watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135679 times)

shakeshake

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #220 on: March 11, 2014, 04:19:32 pm »
^yes sis pwede ka magparepaint before you accept the unit. ganyan ginawa ko
« Last Edit: March 11, 2014, 07:57:52 pm by shakeshake »

babymom20

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #221 on: March 11, 2014, 05:39:45 pm »
I asked the CCD, sagot e itatanong pa daw sa marketing. I asked yung agent ko sino nagsabi sa kanila na irerepaint yun, hindi sumagot. Kasi sabi sa akin noon e irerepaint nga raw. Pati nga yung step ng hagdan may biyak, i dont know kung papalitan. Sinilip ko kasi last weekend, navarnish lang pero hindi pinalitan. This week ang sked ng turn over ko.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #222 on: March 11, 2014, 05:54:20 pm »
^Sis check mo if nasa contract. Pero kasi alam ko kasama yan sa warranty ng bahay once i turn over satin yung unit, may 1yr warranty yung house para sa mga problema na pwedeng lumitaw. I think included ang RFO units sa ganung warranty.
 
Kapag turn over ng units, isa sa main purpose kung bakit kailangan present yung engineer from camella  and contractor is para mainform din natin sila agad sa mga palpak or problema ng unit kasi responsibility pa nila pag aayos nyan. Kasama na dyan ang repainting lalo na kadalasan pangit or mumurahin yata ginagamit na pintura bilis kumupas at mabakbak. Wag ka papayag na iaaccept mo tapos dami pala need ayusin.

shakeshake

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #223 on: March 11, 2014, 08:00:47 pm »
sabihin mo sis hindi mo iaaccept yung unit until mafix nila yun. kapag kasi pinirmahan mo yung acceptance form parang sinasabi mo na good working condition lahat sa house. kaya make sure na maayos muna nila yun, mas mahirap maghabol sa mga contractor kapag warranty na yung gagamitin mo.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #224 on: March 11, 2014, 08:10:05 pm »
^Totoo yan sis. Based from experience. Natapos warranty namin ng di napa repaint yung exterior man lang. Maryosep yung terrace nga lang pinapa repaint ko nun. Gang sa nainis na kami di na kami nag follow up ulit. Sa kanila na yung pintura nila kung yun ang ikayayaman nila LOL.
« Last Edit: March 12, 2014, 12:29:02 am by chedz.03 »

shakeshake

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #225 on: March 11, 2014, 09:24:14 pm »
haha oo nga super low quality pa ng pintura nila, kakapintura ko lang kupas na naman wala pang isang buwan.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #226 on: March 12, 2014, 12:32:32 am »
^Sobra sis, kahit yun mga medyo taon nadin na nakatayong bahay dun sa amin napansin ko yung pagkakupas ng pintur parang kumupas na crayon. Basta iba kumpara kapag yun magandang klase ng pintura ang kumupas na saka halata ang nipis ng coating.

babymom20

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #227 on: March 12, 2014, 11:52:22 am »
i read the contract, pag structural problem lang pwedeng hindi natin iaccept yung unit. Pero kung due to workmanship lang daw at siguro kasama yang mga minor issues na yan, kahit hindi natin pirmahan yung acceptance, implied na yung acceptance after the turn over date esp if walang formal complaint yata.

Pero kung siguro ganyan naman ang feedback sa repainting, siguro hindi ko na rin istress out ang sarili ko para sa walang kwentang pintura nila. Kala ko ok din pag nirepaint nila. Pa repaint ko na lang siguro sa contractor.

Ang property naman namin is Crown Asia ang seller sa contract pero i am dealing na with camella since day 1.

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #228 on: March 12, 2014, 05:42:57 pm »
I badly need your advice mga sis!

By friday nakasched na ko magpirma ng acceptance para masimulan na din yung built-in cabinet na ipapalagay namin, saka para makalipat na rin kami. The problem is late na namin nalaman na may problem pala yung lot namin. Yung katabi naming bahay na nauna sa amin may nasakop sa lote namin. Hindi kami formally ininform ni Camella about this kung hindi ko pa pinaresurvey yung lot. Ngayon dahil free fence kami di nila matapos tapos ilagay ang fence kasi yung katabing bahay ayaw makipagusap kaya ginawan na ng report ni Camella at dinala na sa legal office nila.

