watch now

Author Topic: Collagen Tablet  (Read 216363 times)

parpol_haze

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #200 on: August 24, 2015, 11:45:11 am »
Three times a day sis.

reighnyielle

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #201 on: August 24, 2015, 12:48:08 pm »
^ Thanks sis! Parang na curious akong i-try ang neocell  :D

parpol_haze

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #202 on: August 24, 2015, 01:30:26 pm »
No problem sis. Gusto ko na nga din itry eh kasi mura lang tapos ganun yung effect sa kanya. She's a fitness instructor at ang main purpose daw talaga nya e para mas strong ang muscles, joints and cartilages while doing workout kaya sya nag-take ng collagen. Ang laki ng improvement sa skin nya pramis! Morena sya pero ang kinis! Almost poreless at walang ka-wrinkles wrinkles! Low maintenance sya at wala syang toner or creams na inaapply. Kojie san ang sabon nya pero di naman daw sya naputi. Hinalungkat ko talaga cabinet nya at wala akong nakitang anti-aging creams ek-ek, puro tawas lang. LOL. Yung Neocell collagen tabs lang din talaga tinetake nya. Kainggit! Pinag-iisipan ko kung etong Neocell or yung Youtheory.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #203 on: August 24, 2015, 01:57:46 pm »
sis parpol gusto ko din toh itry(till di pa ako preggy hehe)para naman blooming kahit paano sana.
kaso yoko naman sa online bumili.panu ba pumunta ng cash and carry ?
meron daw sa healthy options yun lang mas mahal ata..

parpol_haze

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #204 on: August 24, 2015, 02:40:54 pm »
Wala naman siguro fake nito? Sino kaya ang trusted online seller nito dito sa Pinas? Parang gusto ko i try e.

Sis kakakita ko lang sa Avery Store ng Neocell. Check mo nalang. Trusted online seller yan.

^@mikaelavhan - Taga san ka sis? Para maturo ko sayo yung directions.

Sa mga gumagamit po ng collagen tabs na may super oily and acne prone skin, ano po yung mga brands na hiyang senyo? Kasi yun ang worry ko e. Baka imbis na kuminis ako sa collagen e shumanget pa lalo. My friend has normal to dry skin at hiyang na hiyang sa kanya yung Neocell. Hesitant pa tuloy ako bilhin kasi baka di pede sa skin type ko. :-\

reighnyielle

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #205 on: August 24, 2015, 04:26:56 pm »
Philippine-based store ba yung avery store?

parpol_haze

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #206 on: August 24, 2015, 05:12:13 pm »
Yes sis. Jan kumukuha madalas mga sis natin dito ng Ishigaki gluta kasi mura e.

reighnyielle

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #207 on: August 24, 2015, 05:36:58 pm »
^ Thanks ulit sis!  :)

mikaelavhan

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #208 on: August 24, 2015, 05:57:12 pm »
^sis parpol Manggaling ako sis sa market market..
Pwede din kaya sakin yan neocell kasi oily din ako at baka magbreakout galore ako ..

Nagback read ako..nakakataba daw ayon sa iba naten sisses na nakagamit..usually sa face daw(lumalaki cheeks nila)tapos ganado sa pagkain .
sabagay hiyangan lang naman talaga.

parpol_haze

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #209 on: August 24, 2015, 08:15:52 pm »
Sis, from market-market, sakay ka ng bus papuntang MRT Ayala. From there, sakay ka ng bus going to Baclaran. Sabihin mo sa kundoktor ibaba ka sa Cash & Carry. Not sure kung may iba pang mas ok na way papuntang Cash & Carry pero eto lang kasi ang alam ko kung sa market-market ka manggagaling. Nkaka-plump nga daw ng cheeks ang collagen. Maybe because of water retention. May nabasa din kasi akong ganung effect pag nagttake ng collagen/hyaluronic acid pero depende padin kung pano magrereact body natin. Yung friend ko naman kasi hindi mukang bochog ang face. Siguro kasi very active ang lifestyle nya tska three times a day lang sya nagttake nung Neocell.
« Last Edit: August 24, 2015, 08:18:46 pm by parpol_haze »

lionheart2010

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #210 on: September 11, 2015, 01:00:22 am »
Mga sis may nakapagtry na ba sa inyo ng Star Collagen + Vitamin B Complex 3000mg from Thailand. Curious kasi ako if legit yun. Kasi parang ang tataas ng dosage ng mga capsules/supplement from Thai.

