ma aadvice nyo? Sensya na din if masyadong mahaba. pang MMK na dn daw kasi life story ko. hehe.


Thank You in advance sa mga magrereply.

aquacharly

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #1 on: January 19, 2014, 04:30:40 pm »
If I were you --  end this marriage.   
I am young, I have the future before me, masipag ako -- why burden myself with an irresponsible husband?

Sa basa ko, he is weak:
Yung   mom nya dumiidiskarte ng buhay nyo. 
Nakakatiis sya ikaw kumayod.
Wala pa kayong napupundar, wala pang  abante sa buhay -- ayun, naka buntis na ng iba.  Susko.

May pakita syang concern sa yo: konti, ha -- pag taguilid health mo.
Tell me, ok ba sa yo ang konting concern/pagmamahal lang? Ok ba sa yo na kelangan semplang ka with your health para pansinin ng sandali?  OA na MMK buhay na yan.

This is a sad MMK story.  End it bago ka tumanda pa.  Open yourself to a better future. 

Take good care of yourself.


marge070407

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #2 on: January 19, 2014, 04:59:57 pm »
Learn to love yourself first. Leave him and stand on your own. You deserve someone BETTER

aquacharly

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #3 on: January 19, 2014, 06:05:22 pm »
^correct,

As it is, you are already standing on your own.

christeladajar

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #4 on: January 19, 2014, 06:22:01 pm »
Dont end your story sa sad ending. Rise up and look for a better future and a better man :)

patriciaheart

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #5 on: January 20, 2014, 09:53:15 pm »
I agree that you had a very sad experience, now if I didn't know that naka buntis sya ng iba, I say pray and still open your heart to him. BUT teh naman, naka buntis? Pwede mo nga ipakulong SILANG DALAWA EH. -- but I think its much better to (and mas magdurusa ang kabit) leave them be. Mag pasalamat kanalang na contract lang ang nag bbind sainyo now, there are annulment packages available for 150k I think? Girl, he is not your loss and this poor excuse of a man plus his pakielamera mother na matalas ang dila can  torture another soul and go to heck. Pwede rin wag ka muna mag pa annul at takutin silang i demanda at ipakulong LOL since legal wife ka. Sabi nga ni Susan Roces "Hinde ko pina annul ang kasal namin dahil yun ang parusa ko sayo! Kabit kalang! kabit ka noon, kabit ka ngayon at kabit ka hanggan mamatay ka!" lol --super natawa ako dyan. You can do all sorts of trouble for the kabit too, isumbong mo sa employer nya na kabit sya with proof etc, pwede siya patalsikin. Medyo matrabaho yung mga yun but I guess if its for a good laugh, bakit hinde? --inner maldita-- anyway, Sorry sis but if kapatid kita or anak kita, mas masaya naako na malaman na hiwalay kayo kaysa ginaganyan ka nila.

iamjezie

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #6 on: January 21, 2014, 01:56:00 am »
Sue him sis.. nang masira din sila nung kabit nya, and tama yung advice ng sis, pahirapan mo muna, wag ka muna pa annul nang sa gayon, mapamukaan mo yung girl na kabit lang sya.. ano yun sila lang masaya, thank you lang, hayaan mong sya gumastos ng pang annul nyo. para lagi din nila pag awayan yan.. maging miserable din sila.. sayang lang pera mo dun sa annulment.

rachelt12

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #7 on: January 21, 2014, 01:45:35 pm »
obviously, your MIL (devil that she is!) is the ROOT of your problem, imho, secondth na ang asawa in this problem mo to not prioritize you. 


PLEASE MOVE ON FORWARD
Love yourself, and love yourself MORE.  May postpartum depression ang MC and I know how hard it is to lose a baby in your belly.  Hanggang ngayon, it tears me up whenever I remember my baby's heartbeat....had a MC also before.

When you chose this path, LET GO, and LET GOD.  :)  Dito ka lang makaka move forth and yes, forget sis, and don't look back.  Get an annulment  (works both ways di ba, setting yourself free as well).

You are still young and sana makahanap ka nag work and be more successful in what you do. 
We wish you well.

jonielle

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #8 on: January 21, 2014, 04:17:20 pm »
Another story that marriage is not an answer when someone got pregnant.
Leave him na sabi nga ng ibang GT you deserve someone better hes not worth it, di alam ang responsibilidad ng isang asawa.

aquacharly

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #9 on: January 22, 2014, 02:23:21 am »

Sabi nga ni Susan Roces "Hinde ko pina annul ang kasal namin dahil yun ang parusa ko sayo! Kabit kalang! kabit ka noon, kabit ka ngayon at kabit ka hanggan mamatay ka!" lol --super natawa ako dyan. You can do all sorts of trouble for the kabit too,


A woman after my own heart. Hahaha.
Sabi nga ng darling Lola ko:  L1ntek lang walang ganti.

