watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135444 times)

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #200 on: March 08, 2014, 08:22:50 am »
Sis angellouise06 thank you sa info.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #201 on: March 08, 2014, 10:36:19 pm »
Sexydee sino sinasabihan mo nyan? Mukhang ako ha? Tama ba? Kung hindi ako sino? Sagutin mo kung sino ang mahirap kausap? Hindi maganda yang ginawa mo!. Syempre iisipin ko ako kase ... Ako ang panay ang tanong dito. Pasensya na ha dami kong tanong kay sis lhenmhine at sis angellouise06. Naistorbo ka ba sexydee?

Natural lang naman magtanong kaya nga nandito. Buyer ako ng camella. Kung yang sinasabi may maisingit lang di mo na problema yan. Kase hindi ikaw ang kausap ko at hindi ikaw ang tinanungan ko.

Walang masama kung magtanong ..kung may sumagot sa tanong eh di salamat, kung wala eh di salamat din. Ang importante marunong magpasalamat dahil sinagot nila ako.

Pasensya na ha baguhan lang kase ako dito at panay ang tanong at excited for new investment. For sure lahat excited at naging excited din. next time pag may bago dito at may nagtanong willing ako sumagot kung ano tanong nya at syempre isasagot ko based sa na experience ko.

Nakakagulat ang reaction mo. So dapat pala pipiliin ko yung susundan ko sa thread? Hindi ba pwedeng inspired yan dahil sobrang inis ko sa Camella at nakaisip ako ng something pampagaan? You are taking this too personally. If you backread, sumasagot din ako ng mga tanong na kaya kong sagutin. Alam mo sis, hindi ko alam kung saan mo napulot ang ganyang pakiramdam. Sinabi ko yun dahil feeling ko makakarelate ang mga sis natin dito dahil sa experiences din nila sa Camella. Natural lang naman na matanong ang mga nandito. Kaya nga ginawa ang thread na ito. Ngayon kung tinamaan ka, problema mo na yun dahil wala naman akong intensyong patamaan ka. OT = Out of Topic. Sinabi mo na rin na baguhan ka dito. Just so you know, nagtutulungan lang ang mga tao dito at hindi naghahamon ng away. Kung may gusto ka pang sabihin, paki-PM na lang ako.
« Last Edit: March 08, 2014, 10:40:40 pm by sexydee »

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #202 on: March 08, 2014, 11:13:17 pm »
(OT) Maisingit lang. Inspired by our experiences with them. :P

"Camella ka ba? Ang hirap mo kasing kausap."

Hahaha!

Hindi lang ikaw ang nagulat.  Hindi ako naghahamon ng away. Oo baguhan ako dito pero alam ko meaning ng OT. Kitang kita naman naman sa message mo " Camella ka ba? Ang hirap mo kasing kausap." So ibig sabihin tao ang sinasabihan mo nyan. Kahit sino mag iisip kung sino sinasabihan ng message mo.

Kagaya ng sinabi ko "natural lang naman magtanong ng magtanong kaya nga nandito" at alamin ko kung ano ang mga dapat gawin pag malapit na iprocess ang loan. Kaya panay ang tanong ko kay sis lhenmhine at sis angelloiuse06 since sila ay tapos na. Tanong ko kay sis lhenmhine... tanong ko din kay sis angelloise06. At ngayon bigla kang nag message na.. camella ka ba? Hirap mo kasing kausap" so ano sa tingin mo maiisip ko at ngbiba dito.. may pinatatamaan ka. Kung nagulat ka. Mas nagulat ako. Hindi ako naghahanap ng away dito. At alam ko nagtutulungan dito at sharing ng mga experiences nila kay camella.


sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #203 on: March 08, 2014, 11:52:41 pm »
On the other hand, anyone here experienced some delay during turnover/move-in? And sino po dito yung buyers through pre-selling? In our experience kasi, medyo kinwestyon namin yung pagsingil nila ng HOA mem dues. Ok naman kami sa membership. Pero maningil ng dues, ano naman ang maeenjoy namin na benefits kung halos lahat ng kapitbahay namin nagpapagawa pa lang ng bahay? Yung guard na mostly ang babantayan naman nila yung under construction? Just sharing our thoughts. Wala pa rin naman kasing ibang amenities bukod sa basketball court and temporary clubhouse.
« Last Edit: March 09, 2014, 12:42:08 am by sexydee »

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #204 on: March 09, 2014, 12:59:50 am »
^Sis kami naman one  year kami hindi nakatira pa sa bahay or even nag move in since na turn over samin si Jade pero siningil pa din kami start sa month yata or following month ng turn over. Di rin kami favor dun i even asked the manager na naka assign sa phase namin kaso policy daw yun. Sakit kaya sa loob bayaran pag ganun feeling ko i was robbed hahaha...

