Author Topic: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?  (Read 3096 times)

arianeshane

  • Guest
Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« on: December 16, 2013, 05:15:52 pm »
hi mga sis!
Mommy of a 2 weeks old baby boy. So eto po  problem ko
Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?

Unexpected pregnancy po ako so alam nio na mga sis un mga susunod na nangyari.
Nagalit parents ko then sinubukan akong palayasin etc.
That time hindi pa ako graduate pero pinagaral parin ako ng parents ko since isang sem na lang naman.
For the past 8 months ok kami ng parents ko at daddy ng baby ko. Nagpapart time siya para makapagbigay sa akin. Then all hell break loose.
Graduate na ako at mag 9 months nako ng gusto na nia akong kunin from my mom para daw magsama na kami para daw sa baby. Matagal na niya tong sinasabi sa akin, at first i agree pero naisip ko nakagawa na ako ng mali tapos nagpagraduate lang ako then iiwan ko family ko ng ganun lang. I told him na saka na kami magsama pag stable na kami at pwede naman siyang bumisita dito sa bahay eh.
He decided to break up with me. YES iniwan ako sa ere.
Then one day he called begging na sumama ako sa kanya, he is crying on the other line but I still say no.
So bago ako manganak wala kaming communication hanggang sa manganak na ako. Dun lang ulit kme nagkita sa hospital at nakipagusap siya sa akin na Jan 1 2014 kukunin niya daw kaming magina at kung di ako sasama, sasaraduhin na daw niya puso niya para sa aming magina.
Isipin ko daw para sa bata at hindi sa makasarili kong kagustuhan.
Hanggang ngaun mga sis ni hindi siya bumisita dito sa bahay para man lang silipin si baby.
Isa pa pala mga sis hindi sila magkasundo ng mom ko kasi sinisisi niya si mama kaya di ako sumasama sa kanya, kontrabida tingin nia sa mom ko.

Sorry kung medyo mahaba at magulo kwento ko mga sis. Masyado kasing mahaba eh
So mga sis sa tngin ninyo? Feel free to ask me anything regarding sa sitwasyon ko.
Hirap din kasi ng walang makausap
« Last Edit: December 17, 2013, 02:48:44 pm by arianeshane »

daveigh

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #1 on: December 16, 2013, 05:35:24 pm »
Sis,

Base sa mga sinabi mo, ang isasagot ko : HINDI.

Eto ang mga dahilan kung bakit:
Quote
he decided to break up with me. YES iniwan ako sa ere.

then one day he called begging na sumama ako sa kanya. he is crying on the other line. but I still say no.

He has signs of instability. You do not deserve that now having a baby in tow.

Quote
so bago ako manganak wala kaming communication.
hanggang sa manganak na ako. dun lang ulit kme nagkita sa hospital. at nakipagusap siya sa akin na jan 1 2014 kukunin niya daw kaming magina. kung di ako sasama, sasaraduhin na daw niya puso niya para sa aming magina.

Dahil lang hindi ka sasama, isasarado na ang puso? Ano yun? Sya nga itong biglang nangiwan nung una tapos sya pa may ganang magbigay ng ultimatum?

Quote
Isipin ko daw [textspeak!] para sa bata at hindi sa makasarili kong kagustuhan
hanggang ngaun mga sis ni hindi siya bumisita dito sa bahay para man lang silipin [textspeak!] baby.

So mahilig syang mangtikis. Naku sis, hindi magandang paguugali yan.

Quote
Isa pa pala mga sis hindi sila magkasundo ng mom ko kasi sinisisi niya si mama kaya di ako sumasama sa kanya. kontrabida tingin nia sa mom ko.

At bakit naman, kung ano ang nanay mo, ako matutuwa sa kanya?

Sis, nanay ka na. Isipin mo kung anak mo ang nasa ganitong sitwasyon. You do not need a partner na selfish & unstable. You deserve more.

Now na tapos ka na, you can empower yourself!  Have a stable job for your kid, and learn from this lesson para hindi na maulit. Di baleng magkamali, wag lang paulit-ulit na parang hindi natututo.

aquacharly

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #2 on: December 16, 2013, 05:54:09 pm »
No.

Simple reason: hindi nya kayo kaya buhayin pa. Hindi magiging stable ang buhay nyo with him.
If he really wants to give you & your baby a good future -- magtitiis muna, mag sikap, at magtiaga

romantico

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #3 on: December 16, 2013, 10:29:31 pm »
if you think he's not going to be responsible enough for your child then wag kang sasama. di na uso yung pipilitin mong akuin ng lalaki ang responsibility niya dahil baka maging miserable ka lang lalo. kung feel mo di mo siya maaasahan and not just financials then you might as well raise your child alone. you'll feel more accomplished at the end of the day. kesa magkasama nga kayo tapos ikaw rin gagawa ng lahat lahat..baka umasa lang sayo yun and you'll end up looking after 2 people. Pag isipan mo ng mabuti.

anslim

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #4 on: December 17, 2013, 07:54:49 am »
Guy here, my advise is a big "No."

