^in the end naghiwalay rin kayo sis? Sayang naman at hindi naayos kasi hindi biro yung 10 yrs talaga noh? Binalikan nya ba ang mistress nya?
Oo. at hindi ako nanghihinayang. Winish ko nalang sana mas maaga ako natauhan. Hindi lang yun 10 years, it was like 20+ years together. One lesson learned kasi - in a relationship, kahit gaano katagal na kayo, never ka dapat manghinayang kung miserable talaga ang buhay mo. Syempre worried ako nung maghihiwalay na kami, pero he gave me no choice. Nalaman ko na may pangalawang anak na sya, at talagang dream siguro nya maging parang Estrada or Lucio Tan. So sabi ko never mind. Mamatay talaga ako ng maaga sa kunsumisyon.
When I left him, takot pako, kasi di ako sanay nang mag isa. Growing years ko ba naman as a teen (14yo) sya na lagi ang takbuhan ko, tapos eto ako medyo may edad na, starting all over again. One of the biggest decisions I made in my life, but so far, never ako nagsisi, and super nagpapasalamat pako that God gave me the courage and let me see things clearly.
Nung nag break kami actually nung nagka ayos na kami eh inalok nya ako if gusto ko na daw ba magpakasal pero tinanggihan ko muna kasi alam ko na dipa sya ready.
What is it with men? Bakit di sila marunong mag isip kung ready na sila o hindi? Hindi pa nga sila ganun ka mature siguro. Ipa attend-an mo ng mga relationship seminars para matuto how to nurture and care of his relationship with you.
Pero mahal ko talaga bf ko,
Mahal mo ba ang sarili mo to subject yourself to wait and trust again.
Pero another lesson in love - basta mahal ka ng guy at willing sya mag effort, you can still rebuild your relationship. Yung totoong mahal ha, hindi sa salita lang. I think this is what makes all the difference. Yung ex ko kasi di naman nag eeffort. So talagang dapat lang hiwalayan. If your guy is making efforts, baka worth giving him a chance.
Btw im 3 yrs older than my bf. nalungkot ako nung time kasi 31 na ako at for sure eh mahihirapan akong makahanap ng new relationship kasi sobrang pihikan ako at baka hanapin ko yung ugali nya sa iba na mabait at maalaga at gwapo pa kahit 1 dekada na kami.
Nung nags struggle ako sa marriage ko, ang unang iniisip ko din na, I don't think I would be capable to love anyone else din naman. Since I am not after looking for another partner, might as well stick around. Pero kakaiba din kasi ang ex ko, hindi naman tumigil. Walang remorse. Yes apologies and I love yous were given pero hanggang salita lang.
Sa bandang huli, hindi ko din nga kinaya. Sobra na kasi. Pinagbigyan ko na sila when they had a child. Tapos masusundan pa ng next. Wala naraw sila, pero actually meron pa.
So after namin maghiwalay, I was so bitter. Talagang galit ako sa mundo and just focused on my work and development of my kids and myself. It was after 2-3 years when I started dating again. Dun ko nafeel na maging teenager ulit, discovering about myself that I did not know about (my likes/dislikes), and getting to know more about the opposite gender. Late bloomer ikanga. Then 2 years later heto ako, may BF nako. Capable din pala ma inlove pako ulit and I feel so blessed around him kasi I could never ask for anything more - he is sobrang maalalahanin. Kapag may nasabi ako na sad ako dahil sa nasabi nya, pero kako wala yun it's just me - lagi nya imake sure na hindi ako sad, etc. We have so many things in common, we love dogs (my ex hated kaya wala kaming aso before sa bahay), we love sports, we love travelling, we love discussing about current events, we love board games, we dont like watching TV as much, etc. and most of all, he brought me and my kids closer to God. I can go on and on but tuwing naiisip ko ito sobra akong nagpapasalamat kay Lord for giving me another chance to love and to feel so much loved. Nung nag uumpisa palang nga kami sa relationship namin, iniisip ko na kahit hindi kami magtagal, I am just so thankful na nameet ko sya, that such men do exist. He gave my life a total new meaning. Kahit hindi sya maging partner ko for life, I know I am still capable of loving and being loved, despite my broken marriage.