watch now

Author Topic: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)  (Read 66249 times)

dropdeaad

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #620 on: July 22, 2014, 10:35:43 pm »
^hindi ako masyadong nagwoworkout, pero ginagawa ko stretching lang tapos squats at walking. Sa prenatal booklet may nga prenatal workout doon saka mga instruction.

abhy_aigrieln

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #621 on: July 22, 2014, 10:41:52 pm »
^Wala kong ganun sa prenatal booklet ko  pero magsearch nalang din ako sa net. Hehe. Thanks! Ayaw ko din kasi maCS. 37 weeks na ko now palang magsisimula mag exercise dahil pinagbedrest ako dati. Hehe

dropdeaad

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #622 on: July 23, 2014, 12:39:03 am »
^oo sis search search ka nalang sa youtube para meron talagang instruction para gawin.

Ano kayang fruits pwedeng kainin kung may GDM ka? Gusto ko kumain ng pineapple or suha eh. Ang dami kasing bawal kainin pag may GDM kana. Bukas pako magpapaendo.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #623 on: July 23, 2014, 03:00:31 am »
^sis abhy_aigrien how did you manage to survive the bed rest?please give me some tip. Mula kasi na diagnosed ako with highpertension just last Friday eh pinagpahinga ako muna dito sa bahay ng asawa ko. Parang bed rest. Sa totoo Lang sobrang bored nako! Hindi ko lam kung pano ako tatagal sa ganitong buhay. I miss going to work and even going to the gym. I'm waiting til bumaba ng kahit konti ang bp ko and I plan to go back to work til makapanganak ako. Masarap matulog pero hindi ganitong bakasyon ang inaasahan ko kasi I'm taking medication 3 times a day pa. Hay buhay.  :-\

Sis dropdeaad ang alam ko Lang eh yung bawal.. Like bawal ang banana, mangoes at grapes. Mataas daw sa sugar at carbs yun. Pineapple yata pede kasi citrus tapos it will help daw sa pag dilate pag manganganak ka na.

abhy_aigrieln

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #624 on: July 23, 2014, 09:30:38 am »
^parang tambay lang talaga buhay ko nun. Hehe. Nung una hindi rin ako sanay ng wala sa work. Pero ayun nasanay at nasarapan na din ako sa panunuod lang ng series and movies. Basta lagi kong katabi yung laptop ko. Kaya nagka time din ako magbasa basa ng forums para maging ready na din as a first time mom :)

Effective ba talaga yung pineapple? Okay lang ba yung pineapple juice unsweetened? :)

lovemeagain30

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #625 on: July 23, 2014, 01:37:42 pm »
^sis an dami madami ng nag advise sakin niyan eh about pineapple juice lalo na kung malapit ka ng manganak. Personally I never tried it with my eldest kasi wala pa nag sabi sakin nuon. Pero ngayon may kaibigan akong nakasubok na. It helps her daw sa kanyang dilation. Kaya ganun din ang Gagawin ko. Kaso unsweetened din kasi Baka magka diabetes naman ako kung matamis. May high blood na nga ko Baka sumabay pa ang diabetes.hehe.

abhy_aigrieln

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #626 on: July 23, 2014, 02:35:43 pm »
^Sis okay lang ba kung magstart na uminom ng pineapple juice ng 37 weeks and 2 days? Hindi paba maaga yun manganak o sakto lang?

abhy_aigrieln

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #627 on: July 23, 2014, 02:39:07 pm »
Mga sissies! Anyone here na nagstart uminom ng Malunggay Capsules before delivery? Effective kaya talaga sya? Worried kasi ako na hindi magkabreastmilk. Hindi din kasi ako mahilig masyado sa gulay at sabaw. :D

dropdeaad

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #628 on: July 23, 2014, 04:49:11 pm »
Nagpaendo na ako kanina sabi nman sakin okay lang daw basta isang slice [textspeak!] daw ng mga fruits after meal. Grabe strict diet ako at kailangan ko ng magprick twice a day. Hirap pa naman daming bawal kainin tapos yung pinapabili pa ditong food sa bahay hindi ganon kahealthy.

