Author Topic: Husband becoming sarcastic  (Read 3335 times)

graZiousa

  • Guest
Husband becoming sarcastic
« on: December 16, 2013, 02:15:58 pm »
Mga sis, please give me your opinion with this issue namin ni hubby...

Lately nagiging panay ang arguments namin ni hubby. There was one time kasi na ask si MIL ng money from us, and stand ko gagamitin natin yan for something important (check up ko this 18 in particular). Ang sama ng loob ko kasi hindi naman importante ang pag gagamitan nila ng money (for me ha) Ang isa pang nakakagalit, una hiniram ni hubby ang cash ang paalam sakin na gagamitin sa transportation ni la kasi ang cover ng company hindi enough pero irerefund daw sila pag may OR lang so kailangan lang may extra sya na magamit. So dahil dun ginamit nya yong nakalaan sa check up ko. And nalaman ko nalang after a week nagpadala na sya kay MIL.. And when i asked him na when nya ibabalik yong nilaan namin sa check up ko, ang dami na nyang explanation.. And tumindi yong arguments namin kasi naghinanakit na ako mga sis, point ko kasi bakit kailangan galawin yong may importanteng pinaglalaanan. Once thing na nasaktan ako, nung sinabi ko sa kanya na ok lang magbigay basta wag naman tayo ang mawawalan. Tama ba na sagutin nya ako ng "di naman ikaw ang nagpapagod". parang whaaaatttt????? ano ka hello! gusto ko sabihin na ang kapal naman ng mukha mo,may trabaho ako ang maayos ang sweldo ko. Hindi ako nanghihingi sayo ng mga pangangailangan ko araw2x pero yon lang naman kasi kailangan ko magpacheck up. Parang ayoko na rin mag explain sa kanya mga sis, masama ang loob ko sa ngayon. Bakit ganun, di ko maramdaman that he cares. Ano ba dapat ko gawin, di sya makausap ng maayos nagagalit pag i open this topic.

jennylee27

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #1 on: December 17, 2013, 02:38:22 am »
Sis, how much money are you talking about? Check up for what? And san ba ginamit ni MIL mo yung pera?

nicoletta

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #2 on: December 18, 2013, 01:47:18 am »
graziousa

It's really hard to comment since we don't know the whole story?  You did not mention why the mom is borrowing money?  Perhaps it's for something really important too?  Nakakahiya naman to borrow money from your son na married na kung wala lang palang kwenta yung panggagamitan mo?

Why don't you set aside your salary and use your husband's money for everything else so you have something saved up for the important stuffs like your check up.  And what's that for by the way? 

aquacharly

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #3 on: December 18, 2013, 07:16:56 am »
Magkano lang ba ang check-up?  Wala ka ng na itabi other than that? Kung meron pa -- eh baka kaya nagiging mean your hubby kasi you are making a mountain out of a molehill. 

Ayan din nga ba si nasabi ko why a wife must have secret funds.  Don't tell your hubby may na itabi ka pa. Pag alam lahat at nagbibivay sa family nya --  naku ha isipin kaya nya lahat ng give nya eh pera nya. When bottom line may share ka din don sa give away nya

angelparvian

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #4 on: December 18, 2013, 07:52:02 pm »
ang hirap nga magcomment sis, pero for me dapat pagusapan niyo yan yun time na pareho kayo nasa good mood and speak to him gently. alam mo naman ang mga guys, ayaw nila yun feeling nila natatapakan ang kanilang pagkalalake. may mga times din naman na nagaaway kami ni hubby dahil sa pera feeling ko pa nga ayaw niya gumastos para sa akin. iniisip ko na lang okay lang kung ayaw niya gumastos para sa akin pero pag may baby na umayos siya dapat maging provider sya

graZiousa

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #5 on: December 27, 2013, 11:10:20 am »
^jennylee27, sis nasa 10k.. papacheck ako kasi may PCOS ako. and gagamitin daw ni MIL para sa sound system.

graZiousa

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #6 on: December 27, 2013, 11:18:37 am »
 sis ^nicoletta, yon na nga sis.. for me kasi may mas importante keysa sa sound system na yan. i understand naman na iba-iba kami ng kinalakihan kaya ang value sa mga bagay-bagay ay iba-iba rin. Kaya pinapaintindi ko kay hubby na may mas dapat na unahin keysa dun.

