Author Topic: BEING A "MISTRESS"  (Read 170769 times)

Shadow Angel

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #480 on: November 01, 2016, 11:14:22 pm »
^true hindi ko sinasabing na walang ibang lahi na babaero meron pero mga foreigner na babae iba maghandle ng mga babaero lalaki mas mataas ang percentage na hindi itotolarate ang pagiging wominizer ng lalaki kung magbigay man sila ng chance isa o dalawa lang.

Girltalker2

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #481 on: November 02, 2016, 07:18:22 pm »
Tapos eto namang experience ko sa isang Canadian guy that I briefly dated. I told the girl what her BF is doing. She called me on the phone, crying. I told her exactly what happened pero hindi nagalit sa akin. She actually thanked me. Break agad, blocked sa Facebook and said she will never talk to him again. Kung Pinay si girl, baka ako pa ang sinabunutan nun...LOL!

Tama! Super agree! Pag pinay, ikaw pa magkaroon ng kaaway.


Kaya ako ibang lahi ang pinili ko maging asawa. So far happy and contented and secured na hindi magloloko. Pero siempre on guard pa rin ako. Dati pa namin napag usapan if may 3rd party involve no excuses hiwalay ang kakahantugan namin.

Good choice!!! In fact (knock on wood), sana mapili din ng Daughter ko is Hindi Pinoy. Sobra akong scared na maka encounter ng Pinoy talaga. Tingin ko kundi manloloko, highly likely mambababae.

But then, ibang lahi din naman may affairs. BUT somehow, they're discreet. Di lantaran na walang hiya. Satin dinadala pa sa public ang Mistress, sa office, sa family gatherings. At kinikilala pa mismo ng mga Kaibigan.

Iyan ang issue ko lalo na sa pinas or kung malaking group na Pinoy na nagkumpol kumpol, ang daming nangungunsinti. And this kind of environment is really not healthy for honest and sincere relationships.

At lastly! Si babae!  Since nabanggit nyo narin --- I totally agree. pinays here have a reputation of being easy, pumapatol sa may asawa, cheap etc BUT they are better in taking care of their lovers than the wives kasi. But that's another story.
I really don't know where the morals of pinoys abroad in generAl, or be it in pinas. Kada kanto may kabit. Kada kanto may anak sa labas or anak na di kasal ang magulang (sorry if I'm too blatant).

Rationale ko dyan is because pinoys in general are too emotional. Laging naniniwala sa happy ever after at bata palang, may tuksuhan, partner-partner, crush-crush at ang aaga mag asawa eh di pa mature. Kaya Ang ending, extra marital affairs.

Anyway, sis shadow angel, just to reiterate, I think you did the right choice sa pag asawa nang di Pinoy (though I think latinos and Chinese are highly likely to cheat also). At kung ako ikaw, huwag na huwag mo hahayaan pumunta sa pinas mag Isa ang Asawa mo ng matagal because I'm sure maraming aakit at willling kabits around.
« Last Edit: November 02, 2016, 07:20:44 pm by Girltalker2 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #482 on: November 02, 2016, 11:10:38 pm »
^true sis lumalakad na pera ang tingin ng Pinay sa mga foreigners dito kaya ingat sa mga may partner na foreigner na pupunta or mag-stay sa Pinas kasi willing ang Pinay gawin makaahon lang sa hirap. Maski pumatol pa sa matanda sa sobrang tanda. Kaya sister ko ayaw magstay dito and di rin masyado bumabarkada sa Pinay, nangyari na kasi sa classmate niya sa language school. Yung Pinay sinisiraan niya sa asawang Koreano yun pala yung naninira na Pinay bet yung Koreano buti maaga nabuko kaya di natuluyan maghiwalay ang mag-asawa. Kaya ingat din sa kaibigan na Pinay baka ahas yan.

kvandenhaak

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #483 on: November 03, 2016, 12:59:12 am »
^^Wow, really? That low? Ganon talaga ang reputation nating mga Pinay?

