watch now

Author Topic: Skin White Solutions products  (Read 63264 times)

accalia

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #120 on: November 30, 2014, 11:45:59 am »
^Wow, the worst customer service. Sila na nga ang nagkamali, sila pa ang may ganang magmatigas. Naipagkalat ko na sa mga kakilala ko yung experience ko dito sa SWS, at total boycott na kami. And to anyone in the future who would seek my opinion regarding ordering with SWS will be hearing the same story I shared with you here.

Edit: Ginagamit ko yung 10-in-1 soap, talaga bang hindi consistent ang texture? May magaspang na surface? Too early to tell kung may whitening effect, pero ang immediate effect, nag-dry ang skin ko. The kind of dryness that does not go away even after lotion application. Hated the feeling.
« Last Edit: November 30, 2014, 11:58:52 am by accalia »

rave21lala

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #121 on: November 30, 2014, 05:45:32 pm »
share ko rin experience ko sa pag-order ko sa kanila. nag-order ako ng afternoon, tinanong ko na din agad yung bank account number nila para makapunta na ko agad ng BPI kaso ang tagal magreply kaya di rin ako nakapagbayad the same day. tapos kinabukasan before cut-off time, nagbayad na agad ako and nagtext ako na ok na yung payment and sinend ko na yung pic ng deposit slip sa FB nila. nagreply naman ng ok daw and check na lang niya. so buong akala ko pinadeliver na nila the same day, nagtext sa akin around 3pm. di daw nila nasend yung order ko kasi out of stock yung 10-in-1 soap nila pero promise daw send na nila kinabuksan and may freebies din. so sabi ko na lang ok kasi la naman na ko magagawa pero sana sinabi niya agad na wala pala silang soap bilang the day before pa ko nag-order, siguro naman alam niyang wala silang soap diba? tapos eto na, nung dumating naman sa akin yung order ko, medyo tunaw na yung kojic soap. nagkalat pa sa packaging, pati yung mga bote ng toner at container ng cream may mga sabon. nung kinuha ko yung kojic soap, di pala maayos yung pagkabalot. binalot siya sa plastic pero hindi nilagyan ng tape, yung dalawang ends talagang nkaopen pa. baka di na rin ako umorder sa kanila, tinigil ko na rin yung paggamit ng rejuv set nila dahil lalo lang ako nagkapimple.

yijiheon

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #122 on: November 30, 2014, 05:57:34 pm »
agree ako sa mabagal magreply pero iniisip ko na lang baka madaming nagiinquire. yung ibang ig sellers din kasi mabagal sumagot. pero kapag sila na nagkamali sa products at palpak ang customer service ibang usapan na yun.

sis accalia, sakin naman ok lang ang texture ng soap. wala naman magaspang and di naman drying sa skin ko (naglolotion ako after).

sweetieping

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #123 on: November 30, 2014, 06:48:42 pm »
ako din, so far the only downside lang talaga is the packaging but their products, lahat ng natry ko wala akong reklamo. effective talaga for me and sa mga friends and family ko.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #124 on: November 30, 2014, 07:14:34 pm »
I feel your rants mga sis. Ganyan din naexperience ko sa nylydal. Sa mismong main pa ko umorder pinaabot ko pa ng 3k order ko kasi sabi may free bareta soap haha pagdating saken excite na excite ako magopen. Boom! Hotel cut free soap ko. Kaya kahit bet ko products nila will never order again. Usually sa resellers ako umoorder pero dahil sa promo nila sa main ako bumili. They just don't know how to take good care of their loyal customer.

kukii

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #125 on: December 01, 2014, 09:32:47 am »
Kaloka yung rejuv set nila nagkaron ako ng pimples galore as in yung type na hindi ka na lalabas ng bahay sa dami. Yung una kong order okay naman pero etong 2nd purchase at naghoard pa naman ako di na effective parang nagchange ata ng formula? Hay sayang talaga pera. Will never order again, customer service suck! And mahal pa ng shipping fee e samantalang pag sa Xend Php 99.00  (http://beta.xend.com.ph/rates/) lang yun pinatungan pa ng 51 kalurkey talaga!!!

gabriel kate

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #126 on: December 01, 2014, 11:11:31 am »
ok naman ang service nila sakin.so far so good.i texted them at bago na yata ang assistant nila.kaya parang nagcocope up pa.but theres no problem about it because they ensure they reply properly kahit na matagal sila magresponce .alam ko naman kasi na im not the only one na umoorder sa kanila.so i just understand them :)  :-*and i really love their products.since i met sws hindi nako gumamit ng other products.hiyang kasi ang balat ko dito and it makes me more tee hee!

