watch now

Author Topic: Only girl sa magkakapatid unite!  (Read 4768 times)

KrabbyPatty!

  • Guest
Only girl sa magkakapatid unite!
« on: December 10, 2013, 06:51:21 pm »
Hello sa mga sis na only girl sa magkakapatid! Share tayo ng thoughts dito... :)

Ako wala akong ma-sharean dito samin ng mga kakikayan at kaartehan ko! Kaya sa gt na lang ako kumukuha ng mga advice etc. Yung mommy ko kasi parang di naman ako maiintindihan kasi di naman siya kikay. :))

marge070407

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #1 on: January 19, 2014, 06:19:37 pm »
i'm the only girl in the family. Really hard lalo pa I don't drink and smoke kaya hindi ko masakyan mga brothers ko. Pero I know they love me the most hahaha

MrsCaancan

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #2 on: January 21, 2014, 02:27:30 pm »
Yes it's hard na maging only girl. Ako 10 years old ako when my mom left to work abroad and naiwan ako sa Dad, kuya and little bro ko. Hirap kasi muntik na ako maging Tibo.. Hirap nun nag dalaga na ako nag ka ments, Hirap wala nagbuy ng bra and other girlie stuff for me.. Pero in a way ako pa un naging mas ok sa Amin magkakapatid.. Maayos ang life ko now.. Happily married ako now.. Full time mom ako sa baby boy ko and may upcoming baby girl ako.

starfishqueen

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #3 on: February 10, 2014, 11:29:16 pm »
only girl here. one advantage i got is i learned how to deal (bully? haha!) with guys.

ghye

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #4 on: March 19, 2014, 04:20:06 pm »
Joining.  I'm the middle child and the only girl sa limang magkakapatid.  Kaya lagi nila ako binababy even until now that I have my own family already.

chelgeneroso

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #5 on: March 21, 2014, 11:14:21 am »
Same here! middle child, only girl. tanggap naman ng mga kapatid ko na lalaki na ako ang paborito ng parents ko, hahaha! pero hindi naman ako yung tipo na nagte-take advantage sa situation.

You know what girls, i always pray na sana makasundo ko ang mga magiging asawa ng mga kapatid ko, kasi nga di ba, sanay tayo na, "Tayo" lang ang babae sa family :D

So far so good . . .

Kahit na middle child ako, parang ako na rin ang panganay. kapag may kailangan pag-desisyunan, kasama ako. Kaya i could say na, i am my brothers' lawyer.

snowflakes

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #6 on: March 24, 2014, 01:12:07 am »
pa join... ako din only girl and the eldest. i have 2 brothers and were very close naman.

goldengirl

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #7 on: March 24, 2014, 03:27:06 pm »
I'm the youngest and the only girl in the family din. I have five older brothers. Masaya maging unica hija , ramdam na ramdam ko ang love ng family ko sakin. Kahit now na i'm married and may anak na, they still look at me as their baby sister. Though may times in the past na parang nakakasakal kasi they tend to be uber protective, (like having a 6pm curfew at the age of 25). 

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #8 on: March 25, 2014, 01:44:59 am »
Only girl din here at bunso sa 3 magkakapatid, ending atsay ako ng mga kuya ko haha, boyish din ako at hindi kikay mas malandi pa sakin nephew ko haha.

We always fight when we were kids, royal rumble lagi pero syempre laging ako ang kinakampihan ni Nanay, there was a time pa nga nag naghahabulan kame ng isang kuya ko I had a knife and he had walis tingting, pero naglolokohan lang naman kame kaso nahuli ng uncle ko, nasermunan tuloy kame  :P
 Ngayon sobrang magkakasundo na kami I super lover their babies, lagi kong pinagshoshopping basta may pera  :)
« Last Edit: March 25, 2014, 01:53:25 am by Ma.Jewel_1987 »

mirah21

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #9 on: April 27, 2014, 07:32:10 pm »
Ako din only girl. Buti pa kayo ramdam niyo yung love nila ako kasi parang hindi eh. Kaya parang mas gusto ko pa na ako lang anak.