Mitchieme

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #629 on: July 23, 2014, 05:13:03 pm »
Ask ko lang yung primrose oil ba na binigay nang ob ninyo oral?

lovemeagain30

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #630 on: July 23, 2014, 06:08:40 pm »
^ sis abhy_aigrein I personally don't think pineapple juice is bad if you drink it as early as now. Hindi naman siya medicine na pang induce talaga ng labor.. Ang Sabi Lang ng mga kakiilala ko ay it helps daw with dilation. So my understanding is it will help you dilate but not necessarily induce you. Don't worry You will dilate when your body is ready for it. Added nutrition nalang kung hindi mo pa time.  I was 37 weeks with my eldest nuon na NSD. If somebody have told me before about these fruits I can try,, Gagawin ko rin yun like Baka Kalinin ko pa yang pinyang yan araw araw! hehe. Nuon naman kasi wala akong ka complications like sa sugar at high blood. Ngayon Lang ako naging maselan.

Tungkol pala sa malunggay capsules, ask your OB if it's safe for you. Join breastfeeding pinay group in FB marami ka matutunan about sa pagpapasuso. Ako din gagawin ko yung magbreastfeed. I believe in myself I have milk. Pede ka naman mag ulam ng malunggay in case hindi pa pede ang capsule sayo.


^sis dropdeaad, I feel you with regards to dieting! nakakainis di ba? It's not like I have budget to consult a nutritionist this time around na almost there narin ako. Minsan kapag ganitong restricted ako,, napapaisip ako hay ang haba pa ng pagbubuntis ko!  :-\ kaso I want full term kaya kailangan kong striktuhan sarili ko. Ako nga ang diet na advise sakin, bawasan Lang ang salt pero parang nahihirapan ako now kasi yung asawa ko I alis talaga yung salt sa ulam ko..  sakanya masarap Luto, pagdating sakin walang lasa.. Ahuhuhu... pag kakain sa labas Panay ako soup at salad.

Sis mitchieme, hindi ko lam ang primrose oil kung oral ba yan or what. Per nababasa ko na yan dito sa forum. Matanda na nga ko.. Nung unang panahon wala pa mga ganyang suggestion, mabuti at may nga ganyan ng supplement lalo na kung nakakatulong eto naturally.
« Last Edit: July 23, 2014, 06:23:16 pm by lovemeagain30 »

dropdeaad

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #631 on: July 23, 2014, 06:15:28 pm »
^oo sis eh tito ko pa naman bumibili ng mga ulam dito eh wala naman paki yun basta may maiulam lang kami. Pero talagang need ko na magdiet ang gastos din ng GDM pinapabili ako ng sariling glucometer tapos yung strips pa. Buti nalang almost 6 weeks nalang ako magtatyaga dito sa GDM. Tiis nalang muna tayo sis pagkalabas ni baby kainin natin mga hindi natin nakain netong preggy tayo hehe.

Jaguar.Paw

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #632 on: July 23, 2014, 07:52:36 pm »
grabe! congrats sa mga nanganak na at sa mga next in line! :)

lovemeagain30
- sis! di kaya pagod ka lang sa work that time kaya tumaas bp mo? ni try ba nila kunin ulit bp after an hour?

dropdeaad
- 36W2D na ako. august 18 ang due date ko sis. ang yes! same OB tayo. san ka manganganak? kahit anong fruits pwede sis. ang labanan jan eh yung portion. pag mango, parang isang pisngi lang. ipapaliwanag sayo ng Endo pag nag consult ka. kaaning lang.

abhy_aigrieln
- i am supposed to take malunggay capsules pagtungtong ko ng 8 months. kaso, mas pinili ko to go natural. sabaw sabaw sabaw at maraming pang sabaw ng malunggay. kulang na lang gawin kong tubig e. sabi ng OB ko, you can try pero syempre di daw yung guarantee. lahat naman ng liquids can help boost  milk according sa nabasa ko. syempre, importante laging hydrated ka. Ate ko di nag ganyan but she was able to breasfeed naman

dropdeaad

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #633 on: July 23, 2014, 08:15:00 pm »
^oo nga daw yun sabi ng endo kumbaga isang slice lang as a alternative sa mga dessert eh. Tsaka talagang maingat nako sa kinakain ayoko na din magpadietician another gastos na naman kasi. Sa LPDH lang sis doon kami malapit eh hehe.

abhy_aigrieln

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #634 on: July 23, 2014, 09:55:50 pm »
^Sis dropdeaad - sa LPDH din ako manganganak this Aug. Magkano estimate rate sayo for NSD? Sa LPDH ka din ba maghahanap ng pedia?

katyap

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #635 on: July 23, 2014, 10:56:12 pm »
@lovemeagain30 Re: Pineapple Juice, ok lang before delivery pero remember na lahat ng juice mataas sa sugar (fresh pa yan, unsweetened or what) so kung kaya natin kainin ang fruit mismo, mas maganda.

