Author Topic: Extremes boyfriend  (Read 11405 times)

Jaguar.Paw

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #80 on: March 03, 2014, 01:19:54 pm »
“I hate you” and “Ayaw kitang pakasalan”

with those words, END OF STORY! bye.

X_03

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #81 on: March 03, 2014, 09:44:19 pm »
sis... think about yourself. love yourself. para sakin lang ito, maaring sinasabi mo lang na matapang ka pero hindi magtatagal bababa din ang tingin mo sa sarili mo if you keep letting him, aabot sa time na magdadoubt ka na sa sarili mo if totoo ba talaga mga sinasabi niya kapag galit siya, at baka maguluhan kanarin sa sarili mo. I don't think may sakit siya, tingin ko may problem siya anger management. Sis TS ask ko lang, may ganyan ba sa family nila? maybe ang mom ganiyan magsalita or dad...minsan kasi may parents na ganiyan at nakikita nang mga bata hanggang sa makalakihan nila na akala nila normal kahit alam nilang sa iba eh pwedeng problem ang dulot. evaluate sis, kasi bilang may asawa masasabi ko na kahit kasal pa kayo hindi matatapos ang mga arguments at walang katapusang adjustment iyan, kung bf-gf palang kayo ganiyan sya maghandle nag problem or arguments niyo what more pag nagtagal at mas matinding challenges pa ang pwede niyo harapin. 

lovemeagain30

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #82 on: March 04, 2014, 07:10:38 pm »
Sis ninsyninsyspider nung binasa ko yung first post mo, akala ko binabasa ko yung life story ko before. ganyan ganyan ako sayo dati! at ganyan na ganyan ang tatay ng anak ko. hindi kaya iisang tao lang sila?  :o

yung ex BF ko nung college kami, sobrang extreme na tao. ang naalala ko kapag masaya kami,, super saya talaga pero kapag nagalit or napikon nag iibang tao siya! may time na minumura talaga niya ako kahit may ibang tao sa paligid ko, tapos tinititigan talaga niya ako ng masama. sabi nga ng kaibigan ko,, kung tumitig parang demonyo.  :-\ ganun talaga. may time na natatakot ako tuwing mag aaway kami kasi kahit konting bagay lang nagfi flare out siya! pero kapag may panahon hindi siya nagta trantums, super sweet, mabait  at maasikasong tao. napaka amo sakin. may times nga na katulad mo, binibilang ko yung panahon kung ilan beses kami mag aaway sa luob ng isang lingo or isang buwan. Very manipulative pa na tao, kung anong gusto niya, hindi mo siya mapapahindi.

tapos kapag nagbabati kami galling sa matinding away, ewan ko ba, parang ang sarap ng sex namin pagkatapos!   ::) yung pain at frustations ko sakanya duon ko binubuhos sa sexual act namin.

then came after a few months, yung mga mura at verbal pang iinsulto niya leads to paninira ng gamit ko, pananakot at mga pasimpleng higpit na hawak ng kamay (na alam niya nasasaktan ako).. eventually, tinutulak na niya ako, then sinasampal. one time na away namin dahil sobrang flare up siya, babatuhin niya ko ng ng dalawang empty bottles 1.5 softdrinks.

katulad mo nuon,, lumalaban din ako. wala kaming ginawa sa buong relasyon namin kung hindi ayusin ang mga problem namin sa relasyon. lagi ko siyang pinapaalahanan na pede naman niya sabihin sakin ang gusto niya na hindi siya dapat magalit muna. lagi din siya nagsosorry. during that time, gusto ko lagi ayusin relasyon namin.

after 2 years, nabuntis ako. nung una, he wants to be a father kaya ituloy ko ang pagbubuntis ko. madalas kaming mag away nun kasi siyempre naglilihi nako at madami akong worries sa future namin. one of the flare up he had, itinulak niya ko sa pintuan namin, kasi nga I want him to stay at pag usapan ang problema namin. then after a few months,, he disappeared in our lives. iniwan niya akong buntis at walang means para buhayin ang anak namin.

kaya kung ako sayo sis ninsyninsyspider, iwanan mo ang ganyan klaseng lalake. madami ng nagpayo sakin niyan nuon, hindi ako nakinig. tulad mo, always giving second chances to him.

