watch now

Author Topic: Only girl sa magkakapatid unite!  (Read 4736 times)

mirah21

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #20 on: June 06, 2014, 02:45:46 am »
Update ko lang yung Post ko. :)

Dito ako nakatira sa mga lola ko ngayon, nasa ibang bansa ang mama ko at ang papa ko nagbubuhay binata. Ang hirap kasi di ako dito lumaki di katulad sa mga kapatid kong lalake, konting galaw ko lang mali na agad, pero mga kapatid ko okay lang. May time na humihingi ako ng pera ayaw akong bigyan, pero pag kuya ko bibigyan yan ng 1-3 thousand, yung kapatid ko naman na bunso dahil bata pa 100 ang pinakamababa at 1 thousand ang pinakamalaki, tapos ako 20, 50 swerte na kung maabutan ng 100 at kung mamalasin nga walang ibibigay. Kapag aalis ako nagpapaalam ako dun sa lola ko na isa, tapos bigla sila magsusumbong sa papa ko at ang papa ko sasabihin naman sa mama ko na hindi daw ako nagpaalam alis daw ako ng alis.

Kaya nito lang nagpaalam ako sa mama ko na magsosolo na ako, pumayag naman siya kasi alam niya ang ugali ng mga lola ko, sa katapusan ng June ngayon aalis na ako dito, ayoko sabihin sakanila na aalis ako eh. Di ko tuloy alam kung pano ako magdadala ng gamit. Haha bahala na basta ang mahalaga makawala kami dito ng mama ko kasi kontrolado kami eh, kaya siguro pumayag na din ang mama ko na umalis ako dito. Goodluck sakin. :)

youareaschizoe

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #21 on: June 20, 2014, 02:57:24 pm »
Eldest and only girl here. :) dahil surrounded ako ng mga boys, I find it easy to talk with guys. I have girl friends naman but konti lang and selected.. Lalo na ako na surround ng boys ngayon dahil my first born's a boy and we're expecting another baby boy. hehe :)

zu_0420

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #22 on: July 12, 2014, 11:13:19 pm »
Hi mga sis! Only girl here. Eldest sa tatlong magkakapatid. Medjo mahirap life ko growing up. Taas kasi ng expectations. Then I'm also not allowed to go out, basically yung childhood ko, halos lahat ng mga larong pambata, di ko natry. Malapit naman ako sa brothers ko, so mas nakakarelate ako sa mga lalaki. The hard part is, hindi ako masyado makarelate sa mga girls. Di rin kami close ng mom ko kasi she's always not around the house. Napagkakamanlan ako ng iba ng flirt, or malandi kasi palagi dw boys yung kausap ko. :( Gusto ko rin naman sana makipagkaibigan nun sa mga babae, kaso nahihirapan akong sumabay. Dun lang ako nkpag.adjust when I was in college, nasa all girl dormitory kasi ako. Dun ako nakameet ng mga tinuturing ko na sisters. :) Pero yung pagiging overprotective ng dad ko, EWAN ko nalang kung kailan matatapos.

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #23 on: July 13, 2014, 09:23:40 am »
Ako gusto ko sana magkaron ng Ate pero ako eldest kaya parang imposible so tiis tiis na lang. Ok naman kami ng mga kapatid ko pero di kami masyado close close kasi iba iba trip namin. :) masaya sana magkaron ng Ate para kasa-kasama magshopping etc. Hehe.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #24 on: July 30, 2014, 01:43:50 am »
Eldest and only girl here. Pero dalawa lang naman kami ng kapatid kong lalaki. Gusto ko sana ng sister, either younger or older I don't mind. Sarap siguro nun :) Isa pa sa gusto ko bakit sister, hahahaha. I have a daughter kasi, yung mga SILs ko malapit ang anak ko, siguro sarap lang kung may sister ako at may Tita anak ko na malapit siya.

jasta01

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #25 on: July 30, 2014, 08:43:07 am »
pwede ba dito only BOY  ;D Ahahaha - buti hindi ako nag-kilos babae kahit ako lang lalaki  ;D

tisaygirl123

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #26 on: September 29, 2014, 03:42:34 pm »
Hello, count me in. I'm only girl in the family.

