^^ Haven't backread fully, pero I can say na napaka talamak nyan dito sa Middle East and I heard sa SG din daw, not sure sa US, Canada etc, pero mostly sa mga bansa na di ganon kadali isama asawa at anak and hinde ganon kalaki income para dalhin buong pamilya or umuwe as often as possible.
By madami, I mean personal ko mga kakilala mismo, merong mga komplikado relasyon like iyakan to the max, awayan ng legal wife and kabit, suguran meron din parang casual nalang na pag andito sila ang magkarelasyon pag umuwe balik sa mga asawa nila at pamilya.
Mahirap mag judge kasi lahat yan sila pag naringgan mo ng kwento isa lang sasabihin sayo, nagkakalabuan sila ng asawa or gf sa Pinas, nagsusuporta nalang para sa bata, or di nalang mahiwalayan kasi ayaw ng gulo, at nahihiya sa pamilya, at the end of the day di natin alam ano totoo.
May isa akong friend, bisyo na ata nya pumatol sa may asawa, di sa hinahanap nya, pero sa age range nila lahat naman talaga married na or with kids, at usually eh pakilala single, or hiwalay na, di na mahal asawa, you know the drill, so syempre si babae bibigay lalo pag niligawan na, uso pa naman inuman dito mayat maya konting bolahan, kuhaan ng number, maya maya dating na at magulat ka nalang sila na.
True, mahirap kasi talaga magtrabaho sa abroad, kaya madami talaga natetempt kumabit or magkaron ng kabit, at first napaka judgmental ko, I don't respect them and I feel disgust, halos iwasan ko sa pagkasuklam pero later on nakikita ko mga storya both sides, hinde sa tanggap ko na or ineencourage pero naiintindihan ko na ngayon kung bakit nangyayari.
Kaya two cents para sa mga nagaabroad, kung feeling nyo talaga fragile ang relasyon nyo, wag na wag papayag sa LDR, isama agad ang Asawa at anak pag alis, or umuwe nalang agad pagtapos makaipon pang negosyo. Yun nga nasa 1 bansa, nagkakaron pa ng chance mag cheat, what more kung nasa iba na kayong continent or country.
Sa mga babae since babae talaga lagi nabibiktima, do your own thorough research muna bago bumigay, susmiyo wag naman masyadong gullible.