Hindi nayan magbabago, PERIOD. yung next na naging gf ng ex ko may balita ako na sinisipa na niya kahit may ibang tao. Tulad ko nuon, tiis tiisan siya ngayon.

Huwag mong isipin na things will get better with him. Hindi yan magbabago kahit gaano mo pa siya kamahal. Mapapagod ka lang at believe me, one day sasaktan ka niyan physically. Huwag mong paabutin sa ganyan. MAAWA ka sa sarili mo. honestly, wag ka magpaka t****.


**by the way, happily married nako to a great guy na never in my life I've imagined I would be able to have him in my life. totally opposite na tao. nagtanda talaga ako sa ex kong yun! salamat talaga at iniwan niya kami ng anak ko nuon kasi baka hindi ako nakaalis sa buhay delubyo .

velvetdreams

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #83 on: March 05, 2014, 04:31:51 am »
I'm with a guy for nearly 5 years now.. hhhmm (though as of the moment po) we are in LDR rel. and he's currently working overseas and sa relationship hindi naman maiiwasan ang ups & downs di ba?.. pero recently we had this major fight (because kasama nya kuya nya sa country na yun and parehas sila nag wowork doon) so ngayon yung kuya nya merong "mistress" dun tapos andito yung mag ina sa Pinas and just like I said we had a major fight yesternight wherein nadadamay na po kasi sya kasi sya ang dinadahilan ng kuya nya kapag malapit nang mahuli nung asawa dito sa Pinas about kay mistress so lahat sya ang ginagawang sangkalan.. ngayon.. nag away kami kasi may mga naririnig na kong hindi maganda sa situation nila dun kasi may knukwento din saken yung asawa ng kuya nya dito na may lumalandi din daw sa bf ko.. tapos syempre sa sobrang pag titimpi ko.. ayun nag away kami..sinabe ko na mas mabuti pang mag kaalaman nalang tayo lahat ..(binigyan ko ng hint yung sis in law nya about sa kuya nya) super nag hysterical yung asawa dun sa kuya nya..ayun nag usap kami sa fone and then sa sobrang galit nya sinabe nya saken "P#!@&^! ka H@^y0P ka! sinabe ko sayo na wag kang mangingielam dyan sa pamilya nila ngayon ginawa mo"

kasalanan ko ba guys?  :'(
hindi ko to deserve.. as in hindi ko to deserve...parang gusto ko syang basta sampalin etc
kasi super hindi ko naman na din alam kung sino nag sasabi ng totoo..
sorry mahaba po...TIA...
« Last Edit: March 05, 2014, 04:36:51 am by velvetdreams »

simang

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #84 on: March 05, 2014, 09:45:37 am »
^i think what you did was a little selfish. It's not necessarily wrong, because you were trying to help in a way, but your reasons for doing so is very selfish. Ang dating kase is parang if i'm going down we're all going down.

Malaki na sila, let them be.

Of course you don't deserve the mura, no one deserves that. Pero if you were to ask me, oo it was your fault kung bakit ka namura ng ganun.

ninsyninsyspider

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #85 on: March 05, 2014, 10:44:30 am »
^^ sis, parang kahit na sino naman magagalit pag may nadamay na na ibang tao. lalo na family yun. although may mali din naman yung brother ng bf mo, dapat kinausap mo nalang muna si bf and tell him na may naririnig ka ngang ganun issue.

sugardrop

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #86 on: March 05, 2014, 09:17:54 pm »
^^^
Foul. You shouldn't have meddled with his kuya's affairs and his wife's. Oo nadadamay sya but you should've let him handle it himself.

