watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes? (Thread 2)  (Read 135245 times)

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #60 on: January 21, 2014, 01:34:13 pm »
@angellouise06 sis nabasa ako dito nakapagpalagay sila ng insulator sa contractor nila... pero may bayad pagpapakabit nila.

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #61 on: January 21, 2014, 04:02:59 pm »
^naku sis ayaw na nga sagutin ni contractor tawag ni mister. kanina tako na tumawag kay contractor sa wakas sumagot! ichecheck nya dawvkung magkano need naming bayaran sana mag tuloy na to at ayaw ko na makipagtalo pa sa camella. nahihighblood na ako sa kanila.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #62 on: January 21, 2014, 05:10:38 pm »
ay tama nga sis angellouise pumapayag sila pag may bayad na. pag wala ayaw nila. kunwari lang yun na ayaw pero titignan kunwari pero payag na yan kase may bayad na hehe .. mabuti na rin yun para sabay na sa paggawa ng house nyo para pag natapos na wala na kayong iintindihin.   Kami naman gusto din namin pabago yung mga tiles... para kagaya ng sinabi ko para wala ng iintindihin pag nag move in na.. less na yung tiles sa mga iintindihin.

Sis yung sa aircon may nakaabang na ba sainyong butas? Magkano kaya pag kay contractor nagpabutas...? Isa pa pala sis yung shower nila di namin type kase nakapasok yung tubo ng shower.. baket kaya ganun.. sana yung pinaka shower nya nakakabit lang sa faucet ng cr. para pag nasira madali lang palitan. eh yung shower nila pag nasira yung shower head mapapalitan pa kaya yun?

Sis yung palang mga PVC lahat na kinabit nila ok naman ba? hindi ba sya substandard? yung iba daw kase barado na daw kaagad.

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #63 on: January 21, 2014, 06:34:24 pm »
yung sa ac sis malamang magpa  split type na lang kami, kasi late na may wall na yung 2nd floor namin, carmela nga pala unit namin. yung mga pvc sis nakita ko naman yung standard naman na orange ok naman daw sabi ng brother ko. yung tiles namin sa cr para wala ng usapan hayaan na lang naming ikabit nila then kami na lang papatanggal super stress na kasi kami ayaw ko na makipagusap. pero kung mahihilot ko pa sa contractor di mas maganda mapapalitan na. yung mga fixtures sis saka ka na magpalit after movein madali namang mapalitan yun.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #64 on: January 21, 2014, 07:03:54 pm »
sis angellouise mabuti at standard yung pvc.  Kami din baka ganyan na gawin namin hayaan nalang ikabit yung tiles pero itatry pa din namin mag submit ng request letter for alteration, titignan namin kung papayag.   

Kainis talaga yung ganun sis di manlang ina advise ang buyer na uumpisahan na pala ang pagconstruct.   Ako nga eh nagulat ako, na may case palang di ka pa tapos sa DP nag uumpisa na sa pag gawa ng bahay.  Syempre lahat tayo gusto natin makita at maumpisahan yung paggawa ng bahay.  Sino ba hindi diba?  Sana manlang naiisip nila yun...

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #65 on: January 21, 2014, 08:17:40 pm »
yung tiles ng living room na approve na di namin ipapalagay, pero yung s cr naku talagang ayaw. sana ok kausap yung contractor nyo para di kayo ma hassle. actually ok naman yung tiles na ilalagay nila kaso ayaw ko lang yung kulay saka mas gusto ko yung granite. basta yung insulator na lang yung ipipilit kong ipalagay.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #66 on: January 21, 2014, 08:23:18 pm »
sis talaga na approve sya.. may bayad ba yung labor sa pagkabit ng tiles sa living room? magkano? para naman pag ako nagpakabit din eh mapaghandaan yung magagastos, may idea na ako kung magkano yung labor.  Sis magkano nagastos mo sa insulator? at magkano labor fee nila?