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #205 on: March 09, 2014, 01:09:37 am »
^Sis kami naman one  year kami hindi nakatira pa sa bahay or even nag move in since na turn over samin si Jade pero siningil pa din kami start sa month yata or following month ng turn over. Di rin kami favor dun i even asked the manager na naka assign sa phase namin kaso policy daw yun. Sakit kaya sa loob bayaran pag ganun feeling ko i was robbed hahaha...

Both sides may point naman sis. Di mo din kasi naeenjoy yung benefits di ba? Pero at least siguro secured yung bahay mo. Di basta-basta mapapasok. Yung sa amin kasi mas marami pa construction workers kesa sa tenants! At yun nga, wala pa namang amenities. Anyway, next time ko ishe-share yung latest issues namin sa Camella bukod dito. We're still communicating this with them. March 8 dapat move-in namin. Kamusta naman? There is a delay in the delivery of their obligation and not even sure when is our actual move-in!
« Last Edit: March 09, 2014, 01:12:55 am by sexydee »

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #206 on: March 09, 2014, 11:28:49 am »
Sis chedz.03, nag-i-issue ba sila ng OR or provisional receipt lang? Camella pa rin ba may hawak ng HOA nyo or yung mismong mga homeowners na?

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #207 on: March 09, 2014, 11:51:10 am »
dianna03, since hindi na ko makapag-PM sayo, dito na lang ako magrereply. Hindi kasi kami basta-basta sumusunod sa policy kung sa palagay namin may mali. Tulad nga ng nai-share ko dito before tungkol sa pintura ng bahay. Binentahan kami ng Camella na ang sabi ay pwede kaming mamili ng kulay ng bahay as long as nasa color scheme ng model houses nila. Pero naglabas sila ng memo without being publicly known na kung ano ang kulay ng house model nyo, yun lang din ang pwede sa bahay nyo. Misleading ang marketing strategy nila kaya we raise the issue with them. They accepted the fault on their part. And to compensate the damage done to us, they offered us free landscape sa paligid ng bahay. Since no choice naman kami sa memo about house color and we feel that their offer is fair, we accepted it instead. Kaya natanong ko yung sa HOA. Meron namang legalities dyan kaya I'm asking here kung ano yung kalakaran sa iba. Baka yun lang ang nakasanayan ni Camella yun pala hindi naman tama. That's why I'm doing my research as well.

khayzee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #208 on: March 09, 2014, 12:44:26 pm »
love love love mga sis  :)


chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #209 on: March 09, 2014, 01:43:27 pm »
Both sides may point naman sis. Di mo din kasi naeenjoy yung benefits di ba? Pero at least siguro secured yung bahay mo. Di basta-basta mapapasok. Yung sa amin kasi mas marami pa construction workers kesa sa tenants! At yun nga, wala pa namang amenities. Anyway, next time ko ishe-share yung latest issues namin sa Camella bukod dito. We're still communicating this with them. March 8 dapat move-in namin. Kamusta naman? There is a delay in the delivery of their obligation and not even sure when is our actual move-in!
ganun na nga sis lalo at wala pa nga kami kahit gamit during those months kaya parang nakakasama ng loob hahaha... pero sa security nila, so far ok naman. masisipag pa magbantay ang mga guards. sabi kasi kapag may nawala daw sa isang house eh sila pagbabayarin though not sure kung totoo talaga. yun lang naisip ko, sana yung use ng swimming pool eh free na sa home owners tapos sa guests nalang may bayad. although mura lang naman, still may bayad pa din. kuripot lang ang peg hahaha...

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #210 on: March 09, 2014, 01:46:06 pm »
Sis chedz.03, nag-i-issue ba sila ng OR or provisional receipt lang? Camella pa rin ba may hawak ng HOA nyo or yung mismong mga homeowners na?
yes, meron sila iniissue pero di ko lang marecall kung OR or provisional receipt lang. if i'm not mistaken, meron parang property manager from camella na naka assign sa bawat phase and sa kanya kami nagbabayad.

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #211 on: March 09, 2014, 02:17:18 pm »
Sis sa amin HOA na nag issue ng receipt for the monthly dues, buti at mababa lang ang monthly HOA namin P200 at wala pa naman kami clubhouse yon nga lang nakakahinayang pa rin at 1 year wala nakatira pero tuloy pa rin ang bayad.

Lapit n kami magkita ni Drinnie... Nauna si hubby umuwi at tapos na daw landscape kahapon at this week matatapos na rin yong ibang pinagawa nya. Waiting for pics from hubby kaya lang ay nagpapasaway pa at wait ko na lang daw pag uwi ko.   :P

Sis Lhenmine sigurado ka discount yong last month ng payment nyo at hindi dinagdag sa loan proceeds? Our loan was approved a month prior matapos ang 20% DP so the bank informed us kung gusto namin makaavail ng promotional interest rate ay mag pwede namin bayaran ang natitirang balance sa camella so yong last payment namin ay cash at we pulled out yong PDC.

