watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135250 times)

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #80 on: January 22, 2014, 03:21:44 pm »
@angellouise06 - naka deferred kami for 6months sa camella no interest. Then nag bigay kami ng PDC and promisory note (requirement nila). Tama ka sis dapat medyo demanding ka but on a nice way. Hirap talaga makipag communicate sa mga tao ni camella.

@dianna03 - yes sis ito yung mga Handling fee, Notarial fee, Registration Fee, Document stamps fee and miscellaneous hindi ko lang sure kung andun [textspeak!] MRI and Fire double check ko na lang para sure  :)

Oo nga sis may processing fee kaya hindi na din ako nagpush na maghanap ng ibang bank na hindi affiliate ni camella kasi baka mamulubi naman ako sa mga fees & charges ng bawat bank. Sumasakit na nga bulsa at ulo namin kakabayad ng mga kung ano ano ayaw ko nang dagdagan hehe..

Ang nakuha naming rate kay RCBC is 8% fixed for 5 years then recompute na lang after that. Papipiliin naman kayo ng bank may mga iba't iba silang terms and rates.

Ang ginagawa ko kapag verbal lang kami ni camella after the day nag sesend ako ng email dun sa kausap ko then ipapa noted ko sa kanya para alam ko na tama yung conversation namin then always make a copy furnish pala sa customer care ni camella mas mabilis sila gumawa ng action kesa sa mga account officer lang nila.


dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #81 on: January 22, 2014, 03:53:07 pm »
@grasyia Ok pala sis at puwedeng naka deferred yung bank charges for 6months and no interest.  sobrang laki kung pagsasabayin babayaran ang MA at bank charges.  Sus ginoo asan ang habag nila kung isasabay ang pagbabayad sa bank charges at MA hehe.

Kahit sino sis sasakit talaga ang ulo sa mga bayarin, lilipat nalang tayo sa bahay daming mga problems pang maeecounter :( so sana manlang umayos ayos yung mga staffs.

Ok na yun sis na 8% yung interest rate na inoffer sainyo.  sa ibang bank kase talagang malaki.  sana sa amin mababa lang yung interest :) inonote ko lahat yang advises mo sa akin sis. Thanks Thanks talaga sis :)

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #82 on: January 22, 2014, 04:34:36 pm »
@dianna03 - nag start din pala kami ng bayad sa bank charges last Sept. 2013 kailangan kasi mabayaran mo before i-turn over sayo yung bahay. Meaning bago mo galawin yung bahay like paglalagay ng tiles, gate and fence etc. Iba pa yung move-in may process din sila dun. Akala ko dati kapag natapos na lilipat ka na lang ang dami pa palang mga requirements hehe...

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #83 on: January 22, 2014, 05:25:28 pm »
@grasyia sis yung bank charges installment sya talaga? o kaya lang naging installment dahil sa inabutan na ng end ng paying ng DP kayo dahil doon sa staff ni camella kaya kung baket sa RCBC lang kayo na approve at nag in-house kayo.

Yes sis yung sa move in process tanda ko mag babayad daw kami ng 3K for HOA fee bukod pa yung sa monthly dues pag nakatira na doon. Tapos 6,500 for water installation.  Sis magkano monthly dues nyo?
Sobra sis daming babayaran hehe .. ang daming hidden charges akala ko nga din sis after ng DP .. MA na yun pala dami pa. Nakatira na may bond pa nasaan ang katarungan hehe imbis na pambili nalang ng materials yung pera ayun nakabond.

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #84 on: January 22, 2014, 06:56:33 pm »
@dianna03 - pwede talaga installment sis. nasa 5k+ yung monthly namin for 6months yan na ata yung maximum na pwede installment. 500 ang HOA namin. Kasama sya sa water bill. Mahal ng tubig nila grabe this month 750 yung water bill namin wala pa yung HOA dun.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #85 on: January 22, 2014, 07:53:18 pm »
@grasyia mabuti naman at pwede ang installment sis, medyo may awa pa rin sila hehe.  Napakamahal nga ng singil nila sa tubig 750 eh dalawa lang kayo, dinaig pa nila yung maynilad, samantala kami lima sa bahay ang water bill namin nasa kulang kulang 300 lang monthly.  Naku makikita namin yan... kung over pricing sila sa paniningil ng water bill diba sabi ko pag naiturn over na sa amin yung bahay.. tapos ok na lahat lahat at umuuwi na kami doon sa subdivision, eh balak diba namin uuwi uwian lang namin every friday tapos luwas na kami sa manila ng sunday, so bale 3days 2nights kami doon, tapos makikita ko yung bill namin sobrang laki naku di puwede yun.

Sis ano sabi dyan sa subdivision nyo, inangal nyo na ba?

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #86 on: January 23, 2014, 10:16:45 am »
@dianna03 - pwede talaga installment sis. nasa 5k+ yung monthly namin for 6months yan na ata yung maximum na pwede installment. 500 ang HOA namin. Kasama sya sa water bill. Mahal ng tubig nila grabe this month 750 yung water bill namin wala pa yung HOA dun.

Sis, ang napakamahal ng tubig nila! Di ba deep well sa kanila?

Actually nabalita na sila sa Bayan Patroller eh. Sa Caloocan ata na Camella yun. Madumi kasi tubig nila. Ayun, sa Nawasa na daw sila kakabit ng tubig. Ewan ko lang kung natuloy yun.

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #87 on: January 23, 2014, 10:20:44 am »
Mahal talaga ang prime water compare sa iba. Nagulat nga din kami pero check namin this next month kung ano magiging bill namin.

