watch now

Author Topic: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V  (Read 267362 times)

ana mimi

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #160 on: February 04, 2015, 07:12:28 am »
Had my hair rebonded 5x na.

yung 1st and 2nd is with index salon, Rebond with powerdose. OK yung first na gawa saken, super smooth and light. flawless.
yung 2nd na session ko ganun pa rin naman kaya lang may matigas sa taas, yung parang natirang gamot. Nagsara yung branch na malapit samen kaya lumipat ako sa..

3rd session is sa Roland Bolivar Salon, 2k yung promo nila dito, rebond, cellohane, mani and pedi. 1 week palang tanggal na agad effect sa hair ko. Halos wala nakapansin na nagpa rebond ako.After 2 months nagpa rebond ulet ako sa..

4th and 5th session is with Hemel's/Heaven's Salon. Yung unang session ko dun is maganda, as in, kasabay pa yung hair color, 1300 with buffet and hair color. ganda ng hair ko, kahit na 9mos na nakalipas maganda pa rin until my 2nd session with them just last October 2014, nasunog ang hair ko, as in. sana hindi nalang ako nagpa rebond kase parang inaksaya ko lang pera ko para sirain nila. sinama ko pa yung sister ko and office mate ko na galing pang cavite to manila para lang masira hair namin. soo sad.

Plan ko pagpahingahin hair ko ng 4-6mos then rebond ulet, balak ko magbalik loob sa Index salon.

ankyneMD

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #161 on: February 20, 2015, 10:14:44 pm »
Gaano ba katagal ang hihintayin para makapagparebond ulit??

ana mimi

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #162 on: February 21, 2015, 02:21:42 am »
alam ko ang minimun is every 3 months e. kase nung parang walang epekto yung unang rebond na pinagawa ko sa Roland Bolivar salon. Kaya lang nung nasunog ang hair ko sa latest rebond sa Heaven's/Hemel's Salon, mga 6mos ang plan ko na "recovery" period sa buhok ko.

rychel07

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #163 on: March 08, 2015, 04:15:44 pm »
Mga sis ok pa din ba sa Pal's Salon? Sa marikina yun right? Planning to have my hair rebonded this month. Yung last 2x na nagpa rebond kasi ako sa index, naluto yung hair ko sa magkabilang side ng face ko. Sobrang kakainis. :(

rychel07

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #164 on: March 14, 2015, 10:43:32 pm »
Share ko lang, just had my hair rebonded today sa Hans Olivar Salon sa Makati. color rebonding pero dinagdagan ng keratin nung mabait ng staff na gumawa. 2700 including tip. really hoping hindi masira hair ko unlike yung huling pagawa ko sa index.

ireneeey

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #165 on: March 14, 2015, 11:10:25 pm »
Sisses, can you give me an advice regarding keratin vs rebonding?

I already have a rebonded hair matagal na. pero ayoko na kasi ang tagal ng process at feel ko mas lalong nasisira hair ko. I felt really bad kasi nagpa-keratin ako nung 3rd week of Jan. tas natuwa ako kasi ang ganda ganda niya talaga lalo na nung 1st wk, soft and hair, kahit di magsuklay okay lang, at syempre walang hair fall. tas nagtagal lang siya ng mga 3 weeks. yes, wala pang 1 month. at ngayon bumalik na ulit sa dati buhok ko. :( Parang nasayang lang tuloy money ko. Nagpa-keratin ako sa Cosmopolitan salon (basta somewhere in QC). Parang naniniwala na talaga ako na basta mura, don't expect na maganda quality. Or baka dahil hindi ako gumamit ng required na shampoo and conditioner? yung sulfate-free ba yon?

Now, I'm planning to have a haircut na shoulder length lang. Should I get a keratin treatment again (plan ko sa Azta Urban pero super pricey) or rebond nalang ulit?

smiles_alwayz

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #166 on: March 15, 2015, 10:18:08 am »
Hi pretty sissies☺ share lang ako ng experience ko.

I have been a regular annual customer ng victor ortega sa boni branch. Laging regular rebond lang pinagagawa ko... maganda yung gawa sakin at tumatagal talaga kaso last january 2015, sumablay... feeling ko dahil dun sa gamot na ginamit sakin nung isang hairstylist dun.

Ganito kasi nangyari, pumunta ko dun just to have regular rebond..maaga pa nun kaya wala pang masyadong tao. Paglapit ko sa reception, tinanong ako kung ano pagagawa ko at kung may request stylist ako. Since wala na yung fave hairstylist ko, sabi ko kahit sinong available na lang. So lumapit yung isa tas start na, nung nakaupo nako narinig ko na magha-halfday daw itong si senior hairstylist. tas mayamaya, tumabi sya sakin tas nagpasimpleng hardsell sya, 2500 for the package, sabi ko yung regular rebond lang saka hot oil lang gusto ko. tas pilit pilit nya ko, sabi ko 1500 lang dala ko..eh ever since naman regular rebond lang talaga pinagagawa ko sa vo kasi maganda naman kahit regular rebond lang. Eh napilitan akong pumili ng treatment so in the end kinuha nya yung 1500 ko. Tas pinutulan hair ko ng below the shoulder length tas nung tapos na, sabi ko baka tanungin ako ng reception ng bayad ko. sabi nung stylist wag ka ng lumapit sa reception. Ako na nag abot ng bayad mo. Ayun lumabas na ko.

after 3 days, eto na. Nasunog yung hair ko. As in straight na makapal. Parang yung egyptian ladies na napapanood sa the mummy movies. Straight na makapal. Eh hindi naman ganun dati ang result ng rebond nila kasi 5 years nakong annually nagpaparebond sa victor ortega. Haisst..  message of warning lang mga sis. Nalimutan ko yung name nung stylist basta hawig sya kay pooh...

astarte

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #167 on: March 15, 2015, 12:33:40 pm »
^ sis sino yung fave stylist mo dati? "Ara" ba name? Ako kasi yun gumagawa sakin years back and nung nawala yun di na ko nagpunta ulit. Guy/gay siya na magaan ang kamay talaga sa hair ko and hiyang dami ko din narefer na friends pero yun nga ndi na ko nagpagawa sa Victor Ortega nung umalis yung fave ko.