Thanks in advance.

ana mimi

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #211 on: September 11, 2015, 01:23:41 am »
Gusto ko rin mag try ng collagen tablets. Kaya lang hesitant pa ako dahil baka mas maging chubby yung mukha ko, e lobo na nga yung cheeks ko ngayon pa lang. Nagpapapayat pa naman ako pero madalang ako magpunta sa gym.

Gusto ko lang na maging young looking skin ko pati hair na rin. Although I'm just 25 pa naman.

chuy

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #212 on: September 17, 2015, 06:39:47 pm »
@parpol_haze, andito ka rin pala sis ;D which variant ng Neocell gamit niya? I use YouTheory at wala naman negative reaction sa akin. Naging pino din pores ko at fresh tignan kahit few hours of sleep lang. I don't wear makeup o kahit loose powder kaya madaling tignan kung maaliwalas ang skin ko. My skin is also oily pero hindi naman masyadong acne-prone. Tipong paisa-isa lang pag may period. Nagkaroon lang ako ng grabeng acne breakout dati due to injectable contraceptive.

If you search in Amazon, sobrang dami ng feedback for Neocell (around 1000+ reviews) compared to YouTheory (200+ lang). May nagbigay lang kasi sa akin ng YouTheory kaya naghahanap ako ng legit seller pag maubos ko stock ko since hiyang naman ako dito. Pero kung mas mura Neocell, baka try ko rin yun para ma-compare ;D

parpol_haze

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #213 on: September 17, 2015, 06:58:36 pm »
Hi sis chuy! ;D Neocell Super Collagen +C Type 1&3 gamit nung friend ko. Mura Neocell kung sa Cash & Carry ka bibili. Yun lang alam ko kasi na pinakamurang mabibilhan. Hesitant padin ako pero nasa To-Buy list ko na sya. :D

ana mimi

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #214 on: September 17, 2015, 09:03:40 pm »
Nasa to-buy list ko na rin yang neocell. kaya lang yung normal na dosage nya is 6 caps a day, 3 sa umaga and sa night. kati masyado. haha. andami ko na iniinom na supplements ngayon. kailangan kong ayusin yung mga oras kung kelan ko sya iinumin. hehe.

misslovelyjoy

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #215 on: September 18, 2015, 02:34:23 pm »
Nagstart na ko ulit magtake ng collagen. Youtheory type 1, 2 & 3. A week before my period eh pimple galore ako. Nagstart ako magtake 2x a day then during my period nagclear na lahat ng pimps though may marks. I dunno kung dahil sa youtheory o dahil kasabay ng pagtake ko nito eh ginamit ko din yung balancing facial wash and toner from HHN. So di ko talaga alam alin sa dalawa nagpawala sa pimps ko.

vainmom

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #216 on: September 18, 2015, 02:48:07 pm »
Musta na mga nagtake ng 2-3 caps per day lang?hindi ba lumaki cheeks nyo?

parpol_haze

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #217 on: September 18, 2015, 03:33:58 pm »
@ana mimi - Sis yung friend ko 3x a day lang sya nagttake ng Neocell and it is still very effective for her.

Serena.

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #218 on: September 18, 2015, 04:54:24 pm »
I really think this is effective.. Sa dami ng beauty rituals ko, di ko na alam pano pa isasama to, lol so i decided to just start on this once i do revamping for anti-aging skin care. hehe, di ako ma excite totally coz that means id be older.. ;(

ana mimi

  • Guest
Re: Collagen Tablet
« Reply #219 on: September 18, 2015, 10:09:54 pm »
Nakita ko kase sya 1000 lang, 250 caps. Maybe good for 2 mos na yun. dami ko na kase tine-take na supplements. inisip ko pano ko pa sya isisingit. haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close