Author Topic: BEING A "MISTRESS"  (Read 170631 times)

Ms. Undecided

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #540 on: July 28, 2017, 04:03:30 pm »
Just want to share this.

May friend ako na mistress, though at first, I can't blame her. Nung OJT days niya kasi, nanligaw sa kanya yung parang bisor dun sa company na pinag-OJT-han niya, pero di niya alam na may asawa't anak na yung guy. 1 year after niya nalaman pero anong magagawa niya, minahal na niya yung lalaki bago pa niya malaman yun. PAg nagkukwento ako sa kanya ng love problem ko, nahihiya ako haha kasi parang hello? mas matindi pinagdadaanan niya sakin. Sabi niya gustong gusto na daw niya kumalas kaso sobrang attached na siya. 4 years na sila nung lalaki, even family niya alam na kabit siya kaso kahit anong paliwanag namin sa kanya na stop na, wala eh. Naniniwala ako na alam naman talaga natin kung ano yung dapat nating gawin pero hindi lang natin ginagawa.

Galit ako sa mga kabit, no offense meant. Hindi dahil nanggaling ako sa pamilya na may ganung issue ha, pero kasi if I were in the legal wife's shoes, hindi ko rin gugustuhin yung ganun. Mapagtaksilan ka nga lang ng boypren mo, parang nakakamatay na, what more if kasal na kayo at may anak pa :( Sad.

shinies

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #541 on: July 28, 2017, 05:19:10 pm »
Yung di pa alam, aba siyempre di naman kasalanan ni kabit yun. Pero sa sandaling malaman na niya, siya na mismo pumipili na magkasala siya.

1 year lang naman nung nalaman niya. Kung kumalas siya eh di sana maayos na buhay niya ngayon. Yung iba nga nilelet go yung minahal nila ng matagal na para sa mabuting layunin (mga not the right time chuchu), what more yung 1 year lang dahil kabit ka na?

Sabi niya gustong gusto na daw niya kumalas kaso sobrang attached na siya.
Echos lang yan.. Pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan ::)

Ms. Undecided

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #542 on: July 29, 2017, 10:29:12 am »
^ Yas sis, sabi ko nga sa kanya na alam naman na niya dapat niyang gawin in the first place, ayaw lang niyang gawin.

three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #543 on: July 31, 2017, 08:27:37 pm »
Sabi niya gustong gusto na daw niya kumalas kaso sobrang attached na siya.

Sa anong klaseng pagkaka attached ba yung friend mo? at hindi sya makaalis alis o makawala? gusto nya kumalas daw pero yun ang sinasabi ng bibig nya pero iba naman ang dinidikta ng isip nya.. pride yan sis, di matanggap ng kaibigan mo na naloko sya ng taong pinagkatiwalaan nya ng 1 year. mas inuuna nya ang kapakanan nya kesa ng iba.. ang karma madali lang tumama, nakuha ngang lokohin ng lalake yung sarili nyang pamilya sya pa kaya na kabit lang....

just saying lang sis...  ;)

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #544 on: August 01, 2017, 12:24:44 pm »
^Sinasabi niya lang pero walang effort sa part niya.

three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #545 on: August 01, 2017, 03:07:18 pm »
^ hindi lang sa walang effort. wala talaga ata sya balak gawin hakbang sis para magkahiwalay na sila ng landas.

missyawhereabouts

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #546 on: August 14, 2017, 02:27:49 pm »
Ayan, Yan ang hirap sa mga kabit eh. Alam ng may family, may partner, alam naman taken na, why not stop it? Eh ano kung attached na? That's not a good reason to still hole on. Have respect to yourself, respect rin sa parter nung other party. You have your ways to stop. Andaming way. Pwede ka naman lumipat ng place na titirhan, change your number, block them in your social media para matigil lang. Sabi nga nung iba, if there's a will, there's a way. But if you, yourself don't want to stop, you'll have all the reason in the world.

Mahal ka, mahal mo. Hindi po yun reason. Nakakasakit ka ng ibang tao. Nag sasayang ka ng oras ng ibang tao. Nanloloko ka.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #547 on: August 15, 2017, 04:31:31 pm »
Truth, kalokohan ang hinde kaya, ayaw lang.

baby_chichay

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #548 on: August 21, 2017, 03:39:11 pm »
Still after a year na huli ako nagpost dito ng rant ko regarding my dad's kabit, hindi ko pa din talaga magets bakit kumakabit ang mga kabit.

I am all for women empowerment but sorry lahat ng kabit ay lowest of the low. They have this special designated place sa hell na magkakasama sila. Mas mababa pa sila sa mga nagbebenta ng l@man. Kasi sila ginagawa nila yun to sustain their living. Pero yung mga kabit. Anong rason. Wala. Mahal nila yung kinabitan nila. Attachment? May kids? True love?Bullsh1t.

