Author Topic: BEING A "MISTRESS"  (Read 170688 times)

three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #600 on: December 10, 2017, 06:59:50 pm »
^ somehow kailangan mo rin itanung yun sa bf mo, dahil pag kayo talaga nagkatuluyan na mag sama for life anjan ang magkakameron kang worries na lahat ng mapupundar nyong ari arian o [textspeak!] pa man posibleng mag habol ang ex ni bf mo. sa madaling salita kailangan pa rin talaga mapawalang bisa ang kasal nila para totally wala ng kaugnayan si bf mo sa ex nya.

okay lang kung lahat ng investment nyo ni bf nakapangalan sayo siguro. doon wala kang talo.

mznogood149

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #601 on: December 10, 2017, 09:09:45 pm »
Gustong gusto ni bf na MA annual kahit mga fam niya. Kaso need lang talaga mag ipon. Kahit gusto naming mag baby na ipagpaliban muna para no conflict.

Sakin ok lang naman if umeksena wife niya kasi anak din ni bf ang makikinabang.  at isa lang naman anak niya sa labas.  Hindi na din nag asawa ulit.


mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #602 on: December 10, 2017, 09:33:22 pm »
^Kung hindi big deal sayo kung anong tawag sa iyo why even bother to know kung considered as mistress ka pa din ba? Don?t get me wrong, we?re on the same boat pero dedma lang ako since di naman ako ang reason ng hiwalayan nila and ilang years na din silang hiwalay bago naging kami. I hate kabit na nang-aagaw ng asawa or maski bf ng may bf lang? always nasa legal family ang simpatya ko sa mga ganyan maski mistress pa ako.

Kung madali at simple lang ang annulment process for sure gagawa din naman ng legal na hakbang ang bf ko. Well my bf tried muntik pa siya maloko, ofw kasi siya so mostly online ang transaction. Buti nalang nakinig sa akin nun sinabi ko na wag muna ituloy kasi masama kutob ko and it turned out na bogus ang lawyer. Kapag nagcheck kami sa ibp valid naman yung lawyer pero iba talaga kutob ko kaya sabi ko uwi muna siya to transact personally with the lawyer. So umatras muna siya then after sometime nalaman namin nahuli si fake lawyer for identity theft and large scale estafa. After nun nakakadala na magtiwala. Antayin nalang namin yung dissolution of marriage.

mznogood149

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #603 on: December 10, 2017, 11:22:01 pm »
^Wala lang gusto ko lang malaman na ay yon pala tawag sa tulad ko. Hehe akala ko kasi Yong mistress eh Yong naninira lang ng family.  na third party. Yong my inaagrabyado.

Parang same nga tayo. Isa din sa mga rason na hindi pa MA annual2 si bf kasi wala siya dito.

Evolet027

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #604 on: December 11, 2017, 01:31:34 am »
^^ hi sis! Ano ng progress ng dissolution of marriage? Walang balita lately. Anyway, nag ba backread ako dito, sad na hindi pala valid or magandang ground for annulment ang infidelity. 😒😒😒


mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #605 on: December 11, 2017, 01:54:38 am »
^Wala pang linaw sis pero tutukan daw siya ni Sec Alvarez next year. Isa kami sa hopefuls na sana maipasa at maging batas ang dissolution of narriage. Mas ok ito compared sa annulment na kailangan magbatuhan ng putik maski mutual naman ang desisyon na wakasan na ang marriage?

True nakaka-sad na di kasama ang infidelity sa grounds. Parang sinasabi na kapag nanloko tiisin mo nalang at babalik din yan sa tunay na asawa kaya habaan ang pasensya at pakamartir.

Evolet027

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #606 on: December 11, 2017, 09:07:08 am »
^ oh I see. Sad naman nun. Anyway sana next year mas maipasa na yun at sana mas mura kesa sa annulment. Or sana magkaron na ng divorce dito! Anyway, thanks sis! Sa annulment thread pala ko dapat tumambay. 😉

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #607 on: December 11, 2017, 09:26:55 am »
^Hopefully sis para may option naman aside from annulment and legal separation. Less stressful ang process ng dissolution of marriage. Ok lang naman na mahal basta sure na granted. Nakakatakot kasi magfile ng annulment since walang assurance na ma-grant.