Kausao ko si Camella kanina. Pwede ko daw iaaccept yung house then i-note ko dun na hindi ko pa iaaccept yung fence kasi may issue pa dun. Okay lang ba yun? Gusto ko na kasi pumirma para magawa na cabinet and malipatan na namin para makatipid kami sa bayad ng rent sa apartment.

Ano po sa tingin ninyo mga sis?

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #229 on: March 12, 2014, 10:06:05 pm »
I badly need your advice mga sis!

By friday nakasched na ko magpirma ng acceptance para masimulan na din yung built-in cabinet na ipapalagay namin, saka para makalipat na rin kami. The problem is late na namin nalaman na may problem pala yung lot namin. Yung katabi naming bahay na nauna sa amin may nasakop sa lote namin. Hindi kami formally ininform ni Camella about this kung hindi ko pa pinaresurvey yung lot. Ngayon dahil free fence kami di nila matapos tapos ilagay ang fence kasi yung katabing bahay ayaw makipagusap kaya ginawan na ng report ni Camella at dinala na sa legal office nila.

Kausao ko si Camella kanina. Pwede ko daw iaaccept yung house then i-note ko dun na hindi ko pa iaaccept yung fence kasi may issue pa dun. Okay lang ba yun? Gusto ko na kasi pumirma para magawa na cabinet and malipatan na namin para makatipid kami sa bayad ng rent sa apartment.

Ano po sa tingin ninyo mga sis

Sis, I think bukod sa fence, siguro i-note mo na rin yung problema about sa nasakop na lupa ng neighbor nyo. Or put reference re legal case. Pwede rin ilagay "under petition blah, blah..."

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #230 on: March 12, 2014, 10:19:21 pm »
Sis, magkano pala magpasurvey at kanino ba dapat nagpapasurvey? Pwede ba din sa architect?

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #231 on: March 12, 2014, 11:06:10 pm »
@incheng - ask mo kay camella kung chineck ba nila yung katabi nyong bahay sa paggawa ng fence? Kasi alam ko after mo magpagawa ng fence and gate titignan nila kung sumunod ka sa policy nila at kung tama ba yung pag lagay ng bakod. If i were u sis wag mo muna iaccept isettle muna nila lahat ng mga problema. Kasi baka matagalan yung pag resolve. Kung hindi naman na magagawan ng way na makuha mo yung lot na nasakop ng kapitbahay better ask something na kapalit ng nawala sayo kasi binayaran mo yun eh. Ask lang sobrang laki ba ng nasakop ni kapitbahay?

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #232 on: March 13, 2014, 04:28:48 am »
^yup, tama si sis grasyia- kailangan chinecheck ng engr ni camella yung fence and gate kung tama based sa standard ni camella. Tulad nun pg fence namin, mataas sya compared sa allowed ni camella so pinabawasan nila nung nacheck ng engr.

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #233 on: March 13, 2014, 10:43:21 am »
Ng magbakod kami, hindi makita yong mohon dun sa likod kaya humingi kami ng copy ng title sa camella since nakalagay dun yong coordinates at saka namin pinakita sa engineer para malocate yong mohon. Na-delay ng ilang days yong paggawa since ayaw naman namin maoccupy yong lot ng katabi namin in fear of a lawsuit or mapagiba yong bakod.

Saka before ibigay ang refund ng bond compulsary na icheck ng engineer ni camella kung sumunod kayo sa approved request and design for fence. Sana lang instead of completion, dapat sa paghukay pa lang ng foundation ng fence magconduct na sila ng mandatory inspection since yon ang pinakacritical na stage ng pagbabakod. 

I guess your options will be i-compensate ka for the part na sinakop ng neighbor, pwede ka magfile ng lawsuit or pagiba nyo yong pader.

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #234 on: March 13, 2014, 05:02:19 pm »
Kinausap na ng Camella yung nakatira sa bahay para iparesurvey yung lot nila para daw transparent sa kapitbahay yung sukat, ayaw pumayag ng kapitbahay kaya ginawan na ng report. As per Camella based sa mga evidences (layout plans) sa amin talaga yung nasakop nilang lot (around 6sqm).