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #67 on: January 21, 2014, 08:32:23 pm »
ipapa rough finish na lang namin then after turnover saka namin ipapakabit sa iba. wala pa din akong idea kung magkano, yung insulator bukas ko pa malalaman kasi dun na lang din kami sa contractor kukuha kahit na alam kong may cut sya dun sige na lang para na lang din mapapayag namin.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #68 on: January 21, 2014, 08:43:01 pm »
Sis tama nga ganun na nga lang gawin nyo si contractor nalang ang mag provide ng insulator para pumayag na.. di naman siguro kalakihan yung cut nya at less hassle din sa pagbili ng insulator mabigat din kase yata yun.  Ilang metro kaya ang magagamit sa carmela mo? sa akin drina.

Tom papatawagan ko hubby ko sa camella ofc para itanong yung account officer namin para mafollow-up namin kung kailan ang construction ng bahay.  Si agent di pa kase nasagot sa pm ko kung sino account officer namin.

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #69 on: January 21, 2014, 09:20:04 pm »
wala pa akong idea sa sukat sis eh. naka ilang months na ba kayo na dp? mas ok nga kung alamin nyo agad kung sino yung account officer na assigned sa nyo or minsan ivisit nyo din yung site pag medyo malapit na kayong mag 10%. Based kasi sa explanation ng technical officer sa amin, pag naka 10% na daw tapos bank financing pinapa start na nila yung construction para daw di sila madelay.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #70 on: January 21, 2014, 09:43:45 pm »
sis naka 1st DP palang kami :) pero eto medyo excited :) na alamin kung kailan uumpisahan. want namin maumpisahan at kung ok ang paggawa, bank financing kami sis. 


angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #71 on: January 21, 2014, 09:55:06 pm »
ganyan din naman ako last year. 15% dp kasi nakuha namin sa promo. basta bantayan nyo na lang maige lalo na pag malapit na kayo sa 10%.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #72 on: January 21, 2014, 10:08:23 pm »
yes sis palagi namin ipafollow-up hanggang sa makulitan sa amin :D at sana sis ok silang kausap at walang pasaway hehe ... tnx sis sa mga advice :)

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #73 on: January 22, 2014, 10:21:57 am »
@dianna03 - Before kayo kumuha ng permit sa munisipyo dapat may layout na kayo nung gate and fence nyo. and mga biodata ng workers with picture. Tapos based dun sa layout nyo tsaka sila magsasabi kung magkano ang babayaran. Pero mura lang naman yung binayaran namin P500 kung hindi ako nagkakamali. Si hubby kasi nag ayos lahat ng documents.

Yes sis sa cerritos heights daang hari kami approximately 10-15mins papuntang alabang. I work sa ortigas yung byahe ko 1hr lang papasok then pauwi naman mga 1hr and 30 minutes. Shuttle van sinasakyan ko kaya okay naman na hindi ka na din pagod sa byahe. Pasok ko 10am - 7pm.

Ngayon medyo mahal na yung mga bahay pero nakuha namin yung carmela P2.3M that time. Last December kami lumipat 1 month pa lang kami. Laking adjustment first few weeks pero ngayon i think okay na ako hehe..

Dati din nung tumingin kami sa cerritos heights wala pang masyadong bahay at road. Nung lumipat kami may clubhouse, convenient store and yung ibang amenities. Mabilis lang yan sis paglipat nyo magugulat ka dami na din bahay dyan. hehe...


dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #74 on: January 22, 2014, 11:15:46 am »
@grasyia thank you sis. ok din ang camella ok sa higpit hehe... pero maganda na rin yun kase hindi mga taga doon yung gagawa ng mga ipapaayos. Eh sis halimbawa naman kung hindi fence ang gate yung ipapagawa like tiles sa cr, living room, wall painting at paglalagay ng screen door as in for finishing na... need pa ng biodata ng workers?

Grabe sis laki ng tinaas ng carmela unit ngayon sa cerritos heights 4.8M sobra... working mom ka pala :) ilan na kids mo sis? ako nasa house lang, nagdecide na magresign nung 3yo baby ko kaya eto nasanay na palagi nasa house.  Pero nung time na nagresign ako talagang hirap mag adjust hinahanap hanap ko yung everyday na aalis ka ng house tagal ng adjustment ko nun, halos after ko ihatid bunso ko s school, aalis kami para lang gumala hehe pero eto nasanay na din na nasa bahay palagi.