But the Best Revenge is Living Well/Better, IMO.  Good riddance to the hubby & his meddling mom. 

imalittleteapot

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #10 on: January 24, 2014, 03:39:21 pm »
korek! wag ka muna pa-annul ng kasal >:) para mahaba-haba ang pagiging kabit nya. pero syempre kapag nagmahal ka na ulet ng IBA, magpapa-annul na kayo hihi

rhamneroj16

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #11 on: February 03, 2014, 06:48:13 pm »
Sis nakakalungkot naman na two babies ang nawala sayo :((

If i were you hiwalayan mo na sya. Wag ka mag dalawang isip sis! Hindi sya magpakalalaki. Nakakahiya sya. Grrrrr >:(

Pero tama din sabi nila. Wag ka namuna mag pa annul :)) para atleast mahirapan sila magpakasal HAHA.(Bad me! :P) Nakakaawa din yun kabit kasi naman pinatulan yung asawa mo . tsk!

Cluelesschx

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #12 on: February 03, 2014, 10:26:36 pm »
sis, sorry about your losses ;(

lahat pala kami so far pare pareho ng advice. end the marriage in every way except on paper. hayaan mo magsama sila nung kabit, saka mo idemanda ng bonggang bongga. ambata mo pa sis, believe me me makikita ka pa na magmamahal sayo talaga. Kung mahal mo (pa) man ang asawa mo, sa una lang yan masakit. specially hindi naman siya sayo umuuwi talaga.  wag ka na umasa na magbabago yan. suoer slim to none ang chances na mangyari yan.

Move on, pull yourself together. Success is the best revenge.

btw, san ba probinsya mo? pero sa manila ka na naka base ngayon?
post ka lang dito sis, me mga makikinig at susuporta sayo....

mommycute46

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #13 on: February 04, 2014, 11:30:24 am »
To TS--Wala akong nakikitang dahilan para magkabalikan kayo ng asawa mo. Hayaan mo na siya. Mas mababawasan pa ang buhay mo kung kasama mo siya. Imagine the stress, heartache, headaches etcetera that he brings. Aba parang yosi lang yan ah, killing me softly  ;D Ay mali pala, mas malala pa pala sa yosi ang stress. Ikaw din, may heart problem ka pa naman. Hindi ka ba aware na stress ang pinakamabigat mong kalaban sa sakit na yan?

mommycute46

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #14 on: February 04, 2014, 11:37:00 am »
TS, post ka muna sa ibang topics dito. Hindi ka ata makakareply sa sarili mong post kung wala ka pang 10 or more (not sure) replies sa ibang post.

gurlzat03

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #15 on: February 10, 2014, 01:09:53 pm »
Medyo nakaka-relate ako sa kwento dito..Lately, nagiging violent ang husband ko.. bringing the issues of the past, pati pera gusto bigyan ko sya ng bigyan to think jobless sya..
Sa ngayon, ang gusto ko lang eh makaalis sa bahay ng parents nya together with my 8 month old baby girl.. the rest will follow..
Sorry sis, hindi ko ma-kwento buong pangyayari kasi nasa work ako ngayon. Pero letting this all out makes me feel good.. Please pray for us sis na walang mangyari sa min ng baby ko na masama..

patriciaheart

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #16 on: February 12, 2014, 03:30:19 am »

[/quote]
Medyo nakaka-relate ako sa kwento dito..Lately, nagiging violent ang husband ko.. bringing the issues of the past, pati pera gusto bigyan ko sya ng bigyan to think jobless sya..
Sa ngayon, ang gusto ko lang eh makaalis sa bahay ng parents nya together with my 8 month old baby girl.. the rest will follow..
Sorry sis, hindi ko ma-kwento buong pangyayari kasi nasa work ako ngayon. Pero letting this all out makes me feel good.. Please pray for us sis na walang mangyari sa min ng baby ko na masama..


Violent? as in sinasapak ka? -- pls sis ipa blotter mo, then leave, tapos pag nanggulo via text e-mail, iipa bugbog mo at pag nag sumbong sa pulis sya ang makukulong.