How can they sleep sound at night knowing that they ruined the lives of the husband's family especially the kids? At we are talking about forever na sirang pamilya ha. Kahit magkaayos pa yung original couple wala na nasugatan na. Di na maibabalik sa dati. If they die in their sleep siguradong sa impyerno derecho nila.

Sad to say dito sa pinas glorified ang mga kabit. "Nagmahal lang ako?" "Masama bang magmahal?" Bull talaga. I know they have another "side" of the story but who cares? In the end kabit lang sila. Pero bakit nga ba may nananalong kabit? Tapos pinapakasalan pa if ever humantong sa divorce or annulment or mamatay na yung wife sa sama ng loob. Is their "winning" permanent? I'd like to think na may balik lahat but i am too impatient to wait for karma to strike them back.

If I have to say one thing ng tapos, na I know hinding hindi ko kakainin later on, is never ako papayag ma maging kabit. It's all about my respect for myself. Mawala na lahat ng lalake at least I have my dignity.
« Last Edit: August 21, 2017, 03:45:17 pm by baby_chichay »

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #549 on: August 21, 2017, 04:28:01 pm »
True, kayang i-prevent kung gusto. Kapag kasal na at may anak na ibang usapan na yan.

Ms. Undecided

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #550 on: August 22, 2017, 11:20:44 am »
Last June lang sabi niya sakin iniiwasan na daw niya, text daw ng text di daw niya pinapansin. Pero ngayon nakikita ko sa mga posts niya sa FB na umaalis na naman sila (pero di niya pinapakita si guy) They even celebrated their monthsary. Hanggang dun lang ako sa "girl, tigilan mo na yan, may nasisira kang pamilya", kasi at the end of the day, siya naman masusunod diba, di ko na pwede panghimasukan yun. Naiinis din ako, kasi kung sa akin nangyari yun, di ko kakayanin yun. Naloko nga lang ako ng bf ko, naging miserable na ko, what more kung asawa at may anak pa kayo. Nakwento pa nga niya na tinetext na siya ng asawa gamit ibang nmber daw pero alam daw niya yun yung asawa, sinasabi na pang-kama lang daw siya. Mabait pa nga yung asawa kasi hanggang ganun lang ginagawa nung girl.

Ako nga iwas din ako sa mga lalaking nagpapakita ng motibo tas may asawa na, nandidiri ako sa mga ganun. Nagawa mo sa asawa mo, most probably magagawa mo rin sakin yun, so f*** off! :3

lovemeagain30

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #551 on: August 22, 2017, 02:50:40 pm »
I'm also wondering sa mga kabit anong kayang values tinuturo nila sa anak nila lalo na kapag anak ay babae like wag niyo ko gayahin?  ;D nabanggit ko lang eto kasi yung anak na babae ni Erap sa kabit niyang si Laarni ay nagpakasal. ang iniisip ko anong standard kaya ang iseset ni Jerika sa marriage niya kung siya mismo "proud" sa family sinetup ng father niya sakanila.  ???  If cheating happens to her will she also give that equal understanding?

Gets niyo ko mga sis? lalim noh!  ;D pero kasi pag pumasok ka ganyan setup , hindi lang puro sarap eh lalo na pag may involved ng mga anak.

xiannasofia

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #552 on: August 22, 2017, 03:00:52 pm »
^ there's a rumor that bernard palance cheated on her sa condo pa man din nilang magpartner na bigay ni erap that's why she broke up with him. well baka iba din story kasi hindi naman sila kasal

lovemeagain30

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #553 on: August 22, 2017, 03:22:50 pm »
^ there's a rumor that bernard palance cheated on her sa condo pa man din nilang magpartner na bigay ni erap that's why she broke up with him. well baka iba din story kasi hindi naman sila kasal

She can't stand cheating pero 3 silang magkakapatid sa labas ng tatay niya?  ;D  Isn't she supposed to have more tolerance/understanding for this kind of instances?  Pero di naman niya kasalanan kasi nanay naman yun naki kabit ang nakaka amaze (for the lack of better term) is lantaran talaga sila noh.  walang konting hiya/respect sa first wife/family.  Then, nagpakasal siya.  ;)

(OT na I know, I just have to give a popular example.)
« Last Edit: August 22, 2017, 03:24:24 pm by lovemeagain30 »

shinies

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #554 on: August 22, 2017, 06:28:33 pm »
Hanggang dun lang ako sa "girl, tigilan mo na yan, may nasisira kang pamilya",

Hanggang saan nga lang ba pwede mo gawin kung kaibigan mo ang kabit?