Pero mga sis, napag usapan na namin ni hubby tong issue na to nung nakaraang pasko nakapagpahinga kami pareho sa stress sa trabaho kaya mahinahon kami pareho.

graZiousa

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #7 on: December 27, 2013, 11:40:33 am »
sis ^aquacharly, oo sis magkano lang talaga ang check up. Pero kasi sis malayo ang sa amin, maraming dapat paglaanan like tickets,foods and lodging.. Meron akong sariling pera sis,, pero hindi malaki since dito ako natira samin at si hubby sa ibang area din. Magkaiba kami ng gastos sa daily basis. Yong check up ko na yon, hindi naman yon ang unang beses kaso dito sa place namin pabalik balik lang ako sa Ob so we decided na magtry sa iba. And ilang months na yon pinaglaanan namin tapos biglang kukunan nya, ok lang sana kung merong extra hindi ako magrereak sis.. Ok lang talaga na magbigay sis, pero ang point ko lagi kay hubby na pag may sobra tayo pwedeng pwede pero yong to the point na kailangang meron kaming ipagpaliban muna or hindi itutuloy para makabigay lang i find it unfair naman sa part ko. And kung importante lang talaga mga needs fine ok na ok but yong wants lang hindi pwede yan..

Sis, thank you sa opinion mo ha.. ako kasi all out sa husband ko. lahat ng in and out pinaalam ko sa kanya. so now gagawin ko yan na merong hindi ipaalam sa kanya, ok ba yong ganun sis?

aquacharly

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #8 on: January 13, 2014, 06:33:37 pm »
^ ok na ok --  you must have a secret account. 
Backread ka sis, binugbog  namin pros & cons ng secret accounts.
IMO, it is nothing to be guilty of kasi halos 100percent of the time, you will use  din yan sa anak mo or for family emergencies/opportunities.

My apologies! Sis, for assuming it was just for a regular check-up na 1,000/1,500 lang.
  10thou pala, and you have certain beyond-standard concerns & tests.
Atchaka vs your MIL's sound system, Aba Teka! Hello?!

IF I were in your shoes, baka nasabi ko pa:   Kikitahin din natin ang extra later on to give the sound system. Pero now, kelangan ma check up ang asawa mo at ang unborn baby mo.  Buhay namin or sound system?
(Sa totoo lang, ka grrrr ha.  At if it were me --  ma hurt ako, at magalit talaga)

But yun na nga, Sis --  if may sariling-sikap ka and have a secret account --  masama man loob mo at grrrr ka man, eh hindi ka na makikipagbatbatan pa.  You will have another option. Life is all about having options. Ma hirap talaga umasa sa ibang tao.

What good can come of this incident?
Maging pro-active ka sa budgeting, kung  puede -- gain control of it, the budgeting & all the money.
YOU  control.
Parang he cannot just decide all by himself. 
Parang hindi nya isipin pera nya naman.  (kahit na ba a husband is the only 1 earning -- hello, Family Code & our culture --  hindi lang kanya yung pera nya ano.)
He must consult you & get the money from you.
Be sure you keep meticulous updated records always, para hindi ka pagdudahan.



sarah29

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #9 on: January 13, 2014, 07:17:29 pm »
Wow sis. Nashock naman ako sa ginawa ng hubby mo. Unang una magasawa kayo, diba dapat may approval mo din kung magpapahiram sya ng pera? Lalo na't, sabi mo nga, generous ka naman. Dapat ikaw may say, kahit pa pera nya yung pinahiram mo. Magasawa na kayo, eh. At respeto nya lang din sayo. Pangalawa, mejo selfish move din yung ginawa nya, dahil check up mo yun, dapat nga sya ang unang una magpr-prioritize nyan dahil asawa mo sya. Napaka babaw pa ng dahilan ng paghiram ng nanay nya. :/

I hope sis napagusapan nyo na to ng hubby mo. And sana nakita nya pagkakamali nya dito nang hinde na maulit.

GMGravity

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #10 on: January 15, 2014, 04:00:28 pm »
Medyo napaisip lang ako kasi sa amin ni hubby, ako ang regular na nagbibigay sa parents ko and madalas, hindi alam ni hubby iyon. Or baka alam niya, hindi lang talaga nakibo. Pero kapag family ni hubby ang nahiram ng pera, ako ang medyo marami sinasabi. Maybe because, mas malaki ang income ko kaysa sa kay hubby so feeling ko pera ko iyong pinapahiram. Ang mainam lang sa in laws ko, sa akin sila dumidiretso kapag humihiram kasi sobrang kuripot asawa ko kahit may pera hindi iyan maglalabas ng pera.

Priceless

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #11 on: January 16, 2014, 10:42:18 am »
Meron akong sariling pera sis,, pero hindi malaki since dito ako natira samin at si hubby sa ibang area din. Magkaiba kami ng gastos sa daily basis.