Im sure sometimes nagkukulang sila at nagkakamali,pero bumabawi rin naman sila.siguro nga nasa coping up level pa sila ngayon kasi nawalan daw sila ng assistant.so i still encourage you to try their products and give them another chance.
Love ko din pag nagpopromo sila.they are so generous ..more power sws  :-* ;)

accalia

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #127 on: December 01, 2014, 12:22:38 pm »
tapos eto na, nung dumating naman sa akin yung order ko, medyo tunaw na yung kojic soap. nagkalat pa sa packaging, pati yung mga bote ng toner at container ng cream may mga sabon. nung kinuha ko yung kojic soap, di pala maayos yung pagkabalot. binalot siya sa plastic pero hindi nilagyan ng tape, yung dalawang ends talagang nkaopen pa. baka di na rin ako umorder sa kanila, tinigil ko na rin yung paggamit ng rejuv set nila dahil lalo lang ako nagkapimple.

Nakakalungkot naman yung nangyari sa'yo. While I was reading through your post, I hoped na sana satisfied ka at least sa purchases mo.. My sympathies. :(

I will NOT be ordering from SWS again simply because if they or Xend, JRS, etc. make a mistake they should treat their customers better and see to it na satisfied ang customers nila not only from the ordering process but also until after sales.

Hindi naman tayo bago sa online shopping. Kapag may issue ako sa sellers, whether due to their fault or something else, they really try to make up for what happened once na ininform mo sila. They offer moneyback kapag hindi dumating yung item within a set period, etc. Kaya bumabalik-balik ako sa kanila kahit medyo hassle ang experience nung una. Pinili ng SWS na magtinda through online so dapat alam nila ang risks associated with it and to make sure that they minimize such risks. Una na dapat na iniimprove nila ay yung packaging, it's the most basic thing para naman dumating in good condition yung mga orders natin. Sino ba namang buyer ang gustong maka-receive ng damaged goods?

Simple lang naman ang kalakaran, online man o hindi ang business, kapag hindi satisfied ang customers, hindi sila babalik sa'yo.

@Sis yijiheon, kung ganun, parang hindi yata consistent ang produkto nila? Nagulat lang ako dahil habang pinapahid ko nang direkta yung sabon sa braso ko, ang gaspang ng contact sa isang side, pero sa kabilang banda, hindi naman. Ang weird.

@Sis kukii, oh my gosh, I'm so sorry to hear that. :( Mukhang di ka hiyang this time around. Nag-subside na ba yung pimples mo?

@Sis sassy_gal18: Thanks for sharing! Di pala ako nag-iisa. Ganyan din ang feeling ko habang binubuksan ko yung delivery ko ng SWS. Super excited ako nun tapos bumagsak talaga yung panga ko nung makita ko yung order ko. May mga sellers na kumbaga ang grade ng services, needs improvement pa talaga. Kaya iwas muna ako sa mga ganung klase.