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #484 on: November 03, 2016, 02:03:10 am »
Sorry to say sis pero panget ng image ng Pinay. Pagnalaman na Pinay ang asawa ang matic na tanong "how much allowance ang pinadadala sa family ni Pinay sa Phils?" Kaya ang (Korean) BIL ko proud sa sis ko kasi hindi ganun ang family namin. Mga friends ni BIL na may Pinay wife nagugulat pa pagsinabi niya na hindi sila nagpapadala sa amin ng monthly allowance. Maski sa store/mall gold digger ang tingin sa mga Pinay ng mga SA kaya sabi ng sis ko buti na lang medyo singkit siya. Naja-judge daw kasi siya agad kapag nalaman na Pinay siya.

chelvin26

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #485 on: November 03, 2016, 03:31:16 am »
totoo to, iba ang tingin sa pinay na nakapang asawa ng foreigner, parang ang dating eh isa na naman pamilyang pinoy ang nakaahon sa kahirapan, sad but true. Ganon na ang tingin satin ngayon ng iba. Meron kasi na kahit super tanda na ay pumapatol talaga diba. maybe because of love but also money. :(

Shadow Angel

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #486 on: November 03, 2016, 04:33:27 am »
Sis kvandenhaak true ka dyan dati nun nag ffb pa si hubby may mga nagmemessage pa na pinay hindi nirereplyan ng asawa ko minsan nagreply sya sinabihan nya may asawa kaya ngayon un hubby ko mismo lumayo sa fb. Hindi naman kasi ako selosa at wala pa kami issue sa 3rd party. Kahit naman kasama ako sa pinas makikita mo un ibang pinay lantaran lumandi buti un asawa ko lagi dedma. Madaling pati umalis hubby ko na hindi ako kasama mas clingy nga sya kesa sa akin. Sya lagi nakabuntot sa mga lakad ko.
Anyway about sa padala sa pinas majority talaga maraming pinay na ginagawang atm ang mga f nila. Konti lang kilala ko na katulad ko hindi nagpapadala. Kasi ok naman family ko sa pinas.
Naku dami nyan na mga matatanda asawa nuh mga pinay kaya pangit ng tingin nila grabe rin manlait un ibang lahi sa mga couples na nakikita nila na matanda un f tapos sobrang bata nun pinay. Minsan nakakahiya talaga. 
Pero pinaka natorious talaga na ok na ok lang sa mga pinay na kabit sila or sila ang may kabit.

kvandenhaak

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #487 on: November 03, 2016, 05:09:28 am »
I can understand yung mga talagang na-inlove sa mga guys na taken and they didn't know na taken na pala. Hindi talaga mahirap basta umalis sa sitwasyon.  Pero yung alam mong hindi na single tapos lalandiin mo pa talaga, ibang level na yun!

I am sure some will say na mahirap magsalita unless you actually experience to be in the situation. Trust me, I have been tempted before. But I said to myself, "Ganito lang ba ang tingin ko sa sarili ko?" It's just not me. I can safely say, I will never be a mistress of anyone. No man is worthy enough for me to stoop that low.

chelvin26

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #488 on: November 03, 2016, 05:17:04 am »
Totoo yan mga sis, kakapal ng mukha nung mga babaeng alam ng may asawa/bf eh todo landi pa din,
I am in this situation before. Pero bf/gf palang sila.. and hindi ko inintertain, tapos i was cheated din kaya malaki galit ko sa mga kabit, hahaha. and my dad also had a mistress. Home wrecker talaga.

etong fiance ko has friends na may mistresses, timping timpi ako imessage yung wife nila, kaso sabi ni fiance hayaan nalang daw, sila na bahala ang makatuklas, sabi ko naman, ganon nalang ba yun, kawawa naman yung girl diba, may mga kids pa yun ha,, and years of cheating na yung ginagawa ng friends ni fiance. Hindi lang ito isa ha, 3 friends niya, nakakaloka diba, i'm planning to create dummy fb account tapos saka ako mag message sa mga wife nila, kaso ayon huwag nalang daw kami makialam.. Boys will always be boys talaga. :(