Evolet027

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #608 on: December 11, 2017, 10:42:45 am »
^ yun nga eh, sayang pera kung di ma grant. 😔

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #609 on: December 11, 2017, 11:57:59 am »
^True kaya nag-aalangan din. Alam ko naman na di niya pupulutin lang ang panggastos.

kvandenhaak

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #610 on: December 11, 2017, 11:16:31 pm »
I hate other women and mistresses too but to be fair with those na may BF/GF na matagal ng hiwalay, don't be too hard on yourselves. They maybe still married according to the law, hindi naman kayo ang dahilan ng hiwalayan. Sa akin, ang kabit is yung very much in the relationship pa si guy/girl tapos kumabit ka. Madali kasing sabihin na dapat annulled na eh we know how difficult it is to get annulment in the Philippines, as in goodluck and hope bago ka madedo, ma-approve.

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #611 on: December 11, 2017, 11:39:23 pm »
Madali kasing sabihin na dapat annulled na eh we know how difficult it is to get annulment in the Philippines, as in goodluck and hope bago ka madedo, ma-approve.
True. Alam ko naman na kung madali lang ito matagal ng annulled ang bf ko,baka bago pa kami magkakilala annulled na siya, kaso may panggastos man siya ang hirap pa din since ofw siya?muntik pa maloko ng fake lawyer. Ayaw naman niya na siya ang magfinance tapos si wife ang magfile ng case. Wala daw kasi sa kanya ang control (maski siya pa ang nagfinance) kung wife niya ang magpa-file. Sana bigyan naman ng option ng government ang mga mag-asawa na mutual na maghiwalay.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #612 on: December 12, 2017, 07:06:49 pm »
I agree kung gusto maghiwalay ng mutual, pagbigyan na sana ng batas! Pwede namang pirmahan nyo lang pareho, tapos usapan. Wag na idaan sa lengthy process that involves a lot of money.

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #613 on: December 12, 2017, 07:26:57 pm »
Oo nga napaka-lengthy and gastos na idagdag pa ang emotional stress. Kailangan mo na palabasin na may depekto ang sarili mo or/and wife para lang ma-grant.

fhierze21

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #614 on: January 15, 2019, 06:45:34 pm »
Gusto ku lang pu sana humingi ng payo sa inyo kase sobrang stress ku lang pu ngayun.
11 yrs ago merun pu akung naging boyfriend, nabuntis nya ako at nag kaanak kami. Dahil pu dala pa ng kabataan namin 19yrs old lang pu kase aku nuon, pinili ko pong lumayo sa kanya. Inuna ku pu [textspeak!] pangarap ku. Nagtrabaho at nag tapos pu aku ng pagaaral ku.. After 11yrs nagkita pu ulit kami ng ex boyfriend ku peru may asawa na pu sya at kasal na.. Isa pu syang INC hindi nya daw pu gustu [textspeak!] girl peru dahil nabuntis nya at para di sya matiwalag pinakasalan nya. Hindi ku pu akalain na magkikita kami ulit sa ganitong sitwasyun. Nagusap pu kami sa ngyari sa past na wala naman pong closure [textspeak!] about sa amin dun ku nalaman na hinintay nya ku peru di aku nag paramdam sakanya 27yrs old na sya nakapag asawa kakahintay nya sakin. Hindi ku pu lam ang gagawin ku mahal parin namin ang isat isa at naawa aku na makulong sya sa sitasyung hindi sya masaya dahil sa napipilitan lang sya.. Araw-araw pu sila ag aaway ng asawa nya. Hindi nya magawang makipag hiwalay dahil sa relihiyon nila. Hindi ku pu alam ang gagawin ku sobrang na dedepressed na pu aku at naguguluhan.. Sana ay may makapag payo po sakin. Salamat pu