kukii

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #128 on: December 01, 2014, 12:54:13 pm »
^Medyo nagsubside na gumamit na ko (sorry kung OT) Kiehl's it doesn't matter kung super pricey I've realized na dapat talaga maginvest sa skincare. Hindi na ko oorder sa SWS ever. Naexperience ko din yung maghulog sa bank morning para same day delivery pero hindi sila nagcoconfirm kung natanggap na nila payment halos tawagan ko pa and iflood ng message because 9 hours wala pa din reply so hindi ko tuloy sure kung nagkamali ako ng account number or natanggap ba nila. Nagreply kinabukasan na at sabi hindi daw mahahabol sa araw na yun ang delivery WTF? E nagbayad na ko ng morning the day before they even replied to me. Kakaloka! Tapos yun nga bale 3 days pa ko nagintay bago ko natanggap, sana di na ko umeffort magundertime sa work no? Kung ganon din pala. Tapos dumating pa sakin medyo tumapon pa yung toner, kalurkey lang! Kinausap ko naman sila pero sinisi niya pa yung isa niyang staff na kesyo wala daw yung pang morning na tao niya, problema ko ba yun? Pero pinalampas ko nalang kasi sa isip ko "Oks lang effective naman products nila sayo". Kaso biglang hindi pa effective sakin yung products nitong second time na order ko sakanila. Nakakainis ng sobra haaaay.

zipporahkate

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #129 on: December 01, 2014, 05:39:12 pm »
Ako din sobra inis ko sa sws nung pinapatanong ko lang kung pwede bawasan yung presyo nung rejuv cream na 250 pesos!!  Imagine 380 pesos lang yung set! Eh sila nga yung nagkamali, pano magagamit yung rejuv set diba.. alangan naman bilin ko ulit isang set eh di ganon din. dapat nga for free na lang dahil fault nila yun eh. Napakadami ko na binili sa kanila, twice or thrice pa kung magpurchase ako sa kanila kada buwan, tapos wala lang.Kung diko lang gusto yung product nila eh, pinanindigan ko na pagtatampo ko.
« Last Edit: December 01, 2014, 09:53:36 pm by zipporahkate »

yijiheon

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #130 on: December 01, 2014, 06:49:10 pm »
sis accalia, 2 bars lang binili ko na 10in1 and both smooth naman texture. sana pagbili ko next time same pa din. ako ang di ko lang type yung rejuv set talaga dahil sangkatutak na pimples inabot ko dun at til now ang dami kong dark spots sa face. pero yung 10in1 soap and lotion eh type ko. yung ang irereorder ko pa din pero namamahalan lang ako talaga sa lotion. 19days lang tumagal sakin yun 120ml at once a day ko lang gamit.

rave21lala

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #131 on: December 01, 2014, 09:15:30 pm »
yung 10-in-1 soap ko rin may magaspang.

zipporahkate

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #132 on: December 01, 2014, 09:52:28 pm »
Sis @accalia, pinasesend ng sws contacts nung mga di nabigyan ng freebies.. isesemd daw nila and will shoulder the shipping fee.

accalia

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #133 on: December 02, 2014, 10:27:18 pm »
Tiningnan ko nang maigi yung sabon kung bakit magaspang, dahil kaya sa mga maliliit na white beads sa sabon yun?

@sis zipporahkate, thanks for the heads up! :) Otherwise, di ko malalaman 'to dahil talagang in-unlike ko na sila sa fb mula nung fiasco na nangyari. :/ On another note, fair enough naman yung feeling mo, sis. Ako naman kako, kailangang matauhan sila para ma-realize nila na it's their loss, not mine. Makakahanap rin ako ng iba pa, life's too short to be disappointed for so many times in a row. ;D

@sis kukii, good to hear na nakahanap ka agad ng acne buster! Nakakaloka talaga yang experience mo. Mapapamura ka talaga pag mura. Pero kung tutuusin, medyo may kamahalan rin 'tong SWS kumpara sa mga whitening products na mabibili sa Watsons, etc. Sana i-take ng SWS yung mga experience natin as constructive feedback para mag-improve ang serbisyo nila.

@sis yijiheon, naku, magastos pa naman din ako sa lotion. As in kulang na lang laklakin ko sa dami ng nilalagay ko araw-araw. Di ko masusustain in the long run kung ganun kamahal ang presyo pero kakaunti lang ang laman..