Sis nung pumunta kami ng alabang ofc nag bus kami nun eh bilis ng byahe,sa skyway dumaan kaya mabilis from crossing edsa. nagpay kami nung 1st DP namin, yung next pina PDC na namin. Sis ganun din ba kayo PDC? ask ko sis pag PDC diba ibibigay sayo provisional rcpt lang na katunayan na received nila yung 11 pieces na PDC .. sis question ko paano yung official rcpt para sa mga PDC na binigay namin, bibigyan din ba kami ng camella? katunayan na nagbabayad kami monthly ng DP sa kanila.  Kanino kaya puwedeng alamin yun sa account officer ba namin? want kase namin na kahit PDC sya merong kaming proof na nagbabayad sa kanila monthly.

Kakalipat nyo palang pala dyan sa house nyo.  Ok at dyan na kayo nag christmas at new year :) Di bale sis adjust adjust lang masasanay din tayo.  Malamang pag nagawa na yung house namin ganyan din kami mag aadjust din.  Pero sis malamang uuwian uwian lang namin sya pag friday.  Elementary na kase yung bunso ko mag grade 6 na, niloloko nga namin na pag nagawa yung bahay doon na sya mag aaral ng high schl sa dasmarinas.  Ayaw nya gusto nya dito pa rin sa pasig :) yung dalawa ko pang anak naman college na kaya dito pa rin sila mag aaral.  Kaya ganun na mangyayari uuwi uwian nalang namin yung bahay pag friday tapos sunday luwas kami ng manila. O kaya naman pag bakasyon ng mga bata doon kami magstay sa dasma island.

Sis mukhang walang swimming pool sa camella dasma island wala sa amenities nila.  Pero sana magkaroon :) kase mga bata ngayon hanap yung pool hehe lalo na pag bakasyon.

Sana nga sis maumpisahan na yung house namin hehe excited... pero hindi ako excited sa headache sana matitino silang kausap :) Want ko nga bisitahin yung place baka mamaya ginagawa na yung bahay, ayaw ni hubby at wala pa naman daw. sabi ko nga baka mamaya magulat tayo inuumpisahan na hehe


grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #75 on: January 22, 2014, 12:12:24 pm »
@dianna03 - I think sis need pa. Kasi may ID sila for workers eh. Except lang kung kayo kayo lang ang gagawa. Like yung father-in-law ko sya na yung gumagawa ng mga cabinets namin sa room hindi na kami kumuha ng ID sa kanya hehe...

Wala pa kami baby sis. Hopefully magkaroon na this year ;D kaya hindi ko pa problem ang time pero siguro kapag nagkababy na din kami baka magresign na din ako. Ayoko kasi na yaya lang ang magbabantay sa baby namin.

Mabilis lang talaga byahe ang nagpapahirap lang naman sa ating mga commuters eh yung mga bus na masyadong ma-pick-up ng pasahero lalo na kapag weekdays. Dati bus ako sis kaso naiinip ako lately kaya decided ako mag-van na lang C5 yung daan nya at hindi masyado tagtag sa byahe.

Kukunin mo sa alabang office yung official receipt sis. Ginagawa namin pinapakuha namin sa agent namin yung receipt then kinukuha namin sa may crossing shaw sales office nila. Then sa kanya din namin nalaman kung sino ang account officer namin. Good thing mabait yung sales agent namin hindi kami iniwan hanggang sa ma turn-over yung bahay sa amin. Kapag may problem kami sa mga account officer sa kanya kami nakikipagusap then sya na yung mag aayos sa main office.

Naku sis i-mind set mo na ang sarili mo kasi talagang sasakit at sasakit ang ulo mo sa pakikipagusap sa kanila. Alam mo ba na sa sales agent pa namin nalaman na nagstart na yung house construction. Yung account officer laging pinipilit na hindi pa nauumpisahan at hintay hintay lang kami. Nung sinabihan kami ng agent namin nasa 10% na yung bahay. 

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #76 on: January 22, 2014, 12:52:11 pm »
@grasyia ah ok basta hindi taga doon need ng ID except lang kung kamag-anak hehe. Tama ka sis hirap pag yaya lang nag aalaga sa baby lalo na ngayon mahirap ipagkatiwala sa iba.  Ok yan may bahay na kayo tapos baby naman :)

C5 pala daan mo. korek ka sis dali lang byahe pag C5 ang daan. oo sis tama ka grabe sila pumick up ng mga pasahero nakakainip nga nung pumunta kami ng Alabang at pag-uwi grabe tagal umalis ng bus.