Pano yan sis, tumawag or bumalik ka na ba sa salon about dyan sa nangyari?

ana mimi

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #168 on: March 17, 2015, 03:31:20 am »
ako naman, ok lagi ang rebond ko sa index, siguro depende talaga sa stylist na gagawa yan. minsan kase baka napabayaan na yung gamot sa buhok mo kaya nasunog, lalo na kung previously na rebond na ang hair mo. ganun kase nangyari saken, sa heaven's / hemel's salon,  a month ago bago ako magparebond, nagpa hair color ako. sinabi ko naman sa kanila yun pero tinanggap pa rin nila ako. ayun, daming tao ng saturday, tanggap lang sila ng tanggap ng customers, after banlawan buhok ko sa gamot at magpa blow dry kita ko talaga na naging kinky yung hair ko.

Inaantay ko lang na mag 6mos up yung hair ko, tamang pahinga kung baga tapos magpapa-rebond ulet ako kase andaming dents ng buhok ko. grabe.

rychel07

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #169 on: March 18, 2015, 12:09:48 pm »
^siguro nga nasa gumagawa and sa gamot na rin.

so na-shampoo and conditioner ko na yung hair ko, using the sachets given to me dun sa salon after ng treatment. ok ang hair ko hindi nasira I'm so happy. :)

by the way mga sis, may alam ba kayong nabibilhan nung i-cure shampoo and conditioner? yun kase yung binigay sakin.



prettydefined

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #171 on: March 18, 2015, 01:52:51 pm »
Mga sis meron ba kayo alam na promo ngayon for keratin treatment and where? Gusto ko sana pa keratin.
I tried na sa Bench fix ang pricey lang 5k agad. wala pa ko masyado budget.  :-[

rychel07

  • Guest

ana mimi

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #173 on: March 19, 2015, 04:49:56 am »
alam ko sa mga salon mismo nagbebenta sila nung i-cure

smiles_alwayz

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #174 on: March 19, 2015, 10:34:30 am »
^ sis sino yung fave stylist mo dati? "Ara" ba name? Ako kasi yun gumagawa sakin years back and nung nawala yun di na ko nagpunta ulit. Guy/gay siya na magaan ang kamay talaga sa hair ko and hiyang dami ko din narefer na friends pero yun nga ndi na ko nagpagawa sa Victor Ortega nung umalis yung fave ko.

Pano yan sis, tumawag or bumalik ka na ba sa salon about dyan sa nangyari?

Hi sis astarte :) loyal ako dati kay jolan. hindi sya yung senior, assistant lang sya pero galing gumawa. nalungkot nga ako nung pagbalik ko na wala na daw siya dun... nirefer lang din ako sa kanya, tas kaya ako nagrerefer dati sa mga friends ko kasi nga ang galing ng gumagawa sakin dun tapos nung nawala sya... haisst...

astarte

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #175 on: March 19, 2015, 12:58:44 pm »
^ oo sis ako din dami ko nirefer nun kahit malayo kami sa area na yan dinadayo pa namin hehe. Sayang at di na sila work dun ngayon sa salon.

Badch1q

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #176 on: April 09, 2015, 08:50:08 pm »
Hi! Who tried to have their bleached hair rebonded? What's the result? Gaano ba dapat katagal before pwedeng irebond ang bleached hair? TIA!

rychel07

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #177 on: May 04, 2015, 03:26:55 pm »
asked about the i-cure shampoo dun sa mismong salon where i had my hair rebonded (don't know why i didn't think of doing that before), yung isang sachet eh 50 pesos. haha. sabi ko sige thank you nalang.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #178 on: May 06, 2015, 02:40:49 pm »
Pag ba nagparebond almost 2 mos ago then pinatrim ko yungs ends eh mawawala yun tuwid na tuwid na dulo ng buhok? Ayoko ng super tuwid yung dulo kasi nacheapan ako sa hitsura. LOL
Maganda nga pala yung extenso ang shiny ng hair ko ngayon after mag rebond, yun nga lang nawala yung natural look nung hair ko.

neni

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #179 on: May 06, 2015, 03:07:44 pm »
hi mga sis. i had my hair rebonded at tony & jacket tomas morato branch last week pero i'm not happy with the result. dapat mag loreal w/ keratin lang ako na promo nil a sa 4k pero sabi nun stylist na damaged hair so pinalagay nya rin yun gamot na worth 4k pa. since medyo nasira nga yun hair ko from previous rebond sa azta salon (naging walis-like yun hair ko after i washed it tapos naging parang lion's mane a few weeks after with the walis-like effect) last year, so i opted for the treatment kahit expensive. the whole process took around 3.5 hours lang kasama na yun treatment and once lang plinantsa yun buhok ko so nagulat ako kasi from previous na mga rebond ko sa t&j, may parang iinitan pa yun hair and more than once na plantsa. sabi sa kin ganun daw taiaga ang rebond nila now. nun natapos na, my hair was soft pero not pin straight parang blinower lang ang effect tapos hindi pa pantay hair cut ko. i was thinking na pag shampoo ko it would be better pero hindi :( i need to tie my hair kasi buhaghag sya. what do i do? i was thinking kasi pag pinaulit ko baka masira na lalo yun hair ko sa chemicals ulit. parang nagtapon ako ng 8k for nothing.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close