If he threatens to leave then let him be but demand "child support", if he refuses he is liable for a violation of RA 7610.

sistah!

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #5 on: December 17, 2013, 09:20:36 am »
unexpected pregnancy yan kaya im sure hindi kayo prepared. bata ka pa. wag mo na dagdagan ang problema mo sa buhay by going with him. you will realize (if you haven't yet) that raising a kid is difficult financially, emotionally draining and very challenging. that being said, a man who threatens to close his doors on you if you do not pack up and leave your family is not one who can do right by you and your child. stay in your loving home, build your life. you do not need him to stress you more.

17arci

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #6 on: December 17, 2013, 09:37:47 am »
No. Tama yung iniisip mo na magpaka-stable muna kayo. Kung di sya makapaghintay, e di wag. Pero hindi nya pwede talikuran ang responsibilidad nya sa anak nyo.

BicuriousGm

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #7 on: December 17, 2013, 09:40:11 am »
No! No! No! At big NO!!!! Character yang boyfriend mo, me nalaman pa ultimatum at panakot na saraduhan nya puso nya sa inyo mag ina. Di mo kawalan, kawalan nya...yabang nya ha! Nag shoot up BP ko dyan sa boyfriend mo sarap pakulam! Hahaha Computer age na tayo sis and single mom is normal nowadays. Kung ganyan lang din naman samahan ko tulad ng bf mo I rather choose na magpaka single mom. Importante yung baby mo, sa kanya ka na lang mag focus and start building your life with out your dumb *ss bf.
« Last Edit: December 17, 2013, 10:23:49 pm by BicuriousGm »

sugardrop

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #8 on: December 17, 2013, 10:15:32 pm »
No. For one reason - stability. Stability on both financial and emotional aspects seem to be lacking.

princessrio

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #9 on: December 18, 2013, 03:06:55 am »
no. based on your story, baby daddy is unstable emotionally. both of you are unstable financially.

it's a good thing na nag-iisip ka. seems you are more matured than he is.

Girltalker2

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #10 on: December 18, 2013, 08:27:19 pm »

Sis Arianshane, congrats! 

Sobrang immature ang daddy ng baby mo. And that's the last thing you should want, to take care of 2 babies.  Mahirap iyan, may baby nanga kayo, sya pa mag-t-tantrums kung di nya nakuha gusto nya?  He is holding your emotions hostage, nakakainis. Kung di ka lang sumama sa kanya, galit galit na?  Ano klase yun.




langley

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #11 on: June 02, 2014, 02:40:52 pm »
Sis arianeshane you said na bata ka pa eh bakit mo ginawa ang daoat eh ginagawa lang
ng mag-asawa?
You know, dapat alam mo na kapag may nangyari sa inyo ng lalake eh pwede ka mabuntis.
Kung may nangyari na sa inyo ng boyfriend mo at may anak ka na, then hindi ka na bata.
Bata lang siguro ang edad mo pero dahil may anak ka na adult ka na.
Inalok ka ba ng tatay ng anak mo ng kasal?
Kung inalok ka magpakasal ka na at ng magkaroon ng pamilya at tatay yang anak mo.
Ano ngayon kung hindi pa stable un tatay ng anak mo? Isipin mo 10 years from now hindi pa din ba siya stable? Hindi mo ba siya pwede matulungan para maging stable siya? Eh baka pag sumama ka sa kanya at makita niya un anak ninyo eh mapursige siya magtrabaho.
Mas masarap na magsisimula kayo sa wala at magtutulungan kayong dalawa na umangat na kumpleto ang pamilya ninyo. Kailangan ng anak mo ng tatay.

Ngayon kung ayaw mo, bahala ka. Wala kang magagawa kung ayaw suportahan yan ng lalakeng yun. Hindi ba napaka-unfair naman na sinusuportahan niya yun anak niya sayo tapos hindi niya nakikita ng madalas at hindi niya din nakakasama? Ano ikaw na lang lagi masusunod? Ngayon paninidigan mo yun desisyon mo. In the very first place hindi lang yun lalake ang may responsibilidad sa anak ninyo, ikaw din. Kaya wag ka magreklamo kung hindi siya dumadalaw sa inyo para makita yun anak ninyo. Pagkatapos mo saktan yun lalake ganyan ka na. Tinanggihan mo siya, big deal sa lalaki yun.

baliwsayo

  • Guest
Re: Sasama ba ako sa daddy ng baby ko?
« Reply #12 on: June 02, 2014, 06:06:31 pm »
Kung mahal ka talaga ng ugok na yan, rerespetuhin niya dapat ang decision mo at maghihintay siya till mapatunayan niya sa parents mo na karapat-dapat siya sa yo. Napaka-immature niya. Naku neng, wag ka sasama sa kanya kasi magiging kawawa lang kayo ng anak mo. Sana nga di ka sumama eh kasi nawala ka na.. wala bang update eto?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close