OT: Sis Chedz sino nag install ng gas range nyo?
« Last Edit: March 09, 2014, 02:25:21 pm by GABJUMZ »

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #212 on: March 09, 2014, 03:43:01 pm »
sis gabjumz- si hubby ko lang.

lhenmhine

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #213 on: March 09, 2014, 04:00:42 pm »
Sis gabjumz yup sis. Yung pinirmahan naming amount na for release is just the 90% of the tcp. Though inapprove nila is more than that. I think its 92.5% then a month before matapos equity namin nagpaloan release na kami. Kasi yung promo rate nila is till sept lang and also yung approval namin is til that month lang din. Kasi maaga sila nagbigay ng approval and validity was just 6 months pag naglapse papa reapprove pa. Nung narelease loan namin tinawagan ako ng camella after a month to pull out the last pdc kasi discount na daw. I ask my broker she told me na sa comm daw niya yung maaapektuhan sabi niya ok lang naman since wala siyang agent and kami yung considered agent niya mababawasan din share namin.

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #214 on: March 09, 2014, 05:25:08 pm »
Ok sis Lhenmhine, bale 10% DP pala kayo not the usual 20%DP?

Sis chedz thanks sis! I sent you PM. Hirap pagbalik sa work no? Lalo na kung may maiiwan sa Pinas. Di bale at konting tiis at least we have investment na. :D Hanap ka lang magbabantay ka Jade at hirap kapag wala tumatao sa house. Sa amin may mga bata na nagpasaway at umakyat sa pader kaya nasira yong bakal sa bakod. Buti hindi pa kami nakapagpalandscape that time kung hindi masasayang lang.

BTW mga sis, madalas daw yong mga HOA nagkakaron ng problema about corruption at malversation ng funds.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #215 on: March 09, 2014, 05:38:53 pm »
sis gabjumz- replied to your pm na. :) hirap talaga sis, para akong may anak na namimiss. hahaha... pero baka uwi kami anytime soon. plano namin lumipat ng ibang disyerto naman. inshallah matuloy. so baka makita ko ulit si jade tee hee!....  mabuti samin sis wala masyadong bata na pasaway kundi naku baka ma-stress ako aahahaha... yung parents ko at in-laws sis nagsasalitan sila pagdalaw sa house saka hinahabilin sa guard...

naku sis, di nako nagulat sa issue na yan sa HOA. basta may money talaga, marami issues.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #216 on: March 10, 2014, 08:51:44 am »
yun lang naisip ko, sana yung use ng swimming pool eh free na sa home owners tapos sa guests nalang may bayad. although mura lang naman, still may bayad pa din. kuripot lang ang peg hahaha...

I agree with you sis, gusto ko rin free ang mga homeowners sa amenities! Hahaha.

yes, meron sila iniissue pero di ko lang marecall kung OR or provisional receipt lang. if i'm not mistaken, meron parang property manager from camella na naka assign sa bawat phase and sa kanya kami nagbabayad.

Yun din sabi sa amin, may property manager. If ever ipagpilitan nila yung HOA fee before move-in, baka usisain na lang namin registration, etc. nila. Hahaha! Ambusisi namin.

Sis sa amin HOA na nag issue ng receipt for the monthly dues, buti at mababa lang ang monthly HOA namin P200 at wala pa naman kami clubhouse yon nga lang nakakahinayang pa rin at 1 year wala nakatira pero tuloy pa rin ang bayad.

sis sobrang baba ng HOA dues nyo!!! Sa amin may minimum + 4.50 per lot sqm so parang papatak na almost 1k yung monthly HOA dues namin!

I ask my broker she told me na sa comm daw niya yung maaapektuhan sabi niya ok lang naman since wala siyang agent and kami yung considered agent niya mababawasan din share namin.

Ganyan din sa amin yung broker namin. Kaya lang nagalaw nya yung more than half ng sa amin (cash kasi instead discount). Until now kulang ng 5K yung sa amin.

BTW mga sis, madalas daw yong mga HOA nagkakaron ng problema about corruption at malversation ng funds.

Tama ka dyan sis, kaya dapat talaga hinihingan sila ng Financial Reports, at least audited na rin.

shakeshake

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #217 on: March 11, 2014, 02:40:59 pm »
mga sis regarding sa camella ang magshoshoulder ng bank charges, depende to sa location ng camella ha. kasi sa akin, ang sabi ng camella promotion lang daw to noon and sad to say hindi ako umabot dun kaya kelangan icash ko yung bank charges.

babymom20

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #218 on: March 11, 2014, 03:33:39 pm »
sa mga rfo units na, nirerepaint ba nila yung exterior ng bahay sa turn over?

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #219 on: March 11, 2014, 03:43:06 pm »
sa mga rfo units na, nirerepaint ba nila yung exterior ng bahay sa turn over?

Pwede mo siguro i-request yan. Ang pangit naman kung bibili ka ng "brand new" home pero mukhang luma naman. di ba? :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close