Tama ka sis sexydee ang dumi ng tubig nila kakainis kulay dilaw yung tubig. Balak nga namin magpalagay ng filter ewan ko lang kung magiging effective. Yung kapitbahay namin nagka skin allergy sa balat buti na lang kami hindi naman.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #88 on: January 23, 2014, 10:31:01 am »
^sis grasyia, yung sa bank charges nyo one time lang nyo binayaran?
update lang sa insulator namin, after naming mag rage sa email pumayag na din ang mga taga camella. dapat pala all caps pag mag eemail sa kanila.  hehe.... sabi ng contractor tinawagan na daw nya office at sya na nagsabi na nagpapalagay kami ng insulator. hayss sana matapos na tong bahay namin, stress na ako eh imbes na maexcite.

@sis angellouise06 mabuti naman at pumayag na si contractor mo, relax ka lang sis malakas talaga maka-stress yung ganyan, kaya relax lang tayo dapat :)


@grasyia madilaw yung tubig nyo... di kaya may sira yung tubo? kaso pati yata kapitbahay mo madilaw din, di kaya may naghuhukay dyan sa may subdivision nyo para sa tubig at napapasukan ng lupa, kaya madilaw yung lumalabas sa gripo.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #89 on: January 23, 2014, 10:46:53 am »
Tama ka sis sexydee ang dumi ng tubig nila kakainis kulay dilaw yung tubig. Balak nga namin magpalagay ng filter ewan ko lang kung magiging effective. Yung kapitbahay namin nagka skin allergy sa balat buti na lang kami hindi naman.

Hala sis! Ganyan yung binalita sa nung Bayan Patroller (TV Patrol) eh. Yung mga bata nagkaka-skin allergy. Kaloka talaga Management na yan.

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #90 on: January 23, 2014, 11:24:58 am »
@dianna03 - deepwell kasi ang prime water sis. Kaya ganun medyo madilaw.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #91 on: January 23, 2014, 11:50:26 am »
@grasyia ah ganun ba, deepwell pero napakamahal nilang maningil daig pa ang nawasa.

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #92 on: January 27, 2014, 11:36:01 pm »
update lang mga sis, pumayag na ang camella regarding sa insulator namin. nakausap na din namin yung supplier ng roofing sinisingil kami ng 8K then 1k sa pagpapakabit. pumayag na kami para matapos na din yung usapan.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #93 on: January 28, 2014, 11:41:37 am »
update lang mga sis, pumayag na ang camella regarding sa insulator namin. nakausap na din namin yung supplier ng roofing sinisingil kami ng 8K then 1k sa pagpapakabit. pumayag na kami para matapos na din yung usapan.

Sis, 8k kasama materyales? Yung quote sa amin contractor, 20K daw lahat-lahat na. Nung kami ang nagprovide ng materials, 7K daw ang labor. So far, di pa kami  sinisingil sa labor.

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #94 on: January 28, 2014, 01:45:21 pm »
bale 9k lahat na yun. grabe ang mahal ng labor fee na sinisingil sayo. ano bang unit nyo? sa amin kasi carmela, baka mas malaki yung unit nyo.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #95 on: January 28, 2014, 02:01:38 pm »
@angellouise06 sis mabuti at pumayag :) ilang meter lahat nagamit sa insulator mo? double sided ba sya?

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #96 on: January 28, 2014, 02:18:37 pm »
hello mga sis! kamusta na kayo? ngayon lang ulit nakadalaw medyo busy kasi. na-miss ko mag rant dito about camella ha. hehe...

BTW, sa monthly dues natin mga sis, if gusto nyo bayaran ng 1 year na iask nyo if may discounted ba na one month. kasi sabi samin dun sa office kapag 1 year binayaran namin eh may discount na 500. pwede nadin kasi no choice naman tayo babayaran din naman natin yung 12months kahit monthly ang bayaran. so sayang din ang 500 discount :)

about sa AC, bago kayo magpabutas, inquire muna kayo sa bilihan ng mga AC. samin kasi, split type pinakabit namin mas mahina sya magconsume ng kuryente compared sa window type. tapos yung contractor na nung pinagbilhan namin ng AC ang nagbutas at nagkabit. kasama na lahat pati mga wirings etc inabot ng 4,500 tapos may 1 year warranty pa if magkaproblem tawag lang sa kanila. eh di mas oks db kesa pabutas sa camella or contractor as in butas lang yun ang pagkakatanda ko nung tinanong namin sa kanila.

back to work na kami ni hubby, namimiss ko na si Jade. hayyy ganun pala feeling kapag sayo na ang house parang anak mo nadin ang hirap iwanan kahit may mag aalaga naman.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #97 on: January 28, 2014, 02:29:05 pm »
@chedz.03 sis ask ko lang ilang square meter ng floor area at lot area ng jade mo? nakita ko yung pics ng house mo ang ganda at laki. ask ko lang sis mga magkano nagastos mo sa fence at gate mo?

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #98 on: January 28, 2014, 02:37:34 pm »
^hi sis- bale 126 yung lot area namin tapos 87 yata yung floor area. not sure if tama yung size ng floor area haha. sa fence at gate umabot din kami ng 100k sis. father ko lang gumawa ng fence then kumuha lang sya ng 3 tao katulong. tapos 2nd cousin ni hubby yung gumawa ng gate kaya mura din kahit paano nakuha.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #99 on: January 28, 2014, 02:53:36 pm »
sis chedz.03 kaya pala ang laki 126sq mtr pala sya.   Yung sa amin 110 sq mtr kaya ask ko sayo kung ilan para may idea na ako kung makakamagkano kami pag nagpagawa kami ng fence at gate pero matagal pa yun hehe di pa kase inuumpisahan yung bahay, nagbabayad palang kami ng DP.  Ok talaga sis pag may kilala kang marunong gumawa malaki ang masesave.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close