Nakwento pa nga niya na tinetext na siya ng asawa gamit ibang nmber daw pero alam daw niya yun yung asawa, sinasabi na pang-kama lang daw siya.

Hindi ba totoo naman kasi di naman iniiwan yung asawa para pakasalan siya?

I'm also wondering sa mga kabit anong kayang values tinuturo nila sa anak nila lalo na kapag anak ay babae like wag niyo ko gayahin? 

Yung iba kasi di naman alam na kabit ang nanay nila ::)

hisana

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #555 on: September 19, 2017, 11:30:07 am »
May napanood ako sa youtube ng wife and mistress na nagkasabay sa FX (though ewan ko kung legit ba yun or staged, kasi ang malas naman na nagkasabay pa sila, LOL). Anyway, so sinabunutan ni misis yung mistress, so eventually bumaba na lang si mistress, pero bago sya bumaba, may sinabi pa sya sa wife na "binalikan nya ako" or something like that. Para sa akin lang, bakit naman parang proud na proud pa sya na binalikan sya nun? Unang una, it shows na okay na okay lang sa kanya ang maging kabit (we can only hope that this happens to her one day when she is married...oo, I know masama mag-wish ng masama sa kapwa, eh as a lesson naman di ba, para lang makita natin ang reaction kapag sinabi ng mistress ng husband nya na "binalikan nya ako", hahaha). Pangalawa, bakit sya proud na pinili sya ng isang lalaki katulad nun, na nagsasabay ng dalawang babae. Hindi ba nya na-realize na hindi lang naman yung wife yung talo sa setup na yun. Sya rin talo sya! Akala siguro nya nakalamang sya dun sa wife, na mas maganda, mas desirable, etc. Well, ang totoo nyan eh pareho lang naman silang nilamangan nung guy.
« Last Edit: September 19, 2017, 11:32:10 am by hisana »

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #556 on: September 19, 2017, 11:56:51 am »
^Yan ang di maintindihan ng ibang girls. I mean imbes na sila ang mag-away di ba dapat yung guy ang awayin at kalasan nila pareho? Kaya lumalaki ulo ng mga manlolokong lalake dahil pinag-aawayan sila. Lakas makapogi.

three8one

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #557 on: September 19, 2017, 01:18:34 pm »
^ mainit ulo teh??? hehe.. easyhan mo lang kapatid..

pero tama ka, dapat unahin awayin ng legit wife yung mister nila dahil una sa lahat yun mister ang may kasalanan sa misis.. kaya lang karamihan sa atin, nagrereact tayo sa mga bagay bagay base sa emotion natin pero kung gagamitan lang natin ng wisdom yung pagdedesisyon natin sigurado may magandang patutunguhan yun.

jhandee

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #558 on: September 20, 2017, 03:03:58 am »
Hi mga sis, I think na share ko na to a couple of years ago dito sa GT kaso di ko na makita yung thread. Anyway this is about dun sa officemate ko na guy na until now continous pa din ang relationship nya dun sa mistress nya. Pareho ko silang friend pero si Legal wife di ko pa na meet kahit minsan.  Si legal wife 3 na anak 1 yr old na yung youngest si mistress naman buntis ulit ngayon pang 3rd na din. Grabe lang talaga as in naka post pa sa FB si guy naman super proud pa dito sa office namin na binalita nya. 4 yrs na sila ni mistress and naka buo na agad sila ng tatlo na walang idea si misis. Until now si guy dun pa rin nauwi kay misis pero everyday before going to work sila ni mistress magkasama. Naaawa ako sa mga bata kasi ang gusto ni mistress pag nabuntis si misis dapat sya din hindi sya papayag na hindi sila patas . Tapos pag nanganak na si mistress iiwan nya yung bata sa nanay nya para mag alaga then solo sya sa apartment nya na kala mo walang anak. Sabi ko kay guy yung pamilya nga na 2 anak parehong may work ang parents hirap mag pa aral tapos sila go lang ng go. Ang pangako kasi ni guy hanap lang daw sya ng tyempo iiwan na talaga nya si misis kasi mas mahal nya si mistress kaya yun ang pinanghahawakan ni mistress. Hindi talaga nahihiya silang dalawa . Minsan nate temp na ako sabihin kay misis pero I just found out na may sakit si misis at naoperahan lang baka mamaya ako pa maging cause ng atake ni misis. Alam ko naman I should mind my own business pero nakokonsensya lang ako.

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #559 on: September 20, 2017, 04:12:42 am »
^Sis buti kaya ni guy suportahan all 6 kids?! Bigat sa bulsa nun ah. And si mistress talagang umaasa ah. Antagal na ng 4yrs na pagkuha ng tyempo. Kawawa naman si misis may sakit pa pala. Hay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close