Sisses, gaano katagal bago maubos ang isang soap sa inyo?

yijiheon

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #134 on: December 03, 2014, 12:57:17 am »
24 days sakin yung 10in1 soap sis. tapos 19days ang lotion.

nagstart na ko itry yung 8in1 lotion nila. 120ml din for 450 pesos. malamang baka mga 15-18days ko lang to mauubos ulit. mas mahirap icontrol yung dami kasi di sya pump bottle e. so far pansin ko pareho sila ng effect ni 10in1 lotion pero mas type ko sa balat si 10in1 kasi mas mabilis maabsorb saka light. ang 8in1 although mabilis din maabsorb pero medyo sticky. pag matagal na natuyo nawawala naman pagkasticky pero kay 10in1 kasi no sticky feeling talaga.

kung mura lang lotion nila gagawin ko syang staple sa regimen ko pero mahirap talaga isustain yung ganong kamahal sa konting quantity na di man lang tumagal ng 1month. :(

ilovehim

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #135 on: December 03, 2014, 02:15:17 pm »
ok naman ang service nila sakin, matagal na akong umoorder even delivery ok naman i recently purchase this week lang dumating din naman agad. umabot pa ko sa 3+1 promo nila. actually every week may orders kasi a lot of my officemates are using sws products too.ok din naman sa knila no bad experience at all, siguro they recently had mishaps lang talaga, minalas lang mga sis natin na nagkataon sa kanila nangyari yun, i was informed that their assistant whos [textspeak!] the clients umalis kaya bago yung assistant nila kaya siguro sila naging ganyan service. buti nalang di ko pa naexperience yung late delivery. ok naman kasi if i paid today tom andyan na sa amin products.

sis yijheon, i have a friend who used 10in1 lotions to make her skin tone even , pumuti na siya so maintenance nalang niya BWC lotions kasi cheaper lang yun i think 240 ang siya eh. not sure which BWC lotion ang maintenance niya.

yijiheon

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #136 on: December 03, 2014, 03:38:04 pm »
^ sis ano yung bwc?
ilang months or bottles kaya nagamit nung friend mo bago sya nagdecide na magmaintenance?

gusto ko kasi talaga icontinue ang sws lotions pero yun nga pricey. may brightening effect kasi sya kaya gusto ko. di pa ko nagwhiten pero after ko maglagay ng lotion umaaliwalas yung balat ko. type ko yung ganong effect pero di kaya ng bulsa ko na pang matagalan syang lotion.

swim_fatale

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #137 on: December 03, 2014, 06:46:35 pm »
Ayokong simulan ang 10-in-1 set kasi baka magustuhan ko then di ko afford ang regimen kasi mahal ang 1,800 monthly, haha. Happy naman na ako sa 10-in-1 soap lang although na-realize ko na mej procey na rin pala ang php120 kasi may mga soap like Sutla and Mestiza na wala pang php50 per bar. Re lotion naman, I bought two of Avon's SSS Glutathione with Marula oil. Php179 lang ang 250ml, may brightening effect din. :)

sweetieping

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #138 on: December 03, 2014, 09:39:39 pm »
ok naman ang service nila sakin, matagal na akong umoorder even delivery ok naman i recently purchase this week lang dumating din naman agad. umabot pa ko sa 3+1 promo nila. actually every week may orders kasi a lot of my officemates are using sws products too.ok din naman sa knila no bad experience at all.

sis ilovehim, ano na gamit mo na SWS facial set ngayon?

^ sis ano yung bwc?
ilang months or bottles kaya nagamit nung friend mo bago sya nagdecide na magmaintenance?

gusto ko kasi talaga icontinue ang sws lotions pero yun nga pricey. may brightening effect kasi sya kaya gusto ko. di pa ko nagwhiten pero after ko maglagay ng lotion umaaliwalas yung balat ko. type ko yung ganong effect pero di kaya ng bulsa ko na pang matagalan syang lotion.

Sis, BWC is Body White Combo, the set is cheaper than the 10 in 1 as well as the lotion.
« Last Edit: December 03, 2014, 09:45:57 pm by sweetieping »

yijiheon

  • Guest
Re: Skin White Solutions products
« Reply #139 on: December 04, 2014, 01:18:17 am »
^ thanks sis. 10in1 and 8in1 lang kasi yung binili ko. di ko nababasa yung bwc hehe.

sis swimfatale, nacurious naman ako sa avon na yan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close