wishing to have little sister pero my mom is old na eh  >:(


KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #27 on: September 29, 2014, 06:12:46 pm »
^ same tayo, girl. Haha. Kaya nga gustong gusto ko nagbabakasyon yung pinsan kong babae dito kasi parang little sis ko na siya :))

Pero gusto ko rin ng ate pero imposible kasi ako panganay! :))

tisaygirl123

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #28 on: September 30, 2014, 12:43:12 pm »
^hahaha! talaga? gustong gusto ko talag magka sis kaso hindi na pwede eh. Actually ganyan din ginagawa namin pagka minsan, pinapapunta ko yung mga pinsan kong mas bata saakin. (not sanggol) tapos ayun. Kwentuhan kami parang sis na talaga.

Pag ate, mukhang hindi ko sure. haha! Parang mas ok saakin little sister. I was asking nga my mom to give me a lil sis sagot lang niya "Kung kelan naman lagpas bente kana, dun ka nag request magkaroon ng kapatid na babae."
haha!

Right now I have a niece, hindi ko maconsider na sister eh kasi nga halos 20 years + yung age gap namin.
Parang anak  tuloy turing ko..

Iniisip ko tuloy, Sister ba talaga gusto ko magkaroon or anak?! haha!  ;D

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #29 on: September 30, 2014, 10:24:26 pm »
^ bakit di ka sure sa Ate? Haha!

Yung pinsan ko naman 6 years lang ang gap namin so pwede ko nga siyang little sister. At ok din yun kasi nakakakwentuhan ko siya about kakikayan and kaartehan na di ko makwento sa mom ko kasi siyempre generation gap! Hahaha.

Sis baka naman anak na pala ang gusto mo di na lil sis! :))

tisaygirl123

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #30 on: October 01, 2014, 02:41:13 pm »
^ I'm not sure sa ate kasi feeling ko now only girl ako so feeling dominant ako. sa Lil sis naman iniisip ko I love to give her pasalubong all the time and teach her good things. and cympre pagka gusto kong lumabas i'll bring her. Naisip ko kasi pag big sis. hindi ko naman siya pwede icommand na sumama agad saakin coz she's older and parang rude naman.
or medyo feeling shy ako kasi yung mga cousin kong older saakin iba yung parang life na ginagalawan. haha!

Sa anak? hmm naku sis, wala ngang partner pang gawa ng anak eh! haha!

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #31 on: October 01, 2014, 03:19:22 pm »
Hmmm oo nga naman sis. Ako pa naman yung dominant sa amin kasi only girl na nga, panganay pa :)) ang gusto ko kasi sa ate parang feel ko may magaadvice sakin sa makeup or pwede ako magpa-make up sa kanya or sa iba pang kakikayan. Pero ok din pala yung lil sis kasi siyempre mabibitbit mo kahit san kasi susunod agad kasi tayo ang ate :))) hahaha.

dr.thereal.joy

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #32 on: October 01, 2014, 06:13:18 pm »
Only girl here and ang hirap kasi now that I'm getting married ala akong makausap about mga pegs sa kasal.  Mom ko kasi ayaw magcomment ng mga suppliers kesa di naman saw niya alam and more or less sina fiancee daw gagastos. Umiiyak na nga ako kasi ala akong makausap sa wedding pegs.

la_pinay

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #33 on: October 01, 2014, 06:31:00 pm »
kaya nga i love GT, it's because dito lang ako may cyber sisters. haha. i love being an only girl though.

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #34 on: October 02, 2014, 12:29:22 am »
^^aww sis nakakastress nga yang ganyan. Iba talaga pag sister no! May katuwang ka talaga pagdating sa mga ganyang bagay...

^ true sis! Cybersisters talaga ang girls dito sa GT :)) hehe

insanelypurpleprincess

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #35 on: October 25, 2014, 10:45:01 pm »
Over a year now in GT and never had the chance to explore all these threads until today. Ganyan ata basta nagkakasakit at bored.
Anyway, youngest of 4 siblings and only girl.
I have two older brothers and a twin brother.
I am closest to my eldest bro.
I always get into fights with the 2nd bro.
As for me and my twin... we're like sooo connected at times...but when we fight... worst din than ever!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close