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #489 on: November 03, 2016, 06:08:07 am »
^Mahirap kasi makialam diyan lalo na iba ang mentality ng Pinay pagdating sa cheating. Sometimes they will take it against you pa maski concern ka lang naman talaga. Its either gyerahin ni girl si guy or ikaw ang gyerahin ni girl at pagbintangan na sinisiraan ang bf/hubby niya. Pwede ka pa pag-isipan na gusto mo agawin partner niya kaya gumagawa ka ng kwento. May babae na kahit sinasampal na sila ng ebidensya hindi pa din maniniwala or magtitiis pa din. Kaya useless din ang pagsasabi mo kung di naman ico-confront ni girl si guy kasi bulag sa pag-ibig. Di pa matatapos ang issue diyan, si guy na involve and ang bf mo pwedeng magka-rift. Isa pang reason kung bakit mahirap makialam is silang magpartner pwedeng magkaayos after ng gulo at magbalik ka-sweetan pero kayong magkaibigan for sure possible na malamatan ang friendship ninyo. Wag na wag ka makikialam unless super sure ka na openminded ang gf/wife nila and handa silang iwan ang manlolokong partner nila.

chelvin26

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #490 on: November 03, 2016, 06:51:23 am »
you're right sis  mysterioza_me yan din sabi ni fiance, kaya huwag na daw makielam, I just can't help it na kitang kita ko yung cheating nung friend ni fiance pero wala ako magawa, anyways, thats life.
May karma din naman yung kapalit.  sana magbago na sila kasi kawawa ang family. At doon naman sa mistress eh sana matauhan na at mapag isip isip na naninira siya ng pamilya and i'm sure ayaw din namang mangyari sakanya yun.

engr_neechee

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #491 on: November 03, 2016, 06:53:40 am »
Share ko lang mga sis.

My brother in law married in Qatar on December 2013.  Pinakilala ang wife niya sa family nila ng February 2014.  I didn't meet her personally kasi ayoko sa in-laws ko.  Iwas lang ako.  Hindi kami in good terms noon nila in-laws due to differences in family values and financial values.  The wife has an ongoing application as USRN while my brother-in-law did AWOL in Qatar to start his new employment sa UK.  Ang usapan daw is susunod si brother-in-law sa US.

Come November 2014, inayos ng husband ko kami ng Mom niya.  I found out na separated na pala si brother-in-law at ang misis niya.  Nung una eh hindi ko alam ang reason.  Yun pala, sa sasandaling panahon na long distance yung mag-asawa, nakabuntis ng iba si brother in law sa UK.  Wala akong narinig na balita.  One day, nagpost sa facebook ang legal kong bilas.  Dun ko nalaman na nung una ayaw pa raw makipaghiwalay ni brother-in-law.  Si legal wife daw ang pinili pero mas ginusto na lang ni legal wife na magkaroon ng ama yung bata sa UK.  So mistress gets to keep her husband na lang. 

My in-laws receive allowance from brother-in-law.  And nagmove in na rin sugar daddy ng sister ni hubby.  Sagot ni sugar daddy ang food and utilities sa bahay nila mother-in-law.  Nagpapadala din si brother-in-law.  Actually pangalan ni mistress ang nakalagay sa mga padalang money.  I don't know how that works pero they see the name.  (ang familiar lang kasi ako is bank transfers so di ko alam pano nakikita ang name).

August of this year, umalis papuntang UK ang mother-in-law ko at si father-in-law.  Dun sila nagstay kay brother-in-law and mistress.  At gumawa na rin ng facebook account si mother-in-law.  Family na family sila dun with mistress. 

Actually hiningi ni legal wife na favor na ipaannull na lang ang kasal nila kasi nakamove on naman na siya.

Being a daughter-in-law and you know that your MIL and [textspeak!] are coddling the mistress, ano ang mararamdaman ninyo? 

