We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Sis sexydee pano ko sasabihin sa camella na baka naman pede nilang ifree yung landscape namin kasi nagkamali naman sila sa sukat ng lupa namin at may lupa pa kami sa loob ng bakod ng kapit bahay hehe! Seriously, pano? Baka makalusot di ba? Sayang din
assess mo rin sis baka mas mataas yung value ng refund kesa free landscape. Mahirap kasi yan, lupa ang nawala eh. Kaya lang kung yun ang ilalaban mo, malamang matatagalan. Pero kung gusto mo freebies na lang, kulang yung landscape! Isip ka pa ng pwede. Naisip ko rin before sila na gumawa ng kitchen sink/cabinet for dirty kitchen eh. hehe..Baka rin hindi payagan yung freebie nyo kasi ang kumain ng lupa, yung neighbor nyo. Though may fault and delay naman sa part ni camella, pwede ka rin talaga humingi ng freebie.
Nakausap ko naman na camella, nanghihingi ako ng assurance sa settlement nung issue namin kasi if ever manghihingi ako ng alternative na option na baka pede nga na refund na lang. Eh wala silang binigay na option kasi sure sila na samin talaga yung lupa kasi sa mga land title sila nagbase. Ang kaso nga lang, di pa namin makuha yung lot kasi paguusapan pa nila ng kapitbahay at gigibain yung bakod ng kapitbahay. Pero kahit sang anggulo mo tignan discrepancy ng camella yun di ba. So pano ko sasabihin na baka naman pede nilang ifree yung landscape namin? Hehe
Palagi mo na lang sila i-follow-up sis. Pwede rin sort of parang pinapamukha mo na fault nila dahil hindi sila nag-iinspect ng construction. Dapat in the first place, nadetect na nila yun. Kaya nga may bond di ba? So kung narefund din ng kapitbahay yung bond nila, ibig sabihin hindi talaga nila nacheck na may mali sa ginawa ng kapitbahay nyo? Hingan mo rin sila ng deadline kung kelan nila ise-settle yung issue. Pag wala pa ring result, saka ka magdemand at makipagnegotiate na willing ka for other settlement.
Yup, tama mga sis. Mukhang kasama na yata sa training ng mga staff ni camella maging magaling sa pagbibigay ng excuses... oooppsss... sensya na mga sis, maldita mode on!hahahaDi kasi nila alam yung laki ng abala na nagagawa sa mga homeowners ng pagpapabalik balik sa office nila para ifollow up yung mga delays at palpak na sila rin naman ang may gawa. Pero maswerte na nga rin ikaw sis sexydee at may pakonswelo na binigay sayo, karamihan sa mga homeowners napapa buntong hiningi nalang sa inis.Sis gabjumz- wow! Malapit na ang pagtatagpo. hehe wag mo kalimutang magpicture picture with drinnie. Ganyan una ko ginawa pagkakita ko kay junakis jade. Picture agad kahit jet lag pa at haggard ang peg hehe... have a safe flight sis!^_^
Sis keisha_sophia di naman malayo. Di naman ganun kalaki yung subd. Ilang sqm po yung lot nyo? Rina and marga ata almost the same? I think its not possible unless malaki yung lot na nabili nyo possible magka carport. And magpa bakod di pa namin natanong sis. Tska na kami magpapabakod. Dami pang aayusin sa house eh.
ay eto nanaman ako. mahal na araw eh na highblood ako sa camella na yan. ang nasa request namin eh di iinstall ang tiles at rough finish lang, ayun pag punta ko kanina naka install na ang mga tiles!! que horror! buti na lang pala di pa kami nakakabili ng tiles at kundi anong gagawin ko dun. pede ko kayang sabihing nakabili na kami kasi based naman sa emails namin na dapat naka rough finish yun kaso ano naman kaya ang pede nilang icompensate dun?