Author Topic: Failing marriage in less than a month  (Read 5666 times)

@pichness@

  • Guest
Re: Failing marriage in less than a month
« Reply #20 on: March 08, 2014, 06:45:17 pm »
Hello mga sissies!

It has been three months since my last post and I have read your comments about my situation. Alam nyo ba na sinugod naming mag-ina ang bahay nila sa Calamba kahit na mahigpit nyang pinagbabawal na pumunta kami? Nagulat talaga sya. At buti na lang ang nagbukas ng pinto ay ang mama nya. So ayun wala na syang kawala. Nakilala na ng family at clan nya kaming mag-ina. And what they know is that my lovechild was HIS OWN DAUGHTER. May pagkakahawig kasi sila.

We were okay na but sometimes we have our fights. Oo nga pala, kahit mag-asawa na kami ay hiwalay kami ng bahay. Me here in San Pedro while him staying in Calamba because of his business. Every Wednesday, Saturday and Sunday sya nauwi sa amin mag ina or either kami ng baby ko uuwi sa kanila sa Calamba pag weekends. Ganoon ang way of life namin. Kaya hindi kami masyadong mag-asawa talaga. Ano ang madalas namin pag-awayan or should I say, dahilan ng pang-aaway ko sa kanya? Sya ay masyadong barkadero and about finances. Minsan hindi sya nakakauwi sa amin pag weekends because of his goddamn single barkada nya na lasinggero. About finances, wala, as in zero remittance ang natatanggap ko sa kanya kasi daw marami syang binabayaran. At madalas nya akong utangan. Pero sige, give na lang kasi asawa ko nga diba? Kaso hinihigpitan ko din and I made it clear sa kanya na sa baby ko mapupunta lahat ng pera ko, bahay ko, sasakyan ko pag nawala ako. Tss. Yeah, I know mga sisses, naging desperado ako at one point, and siguro even until now pero wala na ko magawa. One time I asked him na maghiwalay na kami. Sinumbong ko lahat sa mga magulang nya pinaggagawa nya at sabi ko gusto ko na makipaghiwalay. Syempre, inamo amo nila ako at lalo na sya. Hay. Wala na ko magawa kungdi tanggapin na lang na may asawa akong ganito. Minsan sabi ko pa sa kanya mag-ayos naman sya ng sarili nya kasi sobrang minsan nanggigitata na itsura nya. I'm already beginning to detach from him. Naisip ko minsan bakit ko nga ba pinakasalan to? Pero naawa din ako eventually and pati sa baby ko na nasa isip na sya na talaga tunay nyang dad. Ayoko mag-isip ng ganito sa asawa ko sana kasi alam kong babae nagdadala ng relasyon diba? Kaso I can't help it. Minsan pinagdududahan nya na rin ako, na hindi naman nya gawain noon. Kesyo bakit naging vain na daw ako, bumata daw itsura ko, etc. Ewan. Update ko na lang kayo mga sisses. Ayoko talagang dumating sa point na ako ang magloko.  :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close