Mabuti nalang Ok din si agent ko, kase nung tinanong ko sya kanino namin malalaman kung kailan gagawin ang bahay... sabi nya sya daw magsasabi sa amin.  Pero tinanong ko sya last day about sa account officer namin kung sino... until now wala pang reply sa PM ko sa kanya, baka busy at pagod din sa tripping.  Pero magmimeet kami sa sunday sa MOA kunin namin kase xerox nung makapal na puti yung pinirmahan natin back to back CTS ba yun...  gusto ni hubby na may xerox bago pa maipass sa bank at sa camella.  Sis kailan kayo nag pass ng requirements nyo sa camella? yung standard requirements at yung buyer's requirements...  ITR, cert. of employment, payslips? kase kami nung nagbayad kami ng 1st DP binigay na namin sa agent namin.  Eh kase sabi within 30days kaya binigay na namin.  Paano yun sis hindi na sya updated like yung ITR, ITR ni hubby last year pa yun at yung payslips na last 3 months noong sept to dec pa yung pinass namin.  Eh di ba after pa ng DP nila aasikasuhin yung housing loan sa bank, kaya hindi na updated yung mga pinass naming requirements pati cedula2013 pa yun.  Kaya sabihin ko sa hubby ko pag malapit na matapos ang DP magpass sya ulit ng requirements baka kase maghanap ng panibago, dec 2014 pa tapos ng DP namin, malamang by oct papaayos ko na sa kanya yung requirements. Kung ganun nga ... kung halimbawa manghingi ulit sila ng panibagong ITR cert. of employment, payslips at cedula. 

Regarding sa house construction, 10% na gawa sa bahay nung nalaman nyo.  Pasaway si account officer.  Naku po sana yung amin huwag syang ganun... kaya dapat si agent nalang ang kulitin at para siya ang mangulit kay account officer hehe.. 



grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #77 on: January 22, 2014, 01:55:22 pm »
@diana03 - Kaibiganin mo yung agent mo sis para kapag may problem kayo pwede nyo sya lapitan. Magugulo kausap ang mga account officer sa dami din siguro ng hawak nilang cliente hindi mo din minsan masisisi.

Regarding sa mga documents like ITR and payslips, mag susubmit kayo ulit nyan sis. Kung december 2014 kayo matatapos sa DP asikasuhin nyo na ulit yung mga documents by october or november kasi hihingi na sila nyan para naman yun sa bank. Tapos sis advice ko lang sa inyo dapat kung may gusto kayo na bank kulitin nyo na sila kasi dyan kami nag ka-problem dati. Natapos kami ng Downpayment ng November 2012 nagpass kami ng 2nd batch of documents para sa bank last October 2012. Then na-approve kami sa rcbc December 5. Syempre as a buyer naghahanap kami ng other option na bank. Sabi ng account officer namin hintayin lang namin yung feedback ng ibang bank para may pagpilian kami. Ang nangyari umabot na ng January 2013 wala kaming natatanggap na feedback from our account officer. Tapos nung nag follow-up ako ang binigay pa din nilang bank eh rcbc. Dyan na talaga kumulo dugo ko. Kasi kapag wala ka pang bank na napipili automatic magiging in-house financing ka muna sa camella. Granted na ganun na nga ang set-up, ang question ko lang sa kanila kung saan mapupunta yung mga ibabayad ko sa in-house nila... ang sagot sa akin ng officer nila ibabayad din daw yun sa bank kapag may napili na kami.

Then, nung mag-end of January 2013 aba wala pa din silang feedback sa akin kung may iba pa akong bank na napprove or wala na. Ang laging sinasabi sa akin on process pa. Tapos bigla nila akong sasabihan na yung binabayad ko sa in-house eh sa kanila yun at hindi sa banko. Hay naku kumulo talaga dugo ko dun eh syempre parang additional bayad yun para sa amin hindi naman biro ang magbayad ng ganung kalaking halaga. Kaya na push kami na kunin na yung RCBC. Sabi ni RCBC wag na daw kami magbayad kay camella sila na daw kasi magbabayad sa kanila in-full. So meaning okay na yung loan namin.