@abhy_aigrieln Re: Malunggay capsules, I asked my OB before, and hindi nya sa kin nirecommend since it's herbal. Pero meron akong friends na ok lang daw sa OB nila. I guess each OB may different say, so just as yours. Pero sa antenatal classes, ang sabi kung malunggay itself, ok na ok kainin before delivery. Kung supplements just for breastfeeding, hindi pa daw kailangan since sa first few days after delivery, wala pa talaga tayong milk.

@dropdead pwede naman ginisang gulay kung gusto makamura haha. Puro ginisang sitaw, pechay, repolyo kami sa bahay and fish. Pero nakatulong nga don na ako yung nagluluto para controlled ko yung kain ko. Pati tuloy mga tao sa bahay sugar diet din. Buti ka pa, pwede ka mag-fruit each meal. Pag nag-fruit ako dapat half rice lang kakainin ko :( tuwing kelan ka mag-prick? Curious ako kasi ako 7x a day pero 2x a week lang. May iba naman 5x a day.

dropdeaad

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #636 on: July 23, 2014, 11:31:28 pm »
Sis abhy hmmm. Sabi kasi sakin ng ob ko ang pinakamura is 30k daw yung NSD wala atang mga epidural yun kasama na pedia ata tapos 45k daw pag may epidural kasama na anes at pedia. 70-80k naman aabutin pag CS ka. Gusto ko nga sana magdiscount sa ob ko eh. Sa pedia naman baka doon na din ako maghanap ng pedia para malapit sa amin hehe.


Sis katyap onga eh paluto nalang ako sa katulong namin sinabihan ko na nga sya na wag masyadong damihan nilalagay eh. Binigyan lang ako nung endo na diet plan pero sa ngayon baka hndi muna ako magfruits para maging okay blood sugar ko. Tapos twice a day ako magpiprick eh.

sixteen_16

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #637 on: July 24, 2014, 02:43:22 am »
sis abhy_aigrieln niresetahan ako ng ob ko weeks prior my delivery ng malunggay supplement na prolacta or di ko na maalala yung name ng isa.. mukhang effective naman kasi last week I gave birth via CS and first day palang nakaka BF na din si baby sakin..or effective din kasi ata yung once lumabas na si baby, ipapalatch na nila agad sayo..on baby's 5th day naman ngkakastain na din damit ko dahil sa excess na milk.. My mom cooked me ng puro may sabaw na ulam din kasi..preferrably with malunggay din na sahog..

lovemeagain30

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #638 on: July 24, 2014, 04:35:46 am »
^sis katyap tama ka. Mataas ang sugar sa juice kaya kailangan Ingat din. Ako hinahaluan ko ng water bago ko iinom kapag nagki crave ako ng juice. Matabang pero pede na!  ;D

^sis Jaguar.Paw iniisip ko nga kung related hypertension ko sa stress sa work. Magkakaalaman kami niyan by Saturday kasi buong week nasa bahay Lang ako at kain tulog Lang ako.

^ sis dropdeaad ganyan na ka mahal ang NSD with epidural ngayon? No s***. 15,000 difference is still considered a big amount. Kaya pala grabe kung I market ang ganyang pain reliever ng ibang OB. Same lang naman dadaan karin sa pambihirang sakit.  ;D yung ganyang amount iisipin ko nalang pede ng pambili ng additional gamit ni baby pag labas niya. Kesa sa 2-4 hours na ginhawa nga pero additional 15,000 pala gamot nayun? Tiisin ko na. Hehe. Yun ay kung ako Lang naman.
« Last Edit: July 24, 2014, 04:43:48 am by lovemeagain30 »

dropdeaad

  • Guest
Re: Babies due 3rd Qtr 2014 (July, August, Sept)
« Reply #639 on: July 24, 2014, 09:55:20 am »
^oo nga sis ang mahal talaga kaya kung kaya ng katawan ko magtitiis nalang ako sa pain tutal sabi din ng mga kakilala kong mom mas okay daw na walang epidural pag nagnormal ka para feel mo talaga yung panganganak eh. Hehe oo nga dami mo nadin mabibili sa 15k eh. Pero ask mo ob mo kung pwede kang idiscount. Nahiya kasi ako makipagchikahan sa ob ko na magpadiscount eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close