three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #615 on: January 22, 2019, 04:31:35 pm »
^ kung ano man pinag dadaanan ng ex mo sa ngayon labas ka na doon. hindi mo na problema yun, unang una hindi mo naman sya kaano ano. tatay sya ng anak nyo pero hindi mo naman ata ni honor. so, hindi ka dapat nai stress. tsaka mas pinili nya relihiyon nya diba? eh di yun ang sundin nya.. bakit mo parurusuhan yung sarili mo eh di naman ikaw yung nahihirapan? hayaan mo na yang ex mo na yan, may asawa na yan at anak din, wala nang magaganap na balikan sa inyo. nataguyod mo na mag isa yung anak nyo at nalampasan mo na yung mga pagsubok na dumaan sayo. wag ka na pumasok pa uli. kung gusto mo maghabol yung para sa bata na lang. pero ikaw, nasasayo din yan kung concern ka sa ex mo pag nahabol ka pa mas lalo madadagdagan paghihirap nya. makakadagdag ka lang sa isipin nya pag nakisawsaw ka pa sa gulo nya.

otra_vez

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #616 on: March 24, 2019, 10:16:10 am »
i have a friend whose husband left her for his mistress. the husband has always been unfaithful, even during their bf-gf days. may kasalanan din naman talaga ni friend. alam na ngang babaero, pinakasalan pa din. anyway, they've been married for nearly 20 years now and in all these years, he had affairs din. finally, he met this 20 something b1tch and initially, he was telling  my friend na ay, i'm just after the benefits i get from our business together. then he left na nga. ang masaklap is pinalabas ni guy na it's my friend who cheated on him. he also took two of their kids and kumbaga right now, binabahay niya si kabit.

to add insult to injury, the kabit is very loud on social media. kung makapagparinig na kesyo the wife is a bad mom (this one really got to me because sa lahat naman nang magma-mom shame, yun pang sobrang bobang kabit) , that my friend is yung  prinsesa type of wife. my friend was a stay at home mom kasi at ang yinayabang sa kabit is sya, may sariling pera. hello? kaya lang naman siya may pera din dahil mayaman pamilya niya.  hindi ko alam saan kumukuha ng mukha ang mga kabit na ganito katapang.

i am so close to creating a dummy account para lang barahin siya. please somebody, stop me.  :-X

Evolet027

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #617 on: March 24, 2019, 12:56:44 pm »
^ continue your plan of creating a dummy account. Pleaseeeeeee 😆😆😆

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #618 on: March 24, 2019, 03:16:04 pm »
^^Bakit hindi si wife ang tumayo at ipaglaban sarili niya, nagsasama na pala yung 2, kung tutuusin pwede niya padampot mga yun tapos makipagdeal siya ng sustento at tigilan ang pagpaparinig in any form. Or she can continue na dedmahin nalang. Paano ba nalalaman ang parinig? I assume sa socmed ito. Ini-stalk ba ni wife si mistress?

No need to create a dummy, use your real account para mas credible. Nangyari yan sa akin. Yung naninira naman ang gumawa ng dummy para siraan ako. Yung mga kamag-anak at friends ko gumamit ng real account nila para barahin yung gumawa ng dummy. Kilala namin yung gumagawa ng dummy. Nung una report lang namin tapos madedelete then gagawa ng bago so yun napikon relatives and friends ko inaway nila yung dummy sa pm and comments. Kung maraming friends si wife kuyugin ninyo si mistress pagnagparinig sa socmed. Siya din mapapahiya sa friends niya.

Evolet027

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #619 on: March 24, 2019, 03:38:07 pm »
^ yeah true mas OK kung di dummy account. I support you.

Maging ready ka nga lang sa pag backfire sayo if ever babarahin mo sa socmed.
« Last Edit: March 24, 2019, 03:41:07 pm by Kiara027 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close