Eto pa sis nung naniningil na ang camella ng bank charges (bank charges will be shouldered muna ni camella para ma release yung loan mo then payable to 6months) umabot ng 60k+ yung dapat namin bayaran. So tawag kami ngayon kay rcbc ang sabi si camella na daw ang mag-eexplain. Then ang sabi ni camella hindi daw kami nagbayad sa kanila kaya isinama yung months na hindi namin pagbayad. Hay naku sis ang gulo talaga nung time na yan muntikan na akong sumugod sa camella office sa alabang that time. Ginawa ko nagpalipat ako ng ibang account officer at kinuwento ko whole details then pina-recompute ko yung total bank charges. Ayun nag down to 31k+ and yun naman talaga ang sinabi ni rcbc sa amin.

Kaya lahat ng conversation nyo sis dapat naka black and white para kapag may problem na dumating may iprepresent kayo sa kanila.


angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #78 on: January 22, 2014, 02:24:07 pm »
^sis grasyia, yung sa bank charges nyo one time lang nyo binayaran?
update lang sa insulator namin, after naming mag rage sa email pumayag na din ang mga taga camella. dapat pala all caps pag mag eemail sa kanila.  hehe.... sabi ng contractor tinawagan na daw nya office at sya na nagsabi na nagpapalagay kami ng insulator. hayss sana matapos na tong bahay namin, stress na ako eh imbes na maexcite.

dianna03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes? (Thread 2)
« Reply #79 on: January 22, 2014, 02:59:39 pm »
@grasyia sis grabe sobra naman si camella mali nga sila hindi naman tama yung ganun kada hingi nila gusto palaging may ibibigay.  ok lang kung tama yung paniningil nila ng amount imagine 60K mabuti nalang sis naayos mo at nangalahati yung binayaran mo.

Yes sis sana nga ok agent ko at hindi makulitan sa akin tingin ko naman ok sya pag kinakausap namin. Dapat malayo palang ang downpayment matapos.. inaayos na nila yung sa bangko, kase kagaya nung case nyo RCBC lang ang naapprove na application sa bank, eh ang dami dami nung mga finill up pan natin, tapos isa lang ang na approve sino pagpipilian doon eh isa lang sumagot sa housing loan,  tapos kung sino pa yung malaki ang interest rate sya pa itong naunang nag approve... tindi naman.  Nag search nga ako 1st year palang ng interest sa RCBC bank 10% na tapos yung sumunod na interest ay 12% na, napakalaki sobra talaga. Kaya nga tayo umuutang para makaluwag luwag, kaso naman sa ginagawa nila nilulubog tayo, mukhang ayaw nila mabayaran ni loaner yung pagkakautang nya sa bank. sobra! Alam naman nila pag in-house financing ay napakalaki ng binabayaran.  Kahit silang mga officer eh ayaw nila mangyari sa kanila yun.  Dapat naiisip nila yun, o sadya lang walang mga pakialam, alam lang magcompute at maningil ng maningil.

Sis tatandaan ko yung mga advices mo sa akin.  Si hubby walang time para magresearch sa mga ganito, kaya ako nalang gumagawa ng paraan para magkaroon kami ng idea pagdumating na kami sa status ng pagloloan sa bank. Ito nga sis kinocompare ko yung mga fixed interest rate ng mga bank.  PSbank ang baba ng fixed interest nila, kaso hindi naman yata ka tie-up ni camella ang PSBank.

Sis yung sinasabi mong bank charges na inabonohan ni camella muna yan ba yung mga babayaran prior to release the loan... Handling fee, Notarial fee, Registration Fee, Document stamps fee, MRI at fire insurace? kinumpute ko yung amin sa kunwari sa BDO nasa 36K na wala pa yung Registration Fee at Fire insurance.  Tapos yung processing fee outside metro manila 4K, di lang headache sa mga staffs na ma eencounter natin pati sa mga bayarin, sobra!

Ganun sis gagawin namin kada kausap sa kanila dapat may proof palagi para may ipapakita kaming evidence.  Gusto ko nga palagi palaging may xerox yung binibigay sa amin.  Kulang nalang ivideo sila pag kinakausap hehe

 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close