watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135183 times)

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #100 on: January 28, 2014, 03:10:50 pm »
sis dianna03, wala pa akong idea kung ilang meters kasi wala pa daw yung order ng bubong. saka di ko na din natanong since ss kanila na din naman namin kukunin. tatawagan na lang daw kami pag ilalagay na para mabigay namin yung bayad. eto na lang naman talaga hinabol ko since ayaw naman nila igrant yung request namin at nakakapagod ng makipagusap.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #101 on: January 28, 2014, 03:25:26 pm »
sis angellouise06  :) ok na rin yan at na-less yung stress mo sa pagrerequest ng insulator sa kanila dahil pumayag na rin sila sa wakas.  Ang gusto yata ni camella si contractor ang makikipag-usap sa kanila sa mga request ng buyers.  Ganyan gagawin namin kay contractor muna kami makikipag-usap at magbigay ng letter for alteration, para sya na rin magforward kay camella at silang dalawa mag-usap.  Nakakapagod talaga kung pabalik balik sa ofc. tapos wala namang say si camella sa irerequest kundi di puwede.  Kahit sa phone ganun din naman sinasabi di puwede after na daw maiturn-over ang unit tsaka nalang daw.  Nagtanong kase si hubby ko, ask nya about sa gusto namin... sabi ni camella di puwede pag na i turn over na daw  >:(

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #102 on: January 28, 2014, 04:00:55 pm »
hay naku sis, kulang na nga lang lumabas ako sa monitor pag gumagawa ako ng email. ang nakakainis kasi na idea yung kakilala ko na magkaibang phase lang na grant yung mga request nya at sya pa nag suggest sa amin ng mga ipa alter namin. tapos di naman iggrant ng camella at paiba iba pa ng excuses. kaya ko lang hinabol yung insulator kasi nakaharap kami sa afternoon sun so imagine ang init pag summer eh may asthma yung anak ko.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #103 on: January 28, 2014, 04:48:36 pm »
sis angellouise hahaha natawa naman ako sayo sa sinabi mong kulang nalang lumabas ka sa monitor  :D suwertehan lang talaga pag mabait napunta sayong contractor ... sana sa amin mabait at madaling kausap para less stress.  Dapat pala nung umpisa palang yun na dinahilan mo na may asthma anak mo para pumayag kaagad si camella. Sis kanino ka nag eemail? sa account officer mo ba?

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #104 on: January 28, 2014, 05:23:13 pm »
yung unang nakausap namin yung sa customer service nila. at dun lang namin nalaman na may naka assign sa amin na ibang account officer kasi wala na yung dating nag assist sa amin. since mas matinong kausap yung nasa customer service s kanya kami ng eemail pero nung mainit na ang init namin pinasa na nya kami sa account officer.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #105 on: January 28, 2014, 06:28:03 pm »
pray ko sis na maging ok lahat yung conversation namin sa mga staffs ng camella at sa ma aassign sa aming contractor  :)

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #106 on: January 29, 2014, 12:04:16 am »
bale 9k lahat na yun. grabe ang mahal ng labor fee na sinisingil sayo. ano bang unit nyo? sa amin kasi carmela, baka mas malaki yung unit nyo.

Carmela lang din unit namin sis. Ewan ko ba kung bakit sila ganon kalaki maningil. Pero di ako papayag na verbal sila maniningil.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #107 on: January 29, 2014, 07:25:29 am »
Mga sis napakamahal nga maningil, nagcanvass ako kahapon  ng insulator sa ace hardware 99/meter lang double sided real foil pero manipis yun  dalawang klase kase yun metal film at real foil.  Ang real foil ang maganda sabi nung salesman compare sa metal film.  Ok na sa akin yung manipis na double sided real foil. Mas makakamura pa tayo kung sa mga hardware lang dyan sa tabi tabi tayo bibili at hindi sa mall

maymay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #108 on: January 29, 2014, 11:46:16 am »
hello po. quick question, sa mga kakalipat or nakalipat na sa camella, cerritos heights, lessandra, etc. nagbayad ba kayo ng acceptance fee when you accepted the house?

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #109 on: January 29, 2014, 03:14:35 pm »
maymay ako hindi pa nakalipat hehe kase still paying for DP .. but ang alam kong babayaran bago ka makalipat at yan ay inexplained sa amin after namin magbayad for reservation fee, ay yung HOA fee na 3K at yung Water installation amounting 6K or 6,500 if im not mistaken.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #110 on: January 30, 2014, 01:04:23 am »
Wala naman kami binayaran na acceptance fee sis. Parang over na sila kung maniningil sila para dun. Same lang din nung sinabi ni sis diana ang binayaran namin.

maymay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #111 on: January 30, 2014, 12:50:31 pm »
haay, nakakaloka lang. kami din walang siningil na acceptance fee, kapareho lang nung kay sis dianna when we moved. we even paid for months of HOA na hindi naman kami nakatira sa bahay (nanakawan pa kami ng gate, walang perimeter fence yung phase namin, walang streetlights, isa lang ang guard at the time, nananakawan din kami ng tubig noong hindi pa kami nakatira - so sayang ang bayad sa HOA at the time, anyway...)