Naisingit ko lang dito kasi this is about mistresses....

mysterioza_me

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #492 on: November 03, 2016, 10:26:25 am »
^Kung hindi sana si mistress ang reason ng hiwalayan ok lang (I mean kung hiwalay na si husband and wife bago dumating si mistress sa buhay ni husband) tutal naka-move on naman na si legal wife. Lumalabas kinukunsinte ng magulang ang anak nila or di din natin alam baka kasi nagpunta na lang din ang parents ng guy dun kasi aware sila na naka-move on na ang anak nila at si wife. Pwede din naman kasi na tanggap nila ang anak nila at apo pero hindi si mistress. May mga matatanda kasi na sabik sa apo.

engr_neechee

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #493 on: November 03, 2016, 12:14:15 pm »
^They have pictures na family na family si mistress.  Yun nga lang, hindi nagpapakita sa amin kapag kavideo-call namin sila in-laws.  Pero yung mga pictures nila, naku! Happy family.  Nakalagay pa sa facebook ni mistress na, "Everything made sense when I became a mother."

shinies

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #494 on: November 03, 2016, 12:46:43 pm »
Ingat din sa mga kaibigan na B.I, minsan yan nagbibigay ng lakas ng loob magtaksil.

Ang mga magulang di naman matitiis anak nila. Lalo kung may apo at may sustento hehe.

Girltalker2

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #495 on: November 03, 2016, 06:55:10 pm »
@engr_neechee, sa situation ng inlaws mo, pag isipin mo kasi, Ano ba puede nilang gawin? Especially if nakaasa sila sa sustento ng bil mo. Alangan awayin nila eh di naman sila inaano at di naman sila affected.


etong fiance ko has friends na may mistresses, timping timpi ako imessage yung wife nila, kaso sabi ni fiance hayaan nalang daw, sila na bahala ang makatuklas, sabi ko naman, ganon nalang ba yun, kawawa naman yung girl diba, may mga kids pa yun ha,, and years of cheating na yung ginagawa ng friends ni fiance. Hindi lang ito isa ha, 3 friends niya, nakakaloka diba, i'm planning to create dummy fb account tapos saka ako mag message sa mga wife nila, kaso ayon huwag nalang daw kami makialam.. Boys will always be boys talaga. :(

Sis i understand you're point of view, kasi what if sayo mangyari? Mas prefer mo ba tahimik din sila kahit lantaran? Ikaw mismo ang di makatulog sa nakikita mo kaya ka nag iisip how to tell them. Something aint right - that's what you call conscience.

Take ko dyan, yeah, huwag makialam but it doesn't mean di ako magsasalita. In fact I would not allow fiancé/hubby to mingle with them. Malay ko maimpluensyahan pa sya. Di ba may kasabihan - tell me your friends and I will tell you who you are. Kung ganyan mga kaibigan ng fiancé ko, I will have second thoughts. At sya pa mismo ang kumukunsinti. My partner sometimes din may kaibigan na ganyan, una una di ko alam. Pero nung napansin ko why di na sila labas madalas, sya na mismo nagsabi sakin ayaw nya to be put in a very awkward position. Alam nya and yet pag kaharap ang Wife, di nya kaya magpatay malisya.

If you think makapal mukha nung mga kabit ng friends ng fiancé mo, feeling ko Mas makakapal mukha ng mga friends ng fiancé mo.  Blatant cheaters talaga. And you should keep your fiancé away from them at all cost.

Tsaka eh Ano ngayon kung magalit mga kaibigan nya? Eh mga walang kwentang kaibigan naman. If course, he has to tell them first not to do it, then if ayaw makinig, eh di isumbong at bahala na sila. Feeling ko lang if these a**holes can cheat their family and kids, Ano pa kaya ibang Tao like your fiancé? So they're not worth your time to be friends with. Malamang sila pa magbuyo kay fiancé mag strip dance or ons sa bachelor party! Sorry ha, Hindi sa tinatakot kita, but it's good to just be on guard against these kinds of so-called friends.
« Last Edit: November 03, 2016, 07:09:41 pm by Girltalker2 »

Shadow Angel

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #496 on: November 03, 2016, 06:59:30 pm »
^tama ka dyan aminin natin na malakas maka impluwensya ng friends kaya nga nagcliclick kasi may mga something common sa kanila. Kung ako rin mapapaisip kung hindi lang isa 3 pa sa friends nya ang ganun. Then parang hindi naman ata affected un bf na ganun mga friends nya.

Girltalker2

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #497 on: November 03, 2016, 07:30:15 pm »
Naja-judge daw kasi siya agad kapag nalaman na Pinay siya.