ilykeee

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #10 on: April 29, 2014, 10:17:26 am »
Only girl ako, pangalawa sa amin tatlo, gusto ko sana may ate. :(

lonelymiss28

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #11 on: April 29, 2014, 10:53:23 am »
only girl din ako. 4 brothers ko pang 4 ako. sayang nga wala akong mashare ng kakikayan ko noon mabuti na lang at bumawi ako sa mga nieces ko na makikikay din like me.

stacies83221

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #12 on: May 08, 2014, 06:24:52 pm »
Only girl, and I am the third among 4 siblings. Growing up was a bit lonely, I played alone with my dolls and I really never enjoyed the pink princess stage. Realizing I will never get a sister, I guess I adapted and turned into my then boyish ways in order to get into the "boys" circle. Playing rough, learning their plays,  being more daring ( imagine me riding the bike for the very first time and pababa pa yung road just to follow suit with my brothers. The ending: I got my self badly bruised and hurt as i lost control over the bike and dove into the grasses with a rocky soil bed. Yeah, not a pretty site).

But the good thing Ive got out it, when I got older, it is easier for me to understand where a guy is coming from and how they think. One more thing is that I never get to be treated like a princess so I learned to be tough and be a cowgirl and dont accept any crap that is coming from anyone. I only started becoming kikay on my early 20's. So yeah I am a late bloomer but I am glad I did. To be honest, girl politics is confusing at times and a lot more complicated than guys...so minsan I am at lost but I learn naman along the way. I am not a fan of girl dramas and unneccessary emotional BS. Say what you mean, find a solution and get it over with. :)




Misis_Maku

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #13 on: May 10, 2014, 10:17:14 pm »
Only girl and I'm the eldest. Noong mga bata pa kami ako ang boss pero now na malalaki na kami parang ako naman nabu-bully minsan.  ;D

Anyway, close naman ako sa mga kapatid ko and wala naman akong nagin problema sa pakiki-bonding habang lumalaki kami. May mga babae naman akong friends so, kapag tungkol sa kakikayan at boys sila na lang shine-share-an ko.  ;)

ejxtwo

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #14 on: May 16, 2014, 09:59:20 pm »
Count me in! I have two older brothers and one younger brother. Close kaming lahat but hindi lang ako maka-relate sa kanila ever since. Nung bata pa kami, they're really protective but super cool pa din. Kaso nga lang ngayon mas close na ako sa mga wives nila ;D

gwyne21

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #15 on: May 26, 2014, 01:03:38 pm »
Only girl din ako at eldest pa... Medyo malayo din age-gap ko sa younger brothers ko kaya ateng-ate ang peg ko  ;D . Growing up, wala ako model/guide for kikay stuff dahil hindi naman yun hilig ni mama. Aside from that okay naman overall.

crzysxycl

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #16 on: May 26, 2014, 04:31:16 pm »
Eldest and only girl din ako.. :) Yung younger brothers ko kasundo ko and nakikinig naman sila sa akin, hehe. Dapat lang, dami kong gastos sa kanila no, lol! But I don't mind, happy ako na nakakatulong ako sa family ko. Ok na rin na wala akong sister, kasi wala akong kahati sa mga gamit ko.. mas gusto ko sana ng kuya. :P

gwyne21

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #17 on: May 27, 2014, 10:50:56 am »
Eldest and only girl din ako.. :) Yung younger brothers ko kasundo ko and nakikinig naman sila sa akin, hehe. Dapat lang, dami kong gastos sa kanila no, lol! But I don't mind, happy ako na nakakatulong ako sa family ko. Ok na rin na wala akong sister, kasi wala akong kahati sa mga gamit ko.. mas gusto ko sana ng kuya. :P

Ganyan din feeling ko sis... gusto ko ng kuya.. someone na mag-po-protect at magtatanggol sa akin.. hehe...

ghye

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #18 on: May 28, 2014, 10:13:59 am »
^Ako naman, gusto ko sana may kapatid na babae.  Though I enjoyed and is still enjoying being the princess in the family, iba pa rin kung may kasama kang girl eh.

crzysxycl

  • Guest
Re: Only girl sa magkakapatid unite!
« Reply #19 on: May 28, 2014, 07:15:55 pm »
^^oo sis, ang sarap sana ng may kuya diba. tapos yung ititreat kang parang baby.. sa amin kasi baligtad, ako panganay tapos ako pa nagtatanggol sa mga kapatid ko nung mga bata pa kami, kaya medyo boyish ako eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close