Maybe this is part of the problem, sis. Kasi you two live apart so hindi siguro pa fully embedded sa utak nya na you two should work as a team - pati na rin on financial matters. Na being married means that he is as responsible for you as you are for him - including your physical well-being. That being said, kung most of the time, kanya kanya kayo ng kita at gastos ng sarili nyong pera, at malayo kayo sa isa't-isa, siguro ang feeling nya dapat he should be more in control of what he can do with his own money (forgetting nga the responsibilities that come with being married). Mahirap talaga to tell someone how to spend their hard-earned money, kung wala sa loob nila or di nila nakikitang responsibilidad nila ang pag gastos nang ganon. In your case, yung inipon mo bang money for the check up, mostly galing ba yun sa sarili mong ipon? Or mostly galing sa kanya? And you will be fighting a losing game kasi ikaw eto na magnnag at magqquestion sa kanya tapos yung nanay niya may lambing pa kung manghingi (with matching whine, haha). Talo ka talaga.

Pretend na hindi ka married, tapos pinag-iipunan mo itong OB visit na ito including what you mentioned (tickets, lodging, etc). Diba hindi mo itutuloy until you really have the money to cover for it? (May iba pa siguro dyan na manghihinayang magpa-check up until the last minute kasi manghihinayang sa perang pinag-ipunan...). So yung money na pang OB sana, ipunin mo nalang ulit from your own money. And wag mo nang i-asa sa kanya. Let's say na para sa work up yung doctor's visit na yun, at si hubby ang nagpipilit to have a baby soon, sabihin mo na pinagiipunan mo pa yung dr's visit...then he will know na he needs to help in saving up money for you to be able to go to the doctor as quickly as you can.

Meron talagang mga tao na unless they see the direct impact to their own wants/desires/dreams/aspirations, they will not take ownership or responsibility for the actions needed to gain/achieve/attain.


graZiousa

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #12 on: January 16, 2014, 06:21:24 pm »
sis ^aquacharly, its ok sis i understand di rin naman kasi detalyado ang post ko.. ok na kami  sis nagkapaliwanagan na, pero hindi na nasauli ang money syimpre alam ko naman lista sa hangin yon. But one thing nag naklaro between us is alam na ni hubby kung ano ba ang dapat priority niya ngayon. Di ako mahilig magsulat ng detalye sis ng mga purchases namin pero ngayon ginagawa ko na..

graZiousa

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #13 on: January 16, 2014, 06:27:17 pm »
sis ^sarah29, he told me sis bout it and i said no kasi kailangan natin and importante ang gagamitan. Yon na nga isang kinagalit ko kasi sinabi ko na na hindi pwede and yet nagpadala pa rin sya. Una hiniram nya ang cash isasauli din daw after a week e approaching na ang date ng travel ko w di pa enough money so kinukulit ko na sya yon pala ayon pinadalhan na si mother.hay nako! uminit ulo ko.kaya pauli ulit ako dati kasi parang pakiramdam ko wala syang tinu para hindi malaman kung ano ang tama, haist! anyway sis, umayos na ngayon. and may agreement na kmi pagdating sa finances namin.. as in sis spbrang babaw, sana lang wag na maulit ang ganun nakakasama ng loob..

graZiousa

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #14 on: January 16, 2014, 06:30:46 pm »
 sis ^GMGravity for me sis unfair din sa hubby mo yan, ok lang siguro if paminsan minsan pero yong inobliga mo na self mo na magbigay lagi baka naman may masabi si husband mo sayo nyan lalo nat sabi mo kuripot si hubby mo..

graZiousa

  • Guest
Re: Husband becoming sarcastic
« Reply #15 on: January 16, 2014, 06:40:51 pm »
yes sis ^Priceless tama ka dyan. Last year lang of August kami kinasal, nagnegosyo kami September to March, magkasama pa kami nyan kami lang talaga nagbantay ng ukay2x small business namin. Nung April last year ipinasok ako ng sister ko sa university where she teach. Im still here until now. by May need na ni hubby pumunta ng cagayan for his work, so isinara namin ang ukay2x kasi yong area nakuha namin binabaha ng konting ulan.So we both prefer working instead na may isa samin na ipagpatuloy ang ukayan. Since then, lagi na kami magkalayo. onnce a week or every 2 weeks lang kami nagkikita. So isa yon sa nakikita kong dahilan kung bakit si hubby hindi pa alam or feeling nya wala syang responsibilidad, na parang ang mama nya and his siblings parin ang uunahi nya..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close