Kinda sad nga minsan iniisip nila kaya nag asawa ng foreigner. Kahit naman satin, people think Tayo mga babae LANG Lagi nakaasa sa asawa or sa lalaki (in case you're the Mistress). Nabwisit ngako one time when I was with my kids in Elnido Miniloc. Sabi sakin ng Tour guide bakit daw di ko kasama si sir. Hay naku to Tinaasan ko ng kilay - I'm separated and ako lang tumataguyod sa mga Anak ko. We don't need a man in our family. Sa loob loob ko, Ano isip nila, may sugar daddy ako kaya I can bring myself and my kids there?! 

Feeling ko ingrained na kasi sa culture natin kaya ganyan Ang mga lalaki, generally speaking mga babae at tingin ng mga lalaki (generally din but di lahat) sa mga pinay.

Ay tsaka oo nga pala, na tanong  din sakin ni partner (not Pinoy) - bakit ganyan sila? Referring to -
1. Pinoys - nangangaliwa at lantaran. One time kasi his trainer was sick, nag substitute na trainer Pinoy. Abah tanong daw sa love life nya at kwento daw ng kwento na may asawa daw sa pinas, may gf daw sa pinas at 3 gf dito. Sabi nya kung nangangaliwa sya, as it is, di na sya nahiya, at pinagk kwento pa sa madla

2. Pinays - he noticed very touchy and they don't keep their distance. Minsan may meeting sya sa manila, mismo yung babae ang dikit daw sa kanya pag naglalakad sila (group lunch).
Tapos sa church dito, nagulat sya nung Lingon nya sa Isang side, may pinay smiling sa kanya. Di nya pinansin isip nya maybe someone else na akala nya sya. Nung communion na napatingin sya that direction kasi doon yung palabas sa aisle, abah nag hello talaga si ate at gusto makipagkilala.

Then sa office nya, alam na may gf na sya, Yung pinay HR habol nang habol sa kanya. Daming pasalubong Tuwing galing pinas yung girl, binabalik nya talaga sa table. Tapos got his number (kasi HR nga) at nags send ng photos nya. It came to a point he told the girl, isusumbong na Kita sa HR head nyo if you don't stop stalking me.
Sabi ni partner Di nya maintindihan daw why so many NO at di daw marunong mahiya yung pinay.

chelvin26

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #498 on: November 03, 2016, 08:35:25 pm »
Tama kayo diyan mga sis.. This 3 friends magkakaiba ng group.. 2 from other group then iba naman yung isang group. Yung nag iisa. Hindi na siya sumasama doon medyo matagal na. He chose not to din kasi nga dahil dun at lumayo na din yung friend na yun sa circle nila.


And this 2 naman hs friends nila ito. Barkada sila.. Actually yan din sabi ko. Bakit nyu kinukunsinti, sabi niya di daw nila kinukunsinti, lagi daw nila sinasabihan yang mga yan. As in todo payo, pero wala din naman ginagawa. Same situation pa din, ayaw makinig, bulag sa pagibig. There are times na gagamitin pa yung name namin na kasama namin yung friend nya para makatakas sa asawa. Bwiset n bwiset ako.. Kibit balikat nalang. Kasi ayoko nadin makielam saknila..thats their life. Choice nila yon.  And hindi na siya nakikisama sa mga yun. Pag mag lakad lagi ko ask sino mga kasama niya. I guess super busy yun sa mga babae nila. Ayoko kasi na pag sakin nangyari yun walang magsasabi eh..  Naawa lang ako sa mga wife nila pati kids.

Shadow Angel

  • Guest
Re: BEING A "MISTRESS"
« Reply #499 on: November 03, 2016, 08:57:09 pm »
^^sis girltalker ganyan din ask ni hubby sa akin bakit ganun mga pinay sila madalas magpakita ng flirty side si hubby rin lagi dedma. Ako never pa ako nagselos. Si hubby nga medyo may selos sa katawan kaya mas maingat sya un tipong alam nya un dapat hindi gawin kasi kung sya magseselos daw sya. May mga friends si hubby na girls pero puro mga oldies parang nanay na nya. Dami nga raw nya nanay. Tapos nakakasama ko rin un iba. Ganun talaga ata ang pinay pagkakakita ng foreigner hindi tinatago ang kilig.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close