velvetdreams

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #87 on: March 06, 2014, 05:39:44 am »
Thank you so much guys... for the insight.. kasi ang saken lang parang.. mahuhuli na yung kuya nya then ayun na nga everytime na mahuhuli na ginagawa nyang sangkalan yung kapatid nya so lahat ng sinalang na information saken nung asawa nung kapatid nya is (parang sya yung may babae dun sa country na pinag ttrabahunan nila) na information overload ako..though alam ko naman yung story..and yung flow na ngyayare..  :-\

cecilydee

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #88 on: March 06, 2014, 10:38:32 am »
^what you did is wrong but it is morally right. i think if i were in your shoes, I would definitely do the same. mabilis rin ako ma influence sa ibang naririnig na masasama pag ang partner ko na ang pinaguusapan. kahit maliit na bagay, na eexaj ko. but hindi naman madalas (ows) :P :P :P

i might have chosen to divulge the secret rather than I suffer in silence and to be left confused. yes for selfish reasons but the main reason is:

1. to stop the immorality of his bro's circumstance.
2. to keep my partner away from the mess.
3. to finally stand up for myself and tell everyone to sh*t the **** up, I've had my limits and obviously what is happening is not doing myself any good and not doing my relationship any better so go to (insert the word) and stop acting like teens.

Lol harsh but sa totoo lang velvetdreams kailangan mo nang pag isipan ang relationship mo sa guy mo, akalain mong kunsintihin ang kuya niya na may mistress? doon palang may sablay na.

simang

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #89 on: March 06, 2014, 10:44:08 am »
^truth. if he can cover it up for someone else, he cover up for himself.

X_03

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #90 on: March 06, 2014, 02:14:17 pm »
nako sis velvet... yung action ng kuya niya is wrong and yang bf mo very wrong, if I may, yung hubby ko may mistress din ang kuya niya pero ang lagi sinasabi sakin ng hubby ko magiging tunay na nagmamalasakit kalang sa mahal mo sa buhay kung hindi mo sila kukunsintihin sa maling ginagawa nila, masaktan man sila eh kasalanan nila yun kasi gumawa sila nang mali. Kaya una sa lahat normal ang ginawa mo kasi siyempre pag nag go with the flow kalang nasasaktan kana, nalilito ka, tapos kasama ka narin sa nangungunsinti. Hindi man ikaw ang directly na gumagawa nang kasalanan/mali, pero alam mo ang buong story at mali na maki-join kalang sa plans nila to keep everything smooth sailing. Diyan mo makikita ang totoong standing and principles nang boyfriend mo. Is he really ready sis? ;)

sarah29

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #91 on: March 06, 2014, 02:44:47 pm »
Para saken tama yung ginawa mo. Kung may alam ka, at nanahimik ka lang, isama mo na din yung sarili mo sa nagco-commit nun. Hinde sa nakikiealam ka, pero dinamay kana din nila in the first place. f it was a family matter lang kuno, sana di nalang din pinaalam sayo. Yung fact na may alam kang may nangyayaring ganun na bagay - you are automatically accountable for it.

I'm sorry, pero hinde dapat sayo nagalit bf mo, kundi sa kapatid nya. Nadamay ka lang sa kalokohan ng brother nya. Sya dapat magdala ng lahat ng galit dyan..

I think isa sa mga pinaka-malaking problema sa pinoy yung thought na "ayaw ko makielam." Kahit kitang kita na naten na mali. Most of the time, we need to speak up.

sis x_03- I agree! Especially with your last sentences :)
« Last Edit: March 06, 2014, 02:46:27 pm by sarah29 »

solepurplelife

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #92 on: March 06, 2014, 04:55:48 pm »
Sabi nga ni Charlie ng The Perks of Being a Wallflower, "We accept the love we think we deserve."

