New year na new year, nakipag-break ako sa bf ko.

Kaninang madaling araw kasi, kasama namin mga friends niya. Tapos nakita nung isa yung picture ng isang girl sa FB na dating nililigawan ng bf ko. Sabi niya, "Nag polka dots din sila (name ng girl) o." Hindi nila kilala personally yung girl, pero ako kilala ko.
May nagtanong kung sino yun. So sumagot yung isa na bestfriend daw yun ng BF ko.
Sobrang nainis ako. No, wait. GALIT ako. Dahil mag
[textspeak!]-new year, eh I acted okay at first pa. Then kaninang umaga lang ako nakipag-break at sinabi ko punong-puno na ako sa kanya.
He asked me kung ano ba raw kung bestfriend niya nga yun. Bakit daw galit ako.
----So... ito kasi ang history niyan bakit ako nagalit:
Dati di ko naman pinagseselosan yung girl kasi friend ko din naman yun. Pero nung naging kami ni bf, parang napag-usapan namin at binaggit ko na crush niya yun. Todo deny siya. Nainis ako kasi alam naman ng lahat ng nakakakilala sa amin na crush niya nga yun. Naiinis kasi ako tuwing may dine-deny siya. Parang may kasalanang tinatago. Simula noon, lagi na naming napapag-awayan yun.
Then we broke up (hindi yun ang main reason) tapos niligawan niya yung girl. May gusto din sa kanya yung girl pero gusto muna maka-graduate sa college kaya pinaghintay muna siya. After two years, nagkabalikan kami at huminto siya sa panliligaw sa girl.
Then may nabasa akong chat nila ng friend nung girl. He compared me to the girl! As in sobrang sakit lang kasi nasa positive light yung girl, tapos ako yung masama dun sa pag-compare niyang yun.
Then last summer, alam niya namang pinagseselosan ko na talaga yung girl at marami na kaming major fights dahil doon, pero nang umuwi siya sa probinsiya namin (kung nasaan yung girl) eh nalaman ko nagtetext na pala sila ulit!
Tuwing napapag-usapan namin yung girl... he's claiming na friend niya lang. Kagabi ko lang nalaman na ang pakilala pala niya sa friends niya ay bestfriend niya yun.
----At ito pang isang history namin kaya galit ako:
I can't trust him with MY own bestfriend. Kasi dati nilandi niya bestfriend ko kahit di niya nga kilala ng lubusan yun. Eh ano pa kaya yung sarili niyang bestfriend na sobrang ina-adore niya (eh kinompara pa nga kami)... And anyway, di lang siya ang laging nagko-kompara sa amin. Halos lahat ng kakilala namin kino-kompara kami. Ewan ko ba kung bakit!
So... ayun at napuno na ako ngayon.
Dahil tinanong niya ako kung ano nga ba daw ang masama kung bestfriend niya yun... napag-isip ko kung tama nga ba talaga ginawa kong makipag-hiwalay na at hindi lang ako nagiging OA.
Sana may sasagot sa inyo mga sis. Thanks!