Nirequest ko kanina na buoin na nila yung fence. Mukang matagal pa yun masesettle (baka abutin pa ng 1yr) kaya iniisip ko na iaccept na lang, kasi kinakausap palang yung kapitbahay ayaw na makipagusap, take note attorney yung kapitbahay namin. Di ko din naman sila masisi kasi malamang nung lumipat sila ganun na itsura nun. Pagkinuha kasi namin yung nasakop nilang lot kakainin yung isang gate sa grahe nila di na yun mapapasukan ng sasakyan.

Open naman kami sa negotiation, siguro last option namin yung irecompute nila yung TCP namin, ibawas nila yung amount ng lot na hindi namin maooccupy.


chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #235 on: March 13, 2014, 05:46:55 pm »
^Hay naku nakakainis yung ganyang problema sis. Pero dapat mas si camella ang mamroblema dun hindi kayo kasi bakit di nila napansin yun dati pa. Ibig sabihin di nag inspect ng mabuti yung engr or surveyor nila. Pero maswerte ka padin sis, kasi yung sa kakilala ko halos 25% daw ng lot nila ang nasakop nung taga labas ng village. Ewan ko bakit ngyari yun pero wala daw kasi fence dun sa area. Kaya plan nila maghanap ng ibang lot sa ibang phase na available pa since di pa nila napapatayuan ng house. Kaso baka lugi na sila sa lot price dahil that time na nabili nila mura pa yung lot.

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #236 on: March 13, 2014, 05:56:34 pm »
Yun nga sis chedz eh, kaya ayoko din istress yung sarili ko sa problem na yun kasi sila naman yung mag-aayos nun ang kaso nga lang kasi mukang matagal. Ayoko naman na umabot sa point na magbabayad na ko ng amilyar eh di parin nila naaayos yun. Ok lang naman sa amin na hindi na namin makuha yung lote na nasakop ng kapitbahay, basta ayusin nila docs namin. Irecompute ang TCP, dapat sa computation yung recent appraisal value ng lupa ang ibabawas kasi 2012 pa namin naacquire yun.

Pero ano ba talaga ang dapat kong i-note sa acceptance? Di ako magaling kasi sa mga ganyan patulong naman :)

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #237 on: March 16, 2014, 09:45:40 am »
Kami ginawa namin nagdala kami ng bulb to check all yung ilaw kung working, tapos yung mga door kung lumalapad ba lahat kasi yung sa amin nagkaproblem kami sa terrace ayaw masara, then yung pintura kung nag bubbles lalo sa terrace pinabago din namin yun parang minadali kasi parang minadali yung sa amin. Pati yung mga binatana kung may crack ba, okay din ba yung paint.

Lahat ng sulok sulok check mo sis tapos inote mo sa kanila para ayusin nila.

keisha_sophia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #238 on: March 16, 2014, 03:41:55 pm »
Hi sis lhenmhine now ko lang nabasa message mo sa akin. Lately hindi ako nakakabisita dito sa gt kasi medyo nagsstruggle ako sa pagbubuntis ko ngayon. Im expecting on may kaya medyo tumataas na level of exhaustion ko. Plus the fact na umiinit na naman dito sa uae. Hindi naman ako makapagleave ng mas maaga kasi hindi generous ang uae sa maternity leave..hehe sorry OT ata. Anyway, pano sis na malayo ang travel pag  ph 2? Sobrang layo ba sa gate? Additional question po ang kinuha kasi namin ng unit ni hubby is rina model . Possible ba na lagyan ng carport? If ever magkano kaya ang pagconstruct isabay na rin yung pagbakod sa bahay?

lhenmhine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #239 on: March 17, 2014, 10:02:45 pm »
Sis keisha_sophia di naman malayo. Di naman ganun kalaki yung subd. Ilang sqm po yung lot nyo? Rina and marga ata almost the same? I think its not possible unless malaki yung lot na nabili nyo possible magka carport. And magpa bakod di pa namin natanong sis. Tska na kami magpapabakod. Dami pang aayusin sa house eh.  :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close