So, kung sa tingin mo deserve mo ang saktan at murahin ka ng partner or bf mo then leave it as it is.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #93 on: March 06, 2014, 06:52:28 pm »
^^ totoo yan sis!

eto quote ko lang yung sinabi ni Maricar Reyes nung kinasal siya na something like this na, "you set your bar high and you trust God that He will give you that standard."

don't stay to these type of guys which make you feel below on what you deserve, leave them. dont make any excuses for them or excuses for their actions. they are not the last people you will have in life.

one day you will find someone who will treat you right.
« Last Edit: March 06, 2014, 06:54:19 pm by lovemeagain30 »

Prinsesa Mumela

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #94 on: March 06, 2014, 10:16:40 pm »
Yung ex bf ko, nagiibang anyo pag nagagalit! as in lahat ng mura nasabi na nya sakin and one time, pinababa nya ko sa gitna ng highway. sabi nya "bababa ka o hihintayin mo pang itulak kita dyan? napaka talaga. pag okay na sya, mabait na naman ulit. sorry dito, sorry doon.

velvetdreams

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #95 on: March 07, 2014, 12:23:56 am »
Very well said.. that's exactly my point po..

pero alam nyo po guys... sinabe na yan ng bf ko..sa family nila..I mean aware buong family nya..kaso ayun nga ayaw nila mag salita kasi ang reason nila ayaw nila mangielam kasi may sarili na nga daw buhay (may family na) and nung umuwi sila dito sa Pinas last Dec pinag sabihan yung kuya nya ng mama nila... pero pangungusinte padin yun dba guys? actually inshort alam naming lahat..sinasabe ko na yan sa guy ko.. na ayoko nga ng messed up na situation na tulad ng ganyan...

Post modified. Please refrain from quoting long posts.
« Last Edit: March 14, 2014, 03:27:31 pm by mama squeak! »

sarah29

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #96 on: March 08, 2014, 11:56:21 am »
Ganto lang yan sis, kung ayaw nila may makielam, wag nila ipa-alam sa ibang tao. Kase unfair yun sa lahat ng nakaka-alam. Hirap kase yung mga ganyan, sila na to may ginagawa na masama, tapos pag na-out sa open yung mga mali nila, sila pa galit. Mali din yung family nya para kunsintihin sya ng ganyan. I know my fiance's mom would never do that to me, thankfully.

Like what they said sis, kung gusto mo habang buhay e makapang-asawa ka ng lalake na hinde ka nirerespeto, at kaya mong kasamahin sya, then stay. Pero kung hinde, leave. Sa pagkakaalam ko, ang tao, kung sino sila before marriage, ganun din sila, at mas malala pa pag married na kayo..

I hope sis you put him in his place next time na ganyanin ka na. Let him know you are not okay with him disrespecting you like that. Be firm about it..

kikay4ever

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #97 on: March 08, 2014, 12:49:48 pm »
been there, done that. walang mangyayari. samaan lang ng loob. masaya ka ba? if not, why waste your time. masakit sa una oo, pero pag wala na sya dun mo mare-realize na masayang mabuhay ng free! andami palang opportunities, andami mo palang namiss gawin, andami mo pa pede makilala, maggrow ka pa.

nagsisimula yan sa verbal abuse tas nae-escalate sa physical. wag mo na paabutin dun. dobleng sakit. ako dinispatsa ko na and grabe lang ang relief ko! wala akong pinanghinayangan kasi mahal ko sarili ko at yun din dapat gawin mo.

velvetdreams

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #98 on: March 14, 2014, 11:54:02 am »
actually sis..sinabe ko na sa bf ko yan.. na what if sister nya ang ganyanin? kahit ba sabihin natin na galit na galit sakanya yung sis in law nya (asawa nung unfaithful nyang kuya) ehh sana hindi nya forever kunsintihin.. sabi nya saken wala daw sya choice ayaw nya daw mangielam kahit hindi na daw tama kesyo makakasira daw sya ng family.. sabi ko: "like what the heck..hindi ikaw ang maninira ng family nya kundi sya ang mismo naninira ng family nya"
kahit family nila ayaw mag medle though sinabihan na nila yung (kuya nya na unfaithful) about it.

Post modified. Please refrain from quoting long posts.
« Last Edit: March 14, 2014, 03:28:17 pm by mama squeak! »

rheinfall18

  • Guest
Re: Extremes boyfriend
« Reply #99 on: April 25, 2014, 03:18:03 pm »
try mo dalhin sa doktor ipa-checkup mo bf mo, parang meron sya bipolar disorder..ang labo lang kasi eh.. @.@

 

Latest Stories

Load More Stories
Close