may nagsabi sa mommy ko (na homeowner din) na hindi daw kami both nagbayad ng acceptance fee kaya hindi kami in good standing. so before ako pumunta sa PM, I have to ask baka may bagong fee na sinisingil, which is kung bago naman, hindi na dapat kasama yung nag-move in 1 to 2 years ago pa.

kung may bagong fee na hindi namin binayaran, dapat sinulatan na kami ng camella or ng bangko or hindi dapat na-approve ang extension at ang gate namin. so ang tanong ko now, ano yung acceptance fee? saan sha galing? sino sumisingil? at para saan yun?

we will clear it up with the PM/Camella this week/weekend. if meron lang may nakaka-alam, paki-share naman. kase meron daw mga "in good standing" na nagbayad daw nun. kaya nakakalito.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #112 on: January 30, 2014, 01:39:01 pm »
Halos same tayo sis. Nagbayad kami ng HOA for 1yr ng hindi kami dun nakatira. Masakit man sa bulsa eh no choice naman.

PaCheck mo mabuti sis if ano yung fee na yun talaga. Nakakaduda naman bakit ngayon lang knowing ang bibilis nila sa singilan eh.

maymay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #113 on: January 30, 2014, 09:29:57 pm »
mga sis, (*sis dianna) ano yung HOA fee na 3K? fixed ba yun? on top ba yung sa monthly HOA?

fixed din ba yung HOA nyo sis chedz? on top of the monthly HOA?

OR yung HOA fee na monthly is nagsimula nung 1st month nyo upon accepting the house (regardless kung nakatira kayo sa house or hindi)?

example. if January 2013 kayo nag-accept then actual na lipat is January 2014, diba you only have to pay the 12 months HOA? or may amount pa on top of the 12 months?

paki-share naman po ng fees for my enlightenment and para sa ika-bababa ng high blood pressure ng mommy ko. hehe = )

maraming salamat!

shakeshake

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #114 on: January 30, 2014, 09:57:14 pm »
sa akin, nagbayad ako ng 3k for registration sa HOA then 3k for monthly HOA dues na advance (3 months kasi 1k per month)

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #115 on: January 30, 2014, 10:01:45 pm »
Sis yung 3k bale membership fee sya sa HOA then plus yung 500 monthly dues. Kailangan pa nga 3months advance ang payment ng monthly dues.

Sis di ko lang maalala pero nasa resibo namin eh, if not yung mismong month na naturn over ang house sanyo or the following month after ng turnover eh need na magbayad ng monthly dues saka yung 3k na membership fee. Kaya kami mula nung turnover ang house samin nacharge na nila kami 500/month kahit di kami dun lumipat pa. After 13mos na nga kami nag move in dahil both ofw kami ni hubby. Kung tutuusin unfair yun for me. Dapat sa move in date or pag naglipat na talaga ng mga household goods dun sa house saka sila magcharge ng monthly dues.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #116 on: January 30, 2014, 10:34:31 pm »
mga sis, (*sis dianna) ano yung HOA fee na 3K? fixed ba yun? on top ba yung sa monthly HOA?

sis maymay yung HOA fee na 3k ay yan yung sinabi sa amin na babayaran for membership fee kagaya ng sabi ni sis chedz .. at pag nakatira ka na sa house mo may monthly dues na, ewan ko lang kung kailan mag start ng payment for monthly dues still paying for DP.

sis shakeshake ang mahal ng monthly dues mo 1K .. saan ang location mo?  ask ko lang po ang monthly dues po ba depende sa place at unit?

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #117 on: February 02, 2014, 12:58:23 am »
Hi sis maymay... Taga cerritos heigts din ako pero wala naman akong matandaan na naningil sila ng acceptance fee. Last December 2013 kami lumipat Pero nakuha namin yung bahay ng october. Start na din kami ng bayad sa HOA after namin i-received yung bahay. Kasama sya sa water bill.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #118 on: February 02, 2014, 01:04:08 am »
Nagiisue po na sila ng OR pag nagbabayad ng HOA? Saan binabayaran yung waterbill/HOA dues?

maymay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #119 on: February 02, 2014, 01:55:48 am »
we finally saw the list of homeowners in good standing and true enough wala nga kami dun, wala din yung ibang kilala namin.. pero wala pa rin naman kami narereceive na memo.

magkakaroon daw ng assembly, sana ay matuloy para maclear na ang lahat. dahil sabi ng aming mga resibo ay wala kaming arrears. sana ay magbigay na din sila ng financial report.

sis sexydee, yung HOA/waterbill is sa mga bayad center binabayaran, pwede din ata through bank. yes, meron sha resibo.
« Last Edit: February 02, 2014, 01:58:51 am by maymay »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close