Pera -- hmm this is a bit personal but you have to find out if your hubs is/was using drugs, pag na insecure ang lalake to think wala syang income,, minsan dyan sila kumukuha ng temporary high. Maybe a small allowance won't hurt, kasi minsan gusto nila ipunin yung allowance baka nag job hunting yan and na hihiya lang na mag sabi kasi pag hinde mapasok eh mas lalo mapahiya.

Leaving is good but think about it muna, kaya mo ba financially lumipat muna sa parents mo or sa ibang relatives? if yes, then leave na. Mag paalam ka para hinde bastos tignan,, as in, sabihin mo na mimiss mo na sila spend ka muna dun a week, now if you feel peace, then go on.



dainejen

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #17 on: May 09, 2014, 02:48:02 pm »
hi i also need advise regarding this situation.. im married for just more than a year with a child,almost 2 months na kaming hiwalay at ilang weeks ng walang communication.
my husband chose me over his family and lagi nya sinasabi sakin na kaya kami nagpakasal dahil mahal nya ko.kaso madalas kami magaway dahil sa di pagkakasundo, di ko kasi matanggap yung family nya masyado silang maluho ipokrito at puro bisyo at kung ano ano pang di maganda kaya pag nagaaway kami di ko maiwasan magalit sa kanila dahil sila kumunsinte noon at may iba sa kanila natutunan na puro di maganda.pinakamadalas namin pagawayan yung pagsmoke nya dahil may sakit sya at mas nakakasama yun. umabot kami sa point na nagkasakitan physically and verbally then we decided na maghiwalay.

 ilang days after namin maghiwalay my husband told me na di sya umalis dahil di nya kami mahal kundi para makapagisip kami sa lahat ng pagkukulang namin sa isat-isa at para makapagpalamig ako, galit na galit kasi ko nung time na yun.

sobrang emotional ko talaga that time then umabot sa ininsulto ko parents nya, yung sinabi ko tinamaan sila talaga dahil totoo kaya galit na galit sila at todo deny.. ilang weeks after nun nagsorry ako kay hubby sa sinabi ko.

sa tingin nyo sis maaayos pa kaya pamilya namin?
 

Choose your battles, if it would matter 20years from now its worth fighting but if not don't waste your time

you have to work on your marriage hindi puro pride :)


sabi nga ng mga sis natin dto at ng halos lahat ng friends ko wag puro pride, so kahit may atraso din sakin asawa ko nagsorry ako sa di magandang ginawa ko, for as a mom and a wife worth it yung ipaglaban kong mabuo ulet yung family namin , kahit after 25 o 35 years pa siguro masasabi ko na its really worth fighting for na hindi to maliit na bagay lang.

may chance pa kayang magkaayos kami, wala na kaming communication at di na nagkikkita.  no answer sa call or text, wala akong plan pumunta sa kanila at di cya makapunta samin dahil napahiya sya sa pinaggagawa nya.minsan di ko maiwasan na isipin na baka tinetest nya ko kung kaya ko ba talagang baguhin yung di maganda sa ugali ko saka sya babalik o wala na talaga?

ang tagal na naming hiwalay 2 months na, i know in my heart that i still love him na hindi ko gustong maayos to para lang sa bata, sa pagsasama namin nakita ko din naman na mahal nya ko, yung family namin at yung baby namin.

naalala ko pa nga yung day ng kasal namin dun ako nakakita ng taong sobrang saya sa araw ng kasal nya. kitang kita ko sa kilos nya sa aura nya at lalo na sa eyes nya na sobrang saya nya talaga, sumama pa nga loob nya sakin kasi may nabasa sya sa phone ko na nagkaroon ako pala ko ng doubt kung tutuloy ko ba o hindi.

madali lang ba talaga sa mga lalake magmove on kahit sabihing pamilyado na? madali ba sa kanilang  kalimutan lahat ng magandang memories

wangwang

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #18 on: May 10, 2014, 03:36:51 pm »
to TS,iwan mo na yan and move on.bata ka pa naman..

crzysxycl

  • Guest
Re: Failed marriage. I need advice.
« Reply #19 on: May 11, 2014, 05:59:39 pm »
TS, agree ako sa lahat ng advice ng sisses dito. No one deserves to be treated that way. Sobrang dami mo ng hirap, hayaan mo na yang asawa mo. Ang kapal ng mukha, walang trabaho nakabuntis pa ng iba. Wag mong hayaang maging pang MMK lang ang story ng buhay mo na puro drama.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close